Chapter 4

2K 63 10
                                    

Chapter 4

“Sasama ka ba mamaya, Amely?” tanong ni Elyse sa akin pagkalabas namin sa classroom. Today is her cousin’s birthday and I was invited.

Nagdadalawang-isip pa ako kung sasama ba ako kung hindi. Knowing Mama, alam kong malakas ang radar no'n. Noong nakaraan ay muntik na kaming mahuli dahil sa ginawa namin. Sino ba ang matinong tao ang papasok sa bar kahit na sixteen pa lang?

Tinignan ko siya saglit at paulit-ulit na mag-isip kung tama bang sumama ako. Ayaw ko nang magalit si Daddy. At isa pa nangako ako sa kaniya na mag-fo-focus na ako ngayon sa academics ko. Pero sadyang kampon yata ng demonyo ‘to si Elyse dahil ayaw akong tantanan.

“Pass muna ako ngayon. Pakisabi na lang kay Denmark na hindi ako makapunta,” sagot ko at agad na binitbit ang bag papunta sa parking area. Baka sunduin ako ni Dad.

Speaking of Dad, yes si Tito Calum ang tinutukoy ko. Talagang pinangatawan niya ang pagiging ama ko. Hindi ko na lang din pinansin ang mga nang-uusig na titig ng ibang kaklase ko. And Celes, she really hates me to bits now. So am I.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari noon. We were given a chance to compete for that damned contest at siyempre, deep inside I was really happy. That finally, we are recognized by our teachers, too. Akala ko noon talagang Isa ako sa mga isasalang para sa contest na ‘yon pero ginawa lang pala nila ‘yon para malaman ang capability namin.

Huh. Nagkamali ako, e. Kailan pa ba kami napansin? Kung hindi kami magrereklamo ay hindi rin naman nila kami pagbibigyan ng pansin. Pilit naming isinisiksik ang sarili namin sa lugar kung saan una palang hindi kami nararapat.

We got to answer a whole question sheets for two hours and the person who got to have the highest score will be the final representative for that contest. Ano pa ba ang aasahan ko? S’yempre si Celestina na naman ang bida. Gustong-gusto ko siyang sabunutan noon, lahat ng opurtunidad na bukmubukas para sa akin ay nakukuha niya ng ganoon kadali.

Natauhan ako nang may humawak sa braso ko. Damn, hindi pa ba siya umaalis?

“Ano na? Hindi ka ba talaga sasama? Minsan lang naman! Saka kahit mga two hours ka lang doon! Hindi ka naman ganito dati, a! We used to go out late at night dati, ngayon ano? Para kang binukot.” Umirap pa siya pagkasabi niya noon at bahagyang sinabunutan ako.

Tinignan ko siya, nanunuri. Tinaasan niya ako ng kilay at ang sarap niyang supalpalin. Kahit kailan talaga ay walang ginawa ang babaeng ‘to kung ‘di ang yayain ako sa mga gimik nilang muntik ng nagpahamak sa akin.

“Two hours? Seryoso ‘yan, a?” paninigurado ko. Sasabihin ko na lang siguro na ginabi kami dahil sa school projects. Yes. Ngayon lang naman ‘to. Once wouldn’t hurt, right?

Ngumisi siya. “Oo nga! Masyado ka namang tense. Ano ka? Dalagang Pilipina?” humalakhak pa siya na ikinairap ko. I checked my wrist watch and I mentally take note of going home when it strikes seven.

“Tara na nga! Kapag seven na uuwi na ako. Ayaw kong ma-grounded na naman dahil dito.”

“Alright.”

Agad niya akong hinila papunta sa SUV nila at agad akong itinulak papasok. Inis na hinampas ko ang braso niya nang itinulak niya ako na kamuntikan ko nang ikinasubsob. “What the heck was that for?” bulyaw niya at hinimas ang brasong hinampas ko.

I glared at her. “Makatulak ka, e, no? Para kang kidnapper. Marunong akong sumakay nang ako lang, hindi kailangan manulak.”

“Duh. Nagmamadali kaya tayo! Uuwi ka kapag seven na! We got no time to waste!” Eksahearadang sambit niya. “Ang prinsesa kasi bawal gabihin! Like, ihahatid ka naman namin! Ano ba ang ikinakatakot mo?”

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Where stories live. Discover now