Chapter 23

1.4K 43 46
                                    

Chapter 23

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Agad akong ginapang ng kaba at takot. Hindi agad ako nakasagot sa tumawag dahil sa sobrang gulat. Napakurap-kurap ako ng ilang beses dahil baka nagkamali lang ako ng dinig. Mga ilang minuto pa bago ako nakasagot.

“W-what?! You can’t do that!” galit na singhal ko dito.

Nanginginig ang katawan ko sa sobrang takot at galit para kay Mama! Ano ang karapatan niya para gawin ito sa akin?! Hindi ko siya pinapakialaman dahil iyon ang alam kong paraan para matahimik na ang buhay ko! Pero bakit kailangan pang umabot sa ganito?!

She is using Luis to threaten me!

“Of course, I can, Amely. You know what I can do. Your father has recovered from our loss last year and our business is booming in the business world now. Pulling some strings to ruin your lover isn’t that hard for me anymore.”

Kumuyom ang mga palad ko at napahigpit ang kapit sa cellphone. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kay Mama kapag ginawa niya iyon! Wala akong pakialam kung magalit siya sa akin! I will never leave Luis! He is already my life! How can I do that?!

“That won’t work on me, Mama! Nananahimik na ako! Ano pa ba ang gusto mo at kailangan pang umabot sa ganito?!” nag-unahang magtuluan ang luha ko at nasapo ko ang bibig para pigilan ang paghikbi.

I will never give her the satisfaction that she wants! Kung may bagay man na hindi ko gagawin ay nasisiguro kong iyon ay ang bitiwan si Luis! I tried so hard not to let her hear my sobs. Alam kong mas lalakas ang loob niyang takutin ako ng ganito kapag nalaman niyang natatakot ako sa kaya niyang gawin sa amin ni Luis!

“I want you to go home before next week, o baka naman gusto mo pang kaladkarin kita pauwi kagaya noong ginawa ko sa iyon noong pinalayas kita?!” she shouted, angry.

Napamura ako kalaunan ay pagak na natawa. Ang mga taong dumadaan ay napapatingin sa akin. Ang iba ay nagtataka ang iba naman ay naawa sa akin. Sino ba ang hindi?! Nananahimik na ako, e. Kaya ko na. Maayos na kami ni Luis pero bakit ganito na naman?!

“Iyon nga, Ma!” hindi ko mapigilang mapasigaw. “Pinalayas mo na ako hindi ba?! Ano pa ang ginagawa mo at gusto mo akong umuwi diyan?! Ayaw mo sa akin bilang anak mo, hindi ba? At anong nangyari?! Binabawi mo na naman?! Stop giving me false hopes dahil hindi ka na nakakatuwa!”

I heard her sighed on the other line. “I am doing this for you, Amely. Just follow me para wala ng gulo. Be here by this week kung hindi alam mo na kung ano ang mangyayari.”

Hindi na ako nakasagot pa dahil tuluyan nang naputol ang tawag. Gusto kong magwala sa galit! Galit na galit ako sa lahat!  Kung saan okay na ang lahat! Masaya na ako kay Luis pagkatapos ay ito na naman! Nasapo ko ang noo at wala sa sariling naglakad papasok sa campus.

Hindi ako papayag na gawin nila ito sa amin! Kung noon ay nagpakanti ako sa kanila, ngayon ay hindi na! I can't bear to see myself leaving Luis! Hindi ko alam kung masasanay ba akong gumising nang hindi siya katabi! Ang hindi siya mayakap at mahalikan bago matulog!

Nanghihinang napaupo ako sa upuan ko at hindi magawang pagtuuanan ng pansin ang mga kaklase kong nag-iingay. Kahit na anong gawin nila para tawagin ang atensyon ko ay nanatili lamang akong nakatulala sa kawalan.

Kung hindi ako uuwi ay sisirain nila ang career ni Luis! Ayaw kong mangyari iyon! Alam ko kung gaano kahalaga kay Luis ang trabaho niya. He may be born rich but he is so passionate when it comes to teaching. Hindi ko maatim na makita siyang bumagsak at ako ang dahilan.

Pero bakit kailangan ko pang umuwi kung alam ko namang ayaw nila sa akin? Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa sobrang gulo ng utak ko. Parang sasabog ang ulo ko maging ang dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko!

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Where stories live. Discover now