Chapter 6

1.8K 59 15
                                    

Chapter 6

Kinabukasan sa school ay tahimik lang ako. Ni minsan hindi ako nakaramdam ng hiya sa tuwing naglalakad ako sa corridor. Pero ngayon, iba na. Todo iwas ako dahil sa pasa ko sa mukha, na dati at walang hiya at taas noo akong nakikihakubilo sa kanila. I pity myself for being this vulnerable right now. Why does everyone seems so easy with their life? Bakit parang hindi naman kagaya ng sa akin?

The feeling that you have your parents but they think so ill of you. Isn’t that just great? Siguro ganoon nga talaga, na tama ang sinasabi nilang life is unfair? Pero depende naman siguro kung paano natin i-a-apply ang mga bagay na naranasan natin.

‘Yong sinabi sa kanta ni Ed Sheeran na, “life can get you down, so I just numbed the way it feel.” Siguro tama nga, sa sobrang sakit na binibigay sa ‘yo habang tumatagal, habang nananalaytay sa ugat mo ang sakit, ang desperasyon na makuha ang gusto mo, namamanhid ka. Unti-unti nang nasasanay ang sarili mo sa pagtanggap ng sakit na para bang kinagat ka lang ng langgam.

Ants may be small but they create huge impact, great pain when stepped on. In every way, we see the world differently, we have our own perspective of what does reality and life really mean. Ano nga ba? Ang pagiging buhay ba ay puro na lang pasakit?

Ang sabi ang buhay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsan nasa ilalim. Ang iba ay bakit kahit ano ang maging kahihinatnan masaya naman? Ako? Pakiramdam ko palagi na lang ma sa ibaba. Patuloy pang bumabagsak. Ni hindi ko minsan naramdaman ang umangat o mapansin ng sino man. Dahil siguro nga, may taong ipinanganak para masaktan lang.

I heard murmurs, gossips and people bad-mouthing about me. I used to get attention, everything that I want except for one— my parent’s attention. I may have it but it seems so shallow, hindi ko ramdam. Parang minsan napipilitan lang. Kahit hindi sabihin ni Mama ramdam ko ang pagkadisgusto niya sa akin. Hindi pa ba sapat? Nasaktan na niya ako, sinaksak ng bawat salita niya, tagos hanggang puso.

Tinakpan ko ang pisngi kong nagkapasa gamit ang aking buhok, I couldn’t explain how I felt right now. I used to be their apple of the eye, ngayon, oo nga naman. I got their attention, I see pity, disgust and amusement in their eyes. No doubt, I’ll be the talk of the Town?

Nagbingi-bingihan ako, at hindi na pinansin ang mga nagtatanong nilang mga mata na nakatutok sa akin nang pumasok ako sa silid. Ano namang mapapala ko kung sasabihin ko sa kanila? Their fake concerns are like trash in a dumpster, basura pa sa basura. Sinabi ko bang magtanong sila? Mag-alala? Dahil noong mga oras na naghahanap ako ng kalinga ng ina, ama, at kaibigan may dumating ba? Wala.

I saw Jennie, I can call her a friend, she looks so worried. I faked a smile to let her know that I am fine. Why wouldn’t I? I’m still breathing, hindi naman nakakamamamatay ang isang sampal ni Mama.

“Mag-usap tayo mamaya,” she mouthed at me and I just nodded.

Hindi na ako nag-atubili pang lumabas kaagad sa classroom nang matapos ang klase namain sa umagang iyon. Habang inaabangan ko si Jennie sa labas ay nakita ko si Celestina, may kausap na lalaki. She seemed close to that guy, maya-maya ay hinalikan siya nito sa ulo at umalis na.

I smiled bitterly. Kahit simpleng halik sa ulo, kinainggitan ko. Nasa amin nga ang Papa niya pero mukhang maayos naman siya ngayon. She’s loved and that is why I envy her a lot. Simple lang naman siya, walang ginagawa pero bakit lahat napupunta sa kaniya? Bakit sa akin, kahit ambunan ng kaunti ay wala?

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Where stories live. Discover now