Chapter 26

1.5K 42 56
                                    

Chapter 26

Sa sobrang takot ko ay halos manginig ako. Hanggang sa makauwi na si Denmark ay hindi pa rin maampat ang luha ko. Sobra akong nag-aalala kay Luis! Maging kay Celestina ay hindi ko rin inaasahan na ganito ang mangyayari!

What does he mean by saying that he will use Celestina to give him a heir? That man was crazy! Nababaliw na siya! The thought of him spying on Celestina creeps me out. Hindi ko inisip na magiging ganito si Denmark.

Denmark is really good way back years ago. Pero ngayon, hindi ko na alam! Parang hindi ko na siya kilala! At sigurado akong walang alam si Celestina na may mga litrato siya sa lalaking iyon! And worst is nakahubad pa!

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok. I wiped off my tears. Kahit na anong punas ko ay mahahalata pa rin na umiyak ako dahil sa pamumula ng tungki ng aking ilong at pamamaga ng aking mga mata. Napayakap ako sa mga binti ko nang bumukas iyon.

I didn’t bother looking at the person who entered my room.

“Amely...”

“Anong ginagawa mo rito? Hindi ba at pinagkanulo niyo ako sa demonyong ‘yon!” halos mapigtas ang pagtitimpi ko dahil kay Daddy! Anong karapatan nilang magdesisyon kung sino ang papakasalan ko?!

“We did that for your safety, A-amely. Huwag ka sanang magalit sa amin ng Mama mo dahil nag-aalala lamang kami sa iyo.” He said, pilit ipinapaintindi sa akin kung bakit nila iyon ginawa. Pero kahit anong pilit ko ay nananatiling sarado ang isipan ko.

“Baliw iyon! Alam mo ba kung anong pinaggagawa niyon, ha?! Kaya niyo ba ako pinauwi para pakasalan ang lalaking iyon?! Iyon ba ang rason?!”

Hindi na maipinta ang mukha ni Daddy dahil sa pagsigaw ko sa kaniya. Bumagsak ang balikat niya kapagkuwan ay tumango kaya dinampot ko ang kung ano man ang mahawakan ko at pinagbabato iyon sa kaniya. Bawat tapon ko sa kaniya ay sinasalag niya.

“Anak, makinig ka muna...” hinawi niya ang unan na sana ay tatama sa mukha niya. “Ginawa lang namin iyon dahil ayaw naming saktan ka niya! Wala kaming ibang pagpipilian dahil tinakot kami ng pamilya niya! Anak! He is obsessed with you! Mas gugustuhin namin ng Mama mo na makasal ka sa kaniya kahit labag sa loob namin kaysa sa umuwi ka sa amin ngunit bangkay na!”

I stilled. Parang namingi ako sa sinabi ni Daddy maging ang pagtibok ng puso ko ay halos huminto na rin. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa tiyan ko. Daddy was also crying. Mas naiyak ako nang lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko at marahang hinawakan ang nanginginig kong mga kamay.

“Anak... mahal na mahal ka namin ng Mama mo...” napayuko siya at suminghot bago tumingin sa akin. “Alam kong alam mo ang nararamdaman namin ng Mama mo ngayon, magiging ina ka na rin. Alam mo kung anong takot ang nararamdaman namin kapag alam naming mapapahamak ang anak namin.”

Suminghot ako pilit na iniintindi ang sinabi ni Daddy. Denmark was obsessed with me. Pero bakit pati si Celestina dinadamay niya? Alam ba nito na pinagbantaan ako ni Denmark tungkol kay Celes?

“We can ask for help from Luis, Dad... Ang hirap para sa akin na malayo kay Luis lalo pa at buntis ako ngayon! Natatakot ako! Baka kung ano ang gawin ni Denmark sa kaniya!”

Niyakap niya ako at pilit na pinapatahan. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil bago mandilim ang paningin ko ay nakita ko ang pagpasok ni Mama sa kwarto ko.

It was so hard to aim for something that is not meant for you. Ang hirap abutin ni Luis kung alam kong may kadenang pilit humihila sa akin pabalik kay Denmark. Hindi ko kayang ipagsawalang-bahala na lang ang mga banta niya dahil alam ko kung ano ang kaya niyang gawin.

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Where stories live. Discover now