Chapter 25

1.6K 37 63
                                    

Chapter 25

I was shocked when Mama suddenly cupped my breast once again. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Knowing that she said that I am pregnant! Masaya ako na kinakabahan!

“Buy a PT in the drugstore later. I want to know if my assumption was right.” umalis siya sa harapan ko at agad na pumunta sa crib ni Arcus.

Arcus was sleeping peacefully like nothing wrong is happening around him. I wish my life could be like that, peaceful and I have control over my life. Napatingin ako kay Daddy na nakatingin rin sa akin ngayon.

Nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Napayuko na lamang ako dahil sa hiya. I want this baby if ever I am pregnant. This is the fruit of our love. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag napatunayan na buntis nga ako sa anak ni Luis!

Pinahid ko ang luha ko at nakayukong  tinungo ang hagdanan. Hindi ako nakarinig ng kahit ano kay Daddy pero alam kong disappointed siya sa nangyari sa akin. He was supportive of me and I just failed him.

Nanlulumo akong umakyat sa hagdanan. I trailed the path to my room. So nostalgic, isang taon—lampas isang taon noong huli akong tumapak sa pamamahay na ito. Lahat ng gamit ko ngayon ay si Luis ang nagbigay. Walang-wala ako noong mga panahong iyon at si Luis, sa lahat ng oras ay nasa tabi ko siya.

Hinawakan ko lahat ng muebles sa kwarto ko, maging ang vanity mirror at ang kordiso ng bintana. This is all new to me. Naninibago ako. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang malungkot na mukha ni Luis. Parang sinasaksak ako ng punyal.

Hinawi ko ang kurtina ng kwarto ko at doon ko malayang pinagmasdan ang tanawin mula sa kuwarto ko. Pero ang mumunting kapayapaan ko ay unti-unting nabura noong makita ko kung sino ang nasa labas ng gate ng bahay namin. Nakatingin sa akin.

Agad nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Hinawak ko ang kamay ko sa glass window at pilit inaabot ang imahe niya. He stood there, immobile while staring at me. Parang gustong manlambot ng mga tuhod ko nang makita ko kung paano maglandas ang luha sa pisngi niya.

Oh, God.

I saw him fished his phone out of his pocket, and one moment, I heard my phone ringing. Nanginginig ang mga kamay kong sinagot ang tawag.

“B-baby...” agad na bungad niya sa akin habang basag ang boses. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko kung paano niya mariing ipinikit ang mga mata para pigilan ang pag-iyak.

Nasapo ko ang bibig ko, nang hindi ko na kinaya at tumalikod ako mula sa bintana at sumandal na lang doon.

“G-gummybear...” tawag ko sa kaniya. Doon ko narinig ang pagsinghot niya kaya mas lalo akong naiyak.

Hindi ko yata kakayanin ‘to!

“Baby... Bumaba ka diyan please... U-umuwi na t-tayo?” nanghina ako nang marinig ang pagsusumamo niya. Napahawak ako sa tiyan ko. Gusto kong sabihin na magiging Daddy na siya pero hindi ko magawa dahil hindi pa rin ako sigurado.

“U-umuwi ka na, Luis. Hindi ako makakalabas dito. Bantay-sarado ako ni Mama,” humikbi ako at narinig ko ang malulutong niyang mura.

“K-kahit saglit lang, Amely.”

Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko nang makita ko kung paanong bumagsak ang mga balikat niya. Hindi ko kaya! Sasama ako sa iyo, Luis!

Mabilis na tinakbo ko ang pinto ng kuwarto ko. Halos liparin ko na rin ang hagdanan para makababa ako kaagad! I held my tummy tightly when I jogged down the stairs. Agad na gumawa ng tunog ang takong ng sapatos ko dahil sa sobrang pagmamadali.

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Where stories live. Discover now