Chapter 19

1.5K 54 22
                                    

Chapter 19

No matter how hard we try to fit it, hinding-hindi tayo matatanggap. The fact that I was thrown out of the house by my own mother breaks me. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Hinangad ko lang naman na makatulong sa kanila ni Daddy pero ang kinalabasan ay nagpalaboy-laboy ako sa daan.

Nahihiya akong dumaan sa gate kanina. Maging si Kuya Ton ay nag-alala sa akin. Hindi ko man lang nakuha ang pera ko sa bahay. I sighed as I trailed the pathway while the rain is still pouring. Masakit ang bawat pagpatak nito kapag tumatama sa balat ko. Pero wala naman akong karapatang magreklamo dahil unang-una wala namang may pakialam.

The rain poured so hard and I couldn’t help but to stop in the middle of the road just waiting for the time to have my easy escape. Death.

Napangiti ako sa sarili ko nang nakarinig ako ng sunod-sunod na busina. The headlights hit me and I saw how it created my shadow on the watery road. Ang sarap siguro sa pakiramdam na may taong kayang tumanggap sa iyo sa kabila ng lahat ng naranasan mo sa buhay. Where could be that person right now?

Nanatili akong hindi gumagalaw habang hinihintay na bungguin ako nito pero doon ako nagkamali. I was enveloped into a big, tight hug by Luis. I was just there, immobile. Hindi ko kayang ibalik ang mga yakap niya dahil kahit na nauulanan kami, pakiramdam ko hindi noon maaalis ang katotohanan na madumi akong babae.

Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ako para matauhan. But I was just silent. Hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin ko sa kaniya. After what I told him earlier. After denying him. That he wasn’t my boyfriend. He is still here. Shouting at me on why the hell I stayed under the rain for I might get sick.

“Amely! What’s wrong with you? You could have called me! Sinabi ko na sa iyo na kapag may problema ka, lapitan mo ako hindi ba? Pero bakit? Anong ginagawa mo rito sa gitna ng kalsada? Magpapakamatay ka ba talaga?!” he was so damn mad but still, I managed to let out a chuckle making him stun.

“Ano ba ang pakialam mo sa maruming babae na kagaya ko, Luis? You heard my mother, right? I sell my body for money. Anong tawag niyo doon? Bayarang babae? Prostitute? Bitch? Slut? Whore? Damn it! Just say what you want to say because I am damn tired of living!” I snapped. Natulala siya sa akin samantalang ako ay nakikipagtagisan sa kaniya ng tingin.

My tears poured so hard, harder that the rain right now. “I am tired of trying to fit in! Na mismong pamilya ko ay nagawa akong itakwil! And now you’re here! Are you going to call me names, too? Ipapamukha mo rin ba sa akin ang pagiging maruming babae ko, ha?! Say it! Bibigyan kita ng oras na sumbatan ako dahil pagod na pagod na ako!”

“B-baby...” kinabig niya ako palapit sa kaniya saka ako niyakap ng mahigpit. Na maging ang lamig ay hindi ko na maramdaman. “Don’t say that, please. Kailan man ay hindi ko naisip ‘yan. I am here because I got worried. Hindi ka raw ma-contact ng kaibigan mo at maging ako ay hindi kita matawagan.” He kissed my forehead and hug me tighter.

I leaned on him and poured my heart out. Bakit nandito pa rin siya? Hindi ba dapat ay mandiri rin siya sa akin? Dahil nga binebenta ko ang katawan ko para sa pera. Dahil nagtatrabaho ako sa isang bar. Hinampas ko siya sa dibdib at pumalahaw ng iyak. Parehas kaming nababasa ng ulan pero wala kaming pakialam.

“Uwi na tayo?” alok niya pero hindi ako nagsalita. Anong uuwi? May uuwian pa ba ako?

“Umuwi ka na. Dito na lang ako,” mahinang sabi ko at itinulak siya. Hinawakan niya ang braso ko nang umamba akong tatalikuran siya. Bakit ba niya ako pinapahirapan ng ganito?

Tama si Mama. Masyado siyang karespe-respeto kumpara sa akin na walang ginawa kung hindi ang maglakwatsa. I will just drag him down with me and I can't bear that one. I admit that I am falling for him, but if this means his failure, I will avoid him as much as I can.

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Where stories live. Discover now