Chapter 22

1.6K 39 32
                                    

Chapter 22

Totoo nga na kapag masaya ka ay mabilis lang na lumilipas ang panahon. Parang kailan lang ay kakasimula pa lang namin ni Luis pero ngayon, lampas isang taon na simula noong maging magkarelasyon kami. Napangiti ako nang maalala kung paano siya naging pasensyoso sa akin. Ni minsan hindi ako nakarinig ng reklamo sa kaniya.

Hindi ko alam kung makakahanap pa ba ako ng katulad ni Luis. Kung meron man ay imposibleng mapalitan ko siya. I chuckled when I felt a hand snaked on my waist and a face buried on my neck. Napailing ako nang mapagtanto kung sino iyon. Luis is very clingy, opposite to his attitude when it comes to other people.

Talagang pinanindigan niya ang lahat ng sinabi niya. He really did avoided Miss de Guzman. Alam kong mahirap para sa kaniya dahil madalas silang nagkikita at nagkakasalubong pero hindi man lang niya ito tinatapunan ng tingin. Our relationship was a tough ride. I am thankful that despite all of my rants and caprices, he never let me down. He never get tired of me. At hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nawala siya sa akin.

Siguro kapag nangyaring bibitiwan ko siya ay alam kong may malaki akong rason.

Tatlong buwan nakalipas noong pinalayas ako mula sa bahay ay doon ako nilapitan ni Daddy. Pero dahil sa takot kong mahusgahan ay umiwas ako sa kanila. I felt sad for the reason that Daddy was really trying so hard to make me and Mom reconcile.

Noong panahong iyon, wala akong ibang nakapitan kung hindi si Luis lang. Hindi na rin niya ako pinayagan na bumalik sa bar at siya mismo ang nagsustento sa lahat ng gastos ko, maging personal man hanggang sa school fees, and even tuitions.

Tama nga ang hinala ko na buntis si Mama. Hindi ako galit kay Daddy dahil sa wala siyang nagawa. Alam kong nag-aalala rin naman siya sa magiging anak nila ni Mama at wala akong karapatan na magreklamo dahil alam ko namang sampid lang ako.

Ang ngiti ko ay unti-unting nalusaw. Tanda ko pa kung paano maluha si Daddy habang pinapakiusapan si Mama na pabalikin na ako sa bahay pero masyadong sarado ang isip niya at hindi niya magawang intindihin si Daddy.

Kay Luis na ako nakatira simula pa noon. At laking pasasalamat ko na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakadiskubre sa relasyon naming dalawa. Nanganak na si Mama five months ago. It was a baby boy. Nakita ko na siya picture na ipinakita ni Daddy. Ang gwapo-gwapo ng batang iyon!

“Nalulungkot ka pa rin ba?” tanong niya mula sa likuran ko. Oo, naman. Matagal na rin noong pinalayas ako at wala pa kaming matinong pag-uusap ni Mama simula noon.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot.

“Hindi naman kaagad mawawala iyon. Masakit pa rin kasi hanggang ngayon hindi pa kami nag-uusap ng maayos ni Mama. Puro pasiringan na lang.” Binuntunan ko pa iyon ng tawa pero hindi siya umimik.

“That’s okay. Hanggang ngayon siguro ay galit pa rin siya.” He sighed before kissing my temple. Napapikit ako. He always does this to me. And it never fails to calm me down. Ugh. Luis and his ways. “Hayaan mo muna siya. Maybe giving her more time will lessen her anger for you. Nag-alala lang siya ng sobra sa iyo, Amely. But then, kahit ganoon hindi ko nagustuhan kung paano ka niya tratuhin.”

Ramdam ko ang intensidad ng boses niya kaya napalunok ako. Everytime we talk about this, alam kong pinipigilan niyang magalit sa ginawa ni Mama sa akin because no matter what he do, She's still my mother. Kaya hanggang kaya niya raw ay magtitimpi siya at rerespetuhin niya si Mama. Pero huwag lang daw nitong uulitin ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin dahil ang katiting na respetong iyon ay talagang mapipigtas.

I rubbed his arms that are hugging me. “Ayos lang, naiintindihan ko naman. At saka buntis si Mama noon, dala na rin siguro ng emosyon niya. Nagpasalamat ako na walang nangyaring masama sa baby nila ni Daddy.”

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon