Chapter 28

1.7K 50 15
                                    

Chapter 28

Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang mamuhay mag-isa. Lahat ikaw ang gumagawa. Wala akong magawang masandalan kapag may problema ako. I cut contacts with my family at kahit na kating-kati ako na tawagan si Luis dahil miss na miss ko na siya ay hindi ko magawa!

The last four years, I was really struggling so bad to have a good living. Si Dashiel ay binibisita ako rito paminsan-minsan. I felt bad, dahil noong sumunod na araw ay umalis si Celestina at iniwan siya. Everytime he comes here, nakatulala lang siya at alam kong kasalanan ko.

If not because of the photos that leaked on the website, hindi sana mangyayari iyon. Until now, wala pa ring balita kay Celestina at hindi pa rin nagpaparamdam. Dashiel tried searching for her social media accounts pero hindi niya mahanap.

Maybe she deactivated her accounts para hindi siya mahanap. It’s been five years since I came here. Medyo naninibago pa rin ako. But in those five years, wala akong nagawa kung hindi ang mangulila ng sobra kay Luis. I even heard him being linked to Miss de Guzman.

May kung anong sumuntok sa puso ko noon. I know and I trust Luis. Hindi niya ako ipagpapalit ‘di ba? Ang sabi niya ay ako lang, kahit na anong mangyari. I felt a lump on my throat and I tried so hard not to cry again. Araw-araw na lang akong umiiyak. Palaging mugto ang mga mata na para bang hindi pa natutulog nang isang linggo!

I wiped my tears as I prepare our lunch. Tinakpan ko muna iyon bago ako pumunta sa sala. May kung anong naramdaman ako sa dibdib ko nang hindi ko siya nakita sa sala. Mabilis akong bumalik sa kusina para tignan kung nandoon pa siya, pero wala!

Nanginginig ang mga kamay kong tumakbo papunta sa kuwarto. I was about to open the door when I heard voices. It was like they are talking secretly! Napahawak ako sa bibig ko nang mabuksan ko ang pinto. I saw my son sitting on the floor while holding a picture in his hand and the other on was holding my phone.

“Oh. A-are you my Daddy? Are you going to fetch me and Mom? Do you have a big house? Really? That’s so cool!” my four years old son’s eyes twinkled in so much happiness as he talk to someone over the phone.

Tumulo ang luha ko nang mapatingin siya sa akin. Oh, God. Am I that selfish? I just want to keep him safe, pero ang anak namin ang iniisip ko. Ayaw kong lumaki siya sa isang nagulong kapaligiran na kahit sobrang hirap ay gagawa pa rin ako ng paraan para magkaroon siya ng komportableng pamumuhay!

“Yes? I am here! What is your name, mister?” tanong nito sa kabilang linya maya-maya pa ay saglit itong natigilan. “Wow! Our name sounds the same! My name is Lucien... Really? Yes! I have a pretty Mom! Do you want to meet her?”

Parang sinasakal ako habang pinapanood ko ang anak kong kausapin ang ama niya sa kabilang linya. I know it was him. He calls Dashiel his Tito-Dad. Dalawa lang ang naka-phonebook sa cellphone ko. It was Luis and Dashiel’s number.

The way his eyes glimmer in delight, kailan man ay hindi ko iyon nakita kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Napatingin akong muli sa kaniya at nakita ko siyang nakatingin sa akin, nagtataka.

“Mommy? Why are you crying?” he placed the phone in the bed and it accidentally turned the loudspeaker on. I heard something dropped from the other line. Umiling ako kay Lucien.

“N-no, baby. Mommy is not crying...”

Agad akong lumapit sa kaniya at umupo sa kaniyang harapan. He wiped my tears and kissed my eyes afterwards. Mas lalo akong naiyak nang makita ko ang maamo niyang mukha. Kamukhang-kamukha niya si Luis! Oh, God!

It was like I am looking at Luis’ mini version! The lips, his stubborn jaw, even at his young age! Ano pa kapag nagbinata na siya? His eyes and even his thick brows! Wala yata itong namana sa akin! Luis’ genes dominated!

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Where stories live. Discover now