Prologue

4.5K 99 127
                                    

Prologue

"Ano 'to, Amely?" Tanong ni Mama habang minamata ang grades ko. May isa ako 91 kaya naman kinakabahan ako nang binigay 'yon sa kaniya kanina.


Yumuko ako at nilaro ang mga daliri. "Mataas naman po ang general average ko, Ma. Saka top two po ako sa class namin."


Napatalon ako nang bigla siyang sumigaw. "What?! Top two? Amely! I want you to be the best! Meaning to say you should always be at the top! Sinong Top one niyo?"


Napapikit na lang ako dahil sa kaba. Ganiyan siya palagi. Gusto niya palagi akong nangunguna. Bakit 'yong iba, ayos lang naman kahit Top ten lang, pero bakit kapag ako Top two na nga pero parang baliwala pa rin. Hindi ba pwedeng i-congratulate niya ako sa halip na sigawan dahil sa pagiging palpak?


"Si Celes po, Ma.".


"That girl again?"


"Opo." Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. "Mabait po siya, Ma. Gusto ko siyang maging kaibigan. Parang hindi nga siya nagsasalita, e."


Naalala ko na naman ang magandang mukha ni Celes. Ang ganda niya. Sana ganoon rin ako kaganda. Kaklase ko siya at nasa grade five na kami ngayon. Noong una, gusto ko na talagang maging kaibigan siya kasi mabait siya lalo na kapag ngumingiti siya, parang may nag-aawitang anghel.


Hindi ko namalayang tinapon na pala ni Mama sa mukha ko ang card ko. "Really, Amely? You still want to befriend that girl? Siya ang dahilan kung bakit Top two, ka lang. Tapos sasabihin mong gusto mong kaibiganin siya? Get rid of that girl! I want you to be the Valedictorian, Amely. Hindi Top two lang." 


Napayuko na lang ako at mapait na napangiti. Celes is really beautiful, she's kind too. Kahit wala siyang ginagawa ay nakukuha niya ang gusto niya. Marami ang gustong makipagkaibigan sa kaniya at isa na ako doon. I want to be friends with her.


Pinulot ko ang card ko at niyakap iyon. Okay lang 'yan Amely. Ginalingan mo naman, e. Saka, hindi naman kasalamo ni Celes kung Top one siya, katulad mo nag-aaral rin siyang mabuti.


Tinignan ko ang pintuan na nilabasan ni Mama. I wish you could accept me for what  I am and the things I can do. 'yon naman ang gusto ko sa una pa lang, 'yong tignan mo ako na may paghanga sa mga mata mo. Na proud ka sa akin kasi ginalingan ko sa school. Pero hindi. Mukhang suntok sa buwan yata 'yon.


Mag-g-grade six na kami sa susunod na buwan at ang saya ko dahil minsan kong nakausap si Celes. Ang sarap pakinggan ng boses niya at sobrang hinhin. Pangiti-ngiti ako nang pauwi na ako at gusto kong ikwento kay Mama 'yon.


Pero nagulat ako nang makita si Mama na kasama ang Papa ni Celes. Anong ginagawa niya rito? Lumapit ako sa kanila at binati sila. 


"Good afternoon, po! Hindi niyo po ba kasama si Celes?" Lumingon pa ako kung saan dahil baka nagtatago siya. Pero nang makita ko ang lungkot sa mukha nito ay agad akong nagsisi.


"He's going to be your father, Amely. And you will stay away from Celes. Sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nalaman niyang dito na uuwi ang Papa niya?" Si mom.


Nagtatakang tinignan ko sila. "Hindi ko po maintindihan. Bakit kailangan kong iwasan si Celes? Ma, nakausap ko si Celes at ang bait niya! Niyaya niya pa ako sa canteen kanina!"


"Kapag sinabi kong hindi, hindi! Huwag kang matigas ang ulo kung ayaw mong patigilin kita sa pag-aaral!"


Nanigas ako sa sinabi niya. Gusto ko lang naman magkaroon ng kaibigan pero bakit ganito? Kung kailan napansin na ako ni Celes ay saka pa ito nangyari.


"P-pero—"


"Matulog ka na pagkatapos mong maghapunan." Malamig nitong Sabi bago kami iniwan sa sala.


"Ayos lang 'yan. Mabait si Celes 'di ba? Anak ko 'yon kaya alam kong maiintindihan niya."


Tinignan ko siya at sinuri. "Bakit ka nandito? Hindi ba dapat ay nasa bahay niyo na kayo? At bakit sabi ni Mama ay magiging Papa na kita?"


Ngumiti lang siya sa akin. "Bata ka pa para maintindihan ang lahat ng ito kaya kapag lumaki ka na ay sasabihin ko sa iyo." Bahagya siyang natigilan bago may kinuhang pera sa wallet niya. Limangdaan iyon, inabot niya sa akin at nagtatakang kinuha ko 'yon.


"Para saan po ito?"


"Narinig long Top two ka kaya regalo ko sa 'yo. Pwede mong bilhin kung ano ang gusto mo at pwede mo ring itago at ipunin kung may gusto kang bilhin sa susunod. Congratulations."


Naluluhang tumingin ako sa kaniya at hindi ko napigilan ang mapayakap sa kaniya. Ito ang unang beses na may nag-congratulate sa akin ang ang saya-saya ko. Ang swerte ni Celes dahil may Papa siya na ganito. Ako kasi ay wala, hindi ko alam kung nasaan.


"T-thank you po!" Umiiyak kong sambit.


At noong sumunod na mga araw, nalaman ni Celes 'yon. Lalo pa at napilitan akong awatin siya dahil utos ni Mama. Na hindi ko dapat kaibiganin ang mga kaagaw ko sa pagiging number one. Kahit na labag sa loob ko ay inaway ko siya at gusto kong saktan ang sarili ko nang makita na galit siya sa akin, na maiiyak na siya dahil sa akin.


Ang sama-sama ko. Hindi ko naman ginusto, e. Ayaw kong magalit si Mama kaya ko 'yon nagawa. At 'yon ang pinagsisisihan ko. She was really good to me and I felt like I betrayed her. From then, she started to distance herself from everyone espe from girls.


Alam kong ako ang rason. Natatakot siyang masaktan ulit. Na baka may magtraidor ulit sa kaniya. I cried all night because if it. Sising-sisi ako dahil simula noon kinamuhian akin ng taong iniidolo ko sa lahat ng bagay.


She was the friend I never had. And I really regretted it all.


• • •

clingybeast

So, okay guys, this is the prologue. Please do not hate Amely, okay? Please love her like you love Celes. She's nice guys. Kinakabahan ako! I'll update when Celes' story is finished okay?! Love you!

Vote and comment! Tahimik niyo e. Stay safe!

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon