Chapter 7

1.7K 56 22
                                    

Chapter 7

Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay inis pa rin ako. Ano ba ang pumasok sa isip ko at sinabi ko 'yon? And damn! Nakakahiya talaga! I was never this ashamed of myself, ngayon lang! Dahil pa sa lintik na 'yon. Hindi ako nasundo ni Daddy, alam kong marami siyang ginagawa kaya napilitan akong mag commute.

And about Denmark, hindi ko siya kinakausap. I was betrayed again. Nagtiwala ako sa kaniya, he said it was fine. He said he doesn't care of our age gap because he likes me. Ako pa ngayon ang magmumukhang masama dahil hindi ko siya pinapansin? How dare he.

Pumasok ako sa banyo pagkatapos kong ilapag ang bag ko sa kama. Naligo ako, kahit ayaw ko naman talaga. Iniisip ko na baka matanggal ang hiya sa katawan ko ngayon kapag naligo ako. And who the hell was that man? Dumagdag pa talaga sa inis ko na tinawanan niya ako kanina! Maybe I looked like an idiot earlier?

Buwisit! Kailan pa ba ako na-conscious sa sarili ko? Ngayon lang din!

I showered and then cleaned myself. Pagkatapos ay nagbihis na ako, I want to rest. Hindi rin ako tinamaan ng gutom dahil siguro 'to sa nangyari kanina? Paghiga ko sa kama ay wala sa sariling nakapa ko ang puso ko.

"Why the hell are you racing so fast earlier?" bulong ko sa sarili. I don't remember having any heart defect kaya bakit biglang nagpalpitate? It could be? Umiling ako dahil sa naisip ko, it's too early for that.

Biglag tumunog ang cellphone ko kaya naman hinila ko ang bag ko palapit bago ko kinuha ang cellphone ko sa loob. Napatingin ako sa cellphone ko, it's an iPhone 6s it's pretty expensive alam ko. Dad gave it to me on my seventeenth birthday pero hindi ko pa rin maiwasang mainggit kay Celestina tuwing nakikita ko siya.

Nakita ko na siya minsan sa cafeteria na gamit ang cellphone niya at doon ko lang napagtanto kung gaano kalayo ang agwat namin. Her father may be on our side now but it seems like mas gumanda ang buhay niya ngayon. She was holding an iPhone 11 pro, while discussing something with her classmate who approached her.

Wala akong mahanap na kapintasan sa kaniya. Parang lahat na lang nasa kaniya, kaya naiinis ako kung bakit tila perpekto siyang tignan sa mata ng lahat. Isang anghel na bumaba sa lupa upang magbigay ng himala at kaayusan sa mundo, samantalang ako naman ay kampon ng demonyo na pilit sumisira sa mundong pilit niyang ipinagtatanggol.

Tsk. Fantasy can be so cliché sometimes. The good and the bad. The heaven and hell.

I answered the call and never had the chance to look who the caller is.

"Amely..."

Napa-ayos ako nang higa nang marinig ang boses na iyon. Tinignan ko pa ang caller ID para masiguradong siya nga 'yung tumawag. Hindi ako nagsalita. Nakinig lang ako sa mga sasabihin niya. If he explained his side, it still doesn't changed the fact that I was betrayed.

"I'm sorry, Amely," he breathed. "I know you're mad, pero p'wede bang huwag mo munang ibaba ang tawag? Pakinggan mo naman ako, please." He sounded like pleading but I wasn't moved by it. Tumahimik lang ako na tanging paghinga at ang pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko sa loob ng aking kuwarto.

"Nothing happened between me and that girl. I swear, Amely. I know that it's hard to believe but nothing really happened. Wala akong ibang mapagdadalhan sa kaniya kaya sa hotel ko siya dinala-"

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon