Chapter 11

1.6K 46 17
                                    

Chapter 11

Hanggang sa matapos ang unang duty ko noong gabing iyon, hindi naman na nadagdagan ang nagtanong kung magkano ang gabi ko. Siguro kung bigo ako ay papatulan ko siya kung inuman ang pag-uusapan. Hindi ko rin naman itatanggi na may hitsura ang lalaking iyon.

“Off na natin, ihatid kita sa subdivision niyo?” Alok ni Arielle habang inaayos ang bag niya. It’s past 2 a.m kaya madalang na lang siguro nito ang p’wedeng sakyan.

“Hindi na.” Tanggi ko. “Alam kong pagod ka rin, at saka kaya ko naman, e. Hindi naman kalayuan yung sa amin.”

Tumango siya at tinapik ako sa balikat. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang bag ko at agad na lumabas pagkatapos kong magligpit. Malamig na hangin at tahimik na gabi ang bumungad sa akin nang makalabas na ako.

Napahawak ako sa braso ko nang makaramdam ako ng lamig. Tinahak ko ang daan paalis doon at nag-abang ng taxi na masasakyan. Halos kakahating oras pa ang hinintay ko bago may dumaan na taxi at ipinagpasalamat ko naman iyon.

I breathed softly and said my thank you to the driver after I paid him. Minsan na lang ang mga driver ngayon na matitino, ang iba ay pagsasamantalahan ang pasahero kapag alam nilang mag-isa lang ito. Nakahinga ako nang maluwag nang makababa na ako sa tapat ng subdivision namin.

Mag-a-alas tres na rin nang makauwi ako. I was right. Madilim ang buong bahay. No signs of someone being home. Ako lang talaga mag-isa. Mapait akong napangiti. Ilang buwan kaya ang palugit para makapagbayad sina Daddy? Kasi parang kailan lang noong nabili itong bahay, tapos mawawala rin naman.

I should be positive that we will be able to pay our debts. I slept late and woke up so early, habang nagbibihis ako ay pumasok agad sa isip ko ang quiz namin mamaya sa bagong teacher. Napahilot ako sa noo ko nang dahil sa mga iniisip.

Mamayang hapon pa naman ‘yon, sa tanghali na lang ako mag-aaral na sana ay dapat oras ko ng pagtulog iyon para makabawi ako dahil late na ako nakatulog kaninang madaling araw. Pero kung matutulog ako, e, di absent na naman! I don’t want that! Since Alana is the top of the class, I want to be at the top, too. Hindi pwede na ganito, dahil baka kung ano na naman ang masabi ni Mama sa akin!

Knowing that hag, she’s a perfectionist kahit na siya mismo ay hindi magawang makita ang pagkakamali at pagkukulang niya sa akin bilang ina.

I sat on my chair as I wait for our next teacher to come. Napapapikit ako paminsan-minsan at kapag alam kong pipikit na talaga ako, I would just drink my water and then wait again for another minute. At hanggang sa maubos na ang oras namin sa kakahintay hindi ko mapigilang napamura. I could have just sleep for an hour kung sana ay may notice na hindi kami sisiputin, ‘di ba? Padabog akong tumayo sa upuan at sa sobrang inis ay sinipa ko iyon hanggang sa matumba at makagawa ng ingay.

“Ano bang ginagawa mo, Amely?” si Alana na ngayon ay may bitbit na photocards nila ni Celestina. Umirap ako sa kaniya.

“Why do you care? Tinamaan ka ba no’ng upuan? Hindi naman ‘di ba?” umirap akong muli dahil sa inis. Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng ‘to.

“But it’s a school property, e, paano kung masira ‘yung upuan?”

Nilapag ko ang bag ko sa desk ng kaklase ko na napaatras naman dahil ramdam niya siguro ang galit ko. “E, ‘di, i-report mo ako. Doon ka naman magaling ‘di ba? Bida-bida ka!” inis na sumbat ko at tinulak siya kaya agad siyang natumba.

Maluha-luhang tumingin siya sa akin at agad na nanginig ang mga labi niya. “I’ll tell this to Celestina! You pushed me, you witch!”

Tumawa ako. “Bakit? Por que nakapag-picture kayong dalawa friends na kayo? E, hindi ka na nga pinapansin ngayon, e!” mas lalong nanginig ang labi niya dahil sa sinabi ko. E, totoo naman. Umiling siya at agad na sinugod ako.

Love You at Your Worst [Runaway Series 2]Where stories live. Discover now