Chapter 19: Humors, Humors

90.9K 1.7K 44
                                    

Dedicated sa paborito kong reader. . .Usagichan! This is for you! Sensya na meyo matatagalan pa ang update ng My Jealous Stepbrother kaya ito muna idededicate ko sa'yo. ^________^


Chapter 19: Humors, Humors

 

 

Hanna's P.O.V

 

 

            "Good morning Miss Hanna!" masayang bati sa akin ng isang estudyante na hindi ko naman kilala.

          "Ah...eh...morning!"

          "Miss Hanna! For you!" ani naman ng isang lalaki na bigla na lang sumulpot sa harap ko saka inabot sa akin ang isang box of chocolate.

          Okay...what's going on?!

          "Oh Miss Hanna! Good morning!" nakangiting bati sa akin ng terror na teacher ko sa accounting na si Sir Ignacio pagkapasok ko sa classroom namin.

          WHAT THE?! Anong nangyayare?!

          "Sorry Sir for being late! Traffic po kasi tapos may humarang pa sa akin na mga estudyante sa may corridor tapos—"

          "It's okay! It's okay!" sabi pa ni Sir saka tumawa. "There's no need to explain. You can be late anytime!"

          ANO DAW?! I mean, really?! What's going on?! Nasa earth pa ba ako?!

          At nagsimula na nga ang klase namin. Tsk! Ang sakit na ng ulo ko sa mga numbers numbers na to! MY GAD! Sino bang nagpa-uso nito?!

          "Psst!"

          Napalingon ako sa likuran ko ng may sumitsit sa akin.

          "O, Camille bakit?" sabi ko sa classmate ko/friend ko.

          "I heard na girl ka na daw ng isa sa mga lord ng infamous fraternity sa school na Trinity X."

          "What?! Trinity X?! What the heck is that?!" mahina ngunit madiing bulong ko.

          Mahirap na baka marinig kami ni Sir Ignacio. Trip pa naman akong ipahiya noon sa loob ng klase namin. Tsk!

          "Ano ka ba?! Nagmamaang-maangan ka pa! Congrats pala huh?" ^_____^

          "Huh?! Anong nagmamaang-maangan? Eh hindi ko nga nakuha ang sinabi mo eh!"

           "Seriously? Di mo kilala ang Trinity X? Eh paano mo sila naging ka-close kung hindi mo naman pala sila kilala?" =_____=

          "Sino nga kasi ang mga yun?!"

          Hindi ako sinagot ni Camille sa halip, binigay nya sa akin ang The Gazette—school news paper namin. At sa front page noon, kitang-kita ko ang pakikipag-apiran ko sa mga barkada ni Viel. Pero hindi iyon ang nakapukaw ng pansin ko, kundi ang picture naming dalawa ng Monkey Lord na iyon na nakatingin sa isa't-isa. Sa pagkakaalala ko, ito yung time na asar na asar kami sa isa't-isa kaya ganoon na lang ang gulat ko nang mabasa ko ang nakasulat sa ilalim ng kuha naming iyon.

          One of prince of Trinity X, Prince Viel, finally found his girl in the form of Hanna Adriano. This photo was taken yesterday in the school cafeteria were Hanna has been found talking to the Princes of Trinity X. And the other day, Prince Viel saved Hanna from his underdogs when they tried to harras Hanna. They huged each other and Prince Viel beome very affectionate towards Hanna Adriano. So what's the real score between the two? Is Prince Viel really found his girl? Will one of Trinity X be finally taken by the beautiful Hanna Adriano?

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon