Chapter 16 pt.1 ♡

79K 1.2K 59
                                    

Part 1:

***

Kathryn's POV:

Natapos na yung community service ko with Daniel. Sa natitirang mga araw ay naging awkward. Walang imikan, walang pansinan. Pareho kaming may gustong sabihin sa isa't isa pero natatakot din siguro kaming magkausap ulit

Sana saniban ako ng lakas ng loob pag nagkaharap na ulit kami. Halos di ko na kasi siya pinapansin.

Pinutol ko na ang koneksyon ko sakaniya.

Umiwas ako dahil gusto ko munang malaman kung ano 'tong nararamdaman ko para sakaniya. Kung friends ba o.. more than friends. Ngayon lang kasi ako naging close sa isang lalaki.

"Kath! Good morning!" may biglang umakbay sa akin.

Pagtingin ko... Si Albie!

Nung araw na YUN, nagsimula na sa panliligaw si Albie sa akin. At si Daniel? Ayun sila na daw ni Julia B. AISH

Stop talking about him Kath. pagpapaalala ko sa sarili ko. Gaya nga ng sinabi ko I need to find my heart

PAST is PAST

Inalis ko yung pagka-akbay niya sa akin. Awkward ee tsaka nabibigla ako sa mga ginagawa niya.

"Good morning din Albie!" ngumiti ako at iniwan ko siya. Ang galing ko lang tumakas sa mga ganung awkward scene eh!

Lumapit ako kina Julia M. at Sofia.

"Ayie! Sis! Ang agaaaaaaaang ahem ahem niyan ahhh.." kantiyaw ni Sofia na may nakasalpak na earphones sa tenga niya. As usual! Khalil nanaman ito okaya One Direction.

Pinalo ko siya sa balikat. "Hindi noh!!! Oh, Julia Sis! Anong balita bukas?" tanong ko. May party kasi, tsaka knowing Julia M. gusto niya sa parties.

Bumuntong-hininga si Julia. "Sis! Madami kayang pupunta sa party ko?"

Nga pala. Bigla nalang out of the blue gustong magpaparty ni Julia Sis! Hay! Ano kayang nakain nito? Sila ni Enrique ang nakaisip ee. Siguro may binabalak nanaman yung lovebirds.

Hay ewan! Kakaiba din kasi sila mag-isip. Bagay na bagay sila. Biruin mo yun minsan nagpapapak ng watermelon na sinawsaw sa ketchup okaya gagawa sila ng fruit shake na walang blender, literal na shinake aa fruits.

HAY! You really do crazy things when you're in love... best example ang JulQuen (Ito kasi yung loveteam nila)

"OO NAMAN!!!" pag-aassure ko. Friday ngayon kaya walang masyadong gagawin dahil may meeting ang mga teachers. Half-day lang din kami... hay buhay college!

Pag tinamad yung teachers, walang pasok. Okaya pag 15 minutes at hindi pa sila pumapasok ay pwede ng umalis sa room.

Iba pa din pag high school kahit parang chill chill sa college, sa totoo lang!

"Pakicheck naman yung mga ininvite ko mga Sis." Nag-abot ng papel si Julia M samin ni Sofia. Kinuha naman namin dahil siya na yung nagbigay, baka pag tumanggi kami ay ipatapon niya kami kay Enrique

Hahaha joke

Tumango nalang kami. Oo nalang. No choice eh.

Iniscan ko yung nasa listahan:

Julia Montes and Enrique Gil's Party

Guest list: 

Albie Casiño

Sofia Andres

Khalil Ramos

Nadine Lustre

James Reid

Mario Maurer



Daniel Padilla

Julia Barretto

Okay na sana eh. Pero kasi... Biglang na-awkward pa lalo nung naramdaman kong napatingin sina Julia at Sophia sakin. Alam mo yung naconscious ako.

"Julia Sis... Bakit invited SILA?" matamlay na sabi ko. Bigla akong nawalan ng gana at nilapag nalang basta yung papel.

"Uhm.. Sis... Friend kasi siya ni Enrique babe. Pasensiya na." paliwanag nito at tumabi sakin para ihug ako. Nasabi ko na din kasi sakanila eh.

Tsaka may atraso pa si Julia B sakin. Anong interes niya sa sim ng isang who-you na gaya ko?

Ako naman ang bumuntong hininga.

Aish.

Nakooooooooooo

*knock* *knock*

May biglang kumatok at may biglang pumasok sa pinto ng room namin.

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon