[Love has no gender. Ang kumontra ay bibirahin ko hehe.] Matatanggap ba niya ang isang pagmamahal galing sa kauri niya? Matatanggap ba ito ng pamilya niya? Pa'no kung maraming humadlang? Pa'no kung hindi mag work ang "Love" sa pagitan ng dalawang babae? Magagawan ba ng paraan? O kusang bibitaw? Si Ashley ay isang Les, na may tangkad na 5'7 at 20 years old. Mahilig sa music, at magaling tumugtog ng anumang music instruments. Ilan sa paborito n'yang bands ay Nirvana, Deftones, The smiths, Radiohead at marami pang iba. (shh, baka magalit s'ya sa'kin at sinabi ko sainyo yung mag ginegatekeep n'yang bands hehe*) Grunge style ang pananamit at shag ang haircut nito. Mahilig sa pusa at hindi maipagkakaila na medyo may kasungitan. Habang si Catherine naman ay isang simpleng babae lamang, ngunit hindi maitago ang taglay na ganda nito. Siya ay 19 years old na may tangkad na 5'2.