Chapter 1: Bading

7 1 0
                                    


"Sus! Anong sabi mo? Straight ka!?"

"Ano ba! Ilayo mo nga sa'kin 'yang mukha mo!"

Humalakhak ito ng tawa habang nakaturo sa'kin

"Hoy! 'wag ka ngang sinungaling d'yan, matagal na kitang amoy ashley!"
"Mabango s'yempre" nakangisi kong saad
"Lol! Bading ka hahahaha! Bading!"
"Ano ngayon!? Tabe ka nga d'yan, sinisira mo araw ko" asik ko habang tinutungo ang pintuan palabas sa kuwarto na 'yon

Kahit kailan talaga napakalakas mang-asar nung mokong na iyon. Tsk!

Inis kong sinalpak sa tainga ko ang earphones at nakinig nalang sa music habang nakaupo sa may bintana ng kuwarto ko

🎶Long ago
Just like the Hearse you die to get in again
We are so far from you🎵

Napapikit ako at bahagyang sumandal sa upuan

Btw I'm Ashley, a College student of Mass Communication. If you're wondering why i'm just chillin' right now obviously, it's weekend.

And...

Tomorrow is monday.

Damn, I hate Mondays.

[MONDAY 5am]

"Magandang umaga" nakangiting bati sa'kin ni mom pagkababa ko

"Hm, good morning mom" saad ko habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref

"How's your sleep last night? Napakalakas ng tugtog mo sa kuwarto, akala ko nga ay may party sa loob" natatawang sabi nito habang nakatuon ang pansin sa niluluto

"Did I disturb you? I'm sorry mom, it won't happen again"

"Hindi naman, it's okay ano ka ba"

Naupo ako at yumuko sa lamesa dahil nakaramdam pa ako ng antok.

Narinig ko ang yabag nito at tinapik ang balikat ko "Here, kumain ka na" saad nito at inilapag sa lamesa ang hinanda nitong pagkain

"Thanks, mom"

"You're welcome honey"

"Nasa'n pala si ate, mom?" tanong ko

"She's out for work"

"This early? How come?" takang tanong ko dahil hindi ako sanay na maaga s'yang umaalis

Sa tansya ko ay halos sabay kaming umaalis t'wing umaga

"Nag bago ang schedule n'ya, napaaga"

Hindi ako sumagot, sa halip ay patuloy akong kumain upang makapaghanda naman na sa mga susuotin ko ngayong araw.

[School 8am]

"Ashenggg acclaaaaa!"

Napapikit ako ng mariin matapos marinig ang boses na 'yon at hinarap ang direksyon sa tumatawag sa'kin. Nakita ko itong kumakaway at tumatakbo sa kinaroroonan ko.

"Ashenggg! Huhu I miss you agad!"

Yumakap pa ito saakin at humalik sa pisngi ko.

"The fvck-"  asik ko at pinunasan ang pisngi ko

"Tsk! Arte mo"

Btw, he's my friend Alejandro you can call him 'Aljie' for short

And...

He's gay.

Siya lang ata ang kaibigan ko dito sa campus, in short, s'ya lang ang pinagkakatiwalaan ko.

About A GirlWhere stories live. Discover now