Chapter 3

4 1 0
                                    


[Catherine's POV]

7pm na nung makauwi ako sa bahay, napa-kwento kasi ako kasama sila heath at samantha, grabe ang babait nila sa'kin. Sayang lang at hindi ko sila kasama sa ibang subjects sa school.

"Honey"

"Mom!" Yumakap ako dito at humalik sa pisngi nito

"Hihi honey, how's your first day at school? Okay naman ba? Sabi kasi ng daddy mo doon kita ipasok" nakanguso nitong sabi

"Okay naman po mom hehe, may mga naging friends agad ako" pagmamalaki ko pa habang nakataas noo

"Oh my god! That's great! Halika na't kakain na tayo hehe" masayang saad ni mom sa'kin

"I'm going to change first"

"Okay, honey"

Mabilis akong pumanhik sa kuwarto ko para mag linis ng katawan at magpalit ng damit. Nagulat ako nang biglang mag ring ang phone ko

'Si Samantha'

Kinuha kasi n'ya yung phone number ko kanina bago kami maghiwa-hiwalay "You got home safe?" Bungad nito sa kabilang linya
"Yes ate hehe" inipit ko yung phone sa may leeg ko tiyaka dahan dahang naupo para isuot yung pajama ko "Good"

"Ikaw ba ate sam?" I asked her

"Nakauwi na ako

...anyways, may nasalihan ka na bang club, Catherine?" Napakunot ang noo ko

"Ha!? Club?!" Halos pasigaw kong saad kaya narinig kong tumawa ito sa kabilang linya

"Yeah, it's required kasi

...And I'm planning to invite you sa club namin"

Saglit akong natahimik at tumikhim bago s'ya tanungin "Anong club ba 'yan ate sam?"

"Baking" sagot nito

"Baking?! Wow"

"Hahaha yes, sasali ka na ba?"

Hmm? Saglit pa akong napatingala kunwa'y nag iisip "Don't pressure yourself, we'll talk about this tomorrow, okay?" Dagdag nito nang hindi ako nakasagot agad

"Ha? Okay, Thankyou!" Masaya kong tugon

"Thank you, Catherine" Saad nito at ibinaba ang linya

'Club? Ano kayang club ang sinalihan ni ash?'

Hmpk! Ba't ko ba iniisip yung sungit na 'yon? Naiiyak ako kapag naaalala kong tinawag n'ya akong unggoy. Padabog akong tumayo at bumaba na sa kusina para samahan si mom kumain. "Mom, Hindi pa ba uuwi si dad this week?" Malungkot kong tanong
"Hm, hindi pa honey, busy ang daddy mo" malungkot ring saad nito

'Namimiss ko na si daddy huhu'

Only child pa ako kaya hindi ko maiwasang malungkot minsan, tapos lagi pang wala si dad sa bahay.

Nakaramdam ako ng awa kay mommy, madalas ay siya lang ang mag isa sa bahay. "Malalim ata ang iniisip mo?" Napatingin ako may mom ng binitawan n'ya ang mga linya na 'yon "Ah mom, matanong ko lang" tumikhim muna ako bago magpatuloy sa pagsasalita "Hindi ka ba nalulungkot kasi wala si dad palagi?" Tanong ko

Tinignan ko kung magba-bago ba ang ekspresyon nito ngunit nanatili itong nakangiti ng bahagya "Hm, nalulungkot s'yempre" bumuntong hininga pa ito sabay inabot ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso "Namimiss ko na ang daddy mo, honey" dagdag nito dahilan upang mangilid ang luha ko sa mga mata "Pero...nakakausap ko naman s'ya sa telepono kaya't okay lang naman, katulad kanina...nakausap ko s'ya" pagpapatuloy nito "Aaminin ko, hindi sapat ang pagkakausap ko sakanya sa telepono lang...gusto ko s'ya makita haha" Uminom ako ng tubig at nakinig lang kay mom "Alam mo kasi? Noong nasa college palang kami n'yang daddy mo, halos dikit na dikit s'ya saakin, yung tipong ayaw n'yang nawawala ako sa paningin n'ya" Bahagya pa itong tumawa at nag angat tingin sa'kin

About A GirlWhere stories live. Discover now