Chapter 5

4 1 0
                                    


[Ashley's POV]

Nagising ako sa isang k'warto na hindi pamilyar sa'kin, nilibot ko ang paningin sa loob ng k'warto na 'yon at dahan dahang inangat ang sarili para makaupo sa laylayan ng kama.

'Babaeng babae' halos pink na ang buong k'warto, kaagaw agaw pansin ang tumpok ng mga cushies sa isang sulok. Tumanaw ako sa labas ng bintana na halos katabi lang ng kama, malakas ang ulan sa labas, halos walang pinag-bago kanina.

Mahina akong napa-daing habang pinipilit ang sariling tumayo ngunit bigo ako. Wala akong nagawa kung 'di bumalik sa pagkakahiga.

'Sobrang sakit ng ulo ko' ani ko sa sarili habang nakahawak pa sa noo ko.

Parang binibiyak sa sobrang sakit "Yung motor ko, kngina"

Naramdaman kong may pumipihit ng door knob kaya kunwari akong pumikit, narinig ko ang yabag nito palapit sa kama pati na rin ang dahan dahang pag upo sa tabi ko "Ash, kakain na"

'Ayaw ko pang tumayo, pakiramdam ko hindi ko pa kaya'

"Ash" naramdaman kong lumapat ang palad nito sa noo ko "Shocks, ang init mo huhu

...pa'no na 'to bukas? kailangan mo umuwi, baka nag aalala na parents mo"

'Sht, my mom!'

Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata at kunwaring kakagising lang dahilan upang agad itong tumayo sa pagkakaupo "A-ash! mabuti naman at gising ka na, kakain na kasi hehe" kinakabahang usal nito

"I'm going to call my mom" saad ko "Where's my bag?" dagdag ko pa

"Uhm, nasa living room kasi yung mga gamit

...siguro tawagan mo nalang sila after natin kumain"

"Okay" tipid na sagot ko

Tumalikod ito sa'kin at huminto sa may pintuan para antayin ako "Kaya mo ba?" hinawakan nito ang braso ko at inakay ako "Thank you" mahina kong usal dahilan upang mapatitig ito sa'kin

"What?" kunwari akong tumawa
"A-ah hehe, okay lang 'yon ano ka ba

...para namang others" halos pabulong nitong ibinigkas ang huling linya

Bahagya akong napangiti at kumapit sa kabila n'yang balikat "I'm really sorry, I don't feel well"

"Okay lang naman"

"Don't worry, I can go back home naman na later"

"H'wag!" nagulat ako ng bigla itong sumigaw
"What do you mean?" taka kong tanong
"I mean, malakas pa yung ulan tapos hindi mo pa kaya baka maano ka sa daan" nakangusong bulong nito "Mag ta-taxi ako" sabi ko dito
"I-ikaw bahala, pahihiramin nalang kita ng payong"
"Okay"

Sumalubong saamin ang isang lalaki "Okay ka na ba, iha?" nag aalala nitong tanong sa'kin
"I'm good now" nginitian ko ito
"That's good to know, tara at kumain na muna kayo"

Tinungo namin ang sala at sabay kaming umupo ni catherine, nakita ko naman ang isang babae na sa tingin ko ay iyon ang mommy ni catherine halos nakuha kasi nito ang itsura ng mommy n'ya.

"Oh, halina't kumain na hihi" saad nito "Okay ka na?" tanong nito sa'kin
"Okay naman na po" magalang kong sagot ngunit tinignan lang ako nito at sabay tayo sa kan'yang kinauupuan para lang kapain ang leeg ko

About A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon