Chapter 6

9 1 0
                                    

[Catherine's POV]

"T-tabi nalang tayo a?" Kinakabahan kong usal

"Maliit lang kasi yung sofa dito sa k'warto ko hehe, hindi ka kakasya" dagdag ko pa at tumayo sa pagkakaupo para lumapit sa kama.

"Ok" tipid na sagot nito habang nakaiwas tingin saakin

Bumuntong hininga ako bago ako umupo sa tabi n'ya

"Hindi ka pa matutulog?" tanong ko

"Hm, hindi pa ako inaantok" mahinang usal nito

"Gano'n ba

... masakit pa ang ulo mo 'no? namumutla ka kasi"

"Hm, masakit pa pero hindi na katulad kanina, naka-inom naman na kasi ako ng gamot"

Hindi na ako nag salita at dahan dahan nalang inihiga ang sarili sa kama at pinag
-masdan ang likod ni ashley.

'Ang laki n'ya' ani ko sa sarili

Bahagya akong umiling at umiwas tingin dito. Tumagilid ako sa pagkaka-higa at pinikit ang mga mata ko.

Hanggang sa naramdaman kong umalis ito sa pagkaka-upo sa paanan ng kama at hindi ko nalang ito pinansin, baka iinom lang s'ya ng tubig.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko pa rin s'ya naramdamang bumalik sa kama kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at kunwaring inilibot ang paningin sa paligid.

Agad kong nakita si ashley na naka-upo sa sofa habang nakasandal at nagba-basa ng libro.

'Baka hindi s'ya makatulog'

Saglit pa akong natulala sa kisame bago nakaramdaman ng antok, kalaunan ay nakatulog na.

[Ashley POV]

Bumuntong hininga ako at tumingala sa kisame habang nakasandal sa sofa.

'Awkward' sobrang awkward naman kung tumabi ako sa kanya sa kama

'Hindi ako komportable'

P'wede na siguro ko dito sa sofa matulog kahit may kaliitan ito

Sumulyap ako kay catherine na kasalukuyang natutulog na sa kama. Napahawak ako sa noo ko dahil bigla itong pumintig kasabay ng pagkirot ng sintido ko.

'Tsk! Ang s'werte ko naman talaga ngayong araw' ani ko sa sarili

Para akong maiiyak sa sakit ng ulo ko, pati katawan ko masakit

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras

'9:31pm na'

Dahan dahan akong tumayo sa pagkakaupo sa sofa at tinungo ang maliit na ref sa k'warto ni catherine.

Kumuha ako ng tubig at sumandal sa gilid ng table dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay maa-out of balance ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.

'Feel at home yarn'

Bahagya akong natawa sa naisip at pumunta sa bintana at tinanaw ang langit, malakas pa rin ang ulan pero hindi na ito katulad kanina, medyo humupa na sa ngayon

Tumatama sa mukha ko ang hampas ng hangin, halos wala akong makitang bituin man lang

"Ash"

Napakunot ang noo ko at bumaling ng tingin sa kama

"Ash" muli nitong usal kaya agad akong lumapit dito

"Hey, you need something?" Tanong ko nang makalapit ng tuluyan kay catherine

About A GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang