Chapter 4

4 1 0
                                    

[Catherine's POV]

Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papunta sa baking club. Kasama ko si Alejandro, Camilla at Gina.

"Ay catherine, matanong nga kita" basag ni alejandro sa katahimikan "Pa'no mo nakikala si Ashley?" Tanong nito

"Classmates kami" nakangiti kong usal

"Gano'n ba? Buti naman at nakakausap mo? Hahaha! May pagkasungit kasi yun" binulong nito ang huling linya habang bumungisngis

"Pansin ko nga hehe" pilit akong ngumiti dito at nilingon si camila at gina na tahimik na naglalakad sa likuran namin

'Ang weird talaga ng dalawang 'to

"Pero may kabaitan naman 'yon kahit pa'no" muli itong nagsalita

Tumango tango ako dito bilang pagsang-ayon. "Uhm, Alejandro-"

"Aljie nalang mhie" nakanguso itong tumingin saakin
"Ay hehe...oo nga pala, pasensya ka na ah? Akala ko nga boyfriend ka ni ashley eh" natatawa kong usal
"Gosh, girl! No way, tinatayuan tuloy ako!"

Nagkatinginan kaming dalawa "Tinatayuan ng?" takang tanong ko

"Balahibo, ano ka ba" humalakhak ito at hinampas ako ng mahina

Pilit akong tumawa at napakamot sa batok ko

"Hindi mo gets?" natatawang tanong nito
"Ha? Ah e, hahaha" tanging naiusal ko
"Stay innocent, girl" bumungisngis pa ito

'Ang poging bakla naman nito' ani ko sa sarili at napasimangot 'Sayang lahi hihi'

Nang makarating kami sa baking club ay sumalubong saamin si samantha "Welcome" nakangiting bati nito sa'min
"Tuloy kayo" dagdag nito at pinapasok kami

'Wow, ang ganda naman dito'

Gawa sa kahoy ang mga haligi at halos puro kahoy din ang kagamitan sa loob. Namamangha kong tinignan ang malaking lamesa sa gitna dahil sa kakaibang disenyo nito, may nakaukit na mga bulaklak sa bawat paa ng lamesa, ganon din ang mga upuan sa gilid.

"Wow, ang relaxing naman dito" rinig kong usal ni gina
"Yup"

At ang bangooo! amoy bulaklak ang paligid at lalo pang bumabango kapag humahangin siguro dahil malapit ang club namin sa garden. "Do you like it here?" nagulat akong napalingon kay samantha

"Yes" nakangiti kong saad
"Mabuti naman" bahagya nitong hinaplos ang kanto ng lamesa at muling tumingin sa'kin "Hm, sayang lang at hindi sumali si heath sa baking club" natatawa nitong usal
"Bakit 'te?" tanong ko
"Muntikan ko na kasi s'ya mapilit haha, kaso naisip ko medyo selfish naman ata, lalo pa't alam kong gusto n'ya sa basketball club sumali"
"Sabagay, may point ka" nginitian ako nito at bumaling kila aljie

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sainyo na bf ni samantha si heath hehe, nalaman ko 'yon nung isang beses nila akong sinama sa coffee shop.

"So guys, p'wede naman kayo tumingin ng mga baking tools natin dito hehe

...by next week sisimulan na natin mag try ng new recipes in baking, ang purpose natin dito ay mag explore, experiment with food, twist at s'yempre kumain hehe"

"Ay, bet ko yung last" si aljie kaya nagtawanan kaming lahat

"Gusto ko talaga sumali dito kasi gusto ko matutong mag bake ng cookies...paborito kasi 'yon ng taong gusto ko" si camila

About A GirlWhere stories live. Discover now