POV Angel
"Ano ba Angel napakatagal mong bumaba!" Sabi ni Damon sakin.
"Sandali nga lang, Ang mahal mahal ng kotse mo pero ang bobo bobo! Inipit ng pinto yung gown ko kaloka!" Sabi ko sa kanya at pilit na tinatanggal sa pagkakaipit ang gown ko. Takte mamaya ko na nga haharapin si Damon, eto munang expensive car na ito.
Pagkatapos ng ilang dekadang hilahan sa kotse niya ay natanggal din sa wakas. Kaloka.
"Oh ayan tapos--- Ang demonyo talag, ay mananatiling demonyo 'till he die" Nasabi ko na lang sa aking sarili 'pano ba naman kasi pagkalingon ko muli ay wala na si Damon, nauna ng pumasok ang gago.
Naglakad na ko papasok with Poise, siyempre ang rules ng magaganda... Taas noong maglalakad, lahat ng kabataang lalaki na nandito ay napapalingon sakin kapag dumadaan ako. Well mga minsan lang kasi madadaanan ng maganda kaya naman pagbigyan.
Nakita ko si Tito na nakikipag-usap sa mga business partners niya ata, I headed to him and give him beso-beso
"Sorry Tito we're late, 'Pano ba naman kasi dumaan pa kami ni Damon sa mall" Sabi ko sa kanya at ipinakilala ako ni Tito sa kanyang mga business partners. Wala na kong magagawa dahil ganito talaga magplastikan ang mayayaman.
Plastikan in sosyal way. Pero kahit anong sabihin, plastikan pa din yun.
"Please excuse me, may hahanapin lang po ako" Sabi ko sa mga business partner ni Tito. Wala namn akong hahanapin dahil pupunta lang ako sa buffet of foods, kanina pa ko nagugutom kasi nung nagmall kami ni Damon eh hindi man lang kami sa isang fastfood.
I get a plate then kumuwa ng pagkain na gusto ko, gosh ang sasarap ng mga pagkain specially yung mga main dishes and deserts. Kaso sabi nga ni Damon na i need to show some formalities laya naman ang kinuwa kong pagkain ay sakto lang para sakin.
Ipinatong ko ang pagkain ko sa isang mataas na table at doon kumain. Forever along ako amputa! Iniwan iwan ako ni Damon-yo eh wala naman akong ibang kilala dito.
"Oh you're Angel right?" Tanong sakin ng isang lalaki na biglang lumapit sakin. Namumukhaan ko to eh.
"Yah, and you are?"
"Winston... It's nice to see you again" Nakangiti niyang sabi sakin.
"Anong nice to see you? Eh katarantaduhan nga ang ginawa niyo sakin ni Damon nung huli tayong nagkita" I said then rolled my eyes on him. Bakit? Totoo naman ah
"Wow, Calm down okay. Utos lang ni Damon yun and I just follow his order" Sabi niya sakin but tinignan ko lang siya ng masama
"Paki ko sayo, sinabi ko bang mag-explain ka" then he burst out laughing. "Anong nakakatawa? Nagjojoke ba ko?"
"Wala, nakakatawa kasi totoo nga ang sabi sakin ni Damon... You are an evil witch" he said then laugh again.
"Evil witch... Baka kulamin ko nga kayong dalawang demonyo magsisi kayo"
"Bakit ba ang sunget mo?"
"Bakit ba ang daldal mo? I don't talk to strangers so get lost" I said then ininom ang kinuwa kong drinks
"Sorry okay, ikaw lang kasi ang namukhaan ko sa boring na party na to" Sabi niya then nagkwento pa siya, hindi naman pala to ganong kasama kasi ang O.A. niyang magkwento dahil may actions pa
Nacurious naman ako kung bakit may dala lagi siyang camera. Katulad ngayon, parang medal na nakasabit sa kanya ang Canon niyang camera.
"Bakit ba lagi kang may camera?"
"Alam mo kasi sa buhay merong mga bagay na minsan lang dadaan satin, and it's rare opportunity if you captured that moments. Tulad na lang nito" Sabi niya at pinakita niya ang isang selfie ng isang bata kasama ang kanyang ina.
"That's me and my Mom... Wala na siya ngayon pero kapag tumitingin ako sa litratong to, It brings back the time when my mother was still alive" Sabi niya sakin Mukhang nakakaoffend ata ang pagtatanong ko ah? Pero hindi ko naman sinabi na mag-open siya sakin kaya keri lang
Sa explain sakin ni Winston ay parang tumaas ng bahagya ang respeto ko sa mga photographer.
Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan kay Winston kaso hinahanap na daw siya ng kanyang dad and ipapakilala daw siya nito sa mga business partners.
Kung andito si Dad siguro ay ganun din ang mangyayari sakin, kaso wala eh. Wag ng maging assumera Angel. Nakakamatay.
Naubos ko na ang pagkain ko and back for being forever alone. Inilibot ko ang aking mata at nakita ko si Damon na nakaupo lang sa isang sulok mag-isa at para bang inaantok na din sa event
Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya.
"Bored?" Tanong ko sa kanya.
"Oh ba't andito ka? Go flirt with other men."
"Flirt agad? Kapal mo naman" I said then rolled my eyes on him.
"This party was really boring, bakit ba kailangang isama pa ko sa ganitong klaseng event" He said then minasahe ang litid ng kanyang ulo.
"Hey asshole, labas tayo?" Tanong ko sa kanya and a playful smile formed on my lips.
"Bakit naman ako sasama sayo? Baka rape-in mo lang ako"
"Tang ina mo ang feeling mo, kahit bakla hindi papatol sayo." Inis kong sabi sa kanya, gawin daw ba kong Diyosang rapist. "Ano sasama ka ba?"
"Where are we going? Tsaka baka hanapin tayo ni Dad."
"Bading ka pala eh takot kay Tito---"
"Let's go, tawagin mo pa kong bading magkakapart 2 ang halikan natin" and a playful smile formed on his lips. Shemey! Napatahimik niya ko dun ah. Tawagin ko kayang bading? Joke lang baka sa libingan na ko madiretso.
Lumabas kaming dalawa at naglakad papunta sa likod ng venue.
Mayroong ilog dito at nasisinagan ito ng buwan. Meron din mga bench na nandito.
"Angel pumasok na lang tayo sa loob malamig na" Sabi niya with his usual expression.
"Alam mo ang arte-arte mo, palagi mo kasing iniisip ang kapakanan ng iba kaya hindi ka sumasaya eh" I said to him... Ooops! Below the belt ba ang sinabi ko?
"Umupo na lang siya sa bench at ganun din ang ginawa ko. Ang ganda ng ilog kapag nasisinagan ng buwan. Perfect na sana kaso ay walang mga bituin sa langit.
"Alam mo bang ganiton scenario ang gusto ko sa first dance ko" Pag-oopen ko ng topic. Keysa naman para kami pipe ditong dalawa.
"So?" Sungit as ever!
"May isang lalaki noon na sobrang na-attach ako kaso alam kong mali" Alam kong tinamaan din soya dahil umibig din siya sa maling tao. This time ay lumingon siya sakin
"Kaso alam kong mali dahil ikakasal siya sa kapatid ko. Hindi ako nasaktan kung para naman sa kaligayahan ng magulang namin... Ano ba yan ang drama ko, namimiss ko lang talaga siguro ang dati kong buhay."
"Wala talagang happy ending. We're not on disney" Sabi niya sakin.
"Oonga eh, hindi katulad ng real life ang disney na konting kembot at landi lang eh may lalaki ng hahalik at magmamahal sa kanila"
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at inalok ang kamay niya sakin.
"Bakit?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"You said that you want to have your first dance in this scenario right? Stand up, baka hindi na mangyari ulit ang ganitong pagkakataon" He said with his usual expression
Tinawanan ko lang siya dahil akala ko ay nagjojoke lang siya... Pero when I look at his eyes, He's pretty damn serious!
Kinuwa ko ang kanyang kamay at itinayo niya ko
"Ang baliw mo din noh? Wala naman tugtog tapos aayain mo kong sumayaw" Sabi ko habang natatawa.
"We don't need song, alam kong mas kikiligin ka sa gagawin ko"
We both do the promenade position, he place his left hand in my hips and I place my right hand above his elbow. Habang ang right hand niya and left hand ko ay magkahawak
Nagulat ako ng bigla siya g mag-hum ng isang love song, then we do some movements. Tama siya, mas nakakakilig to keysa sa mga normal na love song. We slowly move habang magkadikit ang aming noo.
Sa gitna ng pagsasayaw at sa mga swabeng hums niya. Lumitaw ang mga bituin na kanina'y natatakpan ng mga ulap... This is what I'm saying... THE PERFECT SCENARIO!
Pagkatapos nun ay bigla siyang ngimiti.
"Oh my gosh! ngumiti ka!" Masaya kong sabi and nawala naman kagad ang ngiti niya.
"Nagawan na kita ng pabor. Next time ako naman ang hihingi sayo." Sabi niya with poker face
Masaya kaming umuwi dahil bukod ako ang nagdrive ng kotse niya ay natupad ang pangarap ko sa first dance ko... Sa maling lalaki nga lang
Pagkauwi namin ay 12 Midnight na at kagaya ng dati... Saktong 12 midnight ay nagtetext si Cloud
Cloud: I can't wait to see you soon, promise lalaban ako :)
yan ang message kong nareceive.
Nagulat ako nung meron pang message akong nareceive from unknown Number na may nakaattach na picture
From: 0935******
Hello Angel this is Winston. This is what i'm saying Rare opportunity haha sorry kung pinicturan ko kayo without permission. Your eyes was look so happy when you both swaying.
Nashock ako sa nakaattach na picture
Iyon yung sumasayaw kaming dalawa ni Damon. The stars was dazzling, the moon And the river shining perfectly.
"Masakit man sabihin pero ang galing kumuwa ng litrato ni Winston" Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang litrato. Nakatulog na pala ko kakatitig
***
(AN)~~~> I know its just a short UD pero siksik naman siya sa kilig scenes haha. Comment guys para ganahan akong mag UD