Prologue (edited)

70.5K 2.4K 832
                                    

Nandito ako sa isang parke at nakaupo sa isang bench. I'm just waiting a pair of couple na dumaan sa tapat ko, nasa mood ako para manira ng love life ngayon. Makalipas lamang ang ilang minuto... bingo!

Inayos ko ang suot kong red dress and walked gracely papunta sa couple. "Oh babe, nandito ka na pala." Sabi ko sabay beso sa pisngi nung lalaki. I don't know them... gusto ko lang talaga manira ng relasyon.

"Babe?!" Naguguluhan na tanong nung babae.

Gusto kong tumawa pero no, I should continue this act. "Babe sino siya? Sister mo?" Painosente kong tanong.

"M-miss! Nababaliw ka ba?" Kitang-kita ko kung paano mataranta itong lalaki.

"Matapos ang nangyari sa atin kagabi, aakto ka na parang walang nangyari? Ganyan ka ba!?" Garalgal ang boses ko, syempre pinilit ko rin umiyak. Kailangan may luha para mas effective.

"You asshole!" Sabi nung babae at sinampal ang lalaki, naglakad na ito paalis kaya napangiti ako.

"Shit, miss! What's your damn problem!" Sabi nung lalaki habang sinasabunutan ang kanyang sarili. Sige lang, ituloy niya lang... mas lalo siyang nagmumukhang tanga.

Ngayon lang nabaling ang atensyon ko sa lalaki, mayroon naman pala itong hitsura... pangit nga lang. He deserve that kind of face anyway.

Ngumiti ako, "Mission accomplished." Nakangiti kong sabi at lumakad paalis.

Sabihin na natin na ako ang nag-iisang kontrabida sa buhay ng lahat. Ako ang kontrabida na protagonist ng istoryang ito. I used my acting skills para sirain ang buhay ng ibang tao. Ang paninira sa kasiyahan ng iba ang nagbibigay kasiyahan sa akin.

Habagn naglalakad ako paalis ng park ay may namataan akong batang lalaki na may hawak na lobo.

I walked toward his direction. "Bata pwede makita 'yang lobo mo?" Tanong ko sa bata, umupo ako para maging magkapantay kami.

"Eto po?" Tanong sa akin nung bata tapos ay iniabot sa akin ang lobo.

I smiled to him, "Bye bye." Binitawan ko ang lobo dahilan para liparin ito ng hangin paitaas. Nagulat ang bata pero napaiyak na lamang siya.

Nakangiti akong naglakad palayo. Ang sarap talagang manira ng buhay, lalo rito sa park... ang daming kasiyahan nila ang pwede mong sirain.

Habang naglalakad ay may nakita akong lalaki, he look at me at kumindat. Cassanova. No scratch that! Pangmayaman lang ang term na cassanova... Babaero lang 'tong lalaki na ito. Mukha siyang rugby boy sa porma niya.

Gumanti ako ng ngiti sa kanya. May hawak siyang starbucks, take note, pinapakita niya talaga ang logo. Palibhasa kasi minsan lang makabili.

Pagkalapit niya sa akin. "Wanna play tonight?"

Hinatak ko ang kanyang necktie, he smiled like a fool. "Agressive, I like that." Pa-english-english pa. Dahan-dahan kong kinuha ang hawak niyang kape.

"Play mo mukha mo!" Sigaw ko at itinapon sa kanya ito, pasalamat siya dahil ice coffee ito kun'di lapnos ang kanyang balat. 

Naglakad na ako palayo na may ngiting tagumpay, pumasok ako sa toyota avanza kong kotse. Buo na naman ang araw ko dahil ang dami ko na namang nasirang buhay.

I'm proud to be a kontrabida! I love ruining other lives.

"Ma'am uuwi na po ba tayo?" Tanong sa akin ni kuya Ted na aking driver.

"Hindi! mamamasyal ako sa loob ng kotse, ang lawak eh! Dapat pala nagpatayo ako ng swing sa back seat," Umirap ako sa ere. "Malamang kuya Ted ihahatid mo na ako sa bahay."

Hindi na nagsalita si Kuya Ted dahil alam niya rin naman na mababara siya, habang binababaybay namin ang isang kalye sa Quezon ay may nakita akong batang pulubi na nagtitinda sa daan.

Hindi nawawala ang tingin ko sa bata, "Ihinto mo kuya Ted." Ma-otoridad kong sabi.

"Sa gilid po ng kalye na 'to?"

"Hindi kuya Ted, sa gitna ng daan para mag-cause ng traffic. Masaya 'yon kasi maraming masisira ang araw. Malamang kuya sa gilid." Napairap ako sa ere, gosh! bakit ba ang tatanga ng ilang tao?

Inihinto niya ang kotse sa tapat nung bata, binuksan ko ang bintana at gaya ng inaasahan ko... lumapit ang bata. 

"Ate bili na po kayo, pangkain lang po." Pagmamakaawa niya. Inagaw ko ang hawak niyang sampaguita. Nabigla yata siya.

Binuklat ko ang wallet ko at kumuha ng isang libo, inihagis ko ito sa kanya. "Ayan, kawawa ka naman. Ipambili mo ng gamit mo sa school at mag-aral ka. Huwag kang tatanga-tanga, hindi ka mabubuhay sa pagbebenta ng sampaguita."

Itinaas ko na ang salamin at umandar na si kuya Ted.

Napangiti ako sa aking ginawa. I am Angel Claire Maxwell ang sarap lang sa tenga pakinggan ng pangalan ko pero demonyita ang ugali ko.

Ito ang aking... Kontrabida life.

Kontrabida LifeWhere stories live. Discover now