Sabog# 4 (Edited)

24K 1.3K 156
                                    

Argh! Nakakainis! Naiinis ako sa monggoloid na Cloud na iyon! Letse siya! Buti na lang talaga at nakauwi na kami. "Gaganti ako sa'yo, maghintay ka lang. Hindi mo kakayanin ang kontrabidang gaya ko." Hindi ko napigilan na sabunutan ang unan ko sa inis.

"Ma'am, may kailangan pa ba kayo? You're like a fool." With accent na sabi ni Inday at mukhang nakita niya ang ginagawa ko.

"Huwag mo kong english-in diyang katulong ka ah, baka supalpalin ko 'yang bunganga mo." Sa kanya ko naibuntong ang inis ko doon sa Cloud na iyon.

"Sorry ma'am. I will leave now." Naglakad na palabas ng kwarto ko si Inday. Gusto pa yung tinatakot eh.

Pagkawala ni Inday ay paulit-ulit akong bumuntong hininga. "Angel, kalma ka lang. Masisira lang ang ganda mo sa kakaisip sa gagong lalaki na iyon. Papangit ka lang, Angel kalma. Itulog mo na lang iyan." Pagkausap ko sa aking sarili at ibinagsak ang katawan ko sa king size bed.

Kinaumagahan ay mabilis naman akong naligo dahil sad to say, may pasok na naman. Going to school is like going to hell. Sucks. "Good morning ma'am!" Masiglang bati sa akin ni Bobita pero hindi ko na lamang siya pinansin, tamad na tamad ako gumalaw ngayong araw.

"Sungit naman." Bulong niya na aking narinig.

"Anong sinabi mo? Sinabihan mo akong masungit?" Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa inis.

Napalagok ng laway si Bobita, "Ma'am hindi po ma'am! Uhm... ang sabi ko po sungkit! Tama sungkit! Naghahanap po akong sungkit."

"Gusto mong sungkitin ko 'yang bagang mo para matahimik ka diyan?" Tumakbo na lang si Bobita palayo. For the first time, nanalo din ako sa argument namin ni Bobita.

"Ma'am, their someone waiting for you outside," Napakunot ako ng noo habang kumakain. Sino? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon? "I think, it's one of your suitors." Pagpapatuloy niya pa.

"Sinong hampaslupa 'yan?"

"I don't know ma'am. He's waiting you, not me." Mataray na sabi ni Inday at napatingin sa kanyang kuko. Mean girls lang ang peg akala mo naman ay bagay.

"Isa pang english mo diyan, isusubsob ko sa kawali 'yang nguso mo." Pananakot ko sa kanya.

"Ma'am may gwapo ka pong bisita sa labas. Mukha pong sinusundo ka, ang ganda nga po ng kotse eh." Sabi niya, buti naman at nagtagalog na ang loka-loka.

"Anong sabi mo, may dala siyang kotse?" Isang tao lang ang pumasok sa isipan ko. Hindi naman kami nagkakaroon ng bisita na lalaki but alam ko na kung sino itong nanggugulo na ito-- si Cloud.

"Opo ma'am!"

"Kumuha ka ng pako bilis! Magmadali kang katulong ka!" Sabi ko at itinulak ko paalis si Inday, muntik pang masubsob ang gaga. Humanda ka sa akin Cloud, eto na ang pagganti na hinihintay ko kagabi pa.

Makalipas lamang ang ilang segundo ay bumalik na si Inday dala ang isang pako.

"Libangin mo ang lapastangang bisita. Bubutasin ko ang gulong ng kotse niya, as much as posible, english-in mo Inday para sumakit ang ulo ng hampaslupa na iyon." Pagpapaliwanag ko at napatango-tango naman si Inday.

"Yes ma'am, I will try my best." Naglakad na paalis si Inday para i-entertain ang bisita (kuno) namin.

Naglakad ako patungo sa backdoor upang doon magdaan. Alam ko namang sa main door ako hinihintay ng hampaslupang ito. Hindi tumatanggap ng manliligaw ang diyosang kagaya ko. Wait, kulang pa ang salitang diyosa para i-define ang kagandahan ko.

Bahagya akong sumilip at nakita ko na may kausap na lalaki si Inday. "Sinasabi ko na nga ba... si Cloud 'to." Mabagal akong naglakad upang hindi makagawa ng ingay. Dumiretso ako sa kotse na naka-park sa labas. Napansin ko naman na nahihirapan si Cloud sa pagkausap sa katulong ko, Huh! High class din kahit papaano ang mga katulong ko!

"Kawawa ngayon 'tong sports car mo, Cloud." Sabi ko habang nakangiting demonyo na pinagmamasdan ang pako. Itinusok ko ang pako sa gulong, hindi pa ako nasiyahan at ginawa ko iyon sa lahat ng gulong. "Ako talaga ang kinalaban mo ha?"

Sabi ko at tumakbo na ako ulit papasok ng bahay, sa backdoor ako dumaan para walang makahalata. Inayos ko ang aking sarili upang walang makahalata. Galingan mo ang pag-arte, Angel.

Naglakad ako tungo sa kanila ni Inday at napatingin siya sa akin.

"Anong ginagawa ng isang hampaslupa na gaya mo sa pamamahay namin?" Taas noo kong tanong. Kailangan umakto lang ako ng normal.

"Good morning beautiful." Kumindat siya sa akin. So gross.

"Kung ihahatid mo ako papuntang school, pasensya na pero hindi ako sasama." Taas kilay kong sabi. Paano ako sasama eh butas na nga ang gulong ng kotse mo gunggong!

"Assumera mo naman Angel babe." Sabi niya sa akin. Anong assumera? Babe?

"Assumero mo rin naman, kailan mo pa ako naging babe? Hindi ako biik kaya huwag mo akong matawag-tawag ng ganyan."

"Anong ihahatid sa school na pinagsasasabi mo?" He asked na parang naguguluhan.

Pumamewang ako, "'Diba kaya ka nandito ay para ihatid ako sa school?"

"Hinanap lang kita pero nandito ako para kay Angelica. Sabi kasi ni Papa ay sabay na daw kaming pumasok na dalawa. It's an order, huwag kang magselos." 

"Ha!?" Hindi ko naiwasang mapasigaw, Napaka-assumera ko nga! Pero 'di bale, butas na yung gulong ng kotse niya at hindi na niya maihahatid ang kapatid ko.

"Sabihin mo sa papa mo na hindi kailangan ng mabahong driver ng kapatid ko." Hindi naman ako papayag na kukuhanin niya basta-basta si Angelica, kahit anghel 'yan... kailangan protektahan ko 'yan dahil dalawa lang naman kaming magkapatid.

"Good morning ate." Bati sa akin ng kapatid ko na kakababa lang ng hagdan. Naka-ready na rin siya para pumasok sa school.

"Angelica, let's go?" Sabi ni Cloud at kinukuha pa ang kamay ng kapatid ko na parang isang prinsesa.

"Anong ginagawa niya rito ate?" Alam kong iritado na siya pero pinipilit niyang kumalma.

"Baka mag-a-apply na hardinero sa akin," Umikot ang mata ko sa katangahan ng kapatid ko. 

"I'm here to pick you up." Nakangiting sabi ni Cloud at pinaikot-ikot sa kamay niya ang car key. Yabang! Tignan natin ang yabang mo mamaya.

"Pero--" 

"Sumama ka na Angelica, I am 100 percent sure na kagaya lang siya ng kotse niya. Parehas silang... sira." Sabi ko at walang gana na lumingon kay Cloud.

Wala naman nagawa si Angelica kun'di sundi ako dahil ako pa rin ang ate, ako pa rin ang mas matanda at mas nakakaganda. Naglakad na sila palabas ng bahay at sinundan ko sila ng tingin. Titignan ko kung paano mapapahiya ang kumag na 'to.

Laking gulat ko nung lagpasan lamang nila yung kotse na binutasan ko ng gulong. Tumakbo ako para mahabol sila. "H-hoy! Sandali lang! 'Diba eto yung kotse mo?!" Sabi ko at tinuro-turo ang pulang sports car na nandito.

"Ha? How I wish pero hindi sa akin 'yan." Cloud speak at base naman sa tono ng pananalita niya... mukhang inosente siya.

"Eh kanino 'tong sports car na ito!?" Hindi ko na naiwasan na mapasigaw.

"Ate sa'yo 'yan. Advance birthday gift daw sa'yo nila lola. Happy birthday ate, congrats. Ang ganda ng car." Sabi ni Angelica. Napanganga na lamang ako at sinariwa ang ginawa kong pagbutas ng gulong dito sa kotse KO. Kotse KO pala 'to.

"A-akin?" Pagtatanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan si Angelica at Cloud na sumasakay sa isa pang mamahaling kotse.

"Ang tanga ko pala. Sa'kin ka palang kotse ka." Nanlulumo kong bigkas.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon