Sabog # 44

14.6K 764 22
                                    

[[[ POV Angel ]]]

Isa lang ang nararamdaman ko ng makita ko si Cloud na mahina ang katawan at nakahiga lang buong maghapon sa hospital bed. "Awa" yung jolly personality niya ay hindi bagay sa ganoong klaseng lugar.

Nakaratay maghapon imbes na gawin ang mga normal na bagay na nagagawa ng mga college students, yung sakit na mararamdaman mo kapag nakikita siyang nahihirapan.

"Damon alis muna ko" Paalam ko sa kanya, linggo ngayon at free day namin. Mas pinili ko na lang na bisitahin si Cloud atleast mapapasaya ko siya sa ganoong paraan keysa naman gumala-gala ako kung saan-saan. Mas maganda ng gamitin ko ang oras ko sa makabuluhanh paraan diba?

"Ang dalas mong umaalis this past weeks ah" Sabi ni Damon habang nagbabasa ng libro. Hindi naman novel books ang binabasa niya kun'di books about kung paano magiginh successful.

"Bumabawi lang ako sa kapatid ko" Sagot ko sa kanya.

Umalis na ako at hindi ko na pinansin ang mga sunod niyang mga sinabi. Gustuhin ko man na ipaalam kay Damon ay hindi ko magawa dahil paniguradong masasaktan naman si Cloud which is hindi makakabuti sa kalusugan niya.

Gaya ng dati, bumili muna ako ng prutas bago ako dumiretso sa kanya. Baka sabihin ng iba dugyuting poorlalu ako.

I headed again on the St. Lukes Hospital para bisitahin si Cloud. Mas maganda raw kasi na bisitahin si Cloud madalas upang magkaroon ng positive changes about sa estado niya.

Sa panahon ngayon, ang pamilya na lang niya at piling mga kaibigan ang masasandalan niya. Bakit sa dinami rami ng tao bakit siya pa? Ang bata niya pa parabsa ganoong sakit. Nasa edad siya ngayon kung saan dapat ay ini-enjoy niya ang buhay niya at hindi nakahiga sa kama at titiisin ang sakit na nararamdaman.

Si Cloud kasi yung tipo ng tao na hangga't kaya niya pa yung sakit ay titiisin niya. Ayaw niyang idamay ang ibang tao sa problema niya.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako tuluyang pumasok, nadatnan ko pa ang mga magulang ni Cloud na nakaupo sa tabi ng kanilang anak. Siguro ay doble ang pasakit sa isang magulang ang makita nila ang kanilang mga anak na nahihirapan.

"Good morning po" Magalang kong bati sa kanila.

"Angel nandito ka na pa--" Hindi na natapos ni Cloud ang kanyang sasabihin ng bigla siyang naubo. Hindi naman ito simpleng ubo katulad ng dati, ngayon ay may kasama ng dugo ang bawat kanyang pag-ubo na mas lalong nakakabahala.

"H'wag ka na masyadong magsalita 'nak, h'wag mong masyadong pagurin ang sarili mo" Sabi ni tita at inabutan niya ng isang basong tubig ang kanyang anak. Nginitian lang siya ni Cloud na para bang sinasabi na ayos lang siya.

"Tama si Tita, Cloud. Imbes na magdadaldal ka d'yan eh magpahinga ka nalang"

"Ba't pa ko magpapahinga kung alam ko na ang kahahantungan ng buhay ko?" Sabi niya at mapait na ngumiti. Bakas ang lungkot sa kanyang mukha.

"Cloud! H'wag kang magsalita ng ganyan" Sabi ni tita at pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.

"Totoo naman Ma 'diba? Kumalat na ang tumor sa buong lungs ko. Hindi rin ako pwedeng idaan sa Lobectomy dahil masyadong malapit ang tumor sa ibang parte ng katawan ko. Ma, h'wag niyo na kong bigyan ng false hope. Hindi ako tanga para hindi malaman na maaring oras, araw, linggo, o buwan na lang ang itatagal ng buhay ko" Sabi ni Cloud ng nakangiti ngunit ang mga mata niya ay sinasabi ang katotohanan.

"Anak h'wag mong sa--"

"Ma, Naasar ako kasi nakikita ko kayong nahihirapan para sakin. Nakikita ko yung mga pekeng ngiti niyo kapag kaharap ako upang mapalakas lang ang loob ko. Pero alam niyo yung mas nakakaasar? Yung wala akong magawa para sa sarili ko, hindi ko nga alam kung paano ako babawi sa mga taong nagmamalasakit at nag-aalaga sakin eh" Sabi niya at pinahid niya ng kanyang kamay ang kanyang luha.

Kontrabida LifeWhere stories live. Discover now