Sabog # 46

14.6K 704 67
                                    

[[[ POV Angel ]]]

"Angel, nakikinig ka ba sakin? Kanina pa kita kinakausap pero parang wala ka sa huwisyo" Sabi ni Cloud at doon lamang ako natauhan. Nakaupo ako sa tabi niya.

"W-wala may naisip lang ako" Sabi ko at mapait na ngumiti. Ang sakit, sabi ko nga dati masyado na kong nakadepende kay Damon pero ngayong malungkot ako, sinong sasandalan ko eh wala nga siya.

Hindi man lang niya ko hinayaan mag-explain kung bakit kailangan kong mag-stay rito ng isang linggo. Siguro nga ay ako talaga ang may kasalanan, ako nga siguro marahil ang nagtulak sa kanya palayo.

"Siguro masakit na bagay 'yang naisip mo noh? Hindi naman papatak iyang luha mo kung wala lang" Sabi niya at nagulat ako ng pahirin niya ang aking pisngi. Ipinakita niya sakin na basa ito. Umiiyak ba ko?

"Wala wala! Medyo inantok lang siguro ako" Pagdadahilan ko at kunwaring naghikab.

"Ah sige, mukhang inaantok ka na nga dahil kanina mo pa ako binabantayan" Sabi ni Cloud, alam kong hindi tanga si Cloud na ginawa ko lang reason yung inaantok kiyeme.

Wala rin pala akong ipinagkaiba kay Angelie eh. Tama nga siya, kahit gaano ka pa kalungkot or kung gaano ka pa nasasaktan... Kailangan pa rin na nakangiti ka kapag kaharap si Cloud. Ayokong i-messed ang buong sitwasyon ngayong nagkakaroon na siya ng hope dahil sa operasyon.

Ipinikit ko na lang ang aking mata at sinandal ang ulo ko sa pader. Sa pagpikit ko, lalong tumaas ang eagerness ko na makita si Damon. I'm pretty sure na pinapalamig niya pa ang ulo niya at baka kapag nag-usap kami ay mas lumaki lang ang gulo.

Siguro dahil sa emotional pain na nararamdaman ko kaya ako nakatulog. Sana sa muling pagdilat ko eh maayos na ang lahat, sana'y bumalik na sa normal dahil sa totoo lang... Hindi ko na kaya.

Pagmulat ko ng aking mata ay gabi na pala. Lumingon ako kay Cloud na tahimik na natutulog, mukhang sobrang napapagod talaga siya kahit na nakahiga lamang siya sa may Hospital bed.

Madalas ay naitatanong ko sa aking sarili. Ano nga kaya ang pakiramdam ng may cancer? Gaano kasakit ito? Baka magkaroon lang ako ng emotional breakdown kapag sakin nangyari ang bagay na yun. Saludo ako kay Cloud dahil nagagawa niyang lumaban, ganun na rin sa iba pang lumalaban sa sakit na 'to... Lahat sila'y masasabi kong magagaling na mandirigma hindi sa pakikipaglaban in physical ways kun'di pakikipaglaban sa isang sakit na sa para sakin ay isang halimaw.

Tumayo ako at saglit na inunat ang aking katawan upang mawala ang pagkamanhid. Nagring ang Phone ko na agad ko naman sinagot dahil baka magising si Cloud.

"Angel what happen? Gusto mo banh ikwento sakin ang nangyari?" boses pa lang kilala ko na. Si Winston, bestfriend nga pala soya ni Damon kaya paniguradong makakarating sa kanya ang balita.

"Okay lang ako h'wag kang mag-alala"

"Sinong niloko mo? Let's meet nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan kita" Sabi niya sakin. Wala naman akong magagawa dahil makulit si Winston at ipipilit niya pa rin ang gusto niya.

"Let's meet nalang around Makati, itetext ko na lang sayo yung lugar" Sabi ko and in-end call ko na. Alam kong magtatanong 'yan ng marami kaya in-end ko na, mas okay na rin na tumawag si Winston I guess. May mapaglalabasan na ako ngayon ng saloobin ko.

***

"What happens on you boss?" Salubong sakin ni Winston ng magkita kami sa 7/11. Para rin naman kasi akong tanga na tuloy-tuloy dumadaloy ang mga luha.

Inakay niya muna akong umulo at bumili siya ng cup noodles upang aming makain.

"Game kwento na Angel. Buti na lang nasa Quezon ako para sa isang business meeting at napuntahan" Sabi niya sakin at todo tingin sa aking hitsura.

Kontrabida LifeWhere stories live. Discover now