Sabog # 40

15.5K 815 27
                                    


POV Angel

Maraming araw na ang lumipas at araw na lang din ang bibilangin bago kami makatapos. Lahat ng bagay ay hindi naging madali para sa amin ni Damon, Nagpapataasan kasi kami ng pride at may sariling ego na pinoprotektahan.

Hindi naman naging madali ang pag-amin namin kay Tito at nagkaroon pa ng kaunting conflict.

"Dad, Angel and I was in a relationship" Sabi ni Damon habang kumakain kami ng Dinner, muntik pang mabilaukan si Tito. Biglaan naman kasi ang pagsasalita ng gagong 'to.

"Are you serious about this? Madalas ko kayong makita na nagbubugbugan then sasabihin niyo na magsyota kayo?" Tanong ni Tito habang kumakain. Hindi ko naman siya masisi dahil totoo naman, madalas pa rin naman kaming nag-aaway kahit sa maliliit na bagay.

"It's real" Sabi ni Damon at para naman nawalan ako ng boses for the short period of time hindi ko ineexpect na kakabahan pala ako ng ganito.

"Angel, mahal mo ba talaga si Damon o dahil lang 'to sa deal nating dalawa" Sabi ni Tito at hindi ko siya maintundihan.

"What deal?" Tanong ni Damon at mukhang kailangan kong kabahan sa mga susunod na mangyayari ah.

"Nirequest ko kay Angel na pasayahin ka at kalimutan ang about sa past mo" Sabi ni Tito na parang wala lang. Kung ayaw niya ako sa anak niya ay sabihin niya lang.

"Angel totoo ba ang deal na yun?"

"Oo totoo ang deal, pero before we got closer ay nakalimutan ko na yun. Kapag kasama kita ay alam kong may iba kang side ng sarili mo na ipapakita mo sakin na magbibigay ng dahilan para mas maging interesado sayo... I just fucking love you and no more further explanation" Sabi ko sa kanya at unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Mukhang gusto niyo nga ang isa't-isa, ayoko naman maging isang kontrabidang ama ang maging labad ko so you already have my blessing" Sabi ni tito and smiled on us.

After ng dinner ay pinag-usapan namin ni Damon ang lahat, almost 3 months na din namin bini-build up ang relationSHIT na 'to kaya naman I wanted to be honest on him at siyempre gusto ko ganun din siya sakin.

Iniisip ko na ang future ko bilang isang Architect, sobrang naging masaya ako dahil natapos ko rin ang impyernong course na 'to. Nabuhay sa pangongopya! Buti na lang matalino si bakla.

Si Damon naman ay Comouter Engineering ang kinuha, planado niya na nga ang future niya at kahit nag-aaral parin siya hanggang ngayon ay marami nv malalaking kumpanya ang nag-aagawan sa kanya.

Even si Louie bakla at Cathy ay planado na nila ang future nila. Fewling ko ay nakapili na sila ng kani-kanilanh mga karera at ako na lamang ang napag-iiwanan. Kung ano ang gusto konh gawin, hindi ko pa alam.

Nakaupo ako sa may park malapit sa mall at nakaupo sa bench.

"Ang lalim ng iniisip mo ah" Damon said at umupo sa tabi ko. Hindi ko talaga maiwasang matawa sa suot naming dalawa.

Actually idea ito ni Damon na magsuot kaming couple shirt. Sakin ay may imprinted na 'Inlove with an Asshole' at sa kanya naman ay 'Inlove with a bitch'. It's sounds very baduy pero kapag naiisip ko na kay Damon ang idea na 'to, I find it sweeter. Sa sobrang sweet gusto ko siyang ipapak sa pulang langgam.

"Iniisip ko lang ang mangyayari sakin, kayo kasi planado na ang mga buhay niyo. Ako nastuck parin ako, wala pa kong direksyon"

"Then sakin ka muna sumama, Your an Architect and I'm engineer. We're always partner so that means we are destined for each other" Sabi niya sakin at itinaas baba ang kanyang kilay.

"Ang korni mo, sumabay ka pa ngayon sa init ng panahon" I said at natawa na lang kaming dalawa.

Madalas talaga unexpected ang mga salita na lalabas sa bibig ni Damon, it's either aasarin niya ko o pakikiligin niya ko.

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon