Sabog # 26

15.3K 744 46
                                    

Guys! Update again haha :D Kailangan na kasing matapos ang KL para makagawa na ulit ako ng New stories :D

***

[[[POV Angel]]]

Mula ng sumampal sakin ang katotohanan, nawalan na ako ng gana. Sinabi ko kay Damon na umuwi na lang kami, nung una ay nagtatanong pa siya at inasar niya pa ko. In the end sumunod na lang siya sakin dahil naramdaman din ng hudas na wala ako sa mood para makipagtalo sa kanya sa mga nonsense na bagay.

Hanggang makauwi kami ay wala parin talaga ako sa mood, buong biyahe ay tinatry akong iapproach ni Damon but I didn't respond sa lahat ng kanyang kaepalan, gusto ko na nga siyang birahin kanina kasi sinabihan niyang parang bote ang katawan ko kasi wala daw curve pero hindi ko muna siya pinansin. Kailangan pangatawanan ko 'tong pagiging bad mood ko

Mag aalas-siyete na ng gabi ng makarating kami sa rest house. Nung makita pa nga lang ako ni Martha eh nagtatakbo na siya palayo sakin... Dapat sa ganoong sitwasyon eh inutusan ko na si Martha na floor wax-in yung sahig kahit tiles naman, kaso wala talaga ako sa mood ang bigat sa pakiramdam letche!

"oh hija, I thought gagabihin kayo. Bakit parang ang aga niyong dumating?" Tanong ni Tito, instead answering his question nagdire-diretso na lang ako patungo sa kwarto ko. I hate this feeling, dapat sanay na akong masaktan dahil I always experienced that when I was a child. I thought that I was strong now, na kaya kong i-handle lahat ng pain... Hindi pala, masakit parin.

"She was disappointed because the man that she's chasing was not there. What a pathetic woman" Narinig kong sabi ni Damon, dapat ngayon naibato ko na sa kanya ang sapatos na makikita ko kaso parang instang naubos ang lakas ng maldita powers ko, hindi lang naubos... Drain na drain pa!

Pumasok ako sa aking kwarto, akala ko nung una na kapag naging tahimik ang surroundings ay magiging okay na ako. Kaso kabaligtaran pala kaloka! Parang nagflash back lang ulit ang mga narinig at nangyari kanina. 

Hindi ko kinaya ang mga revelations na narinig ko kanina.  Nagpunta sa US si Cloud at wala man lang akong kaalam-alam doon, Nagpunta ng US ang kapatid ko for her study kuno pero ang totoo ay lalandi lang pala ang gaga. Ang sakit, I hate the feeling na ang mga taong kakampi ko nung una ay binibigyan ako ng matinding sakit ngayon.

Hindi ko na kinaya at unti-unti ng pumatak ang ang aking mga luha, siguro naman ay ayos lang na pagmukhaing mahina ang sarili ko ngayon, I've been betrayed by my sister. Feeling ko biglang nawala ang mga taong nagmamahal sakin, nawalan ako ng kakampi. I tried my best to protect her, kahit na masama ang ugali ko ay sinubukan kong maging isang mabait na kapatid sa kanya, kaso balewala lang pala sa gaga iyon.

Buong gabi lang ako nag-iiyak hanggang makatulog ako, bakit kapag nasasaktan kailangan tumulo ang luha? Required ba yun? Mga hampas lupang mga luha ito walang pakisama, mga K.J.

Wala akong ibang nararamdaman sa puso ko kun'di galit. I'm angry at them, napalayas ako ng bahay namin para sa kanila, nagalit sakin si Dad ng dahil sa kanila, I've experience this fucking things ng dahil din sa kanila.

I'm a type of persong that full of confidence but now... Naaawa ako sa sarili ko, hashtag foreveralone.

Kinabukasan ay minulat ko ang aking mga mata. I checked myself om the mirror and viola! Ako ba to? Bakit nawala ang pagkadiyosa ko? Ang laki ng eyebags ko at mugto rin ang mata ko. Badtrip.

"Hey bitch, do you have a plan na pumasok or you will never stop on your drama" Sigaw ni Damon habang kinakatok ang pinto ko, I don't have a plan to answer him and magkukulong na lang ulit ako.

I heard a foot steps at mukhang naglakad na siya palayo.

"Ganun na lang yun? Hindi man lang ako pinilit" Sabi ko sa sarili ko at tumingin sa bandang pinto. Laking gulat ko ng may makita akong papel sa sahig at mukhang isinuot sa ilalim ng pinto.

Kontrabida Lifeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن