Sabog # 21

16K 880 88
                                    

POV Angel

"Ano ba! Ibalik mo nga sa Channel 19!" Sigaw ko kay Damon-yo  dahil nanunuod ako ng magandang palabas sa cinema one kaso biglang dumating si Damon-yo at inagaw ang remote sakin at inilipat  sa Disney Channel

"Wag ka ngang bastos! Nanunuod ako ng Phineas and Ferb" Sabi niya sakin.

"Sa lahat ng baliw ikaw ang pinaka abnormal, ang tikas tikas ng katawan mo pero si Pororo lang ang kahinaan mo" Sabi ko then rolled my eyes on him. Sabado kasi ngayon at sobrang tinatamad akong lumabas ng bahay so I decided na manuod na lang ng T.V. Kaso kahit sa palabas epal pa din tong lalaki na to, basag trip.

"Get lost." Sagot niya at itinuloy ang panunuod, ano pa bang magagawa ko nasa kanya na ang Remote. Pumunta na lang ako sa kusina para magluto ng pancake... Trip ko lang. Ang mga magaganda marunong di naman kahit papano ng mga simpleng bagay.

"Whatever mamatay na sana si Pororo" I hissed when i'm walking away from him and headed to kitchen.

"Shut up!" Malakas niyang sigaw. Si Pororo na lang talaga ang nakakapagpalabas ng emosyon ng gago.

Kinuwa ko na lahat ng ingredients and thanks god kumpleto ang mga sangkap na gagamitin.

Kumuwa ko ng tatlong itlog at binasag ito. Narinig ata ni Damon ang pagcrack ko kaya naman pumunta siya sa kitchen. Hindi ko ipinaalam ang ginagawa ko siyempre dahil baka manghingi mahirap na.

"What are you doing" Sabi niya at pumunta sa may Ref then uminom ng tubig.

"Nagbabate." Maikli kong sagot at nagulat ako sa reaksyon niya dahil bigla niyang ibinuga ang tubig na iniinom niya.

"What?!?" Malakas niyang sigaw. Bakit may masama ba sa sinabi ko? Ahhhh double meaning nga naman pala.

"Oy ga-grabe ka naman, Nagbabate ng itlog at hindi yung bastos. Mahiya ka nga, kalalaki mong tao eh" I said then rolled my eyes.

"Kapag yung bastos din naman itlog din ang binabate right?" Sabi niya sakin and literally nanlaki ang mata ko. Shocks manyakis tong gagong to ah!

"Umalis ka na nga lang! Wag ka ng mag eexposure sa story ko kasi ginagawa mo lang SPG" I said at nagcontinue sa pagbaba--- Paghahalo ng itlog.

"But seriously anong lulutuin mo?"

"Pancake." I said. Sinabi ko na sa kanya dahil baka kung san na naman mapunta ang usapan

"Pancake? What's that?" He asked on me.

"San planeta galing teh? Ako ngang diyosa alam ang pancake ikaw pa kayang uripon." I said habang pinaiinitan ang pan.

"Seriously bitch I don't know that? nakakain ba yun?

"Hinde! Pinanghihilamos ang pancake pampatanggal ng pimples, mamatay ka sa margarin" I said on him habang nilalagyan ng madgarin ang pan.

"Oh I see, I thought kinakain yun" Sabi niya. Seriously? Hindi niya alam ang pancake? Ako nga kinder pa lang ako pinatikim na ko nun ng mga uripon kong yaya eh.

"Hoy Asshole malamang kinakain yun" Sabi ko then naglagay na ko ng Hinalo kong itlog sa Pan.

Para naman tanga si Damon sa ginagawa ko dahil tutok na tutok siya sa panunuod.

Nung nakagawa na ko ng isa ay nilagyan ko ito ng Margarin at binudburan ng magic sara--- Este, asukal.

"Oh sayo na lang, nakakaawa ka kung hindi mo matitikman ang pancake ko" Pero sa mukha niya ay hindi pa din siya sure kung nakakain ba talaga yung binigay ko. "Hoy Damon nakakain yan wag kang umarte"

Kontrabida LifeWhere stories live. Discover now