Sabog# 12 (Edited)

17.4K 966 156
                                    

"Miss gising na," Nakaramdam ako ng pag-alog sa aking mga paa kaya naman napilitan akong idilat ang aking mga mata.

Napakasikip naman ngayon sa higaan ko at bakit ang init? Oo nga pala, naglayas nga pala ko. Mukhang nagsisisi na ako sa ginawa kong kanina ah.

"Miss gi--"

"Ano ba?!? Don't make me dumb! 'Wag mo kong igaya sayo, dumistansya ka nga! Ang baho ng hininga mo." Sabi ko at bumangon sa matigas na backseat ng taxi niya.

Agad akong lumabas at kinuwa ko sa likod ng Taxi ang mga luggage ko. After that ay ibinigay ko na ang bayad ko sa Driver.

"Keep the change para naman umunlad ang buhay mo nang bahagya. Galing sa dyosa 'yan, so may basbas yan." Abot ko sa kanya ng bayad.

Nakiliti naman ako ng maramdaman kong magvibrate ang cellphone sa hita ko. Ang landi ng cellphone ko nantsatsansing. Napahinto ako saglit sa paglalakad, bubuksan ko na sana ang pinto ng rest house namin.

I answer the call ng makita kong si Mommy pala ang tumatawag, great timing mom!

"Mom, I'm here na!" Masigla ang boses ko nung sinabi ko sa kanya 'yan but sa totoo lang naka-poker face lang ako dahil hindi ko magawang maging masaya dahil sa nangyari.

"Your sister told me everything sa mga nangyari kanina" Bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

"Mom, ayoko muna 'yang pag-usapan, next time niyo na lang ako sermonan." I said, totoo naman pagod na ko dahil sa mahabang biyahe nakakapagod kayang matulog!

"Okay, have some rest. By the way, nandiyan sa rest ang kumpare ng dad mo together with his son. Kanina ko lang din naalala na may ibang tao diyan." Sabi ni mom.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Hindi naman ako pwedeng umuwi dahil persona non grata ang peg ko sa Mansion KO, lalo naman kapag diyan ako umuwi baka pagkatok ko palang saksakin na ko ni Daddy." Hindi ko talaga maiwasan mapa-rolled eyes, minsan napapaisip ako kung bakit ang shushunga ng taong nakapaligid sakin.

Ibababa ko na dapat ang phone ngunit may pahabol pang sinabi si mom.

"Alam mo namang hindi ako expressive, 'diba? Gusto ko lang sabihin anak, mag-iingat ka diyan. Kung handa ka nang harapin ang daddy mo, just inform me. Sana sa pananatili mo diyan sa Baguio ay matutunan mong maging mature. That's all, hindi kita mahal." Napangiti ako sa huling sinabi ni mom at medyo nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib.

I knocked the door to show some manners, tsaka para malaman ng mga tao sa loob na may magandang nasa labas and it's a rare opportunity na makakita ng dyosa.

Pinagbuksan naman ako ng caretaker kilala niya naman ako kasi every summer nagbabakasyon kami rito, nagtaka yata siya na hindi ko kasama ang family ko.

"Angel sila mommy mo?" Tanong niya sa akin.

"Kinain ko." I said then entered to OUR rest house. Caretaker lang siya at hindi ko kailangang mag-explain sa kanya, Akala niya maganda siya samantalang kasing lapad niya naman ang gate namin.

May ibang tao dito sa rest house so meaning, may ibang tao akong papakisamahan. Sabi nga ni Mommy dapat mag-mature ako. Bakit hindi ko simulan sa pagbabait-baitan? Napapanuod ko naman madalas si Angelica kaya praktisado na ako.

Pagkapasok ko ng bahay ay sumalubong sa akin ang isang lalaki na nasa kanyang early 40's. Nakasuot siya ng salamin and medyo mestizo.

"Anong kailangan mo hija?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Uhm. Apo po ako ng may-ari nitong rest house, magbabakasyon lang po ako dito for the meantime," Magalang kong sabi sa kanya.

"Oh I see, sige pasok ka na. Pasensya na kung nandito kami, Tinatapos lang kasi ng anak ko ang pag-aaral niya rito. Kasing-edaran mo lang siya. Mukhang hindi na mabo-bored ang anak ko dito." Sabi niya sa akin. Ano ako past time? Pakialam ko sa anak mo? Pasalamat ka nagbabait-baitan ako.

Kontrabida LifeWhere stories live. Discover now