Sabog # 30

15.9K 810 29
                                    

POV Angel

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, medyo masakit nga ang likod ko dahil sa sofa ko nakatulog kagabi.

Pagkamulat ng aking mata ay nagulat agad ako dahil wala na ako sa Sofa kun'di nasa kwarto na tinulugan ni Damon. Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong matagpuang kampon ng demonyo na nakapaligid.

Pagkalingon ko sa lapag ay nandon ang demonyo, doon pala natulog ang gago. Sabi na't may kaunting kabaitan pang natatago ang Damon-yo na 'to sa kabila ng mahaba niyang sungay at buntot.

Dahil nga isa akong mabait na diyosa bumaba ako ng kama at dinampot ang kumot, unti-unti akong lumapit sa kanya.

"Oh shit!" Sigaw niya at malakas akong itinulak,anong akala niyo lalagyan ko siya ng kumot? Asa naman! Sinakal ko siya gamit ang kumot, hindi uso sakin ang maging isang sweet girl mawawala ang pagkakontrabida ko.

"Gumising ka na umaga na" I said and smile to him, wala na siyang nagawa kundi tignan ako ng masama but I continue to smile on him sweetly. Magaling yata ako sa bwisitan.

Nagulat ako ng matulin siyang tumayo at tinulak ako pahiga ng kama, hawak hawak niya ang kumot at may feeling ako na isasakal niya rin sakin iyon.

"Bakla ka talaga dahil pumapa---- Aray puta!" Sigaw ko dahil mabilis niyang naiikot sa leeg ko yung kumot. Tang ina sa feelings.

"Guys the breakfast wast rea---- Ooops, hindi naman ako na-inform na may scandal making dito. Continue niyo lang ang ginagawa ninyo at isipin niyo na lang na wala akong nakita" Sabi ni Winston habang unti-unting sinasara ang pinto while there's a playful smile on his lips. Pa'no ba naman kasi naabutan niya kami ni Damon sa posisyon na hindi kanais-nais.

Normal naman samin ni Damon na magbugbugan specially sa umaga pero we both forgot na we're on the different house at mayroon pang ibang tao, nasanay kasi kami na palaging wala si Tito at sinasabunutan ko lang si Martha kapag nanunuod.

"Ang harot kasi" Sabi ko and rolled my eyes habang malakas ko siyang tinulak dahilan para malaglag siya sa kama.

"What? Ako pa ngayon ang maharot, you're the one who started it first" Sigaw niya sakin.

"Sinakyan mo naman?" Sabi ko and tinaasan ko siya ng isang kilay, napakamot na lang siya ng ulo dahil sa inis sakin. Kahit kailan naman hindi nananalo 'tong lalaki na 'to sakin eh, sapakin ko pa 'to ng hard eh.

Lumabas na lang kami parehas ni Damon ng kwarto as usual nagsisigawan pa rin kami wala namang bago. Pagkalingon ko sa dining area nakaupo doon si Winston habang nakangisi ng makahulugan sa amin.

"Success ba Damon, magkakaron na ba ng Junior? Magiging ninong na ba ko?" Tuloy-tuloy na tanong ng baliw, alam kong may sayad 'tong si Winston pero hindi ko maiwasan mamula sa mga pinagsasasabi niya like WTF? Kahit baliw 'to iuumpog ko 'to sa pader para mabalik sa katinuan.

"Stop it, nothing happens between me and that bitch" Sagot sa kanya ni Damon at umupo na upang kumain, ang lakas ng loob ni Winston na mag-aya kumain eh cereals lang naman ang ipapakain. Ang hirap gawin ng cereals grabe nakakahiya sa kanya.

"Nakikita mo 'tong mainit na kape?," Tanong ko kay Winston.

"Bakit? Ganyan ba kainit ang inyong pagtatalik kanina..." Ibubuhos ko na dapat sa kanya yung mainit na kape "Wait lang! Kapag binuhos mo 'yan papanget ako meron pa naman tayong contest mamaya. Kapag binuhos mo sakin 'yan magkakaron kang panget na partner, tapos matatalo ka, kapag natalo ka masasaktan ang ego mo, kapag nasaktan ang ego mo magsusuicide ka na lang"

"Panget ka na talaga" Sabi ko and rolled my eyes ang sarap manuntok grabe.

We eat our breakfast first before kaming umuwi ni Damon,Mamayang ala-una pa naman ang contest kaya may oras pa kami para magprepare. Pero punyatera lang, anong gimik yung magbebeauty contest ng tanghaling tapat... Ano 'to hulasan ng make-up ang labanan?

Kontrabida LifeWhere stories live. Discover now