Sabog# 7 (Edited)

22.4K 1.1K 78
                                    

Buti naman at araw ng lunes na at makakapasok na ulit ako sa school, hindi na puro mga pangit na katulong ko ang makikita ng magaganda kong mata. Makakakita na naman ako ng isang batalyon ng pangit sa eskuwelahan namin.

Nagkasakit si Bobita at nagkaroon ng muscle pain sa buong katawan, tumakbo ba naman ang gaga na parang nasa isang marathon eh, ayan sumakit ang katawan niya. Subukan niya pang lumandi ay buwan-buwan kong patatakbuhin ng ganoon 'yan. Ile-level up ko pa! Hanggang dalawang kanto pa ang tatakbuhin niya!

Si Inday? Ayon panay ang hilata sa sala! Ang arte-arte sa gawaing bahay, sarap ipatapon sa kabilang bahay eh! Pa-english-english pa! Katulong lang naman. Sana yung English words na lumalabas sa mabaho niyang bunganga eh nagiging pera 'no? Edi sana mayaman na siya ngayon.

Umagang-umaga ay naglalakad na ako sa quadrangle ng magandang school namin at puro pangit lang ang nag-a-aral... except sa akin. Habang naglalakad ako ay may isang babae na biglang bumunggo sa akin.

"Sorry." Maarte niyang sabi na parang wala lang. Aba! Badtrip na nga ako ngayong umaga, kinakalaban niya pa ako!

Tumayo ako sa harap niya kaya napatigil siya. "It's fine. Hindi ko rin kasi nakita yung likod," Kunwari pa akong nagulat. "Oh my god! Harap na ba 'yan? Bakit ganon? Puro kapatagan ang nakikita ko." Sagot ko at tinaasan siya ng kilay, tarayan ba? Bring it on, babaeng walang dede! Ume-extra ka lang naman sa story ko kaya hindi na kita papangalanan pa.

"Aba! Ikaw... Ikaw..." Hindi niya maituloy na kanyang sinasabi.

"Ano? wala kang maisip na lait sa isang dyosa na gaya ko? Mahiya ka nga! Buti pa ang aso may dede, ikaw wala!" I shouted at dire-diretso na muling naglakad. Edi napahiya 'tong gaga na 'to, uso magpalaki ng dibdib... Retoke lang katapat no'n.

Habang naglalakad ako ay nahahawi ang mga estudyanteng nakaharang sa aking dinadaanan, umiiwas na sila dahil may na-sample-an na ako.

"Napakasama ng ugali mo!" Sigaw sa akin ni babaeng walang dede, napahinto ako sa paglalakad at lumingon ulit sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mong magalit sa akin dahil pangit ang ugali ko, bakit? Ang ba nagalit sa'yo dahil pangit ang mukha mo?" Tanong ko sa kanya at narinig ko ang bungisngisan ng ibang estudyante na nanunuod ng aming sagutan. Gaga ka, ikaw na mismo ang nagpahiya sa sarili mo. Nagkamali ka ng kinalaban. "Nag-bra ka pa, parang wala ka naman dapat takpan."

Naglalakad na ako nung may marinig na naman ako galing naman sa isang estudyante. "Ang hard naman ni Angel." Narinig kong sabi ng isang babae na nasa sulok. Kahit magtago pa siya ay makikita't-makikita ko pa rin siya.

"Walang humihingi ng opinyon mo. Manahimik ka na lang dahil nakakadagdag lang ang hininga mo sa air pollution... toxic." 

"Ate, ano na naman ba 'tong eksena na ginawa mo?" Biglang dumating si Angelica at lumapit sa akin.

"Angelica, wala naman masyadong nangyari. Gumawa lang ako ng isang maikling palabas para ipamukha sa mga bobong nandito... na bobo talaga sila." Sabi ko at naglakad na lang ako papasok sa aming classroom.

Pagkaupo ko pa lang sa aking puwesto ay agad na lumapit sa akin si Cathy. "Angel, oh em gee! Napanuod ko yung eksena kanina! Walang kupas, mana ka talaga sa akin. Bet ko yung mga sinabi mo doon sa babaeng walang dede," Masayang sabi ni Cathy at sinampal ko nga ang gaga. "Aray ko naman, buti nga pinuri kita eh." Reklamo niya.

"Tigilan mo nga ako, ano 'tong nakita ko sa facebook ko kagabi?" Itinapat ko sa mukha niya ang screen ng cellphone ko.

"Ah! Yung bago ko bang profile picture? Ang laki ng boobs ko diyan 'no?" Proud niyang sabi sa akin. Hindi naman literal na boobs niya ang profile picture niya, may damit naman siya. Hindi ko nga lang talaga sure kung damit pa ang suot niya o tela na lang.

"Wow! Dapat labas cleavage sa profile picture? Infairness friend," Hinimas ko ang kanyang likod kaya mas napangiti si Cathy. "May potensyal kang maging kaladkaring babae." Pagkasabi ko no'n ay sinamaan niya ako ng tingin.

"Pasalamat ka good mood ako ngayon, Magpapalit ako ng picture ko mamaya, yung nakapang-madre para matuwa ka. Lagi ka na lang nakasimalmal diyan--"

"Shut up! Pangit ka lang! Tanggapin mo na." I rolled my eyes on her. Dumating na si sir Panot kaya napabalik si Cathy sa kanyang upuan. Nakakapanibago, ito yata ang unang beses na ang aga kong pumasok sa klase niya. Feeling proud.

Pagkapasok ni sir Panot ay mukhang nagulat pa dahil nandito na agad ang nag-iisang dyosa niyang estudyante. "Ang aga mo ngayon Angel, sana magawa mong pumasok araw-araw ON TIME" Pinagdiinan niya ang salitang 'on time' dahil nga parati akong late. Malaki ang galit sa akin ng panot na 'to. Lagi ko kasi siyang pinapahiya.

"Late ka lang, hindi ako maaga. 'Wag kang assuming." Sagot ko at binaling ang tingin sa labas.

Nagsimulang mag-discuss si sir Panot at medyo nakinig naman ako, magaling naman kasi talaga siya magturo. Kaso nga lang, tuwing nakikita ko ang makintab na tuktok ng kanyang ulo ay nasisilaw ako.

Napatingin ako sa orasan and almost 10 na nang umaga. Bakit ba kasi tuwing lunes ay tatlong oras ang klase ni panot sa amin? Hindi niya ba siya concern sa amin na baka mabulag kami sa kakatitig sa makintab niyang ulo? Hindi ba siya aware?

Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko nung biglang bumikas ang pinto ng aming classroom. Ang malalandi kong sugpo na kaklase ay ang lakas makatili. Palibhasa kasi ngayon lang nakakita ng tao. Kumunot ang noo ko nung makita si Cloud dito... Oo, si Cloud.

"Ang pogi niya"

"Kuya akin ka na lang!"

Iyan ang mga nangingibabaw na naririnig ko. Like what? Anong espesyal sa Cloud na ito? "What can I do for you? Do you aware that it's a rude attitude na bigla ka na lang papasok sa isang klase?" Masungit na sabi ni sir Pano.

"Oo nga! Bakit ka ba umeepal sa klase ni sir Panot?" Diretso kong sabi. Ang rude ko ba kung panot lang lagi ang tawag ko kay sir? Extra lang naman siya sa story ko eh, hindi na dapat pangalanan... maliit na bagay.

"May I excuse miss Maxwell, sir?" Magalang na tanong ni Cloud, Aba! Bumabait din naman pala ito kapag may time, bumabait nga ba? Kaplastikan lang 'yan.

"Sure you may." Tumayo ako at mataray na naglakad palabas ng room, hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin.

"Anong kailangan m--" Hindi ko natuloy ang nagmamaldita at nagmamaganda kong speech dahil bigla niya akong hinawakan sa braso at hinatak.

"Ano ba! Nasasaktan ang maganda kong balat! Bitawan mo nga ako!" Pilit akong nanlaban pero dahil lalaki siya, madali lang sa kanya ang paghatak na ginagawa niya sa akin.

Ilang minuto pa niya akong hinatak hanggang sa mapunta kami sa likod ng school, bihira lang ang mga estudyanteng nadadaan dito dahil hindi naman ito madalas tambayan. Binitawan niya na ako at masama ko siyang tinignan.

Saglit kong minasahe ang braso kong hinatak niya. "Ano bang kailangan mo!?" Malakas kong sigaw.

"Please, gawin mo ang lahat para ayawan ng kapatid mo ang pinaplanong kasal ng mga magulang natin." Nagmamakaawa niyang sabi. Napapaano ba siya? Simula pa lang naman sinabi na namin sa kanya na ayaw din namin sa ideyang kasal na iyon. Bobo ba siya?

"'Wag kang tanga! Una pa lang, sinabi na namin ng kapatid ko sayo na ayaw namin ang tungkol sa kasal na 'yan. Hindi pa handa si Angelica para sa ganoong kalaking responsibilidad," I wave my hand in the air. "Mag-back out ka na lang para everybody happy! Ganoon lang!"

"I can't, magagalit si Dad kapag sinabi ko ang mga bagay na iyon. Iyon lang ang maibibigay ko sa kanya bilang respeto sa pagpapalaki niya sa akin." Sabi niya at umiwas ng tingin.

Parehas pala sila ng kapatid kong bait-baitan. Parehas silang takot ma-disappoint ang mga parents namin. Bakit ba ang cruel ng mundo sa aming magaganda at poging mayayaman? Kahit magulang namin ay ginagawa kaming negosyo.

"Okay fine," I sighed as a sign of forfeiting. "Ngayon alam ko ng parehas kayong plastik ng kapatid ko at mga nagbabait-baitan lang, Ako na lang ang gagawa ng move tutal ako naman ang nag-iisang kontrabida dito."

Bakit ba hindi nila pwedeng pakasalanan ang mga taong gusto nila? Nawawalan tuloy kaming saysay na mga kontrabida, kaloka!

Ngayon ko ipapakita ang galing ko sa pagiging isang kontrabida na minaster ko since birth. Challenge accepted.

Kontrabida LifeWhere stories live. Discover now