Sabog # 34

16.1K 904 116
                                    

[[[POV Angel]]]

Pagdating namin dalawa ni Damon sa hotel ay sobrang pagod na pagod na ako letche! Ang lakas maka-jetlag nung eroplanong 'yon at ang lakas din manakot! I swear to god mamamatay yung piloto nung airplane na 'yon dahil sobrang nanginginig ang katawan ko sa buong flight.

Tinanong lang ni Damon ang reservation room namin at pinadala ko sa isang staff yung mga bagahe namin, yun naman ang trabaho nila.

Nakakaasar nga dahil sa isang room with two beds lang kami ni Damon, noong una ay ayaw talaga namin ngunit si Tito lang ang nagpumilit na magsama kaming dalawa para less expenses daw at para na rin mas maging close kami, like what the fuck! Hindi ko trip matulog kasama ang lalaking mukhang unggoy.

"Arigatou" Sabi ni Damon sa may staff ng makapunta na kami sa room at nag-bow pa.

"Nakakapagod!" Sigaw ko at tinapon ko na lang kung saan ang rubber shoes kong suot Grabe nakakapagod at ang sakit sa paa! Ang gusto ko munang gawin sa ngayon ay matulog, matulog, at matulog pa! Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at ipinikit ko ang aking mata.

Ang location ng hotel namin is aroung tokyo so malapit pa rin kami sa maingay na city and magagandang city lights. Ang magandang part lang dito is kitang-kita ang Tokyo Tower mula rito sa aming room.

"Hindi ka ba maliligo bitch?" Damon said on me at inayos ang gamit niya sa maleta. Tumingin din siya sa libro niyang hawak kung ano ang mga unang dapat puntahan.

"Hey Damon-yo unahin muna natin ang mga tourist spot ngayon na around tokyo lang like Tokyo Tower and Tokyo Imperial Palace. Then tomorrow punta tayong Nagoya and Kyoto tapos sa last day Akihabara" Napabangon na lang ako ng kama ko kasi sobrang nae-excite talaga ako ang dami kong plano kaloka!

"May magagawa pa ba ko eh planado mo na ang gusto mong mangyari"

"Ganon talaga wala kang pake, may pabasa-basa ka pa diyan ng libro" Sabi ko sa kanya, hindi niya alam nagresearch na ako about sa mga tourist spots around here sa Japan. Hindi ko na lang sinabi sa kanya para hindi ako magmukha masyadong excited, aasarin lang ako ng gagong 'yan.

"Let's take some rest first then tonight we will go to Tokyo Tower" Sabi niya sakin at hinubad ang jacket niyang suot, lalo akong na-excite kasi maganda ang Tokyo Tower sa gabi dahil kitang-kita ang kumikinang na mga city lights. Ang Diyosa ko talaga.

Ganoon nga ang ginawa ko dahil talagang masakit ang ulo ko dahil sa Jetlag, sobrang ayoko talaga sa mahahabang biyahe... ang pagbiyahe papunta rito sa Japan ay katumbas ng pagpanget ko sa mahabang panahon, nakakaloka!

***

Pagmulat ko ng mata ay nakaupo na pala si Damon sa isang gilid at kumakain sa mini table. Ang daming nakahain samin. Sushi, Shabu-shabu, tsaka pati na rin Ramen. Sobrang nakakatakam silang titigan at gusto ko na rin kumain.

"Hey already wake up?"

"Hindi! Hindi! Tulog pa ako nag-i-sleep walking lang ako tsaka talking, malamang gising na ko iwasan mo rin kasing maging shunga paminsan-minsan. Wala pang naiimbentong gamot sa katangahan be careful" Sabi ko sa kanya at nag-unat muna ako saglit.

"It's already 7P.M so it your dinner now then we will head to Tokyo Tower" Sabi niya at tinuro ang pagkain na nasa tabi niya, galante ang koya niyo ngayon nilibre ako ng dinner. 

Agad akong umupo sa tabi niya at kinuwa ang pagkaing inaalok niya, malaki talaga ang pinagkaiba ng pagkaing hapon at pilipino because Japanese use some raw ingredients sa kanilang mga pagkain. 

Napapangiti na lang ako dahil masarap talaga at bago sa aking panlasa. Keri lang naman dahil kapag napadami na ako ng kinakain ay mabilis naman akong nananawa so susulitin ko na lang.

"Is there a monster in your tummy?" Epal nung isa, andito pa pala siya. Napansin yata na ang lakas kong kumain.

"Bakit turn off ka sa babaeng malakas kumain? Edi wow!" Sabi ko at umirap sa kanya,tinuloy ko na lang ang pagkain ko ng Sushi at Shabu-shabu.

"No, I just find it pretty amazing... parang may demonyong nabubuhay sa tiyan mo," Agad ko naman siyang tinapakan sa paa, Aba'y gago 'to ah. "Aww! Your totally insane!"

"We're in Japan wala tayo sa America kaya wag kang nage-english diyan pakyu ka" Sabi ko sa kanya at uminom na ako ng tubig.

After a couple of minutes ay natapos ko na ang pagkain kahit na nakakailang dahil nakatitig sakin si Damon then biglang tatawa kapag sumusubo ako, nagsa-summon daw ako ng demonyo sa tiyan ko. Gago amputs!

"Oh ano masaya ka dahil napanuod mong kumain ang isang diyosa, magdiwang ka" Sabi ko habang naglalakad kaming dalawa papuntang elevator.

Pero ang gago ay tumingin lang sa tiyan ko at nag-sign of the cross, "Let's the evil spirit get out on a bitch Tummy"

Tang ina lang, binatukan ko nga ng matindi-tindi! Badtrip.

"Pikon?" Tanong niya ng makapasok kami sa elevator at malakas na tumatawa. Kung pwede lang ikulong 'tong gago na 'to sa Elevator gagawin ko na.

"Eh ano ngayon kung pikong ako tang ina ka" Sabi ko at binatukan siya ng maraming ulit pero tinawanan lang ako ng gago. Legal ba pumatay sa Japan? Paki-inform nga ako ng maiumpog ko na 'to sa lahat ng sulok ng elevator.

"Hampas na ba 'yan? Ang lakas mo kumain pero sa hampas mo parang ginugutom kita" Sabi niya at tumawa ng mas malakas, naluluha pa! 

"Ganyan talaga ang hampas ng mga dalagang filipina" 

"Dalagang Filipina? Ikaw? Oh come on! Naglolokohan ba tayo Angel?" 

"Ganyan ba epekto ng Sushi sayo? Shabu-shabu pa kaya? tang na 'to" I said and rolled my eyes on him.

Hanggang makarating kami sa Tokoyo Tower ay sobrang inaasar niya lang ako, keri naman pero madalas below the belt kaya nababatukan ko ng wala sa oras.

Bago kami pumunta sa Entrance ay naisipan bumili ni Damon ng inumin para raw mas relaxing ang atmosphere kapag nasa taas na kami, may nalalaman pang ganoon. 

Umupo muna ako sa isang bench at doon siya hinintay, napatingin ako sa itaas at saktong bumabagsak na ang mga snow... Mukhang magkakaroon pa ng White Christmas dito sa Japan ah. It's really fun to experience white christmas

"Misu hitori desuka? Anata wa watashitachi ni sanaka shimasu ka? (Miss your alone? Do you want to join us?)" Sabi ng lalaki na papalapit sakin, he's not alone may kasama pa siyang dalawang unggoy na body guard niya yata.

"I don't need an stupid ugly men so leave me alone" Sabi ko, taray napapa-english ako ng wala sa oras.

"Bakero!" Sigaw at akmang isusuntok niya ang kamao niya sakin napapikit na lang ako at naghihintay na masuntok ng igorot na hapon pero walang kamay na dumikit o dumampi man lang sa aking pisngi kaya napadilat na ako.

"Atashi no kareshi de anata no kitanai te o oku shinaide (Don't lay your fucking dirty hands on my girlfriend)" Sabi ni Damon habang hawak hawak niya ang braso nung igorot na hapon. Protective ang koya niyo. 

Nung mapansin ng mga panget na igorot na hapon na may kasama ako ay agad silang nagsi-alisan.

"Nawala lang ako saglit nagpa-bully ka na agad? Tsk. Tsk." Sabi niya at inabot niya sakin ang isang sofdrinks can. Napayuko na lang ako dahil sa hiya, hindi ko man nga lang naipagtanggol ang aking sarili.

"Tara na" Sabi niya at inaya akong pumunta na sa Entrance, nauna siyang naglakad samantalang ako ay nanatiling nakaupo

"Ah Damon ano yung sinabi mo sa mga hapon?" Tanong ko sa kanya.

"Tinadtad ko lang ng mura yung mga 'yon" Sabi niya at ngumiti sakin... Sinungaling

Hindi  niya alam na nagresearch din ako about Japanese Languange, hindi niya rin alam na naintindihan ko lahat ng sinabi niya, at mas lalong hindi niya dapat malaman na kinilig ako amputa!

***

UD done guys :) H'wag na kayong magtanong kung kailan ang update dahil kung kelan ko lang maisipan ay doon lang ako gagawa, so enjoy :D

Kontrabida LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon