Sabog # 13

18.2K 928 137
                                    

POV Angel

Gosh. Agad akong nagtungo sa banyo dahil sa ginawa sakin ng Damon-yo na yun. Umagang umaga diretso ligo tuloy ang gagawin ko. Buti na lang matibay pa ang takong ng stiletto ko kaya hindi nasira kahit matigas ang ulo ng gago.

Nagbihis na ko sa kwarto ko after kong maligo. Ang bait- bait ko at ang ganda- ganda ng pakikisama ko sa kanila tapos bigla na lang siya magbubuhos sakin ng timba na puno ng ice cube at may tubig pa! Ano to? Ice bucket challenge ang peg ko?

Tutal naman na He declare a war between me and him, tignan lang natin. Kontrabida pa ang hinamon mo ah! You want war? then ibibigay ko sayo to!

Im just wearing a large shirt then a boxer short. Tutal nasa bahay lang naman ako, Pinusod ko na lang ang sarili ko. Kahit ano naman yatang suotin ko bagay sakin eh!

Lumabas ako ng room ko at bumaba na ako. Nakita ko naman si Tito Daniel sa dining table at nagbabasa siya ng Diyaryo while drinking his coffee

Samantala si Damon-yo naman ayun nakaupo sa couch ng sala at may hawak na ice pouch na nakalagay sa kanyang ulo. Matalim ang mga tingin na binigay niya sakin pero I just rolled my eyes on him

Umupo ako sa tabi ni Tito Daniel at naglagay ng Cheez Whiz sa tinapay para makapagbreakfast... nakakaloka, hindi ako nainform na self service pala dito.

"Tito wala po ba kayong work ngayon?" pag oopen ko ng topic kay Tito Daniel at umupo ako sa tabi niya

"Ahh mamayang lunch aalis ako kasi may imemeet akong business partner" Sabi sakin ni Tito Daniel. Pameeting meeting lang ang peg nito

Nakarinig ako ng yabag ng mga paa na naglalakad

"Plastik" Sabi ni Damon pagkadaan niya sakin pero hawak niya padin ang Ice Pouch sa kanyang ulo. Nilingon ko siya at tinitigan ng masama pero ang expression niya? Ayun poker face, nababadtrip ako sa mukha ng gago!

"Ah tito by the way, nakapagdecide na po yung mommy ko na dito ko na lang sa Baguio tatapusin ang study ko. Same school daw po ni Damon ang papasukan ko" Sabi ko at kumagat ako ng tinapay, ang gaan ng feeling ko kay Tito Daniel kasi natural yung pagiging mabait niya, alam niyo yun? walang halong kaplastikan

"ohh I see, So meaning dito ka din mag iistay sa Baguio?"

"Yes po"

"Alam mo bang matagal ko ng gustong magkaron ng anak na babae, Only child kasi yang si Damon tapos snob pa papeymus. Sa pagdating mo para na din akong magkakaron ng daughter for a short period of time" Nangiti naman ako kasi feeling ko tatay na tatay ang dating niya

"Agree po ako sa inyo, Papeymus ang anak niyo" Sabi ko and nauwi ang kwentuhan namin sa malakad na tawanan, nagiging komportable na din ako at nakakapag adjust na ko

Nakatanggap ako ng text galing sa kapatid ko

Angelie: Ate we're on the way na

Pagkabasa ko nun ay ipinaalam ko agad kay Tito baka kasi magalit sakin

"Sorry Angel kung hindi ko ma aacmmodate ang mga visitors mo, alam mo na business matters." Sabi ni tito at tumingin siya sa relo niya

"I have to prepare na, nice having a chit chat with you" sabi ni Tito Daniel at pumasok sa kwarto niya para magbihis

Nawala naman ang ngiti ko ng nakita kong nakatingin sakin si Damon ng nakapoker face

"Tinitingin tingin mo? Nagagandahan ka ba sa view? Mataray kong tanong sa kanya sabay higop sa kape ko

"Nagtataka lang ako kung san mo tinatago ang buntot at sungay mo" Sabi niya sakin

"Bakit ba kita kinakausap? wala ka namang kwenta. Bumalik ka na nga lang sa impyerno----este sa kwarto mo" Sabi ko sa kanya. Kapag naaalala ko talaga yung ginawa niya sakin kanina hindi ko maiwasang mairita at para gusto kong isampal sa kanya yung timba eh

Kontrabida LifeWhere stories live. Discover now