š—§š—›š—˜ š—Øš—”š—˜š—«š—£š—˜š—–š—§š—˜š—— ļæ½...

By aprilannaaaa

14K 541 3

NOTE: EDITED VERSION šŒšØš§š­š¢šÆš¢š„š„šš š’šžš«š¢šžš¬ #1 Meet Yazmine Montivilla a woman whose only goal is... More

FRONT MATTER
THE UNEXPECTED LOVE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
THIRTY-THREE
THIRTY-FOUR
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

THIRTY-FIVE

314 15 0
By aprilannaaaa

"Mom? Do you know where is Yazmine?" Tanong ko kay Mommy pagkababa ko.

"Wala na akong balita sa kaniya son, nagpapahinga siguro kaya hindi na rin nakikipagkita sa atin. Why are you asking?" Tanong ni Mama na halatang nagtataka.

"Tell me son, may nagbago ba?" Tanong nito.

Naaalala ko na lahat, last time sumakit ulo ko at doon ko na realized gaano ka shit na hinayahan ko masaktan si Yazmine dahil sa akin.

"Tangina Mom, naiinis ako sa sarili ko. Pinangakuhan ko yung babae na yun na hindi sasaktan pero sa ginawa ko at panandalian na pagkalimot halos saktan ko na siya. Naiinis ako sa sarili ko, kasalanan ko 'to." Sabi ko habang naiiyak.

Hindi ko na naiwasan na maiyak.

"Aksidente lang yun, pagsubok. Hindi ka niya sinukuan kasi naniniwala siya na babalikan mo siya." Sabi ni Mama habang nakayakap sa akin.

When I finally recover my memory napamura na lang ako kasi nasayang yung tatlong buwan namin ni Yazmine. Nakita ko paano siya nasaktan noong hindi ko siya makilala at yun ang pinaka masakit na araw para sa kaniya.

Hindi ko na kaya mawala pa siya sa akin for the last time, pareho na kami naghintay sa isa't isa panahon na siguro para sa happily ever after.

"Mom, I have to find her." Sabi ko kaya tumango si Mommy.

"Hindi pa huli para sa inyong dalawa," sabi nito kaya hinalikan ko siya sa noo.

"Love you Mom," sabi ko rito.

"Take care son, love you too. Go, chase your happiness." Sabi nito kaya mabilis akong naglakad palabas ng bahay.

Naisip ko na ang unang puntahan ay ang apartment nila, baka sakali nandoon yung mga kaibigan niya at alam nila nasaan siya kasi magsasabi naman si Yazmine sa mga yun.

"Tangina!" Naiinis kung singhal saka hinampas ang manubela.

Naiinis ako sa sarili ko kasi sinaktan ko yung babaeng binigyan ako ng chance na mahalin siya, nakakainis ka Klyde.

Pagkarating sa kanila ay sakto naman na bukas ang gate dahil hapon pa naman kaya pumasok agad ako.

Kumatok ako pagkarating sa tapat ng tinutuluyan nila.

"Oh!? Grabe ka makakatok Eng. Samonte." Sabi ni Aliah na may halong pagtataka.

"Oh! Ikaw pala yan Eng. Samonte." Sabi ni Diane saka lumapit sa amin.

"What brings you here?" Tanong ni Diane na halatang nagtataka sa kilos ko.

"Si Yazmine?"

"Ay wala po siya, one week po siya mawawala Eng. Nasa Batangas po, nagbakasyon pansamantala roon sa pamilya." Sabi ni Aliah.

"Ahh sige," sabi ko saka mabilis na naglakad paalis.

Wala na akong choice kung hindi ang puntahan siya roon dahil baka may umagaw na naman sa kaniya. Hindi na ako makakapayag na makuha siya ng iba.

Pinalagpas ko na si Ralph kasi wala ako nung oras na yun, pinaghiwalay kami ng kapalaran kaya ako na gumawa ng paraan para pagtagpuin kami kasi naniniwala ako na nasa kamay natin ang magiging kapalaran natin.

Tinanggap ko na yung hindi ako ang simula pero hindi ko matatanggap na hindi ako ang wakas at hanggang kaibigan lang kami. Wala ng mas masakit sa mahal mo pero hindi puwede.

Hindi ko na sasayangin yung chance na mahal niya ako hindi lang bilang kaibigan, mahal niya ako in a romantic way at masaya ako malaman yun.

Mabilis akong nagmaneho papunta roon habang sinusubukan tawagan si Yazmine.

Hindi niya sinasagot pero nag ri-ring siya, sinubukan ko pa rin hanggang sa masagot niya na 'to.

"What the hell! 20 missed call talaga? Gaano kahalaga sasabihin mo?" Sabi nito na halatang umuusok ang ilong sa galit.

Imbes mabuwisit ako napapangiti na lang ako, na-miss ko yung ganyan na reaksyon niya.

"I miss you," hindi ko na napigilan pa.

"Pakyu ka," sabi nito saka inend call kaya natawa ako.

Sinubukan ko pa tawagan pero out of coverage na kaya wala na akong nagawa kung hindi mag drive na lang para makita siya.

Ang laki ng pagkukulang at atraso ko sa kaniya, hindi ko alam anong sasabihin pero dahil alam ko si Yazmine yun mauunawaan naman niya ako.

Ever since talaga sobra sobra yung paghanga ko kay Yazmine, she's literally a wife material. Solid yung ugali na mayroon siya.

Habang lumalaki kami nakikita ko gaano niya ka mahal pamilya niya, gaano siya kasipag sa buhay. Gaano siya ka determinado sa buhay at kung paano niya i-handle ang lahat para maging maayos 'to.

Nung panahon na nakakasama ko siya, sobrang understanding niya. Alam mo talaga na may future ka sa kaniya. She already plan it at yun ang pinaka nagustuhan ko sa kaniya.

Ginagawa niya yung bagay na gusto niya, hindi siya natatakot bagkus matapang pa niya 'to hinaharap. Bonus na lang talaga na maganda siya.

She really pursuing her dream, a dream house. Hindi niya rin ti-ne-take advantage yung mga tao sa paligid niya.

Nakakatuwa lang na sa sobrang dami nitong pinagdaanan nanatili pa rin siya sa pagiging matatag niya.

Hindi ko namalayan na sa sobrang pag i-imagine ko kay Yazmine nakarating na ako.

Natatakot ako sa sasabihin ng magulang niya, natatakot ako na baka wala na pala akong balikan. Natatakot ako na baka may sumalo na sa kaniya.

Natatakot ako na hindi ako ang maging wakas.

"Tita, tito." Nanginginig kung sabi ng maabutan ko sila palabas ng bahay nila.

"Oh! Hijo, bigla ka ata napadalaw." Sabi ni Tita kaya napakamot ako sa batok ko dahil alam naman nila yung sitwasyon ko.

"Ahh ano po kasi-" nauutal na sabi ko.

Ano ba yan Klyde, walang mangyayari kung uutal utal ka.

Tanga.

"Wala si ate Yazmine kung siya ang kailangan mo," masungit na sabi ni Yla.

Pasensiya na po kayo, nasasaktan po si Yazmine dahil sa akin. As soon as possible po ay babalikan ko siya.

Pasensiya na sa paghihintay.

"Nasaan po siya?"

"Pupunta raw ng debu, kasama yung dati nitong kaklase. Hindi niya nabanggit saan banda." Sabi ni Tito kaya naikuyom ko ang kamao ko.

Nawala lang ako ng saglit may asungot na agad na dumating.

Excuse me, tabi kukunin ko lang yung pag aari ko.

"Ay gano'n po ba. Sige po, pasensiya po sa abala. Tita, Tito at Yla mauna na po ako." Sabi ko sa kanila.

"Arcos subdivision daw sila ate, court ang venue. Puwede naman pumasok outsider." Sabi ng kakarating lang na si Ven.

Napaharap ako bigla dahil akma na akong aalis.

Thank you Lord! Ang lakas ko talaga sa inyo.

"Salamat Ven, salamat sa inyo." Sabi ko saka malakas na napabuntong hininga.

"Don't hurt ate for the second time, ayaw namin siya nasasaktan lalo na kung maling tao yun at hindi naman well deserve sa pag iyak nito. Please... Don't hurt her feelings." Sabi ni Ven kaya napangiti ako.

Tama na yung tatlong buwan na paghihirap niya, panahon na siguro para ingatan ko siya at mahalin.

"I will not hurt her," sabi ko.

Hindi ko hahayaan na masaktan siya.

"Mag iingat ka hijo," sabi ni Tita kaya tumango ako at nagmadali maglakad pasakay sa kotse.

"Hintayin mo 'ko Yazmine." Sabi ko sa sarili ko saka nag umpisa sa pagmamaneho.

Mabilis akong nakarating sa sinabi ni Ven na venue, hindi rin kasi 'to gaano kalayo mula sa kanila.

"Out of coverage pa rin, shit." Naiinis na singhal habang sinusubukan ko tawagan si Yazmine.

Naghintay ako habang nakasandal sa kotse ko, it's already 8:45 pm. Dahil alam ko naman nakapatay ang phone ni Yazmine wala rin akong mapapala kapag tinawagan ko si Aliah o si Diane.

Minamalas ata ako. Tangina.

Nasipa ko na lang ang bato sa tapat ko pero natigil ako ng may nagsalita.

"Gagi ang sakit," sabi nito.

Kilala ko kaninong boses yun, familiar siya sa akin. Lahat lahat ng mayroon sa kaniya kabisado ko na talaga.

"Wala ka naman plano--" hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng makita ako.

Napakunot ang noo nito na halatang nagtataka bakit nandito ako.

"Engineer Samonte, kilala mo yung debutant?" Tanong nito saka napangiti.

"Hindi ka naman pumunta rito para sa business kasi grabe ka na ka workaholic te. Uso magpahinga." Biro nito saka ako tinapik sa balikat.

"Apology accepted agad kahit hindi ka pa nag so-sorry. Hindi mo naman sinadya kaya oks na yun." Dugtong nito saka nag thumbs up.

Akmang aalis na siya ng hawakan ko ang kamay nito kaya napatingin siya sa akin.

Sa sobrang kaba ko niyakap ko na lang siya.

"Sorry for hurting you," sabi ko kaya naman naramdaman ko ang pagpatak ng luha nito.

"Shhh," pagpapatahan ko sa kaniya.

"Sorry sa paghihintay," sabi ko kaya bumitaw siya sa pagkakayakap kaya binitawan ko na siya ng tuluyan.

"Basta ikaw hihintayin kita, I love you Klyde. Worth to wait ka at kung kailangan natin pareho masaktan para maging worth it ang lahat it's fine as long sa huli tayo pa rin." Sabi nito habang umaagos ang luha sa mata niya.

"I love you, I always love you kahit noong panahon na nawala ka sa isip ko. Nawala man ang ala ala ko pero kahit kailan walang makakapantay sa pagmamahal at yun ang bagay na kahit kailan hindi mawawala. Sorry kasi 3 months--"

"It's fine, naiintindihan ko. Masaya na akong malaman na bumalik na yung ala ala mo." Pagputol nito sa sasabihin ko kaya hinalikan ko siya sa noo.

"Marlon..." Sabi ni Yazmine sa lalaking kakalabas lang.

Naglakad 'to palapit saka nginitian.

"Ingatan mo na pre para hindi na makuha ng iba, baka sa susunod hawak na siya ng iba." Sabi nito sa akin saka ako tinapik sa balikat.

"Hindi ko naman hahayaan na makuha siya sa akin," sabi ko saka inakbayan si Yazmine.

Napatingin si Yazmine kaya kinindatan ko saka nginitian 'tong Marlon.

"Ano man ang mangyari sa kaniya pa rin ako uuwi dahil siya ang tahanan ko."

Kumapit sa braso ko si Yazmine.

"Magkasama kami na haharapin ang panibagong umaga," sabi nito.

Dahilan para kiligin ako pero pinagilan ko dahil baka isipin niya ay bakla ako at kinikilig ako.

Hinawakan ko ang kamay nito.

Wala na akong plano na bitawan ka. Mahal na mahal kasi kita.

Nginitian ko si Marlon bago ko sinabi ang linya na pingako ko sa sarili ko.

"We ended up together, hindi man ako ang nauna pero sisiguraduhin kung ako ang wakas."

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
161K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
98.6K 2.1K 39
Isang babaeng laging nasasaktan dahil sa paghanga sa lalaking kahit kailan di siya magugustohan Pero ano nga ba ang mangyayari Kong siya mismo ang ma...