š—§š—›š—˜ š—Øš—”š—˜š—«š—£š—˜š—–š—§š—˜š—— ļæ½...

By aprilannaaaa

14K 541 3

NOTE: EDITED VERSION šŒšØš§š­š¢šÆš¢š„š„šš š’šžš«š¢šžš¬ #1 Meet Yazmine Montivilla a woman whose only goal is... More

FRONT MATTER
THE UNEXPECTED LOVE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
THIRTY-THREE
THIRTY-FOUR
THIRTY-FIVE
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

THIRTY

196 11 0
By aprilannaaaa

"Calm down hija," iyon ang sinabi sa akin ni Tita ng makarating kami.

Hindi ko na alam gagawin ko, nakatulala lang ako sa buong biyahe pilit i-na-absorb ang nangyari kasi parang nanaginip lang ako.

Kami lang ni Tita ang nauna kasi susunod raw sila Tito pati si Ate Klarissa at Kuya Roman gano'n din si Aliah at Diane o kung gabihin na sa biyahe ay bukas na lang ng maaga sila Aliah at Diane kasama yung mga jowa nila.

"Ate kumalma ka," sabi ni Elle saka ako inabutan ng tubig pero nanginginig pa rin ako kaya si Elle ng humawak saka ako pinainom.

"Anak, magiging okay rin siya kaya kumalma ka." Sabi ni Mama kaya umupo na lang ako habang nakahawak ang dalawa kung palad sa mukha habang nakayuko.

"God! Please.... Nakikiusap po ako sa inyo, wag niyo po pababayaan si Klyde. Wag niyo muna siya kunin sa akin sa amin po. Kailangan pa po namin siya lalo na po ako kaya please... Maawa na po kayo sa amin." Pagdadasal ko sa isip ko.

Nagulat ako ng marinig ang pagbukas ng pinto.

"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente," sabi niya kaya tumango kami.

"The patient is already fine, she's unconscious because of the accident pero gigising din siya. Ililipat na muna namin siya para makita niyo. Pero... May bad news po." Sabi nito kaya mahigpit ako napahawak kay Tita sa hindi ko malaman na rason.

"Asahan niyo po na magkaroon siya ng amnesia due to the accident." Sabi nito na kinadurog ko.

"What!?" Gulat kung reaksyon.

Hindi ko na narinig ang sinabi nito dahil nagdilim na ang paningin ko.

Nagising ako ng maramdaman ang hindi familiar na amoy, pagkadilat ko ng mata ko nakita ko ang white na color.

Nasaan nga ulit ako?

Ah, okay. Nasa Hospital pala ako.

Napaupo na lang ako ng maayos kaya nagising si Ven na nakayuko habang hawak ang kamay ko.

"You okay ate?" Tanong nito saka tumayo.

"Wala na ba masakit sa'yo?" Tanong nito sa akin kaya umiling ako.

"Si Mama? Si Tita Krystal?" Tanong ko ng mapansin na mag isa lang siya.

"Nasa kabilang kuwarto si Tita Krystal sila Mama umuwi na muna. Babalik din mamaya." Sabi nito saka tiningnan ang oras sa wall clock na nasa bandang ulohan ko.

"Ilang oras ba ako nawalan ng malay?"

Hindi ko kinaya yung sinabi ng doctor kaya nag pass out ako.

"Limang oras, madaling araw pa lang ate kaya matulog ka na muna. 2 am pa lang." Sabi nito sa akin kaya napatango ako.

"Puntahan natin si Klyde, gusto ko siya makita." Sabi ko pero pinigilan niya ako ng akma na akong baba.

"May bukas pa ate, nagpapahinga na si Tita gano'n din ang ibang pasyente. Bukas na ate nasa katabi lang naman siya. Magpahinga ka at bukas na bukas ay dadalhin kita sa kaniya. Sige na ate magpahinga na tayo pareho." Sabi nito kaya naman tumango ako.

Sinabihan ko siya na sa sofa humiga para hindi sumakit ang leeg niya at ayoko rin naman magising siya every time na gagalaw ako.

Nagulat ako ng mag ring ang phone ko kaya sinagot ko kaagad.

Si Aliah.

"Hello," mahina kung sabi.

"Oh my gosh dai! Thank God your okay now. Nag alala kami sa'yo. Hindi kami nakatulog para lang i-make sure na ayos ka lang. Kinabahan talaga kami. Okay ka na ba talaga? Legit na legit ba yan?" Sabi nito kaya napangiti ako.

Kung wala ako sa ganitong sitwasyon tatawanan ko 'tong si Aliah. Ito pa naman pinaka natataranta sa amin kapag ganito, habang si Diane ang kalmado lang pero kinakabahan nagpapakatatag lang.

"Pupunta kami riyan mamaya, buti na lang ayos ka na kaya makakatulog kami ng maayos. How about Klyde?" Tanong ni Diane kaya napabuntong hininga ako.

"He's fine," walang gana kung sagot.

Okay nga siya, may amnesia naman siya. Why naman gano'n?

"Parang hindi ka naman masaya dai, why?" Halatang nag aalala na sabi ni Aliah.

"Si Klyde... May posibilidad na magkakaroon siya ng amnesia. Aliah hindi ko alam kung matatandaan niya ako." Halos pabulong kung sabi para hindi magising si Ven alam kung mahimbing na siyang natutulog.

Naiiyak na lang ako sa mga nangyayari sa akin. Hindi ko na alam anong gagawin ko.

"Shh, tumahan ka na be. Naiiyak kami." Sabi ni Diane.

Sinabi na nila lahat ng motivation bago ako mag decide na matutulog na lang. Napansin ko pa na nagpalit ng puwesto si Ven na nakaharap sa akin paharap na siya sa may sofa kaya napabuntong hininga ako.

"Thank you Ven, I love you." Sabi ko rito saka pinikit ang mata para matulog.

Nagising ako ng maramdaman na may humalik sa noo ko.

"Papa!" Nagtataka kung sabi kaya naman napangiti siya.

"Gutom ka na ba? Kumain ka na muna." Sabi ni Papa saka inabot ang pagkain sa akin na nakalagay sa tupper ware.

"Nasaan po sila?" Tanong ko ng mapansin mag isa siya.

"Alam mo naman may mga pasok ang mga yun, babalik sila mamaya. Nag leave muna ako para bantayan ka. Inasikaso na nila Kris ang bayad. Nakakahiya man pero wala naman kami nagawa, hirap pigilan." Sabi ni Papa kaya naman napaayos ako ng pagkakaupo.

"Nandyan lang po ba sa kabilang kuwarto? Puntahan po natin si Klyde." Sabi ko sa kaniya pero ngiti lang ang sagot nito.

Bumaba na ako saka inayos ang suot kung hospital dress. Magpapalit na ako mamaya, okay naman na yung bill.

"Walang tao?" Tanong ko ng makalabas ang nurse.

"Wala po Ma'am," tipid nitong sagot saka iniwan na nakabukas ang pinto.

"Kapag po nagising ang pasyente pakitawagan po kami. Nasa may malapit lang po kami o kaya po ay itawag niyo na lang po." Sabi sa amin kaya tumango ako.

"Opo, thank you."

"Thank you rin Ma'am, maiwan ko na po muna kayo." Sabi nito saka umalis kaya napatingin ako kay Papa.

"Ayusin ko lang mga gamit mo, maiwan ko na muna kayo." Sabi nito saka ako hinalikan sa noo.

Naglakad na ako papasok saka ito dahan dahan isinara.

"Love... gising ka na riyan. Miss na kita, nandito pa rin ako kahit anong mangyari maalala mo pa man ako o hindi." Naiiyak kung sabi.

Maraming nakalatag na prutas sa table nito kumpara sa akin na wala.

"Kailan ka ba gigising? Hinihintay ka namin oh. Si Mama mo iyak ng iyak. Baka plano mo siya balikan. Ang ate mo iyak din ng iyak hindi yun healty sa baby. Gising ka na riyan. Mamahalin mo pa ako, magmamahalan pa tayo." Sabi ko saka siya hinaplos sa mukha.

"Nasaan na yung proposal mo, gising na nga riyan hinihintay kita." Sabi ko pa na mas lalong naiyak.

Naiiyak na lang ako sa mga nangyayari. The last time I cry it was a break up, lagi na lang akong umiiyak dahil sa love. Hindi ko na alam anong next na iiyakan ko ng ganito kalala.

Hindi ko na alam gagawin ko. Napapatulala na lang ako at iniisip kung anong kasalanan ko at ganito na lang ako saktan. Kung kailan masaya na saka naman nangyari 'to.

"Lord... I love him so much, so please... I don't want to lose him. Hindi ko pa po kaya." Sabi ko pa saka pinunasan ang luha sa mata ko.

"Magpapakatatag ako," sabi ko pa saka inayos ang sarili ko.

Natigil ako ng marinig ang pagkatok.

"Hija, can I come in." Boses ni Tita Krystal.

"Sige po," sabi ko saka umayos ng pagkakaupo.

"Okay ka na ba talaga?" Halatang nag aalala na sabi nito.

"Opo, I'm fine po. Ano na po balita kay Klyde?" Sabi ko saka siya tiningnan.

"Hintayin na lang ang paggising niya, siguro hija you should rest. Umuwi ka na muna para makapagpahinga. Ayoko mabulyawan ng anak ko at sabihin na hindi kita binantayan at inalagaan kaya take care yourself. Magagalit sa'yo si Klyde kasi hindi mo inaalagaan ang sarili mo." Sabi nito kaya naman napabuntong hininga ako.

"Sabihan niyo po agad ako kapag nagising siya." Labag sa loob ko na umalis pero tama si Tita, ayoko naman makita niya ako sa ganitong klase ng sitwasyon hindi siya matutuwa.

"Oo hija, you also have to rest." Sabi nito saka ako niyakap.

Hinatid ako nito sa pinto kaya naman pagkalabas ko bumungad si Aliah at Diane na agad akong niyakap.

Wala man sila sinasabi pero alam kung nag alala sila ng sobra sa akin. Hindi pala salita ang mga 'to pero halata sa kilos nila yung gusto nila sabihin sa akin. Mas okay naman yung gawa kaysa sa puro salita kulang naman sa gawa.

Umuwi ako kasama yung dalawa. Sinabihan ko si Papa na pumasok since sayang ang kikitain niya kaya ko naman na rin at nasa tabi ko naman yung dalawa.

"Dalawa lang kayo pumunta rito?" Tanong ko pagkasakay namin sa jeep.

"Si Jerome bawal umabsent, gano'n din si Jomar kaya we decide na dalawa na lang kami. Keribels naman ang biyahe." Sabi ni Diane.

"Basta para sa'yo walang hindi kaya, what are friends are for pa di ba?" Sabi ni Aliah kaya napangiti ako.

"Dami nating drama sa buhay," sabi ko kaya binatukan nila ako.

Pagkarating sa bahay ay dumeretsyo agad ako sa bahay para makaligo na habang yung dalawa ay baka magluluto, alam naman na nila yung gamit namin kaya hindi na nila ako kailangan. Hindi naman binago ni Mama kaya hindi na sila maninibago pa.

"Dai? Kailan balik mo sa Maynila. Baka kasi bumalik din agad kami roon." Sabi ni Diane.

Gusto ko muna masiguro na okay si Klyde bago ako pumunta sa Maynila. Mamaya kasi magulat na lang ako hindi na pala niya ako mahal dahil nga nagkaroon ng amnesia.

"Siguro pass muna, sisiguraduhin ko na muna na natatandaan ako ni Klyde. Mahirap na hindi niya ako matandaan." Sabi ko.

"Ahh okay," sabi nila sa akin kaya nagsimula na ako maligo.

Pagkatapos ko magbihis ay kumain na kami. Nag uusap usap kami ng mag ring ang cellphone ko.

"Wait si Tita Krystal," sabi ko sa kanila kaya tumango lang sila.

Tumayo ako at medyo lumayo sa kanila saka 'to sinagot.

"Hello po Tita," magalang kung sagot.

"Gising na si Klyde,"

"Po? Talaga po ba? Sige po papunta na po ako." Sabi ko.

"Dalian mo hija," sabi nito saka inend call.

"Oh my gosh! Gising na si Klyde. Bisitahin natin siya." Sabi ko sa kanila saka mabilis na tinapos ang pagkain.

"Kami na bahala rito, mauna ka na roon." Sabi ni Aliah kaya tumango ako.

Nagmadali ako sumakay ng jeep para maabutan ko pa siyang gising.

"Thank you Lord," sabi ko sa isip ko.

Naghalo yung kaba at excitement ko. Kaba kasi baka may mga nakalimutan siya at excitement kasi gising na rin siya sa wakas.

"Para po," sabi ko pa.

Medyo lagpas na ako pero keribels lang naman. Patakbo na ako halos papasok ng Hospital hindi ininda ang tirik na tirik na init.

"Tita," iyon ang bungad kung sabi pagkabukas ng kuwarto.

"Klyde..." Halos maluluha na sabi ko.

Tiningnan niya lang ako habang nakakunot ang noo.

"Tangina! Sino ka?"

Napanganga ako habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na hindi niya ako maalala na nawala ako sa isip niya. Shems, why naman gano'n?

Ang sakit. Tangina!

"Anak... Siya si Yazmine Montivilla." Sabi ni Tita kaya nginitian ko siya kahit halos gusto ko na lang maiyak sa nangyayari.

Kailangan ko maging matatag.

"Klyde Samonte nga pala, nice meeting you Yazmine Montivilla." Sabi nito sabay abot sa kamay niya na pinagtataka ko.

Bakit?

Kinuha ko 'to kahit nasasaktan ako sa nangyayari.

"Nice meeting you," sabi ko saka bumuhos ang luha sa mata ko.

Napatingin ako kay Tita na umiiyak at halatang nag aalala sa akin.

I'm fine, ayos lang na hindi matandaan ng taong mahal. Ayos lang na hindi niya ako maalala everything about me.

"Tita, hindi niya na po ako natatandaan." Parang bata kung sabi kaya nilapitan niya ako saka niyakap.

"Yazmine," tawag nito kaya napatingin kami ni Tita.

"Single ka ba?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
163K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
282K 19.7K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.5M 98K 61
"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his ca...