Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 9: Doomed

13.4K 316 11
By HippityHoppityAzure

Chapter 9: Doomed

GRADUATION DAY OF Little Ones Nursery School soon came. Ang kukyut lang ng mga bata na naka-toga. Nawala tuloy bigla ang stress na nararamdaman ni Monic dahil sa pinagdaraanang problema.

            Napapangiti siya sa tuwing napapansin ang pagka-walang malay ng mga bata sa nagaganap. Buti na nga lang sumusunod ang mga ito sa mga instructions nila at naaalala pa ang ilan sa mga pinagpraktisan nila kahapon—mula sa pag-upo, pagpila, pag-akyat ng stage at pagtanggap ng diploma. Maayos tuloy na natapos ang buong event.

            “Teacher Niiix!” Mabagal at papataas ang boses na tawag ng isang batang lalaki kay Monic. It was Gary, ang pinaka-makulit niyang estudyante, na ngayon ay nag-aabot ng isang stem ng rose sa kanya. “Thank you po for teaching, and for, and for taking good care of meee!”

            Natatawang tinanggap ni Monic ang bulaklak at saka pinanggigilang yakapin ang bata. “Thank you rin, Gary! Nako, mag-behave ka na sa magiging new school mo ah? Bawal na kasi talaga ang makukulit na kids doon.”

            “Yes po, Teacher Nix! Promise ako na magbe-behave na po!”

            Natawa lang ulit si Monic, at saka pinagbigyan ang request ng mommy ni Gary na makuhanan sila ng litrato. Bukod kay Gary ay may iba pa siyang estudyante na lumapit sa kanya para magpaalam, magpasalamat at magpakuha rin ng litrato for remembrance.

            Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Monic dahil sa ginagawang pamamaalam ng mga estudyante niya. And she hated it. Always. Every year. Ang sakit kasi talaga mapahiwalay sa mga bata na matagal na niyang nakasama.

            Hindi ako dapat malungkot! Dapat masaya ako para sa kanila! Paulit-ulit niyang paalala sa sarili habang pilit na nginingitian ang bawat bata at magulang na lumalapit sa kanya.

            “Teacher Niiix!” May bata na namang sumigaw sa pangalan niya. This time, boses ng isang batang babae. Nang hanapin niya kung sino iyon, nakita niya na si Alannah lang pala. Magiliw itong tumatakbo habang nakasunod sa likuran ang ama nitong si Marky na may DSLR camera na dala.

            Naalala bigla ni Monic ang baked macaroni na binigay ni Marky sa kanila ni Teacher Riz two days ago. Sa pag-alala niya roon ay nakaramdam siya ng pagkailang. Alam niyang alam ni Marky na paborito niya iyon. Madalas pa nga nila iyon kainin dati sa isang fast food resto nung sila pa. Hindi niya tuloy lubusang maisip kung nanunudyo ba ito tungkol sa nakaraan nila o ano.

            She was feeling bitter, thinking na si Marky ang dahilan ng problema niya ngayon. Bakit ba kasi bumalik pa ito sa buhay niya? Naging magulo tuloy ang ilang bagay sa kanya—ang damdamin niya, at nadamay pa pati ang pamumuhay niya.

            “Teacher Nix!” Todong naka-ngiti si Alannah nang makalapit ito sa kanya. Napangiti rin tuloy siya sa kabila ng pait na nararamdaman. Napakagandang bata naman kasi talaga ni Alannah. Tapos may suot pa itong medal.

            “Uy,  Alannah. Congrats sa pagiging second honor mo.” Pinat niya ito sa ulo. “Keep it up, ah?”

            Tumango-tango ang bata.

            “Nix,” tawag bigla ni Marky. “Puwede ko kayo kuhanan ng picture?”

            “H-huh? Nako, huwag na Marky. Makita pa ni Yvette ‘yan.” Bitter siyang natawa.

            Speaking of Yvette, hindi nga ito dumalo sa graduation ng anak na hindi niya alam kung ikakainis niya ba o ikakatuwa. Nakakainis kasi naaawa siya sa bata. At nakakatuwa rin kasi hindi na niya kinailangang kaharapin ito na ayaw na niyang mangyari pa.

            “Hindi ah,” kontra ni Marky. “Hindi niya ‘to makikita. Wala naman siyang interes sa mga ganitong bagay so sige na. Please?”

            “Aya—”

            “Please po Teacher Nix! Picture po tayo!” Pakiusap na rin ng bata. Nag-alangan na tuloy siyang tumanggi.

            Picture lang naman... Isip niya sabay buntung hininga.

            “S-sige na nga.” Pagsuko na niya sa mag-ama.

            Napangiti nang malapad si Marky at finocus na ang camera sa kanila ni Alannah.

            Inakbayan naman ni Monic ang bata habang ang kabila niyang kamay ay may hawak na ilang bulaklak at regalo. Ngumiti siya at makalipas ang dalawa o  tatlong segundo ay nakuhanan na sila.

            “Salamat,” ani Marky.

            Pinanatili ni Monic ang simple niyang ngiti. “Welcome.”

            “Andyyy! Picture tayo!” Sigaw bigla ni Alannah sa kaklase niyang dumaan sa tabi nila kasama ang mga magulang. “Daddy!” Lumapit pa ito kay Marky at hinatak-hatak sa braso. “Picture po kami please!”

            “Sige na, Marky. Bye na ah.” Paalam na ni Monic. At sa pamamaalam niyang iyon ay may kakaibang relief siyang naramdaman sa loob-loob niya.

            Well, their classes were finally over and their students would be moving to different schools. Meaning, hindi na papasok sa kanila si Alannah at hindi na niya makikita pa si Marky.

            Mukha namang nagulat ang binata sa pamamaalam niya bago sumagot. “Bye...”

            At that, tumalikod na si Monic at nagbuntung hininga, bago naglakad palayo.

                                                            ***

AFTER THE EVENT, nagpunta si Monic sa isang restaurant kasama ang co-teacher niyang si Riz pati na ang ilan nilang higher-ups to eat lunch and to celebrate another successful school year.

            Nagkakasaya sila, nang bigla namang manlumo si Monic. Naalala niya, na kailangan na niyang maghanap ng malilipatan sa darating na linggo—malilipatan na magkakasya sa suweldo niya.

            Not only that. Dapat magkasya rin sa suweldo niya ang iba niyang pangangailangan—pagkain, toiletries, plus utility bills.

            Oh damn it.

            Kung wala lang siyang mga kasama, ginulo na niya ang buhok niya dahil sa sobrang stress.

            Ah, hindi! Kaya ko ‘to! Kaya, kaya, kaya!

            At idinaan na lang niya sa pag-inom ng isang shot ng alak ang pagpapalakas ng loob.

                                                            ***

“OKAY KA LANG, Teacher Nix?” Nag-aalalang tanong kay Monic ni Teacher Riz habang nakasakay sila ng taxi.

            “Uhh, oo. Medyo masakit lang ulo ko.” Sagot niya nang nakasandal sa backseat at takip-takip ng isang kamay ang mga mata.

            “Ayan kasi. Nasobrahan ka yata sa alak!”

            “Hindi ah. Kaunti lang ininom ko.” Totoo naman iyon. Mahina lang talaga ang alcohol tolerance niya.

            “Haaay. Yaan mo Teacher Nix, malapit na tayo.”

            Sa pakiramdam niya, nasa loob na sila ng subdivision nina Teacher Riz. Sa wakas, malapit na niyang maihiga ang sakit ng ulo na kanyang nararamdaman.

            “Oh my gaaad!” Tili bigla ni Teacher Riz na ikinabalikwas ni Monic.

            “U-uy, bakit?” Naka-kunot noo niyang tanong sa katrabaho.

            “M-Manong Kuya! P-pakihinto na lang po dun, dun, dun!” Todo turo si Teacher Riz. “Sa likod nung itim na kotse!”

            Itim na kotse? Napaisip si Monic. Mula kasi nung makituloy siya kina Teacher Riz, wala siya nakikita na itim na kotse na nakaparada sa tabi ng bahay ng tiya nito.

            “Oh my gad talaga!” Nanlalaki ang mga mata ni Teacher Riz na nakatitig sa harap.

            Lumingon na roon si Monic at may itim na kotse siyang nakita na nakaparada sa tapat ng bahay. Isang itim na kotse, na sa tabi ay may naka-cross arms na lalaki. Lalaki na kilalang-kilala ng mga mata niya—at ng puso niya.

            “M-Marky?” Bulong ni Monic kasabay ng paghinto ng taxi.

            W-why the hell is he here?!

            Nanatiling naka-kunot noo si Monic habang nakatitig kay Marky sa labas. Samantalang ang katabi niyang si Teacher Riz ay hindi mapakali sa pagkuha ng ibabayad sa taxi driver.

            Parang kakaisip ko lang kanina na hindi ko na siya makikita ulit, ah?!

            “Ito na po ang bayad!” Nakapagbayad na si Teacher Riz sa driver, kaya naman binuksan na ni Monic ang pinto sa side niya. “T-teka lang Teacher Nix!” Pero hinatak siya bigla ng ka-trabaho pabalik sa tabi nito.

            Naiinis na si Monic, pero pilit niyang pinakalma ang sarili. “Bakit Teacher Riz?”

            “Uhm,” napakagat-labi ito saglit. “Maayos pa ba ang porma ko ngayon? Ang buhok ko? Ang make-up ko?”

            Napataas siya ng isang kilay sa pinagtatanong nito.

            “Teacher Nix naman ehhh! Huwag mo ako taasan ng kilay!” Parang bata nitong niyugyog ang braso niya. “A-ano, pagbigyan mo na lang kasi ako,” nakangusong bulong nito. “Kailangan kong magpaganda eh. Ayan kasing daddy ni Alannah, feeling ko eh binabalak akong ligawan.”

            Medyo nawindang ang utak ni Monic sa narinig, dahilan para mapakurap siya. “H-huh? Ano? B-binabalak ka niyang ligawan?”

            “Uy wait lang po ah, Manong Kuya!” Baling saglit ni Teacher Riz sa taxi driver na natatawang tumango lang sa kanila, bago muling bumulong kay Monic. “Feeling ko lang naman ‘yun, Teacher Nix! Nitong mga nakaraang araw kasi, panay ang lapit at usap niya sa’kin. ‘Di ba nga nung Monday, nagbigay pa ng baked mac sa atin? Tapos kahapon lang, tinanong niya kung saan ako nakatira. Akala ko para may mapag-usapan lang kami. Pero ayan siya ngayon. Balak pala akong puntahan, agad-agad!”

            Natulala na lang si Monic sa katrabaho. Ayaw niyang maniwala sa feeling-feeling nito. Pero bakit pakiramdam niya ay totoo iyon? At nababahala pa siya.

            “Oh my gad! I can feel it! Magkaka-lovelife na ako this summer!” Bara-barang nag-ayos ng damit at buhok si Teacher Riz. “Tara na nga!”

            Nauna itong bumaba ng taxi. Si Monic naman ay napabuntung hininga pa muna bago sumunod.

            “Hi Mr. Añonuevo! Ano pong ginagawa niyo rito?” Rinig ni Monic na tinanong ng katrabaho niya kay Marky.

            Ngumiti naman sa kanya ang binata bago sinagot si Teacher Riz. “Ah, ‘yung regalo kasi ng anak ko para sa inyo, naiwan namin kanina sa bahay. Ngayon ko na lang ibibigay sa inyo.”

            “Nako naman, Mr. Añonuevo. Nag-abala pa kayong mag-ama!” At tumawa si Teacher Riz ala dalagang Filipina.

            Natawa rin si Marky at lumapit sa sariling sasakyan. May kinuha ito sa driver’s seat. Nang humarap ulit ito sa kanila, may hawak na itong dalawang maliit na box sa magkabilang kamay.

            “Woah,” namangha naman si Teacher Riz dahil ang cute nung mga regalo. Kulay pink at may ribbon pa talaga.

            “Si Alannah nagbalot ng mga ‘to,” proud na sabi ni Marky bago inabot ang unang regalo kay Teacher Riz.

            “Gosh! Thank you!”

            At ‘yung panghuli ang inabot nito kay Monic. “Sana magustuhan niyo.”

            Alanganin pang tinanggap ni Monic ‘yung regalo. “Salamat...”

            Napayuko na lang din siya dahil nailang siya sa tingin at ngiti ni Marky. Mas nailang pa siya nang maramdamang hindi na ito umalis sa harapan niya.

            “Nasaan nga pala si Alannah?” Tanong ni Teacher Riz na nagpakilos na kay Marky.

            “Ay ano, tulog. Nakatulog agad matapos naming mananghalian kanina.”

            “Aww. Napagod malamang sa graduation na naganap.” Dagdag ni Teacher Riz na hindi naiwasang tignan ni Monic dahil sa tono nitong may kinikimkim na kilig.

            “Ganun na nga yata,” napakamot ng batok si Marky. “Ah, sige. Alis na ko. Sala—”

            “Huwag muna!” Biglang sigaw ni Teacher Riz na parehong ikinagulat nina Monic. “Mr. Añonuevo naman. Magmeryenda ka muna dito.” Sabay pa-cute na ngumiti.

            Hindi na alam ni Monic ang nararamdaman sa kinikilos ng kanyang katrabaho. Natatawa siya, pero nandun din ‘yung inis.

            “Nako ‘wag na kayo mag-abala Teacher Riz,” tanggi ni Marky. “Mukha na kayong pagod kaya magpahinga na lang ka—”

            “Uy hindi ako pagod ah! Si Teacher Nix lang ang may kailangang magpahinga. Nahihilo kasi at nakainom.” Pabulong pa kunwari nitong sinabi ‘yung huli.

            Dahil dun, napatingin kay Monic si Marky. And Monic saw it—ang pag-aalala sa mga mata nito na ikinailang niya.

            “K-kaya tara na sa loob,” said Monic, averting her look from Marky. “Gusto ko nang matulog.”

            “Ay oo! Oo!” Madali namang binuksan ni Teacher Riz ang gate, pagkatapos ay binalikan si Marky at yumakap sa braso nito. “I insist na pagmeryendahin ka muna Mr. Añonuevo so tara na!” At hinatak na nito ang binata papasok ng bahay.

            Pinanood naman muna ni Monic ang pagdarag na ginawa ng katrabaho niya sa ex-boyfriend niya.

            Wow ah. She thought, bago sumunod na pumasok ng bahay.

            Sa loob, nakita niya si Marky na nakatayo lang malapit sa isang sofa, habang dumiretso naman sa kusina si Teacher Riz.

            Nagtama ang paningin nila ni Marky, pero muli siyang nag-iwas ng tingin at dumiretso na lang sa pag-akyat ng hagdanan.

            Pagkapasok ni Monic sa kuwarto nila ni Teacher Riz, agad-agad siyang nag-ayos ng sapin at humilata roon nang hindi man lang nagpapalit ng damit. Suot-suot pa rin niya ang one-piece cream blouse na ginamit niya sa graduation ng mga bata.

            Sa wakaaas. Monic felt very relieved that finally, makakapagpahinga na siya.

            Pumikit na siya, pero naroon pa rin ang sakit ng ulo niya. Gusto na niyang matulog, pero hindi niya magawa. Hindi dahil sa iniinda niyang sakit.

            O ayun nga ba talaga ang dahilan?

            Muli siyang dumilat at tumitig sa kisame. At ang laman ng utak niya? ‘Yung dalawa lang naman na iniwan niya sa baba. Ayaw man niyang isipin, kusa namang naglilikot ang isip niya at napupunta sa bagay na iyon: si Marky at si Teacher Riz na magkasama sa sala, kumakain, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nagngingitian, at... nagkakamabutihan.

            “Ugh!” Madiin na napatakip ng mukha si Monic. Ano bang pinag-iisip ko?!

            Nanatili siya sa ganung posisyon at pinilit makatulog. Pero wala talaga. Ang pasaway lang talaga ng utak niya.

            Ah, gamot! She then thought. Kapag makainom ako ng gamot, makakatulog na ako panigurado!

            Bumangon siya at naramdaman ang saglit na matinding pagkirot ng ulo niya. Pagkahupa no’n ay lumabas na siya ng kuwarto at bumaba ng hagdanan.

            Ang plano niya ay magdire-diretso lang sa kusina nang walang tingin-tingin dun sa dalawa na nasa sala. Kaso, wala naman doon ang mga iyon.

            Asan na sila? Kunot-noong pagtataka ni Monic habang nasa unang hakbang ng hagdanan.

            “Sige, sige, sabi mo eh!” Kinikilig na boses iyon ni Teacher mula kusina.

            Lalong napakunot-noo roon si Teacher Nix. Nagpunta siya sa kusina at doon naabutan niya si Marky na nakatalikod. May hinahanda kasi ito na kung ano sa may counter top. Katabi nito si Teacher Riz na ngiting-ngiti at halos kumikinang ang mga matang nakatitig sa binata.

            Seryoso? Type niya talaga si Marky kahit may anak na?

            Pero sa bagay...

            Napatitig siya sa likod ni Marky. Gumagalaw ang mga balikat at braso nito dahil sa ginagawa. And... she couldn’t help to find it so attractive of him.

            “Oh,” napansin naman siya agad ni Teacher Riz. “Teacher Nix!”

            Sa pagtawag sa kanya ng katrabaho ay dali ring napalingon sa kanya si Marky.

            Not again.

            Tinuon na lang ni Monic ang tingin sa ka-trabaho.

            “Gumagawa kami ng sandwich ni Mr. Añonuevo! Gamit namin ‘yung natira natin kaninang ham. Gusto mo rin ba?”

            “A-ah, hindi na. Iinom lang ako ng gamot tapos matutulog na. Ang sakit talaga ng ulo ko eh.” Lumapit siya sa ref na fortunately, nasa tabi ni Teacher Riz at hindi ni Marky.

            “How about soup or coffee, Nix?” Suggestion ni Marky. “Eating something warm may help sa sakit ng ulo mo.”

            Awww. A part of her mind was touched sa pag-aalala ng dati niyang nobyo.

            Shut up! While a different part was still feeling bitter towards the guy.

            “H-hindi na...” Mahinang sagot ni Monic habang naghahanap ng gamot.

            “Riza?!”

            Natigilan silang tatlo nang makarinig ng sigaw ng isang babae mula sa sala. Parehong napatingin sina Monic at Marky kay Teacher Riz, na nanlalaki naman ang mga mata na tumingin kay Monic.

            “Oh my gad, Teacher Nix.” Tensyonadong sambit ng kanyang katrabaho. “N-nandyan na ang tiya ko.”

            Nanlamig naman ang buong katawan ni Monic kasabay ng pag-atake sa kanya ng sobra-sobrang kaba.

            I’m doomed...

—TBC

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 16.3K 49
R-18 Not suitable for young readers. Contains explicit mature content. Parental guidance must advice. Ang librong ito ay kuwento po ni Cole.
119K 2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.1M 61.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...