Love In The Clouds | ✔

By Lady_Mrg

4.6K 297 20

[ TFL SERIES #5 ] •°• A story of two people loving at no age limit. For them, love is love even their age was... More

DISCLAIMER | 18+
PROLOUGE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
EPILOUGE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 7

110 10 0
By Lady_Mrg

''Teka nga.'' Huminto ako sa paglalakad. ''Galit ka ba sa'kin?''



''Hindi. Tuwang-tuwa nga ako sa'yo e.'' Barumbadong sagot nya sabay lakad at iniwan ako.



''Cyrus! Wait!'' Sigaw ko at tumakbo para maabutan ko sya sa paglalakad. Bwiset! Bakit kasi ang haba ng biyas nya! ang bilis tuloy maglakad!



Malapit ko na syang maabutan pero tumakbo pa sya kaya halos masubsob na ako kakahabol sa letseng lalaking 'to! Kaya nga nagmadali ako kay Mama na bumalik kami dito sa canada kasi miss ko na sya tapos tatakbuhan lang nya 'ko? Kapal ng mukha!



"Hoy teka lang sabe!" Wala akong pakialam sa mga taong nakakasalubong ko dahil hindi naman nila naiintindihan ang sinasabi ko maliban na lang kung pilipino sila.



Nakarating kami sa gilid ng steak house at doon ko nakita si Cyrus na nakatayo lang at mukhang kanina pa sya dito, mabagal lang talaga kong tumakbo kaya ang tagal ko syang naabutan.



Nang makalapit ako sa kanya babatukan ko sana sy kaso hindi ko maabot kaya hinampas ko na lang sya sa braso.



"Napapano ka?" Gulat nyang tanong at inirapan ko sya.



"Bakit ka ba tumatakbo!?" Inis kong tanong.



"Kasi hinahabol mo ako?" Patanong nyang sagot.




"Kaya nga kita hinahabol kasi tunatakbo ka! letse!"



"Kaya nga ako tumatakbo kasi hinahabol mo ako! Pota."



"Ewan ko sa'yo!" Umirap ulit ako. Hindi pa ako nakakabawi mula sa pagtakbo ko hinila na naman nya ako at namalayan ko na lang na pumasok kami sa loob ng steak house.



"Libre kita, 'wag ka nang magalit dyan hindi bagay sa'yo. Mukha kang nuno sa punso." Umirap lang ulit ako.



Okay na sana 'yung ililibre nya ako pero may nuno sa punso pa syang nalalaman. Ewan ko ba sa lalaki na 'to kung bakit ako patay na patay dito. For sure naman na alam nyang crush ko sya dahil paepal si Kuya Vince at isa pa highschool pa lang ako sinabi ko nang crush ko sya kaya nga pinatulan nya ako non kaso hindi nagkalabel. Ngina.



"Ikaw na umorder, kung ano sa'yo ganun na lang sa'kin." Sabi nya ng makaupo na kami sa table na tinuro ng waiter. Nag-order ako ng magkaibang klase, 'yung isa may hipon 'yung isa may nuts, syempre akin 'yung may nuts pero iyon 'yung bet ni Cyrus kaya 'yung may hipon na lang akin.



Pagdating ng order namin nagsalubong ang kilay nya nang makita 'yung pagkain ko. Nagulat pa ako nang pagpalitin nya ang pinggan namin.



"Hindi ka naman pwedeng kumain ng may mani at alam mong allergic ako sa hipon. Hays, matakaw ka talagang babae ka." Napailing iling pa sya habang ako ay hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.



Madalas akong kumain ng nuts, at hindi ko alam na allergic sya sa hipon... Anong nangyayari dito?



"Allergic ka sa mani—— Ay sorry Val! Akala ko kasi----"



"Akala mo ako 'yung best friend mo?" Pagputol ko sa sasabihin nya. "Okay lang. Kumain ka na." Ngumiti na lang ako at kinuha 'yung may seafood dahil allergic pala sya. Ngayon ko lang nalaman. Sayang, favorite ko pa naman seafoods.



"Sorry talaga, ah. Nalilito kasi ako pareho kayong maliit." Napakamot pa sya sa noo bago nagsimulang kumain.



"Pero dati sa post mo sa IG kasama mo 'yung best friend mo tapos kumakain kayo ng seafood, kasama pa nga sila Kuya Vince." Parang nawalan ako bigla ng ganang kumain.



"Kung alam mo lang, Val. Hindi naman talaga ako kakain non, ayaw ko lang magtampo si... ano... kaibigan ko. Matampuhin kasi 'yun tsaka sobrang babaw ng luha. Pinagbigyan ko lang, uminom lang agad ako ng gamot pagkatapos kumain kaya hindi ako masyadong----"



"Hindi ko naman sinabing magpaliwanag ka. Okay lang naman."



Kumain na lang ako at hindi na rin sya nagsalita hanggang sa makauwi kami at hinatid nya ako sa labas ng gate bago sya ng taxi pauwi sa kung saan man sila nakatira ng best friend nya.



Dumiretso ako sa kwarto at naligo para makapagpahinga na. Kakahiga ko lang pero nag-pop up sa phone ko 'yung profile ni Cyrus at may tatlong message.



Cyrus: Sensya na, ah.



Cyrus: 'Di bale sa susunod hindi na 'ko magbabanggit ng tungkol kay Marga. Promise✋



Cyrus: Nagtatampo ka? Pasuyo ka sa Leo mo.



Leo? Leonel Silva ba tinutukoy ng lalaking 'to?



Hindi ako nagreply at humiga na lang pero ayaw akong dalawin ng antok kaya nagreply na lang din ako para naman may mapagsayangan ako ng oras ko.



Valerie: Okay na. Sinuyo na'ko ni Leo :)



Valerie: Parang mas pogi si Leo sa'yo? Parang lang ah.



Kakasend ko lang sineen nya agad at nag-type ng reply nya.



Cyrus: Pake ko, mas pogi man 'yon ako naman crush mo :>



Aba! Kapal ng mukha!


Valerie: Makakain ka sana ng hipon para mamaga 'yang makapal mong mukha!



Cyrus: Aray naman bata. Isasako kita dyan eh.



Valerie: Isusumbong kita kay Kuya Liam, inaaway mo'ko. Parang hindi mo alam na balak ka talagang i-salvage non pinigilan ko lang! Wala kang utang ng loob!



Cyrus: Si Liam? Tropa ko kambal non eh!



Valerie: Walang nagtatanong.



Cyrus: Sarap mo ihampas sa pader, nanggigigil ako sa'yo, pakurot nga, isa lang.

seen.



"Valerie halika na! Ang sabi mo sasama ka?" Sigaw ni Mama at nagmadali naman akong bumaba dala ang wallet ko dahil mamimili daw kami ni Mama ng pangregalo kay Tito Harry dahil birthday nya ngayon, dapat kahapon pa kami bibili kaso may ibang inasikaso si Mama kaya nagmamadali kami ngayon dahil baka pabalik na 'yon dahil sumandali sya sa trabaho.



Nag-taxi kami ni Mama hanggang sa makarating kami sa isang mall at sa men's clothing line. Mahilig si Tito sa necktie kaya iba't ibang branded na necktie ang binili ni Mama dahil alam naming magugustuhan 'yon ni Tito Harry.



"Ako kaya Ma ano ireregalo ko kay Tito?" Tanong ko habang pinapalibot ko ang tingin ko sa paligid, nagbabakasakaling may makikita akong magugustuhan ni Tito.



Hindi ko kasi alam kung ano ba OOTD ng mga kaedaran nila Tito. Baka kapag niregaluhan ko si Tito ng Teddy bear baka ihampas pa nya sa'kin 'yon kaya 'wag na lang. Delikado.



"Kahit huwag ka nang magregalo sa Tito mo basta nandun ka sa kasama namin, masaya na 'yon. Tsaka hindi naman mahilig sa regalo ang Tito mo, Ang gusto non magkakasama lang tayo sa birthday nya." Sabi ni Mama habang nilalagay sa counter 'yung isang dosenang necktie. Isa lang naman leeg ni Tito pero ang dami nyang binili.



"Ma, bibili lang po ako ng wipes doon, sandali." Tinuro ko ang tindahan ng beauty products. Hindi kasi ako nakakaalis ng walang wipes o tissue sa bag, feeling ko palaging na lang akong madudumihan kaya kailangan ko ng pamunas. Hays, napakawirdo kong nilalang.



Pagpasok ko sa loob sinampal agad ako ng lamig ng aircon nila. Kung bubuhusan ko siguro ng tubig 'yung sahig nito magyeyelo kaagad sa sobrang lamig sa loob, Dinaig pa 'yung freezer ng ref.



Kumuha pa rin ako ng basket sa gilid kahit isang wipes lang naman ang bibilhin ko, ewan ko ba kung bakit basta feeling ko ang sosyal kapag may hawak na basket kapag namimili sa mga mall.



Ang pakay ko dito eh wipes lang pero nangangalahati na ang laman ng basket na hawak ko. May nakita akong hand sanitizer na nasa cute na lalagyan kaya nilagay ko sa basket, isa lang naman eh. Nakakita rin ako ng set ng eyeshadow pallet,  may kamahalan pero kinuha ko pa rin. Hindi naman ako mahilig mag make up pero si Nicca mahilig sya kaya bibilhin ko para sa kanya.



Mapupuno na ang basket ko pero wala pa rin dito ang tunay na pakay ko. Ang baby wipes.



May nakita akong cute na cleanser headband kaya kinuha ko din. At nang mapadpad ako sa line ng mga tissue at wipes kumuha agad ako ng tig-isang balot. Salamat at nakita ko na ng tunay kong pakay. Kung magtatagal ako sa loob nito baka lumabas akong pulubi dahil sa daming laman ng basket ko.



"Cy, 'Wag muna. Sa isang buwan pa naman due ko, matatambak lang sa kuwarto 'yan." Nahiwagaan lang ako sa narinig ko kasi tagalog tsaka para akong gaga na kapag nakarinig ng pangalang Cy or Cyrus auto lingon ako, minsan natatakot na'ko sa sarili ko, baka kailangan ko nang magpatingin sa doktor sa utak.



"Sa susunod na buwan na nga! Dali na! Baka wala na 'to kapag sa susunod na buwan pa natin bibilhin, sige na! Please!! Isa lang! Promise!" Si Cyrus 'yon. Sinilip ko dahil kilala ko ang boses. Liit talaga ng mundo, kahit saan ako pumunta nakikita at nakikita ko sya.



"Hair clip? Eh matagal pa bago magagamit ng anak ko 'yan, tsaka na lang." Binaba nung babae 'yung hawak na hair clip ni Cyrus.



"Teka lang! Sige, 'Wag na natin bilin basta 'Yung sinabi ko ah! Ang ganda kaya ng Maureen na pangalan!" Pahabol ni Cyrus.



"Ayoko. Ang arte pakinggan. Jamilla na lang tutal gusto naman ng tatay nya na Jam ang pangalan ng anak 'daw' namin sa future. Tanginang future 'yan, ang aga dumating." Mapaklang tumawa 'yung babae at naglagay ng baby powder sa basket na hawak ni Cyrus.



"Jamilla Maureen, maganda naman ah. Sige na please... Jamilla Maureen na lang pangalan mo sa baby... Please!" Pangungulit ni Cyrus.



"Oo na, mas maganda naman kaysa sa Chicken. Tangina mo! ginagawa mong manok 'yung anak ko!"



"Joke lang kaya 'yon, naniwala ka naman agad. Teka may kulang pa! diaper? Hindi ka maglalagay ng diaper? Kung maglalagay ka anong size? Ako na kukuha!" Mukhang mas excited pa si Cyrus doon sa babaeng buntis. Akala mo naman sya tatay.



Hindi na ako nagsayang ng oras na tawagin sila lalo na si Cyrus dahil hindi ko naman kilala 'yung babaeng kasama nya at wala akong balak na kilalanin. Parang hindi kami magkakasundo nung babae, parang sya 'yung tipo na sabihin mo lang ng 'gaga' iiyak na. Sobrang amo ng mukha pero nung narinig ko kanina na nagmura sya parang mapapalaban ako ng murahan kapag nakilala ko sya. Hindi naman ako palamura, slight lang.



Nakapila ako sa counter at parang nagka stiff-necked ako, hindi ako makalingon, letse! nasa likod ko sila nakapila!!



"Bakit ba bumili ka pa ng toothbrush na pambata?" Rinig kong tanong nung babae.



"Bakit, hindi ba magtu-toothbrush si Maureen?"



"Gago! Baka pakyuin ka pa ng anak ko paglabas nito! May ngipin ba agad 'yung sanggol pagkalabas?" Iritadong tanong nung babae.



Alam mo 'yung akala mo mahinhin pero hindi? Ang lambing ng boses nya pero parang nagiging siga kapag nagmumura sya.



"Ay wala ba? Akala ko meron!"



"Cyrus, nagdidilim paningin ko sa'yo. Ikaw ba nung pinanganak ka kumpleto agad ngipin mo?!.." Hindi na ako nakinig at nilagay na lang sa counter lahat ng pinamili ko.



Pagkalabas ko nakita ko si Mama na mukhang maha-highblood na sa sobrang sama ng tingin sa'kin.



"Ano ka ba Valerie?! Ang sabi mo wipes lang ang bibilhin mo! Bakit may make up dyan, may kung ano ano ka pang abubot! Jusko kang bata ka! Ang tagal kitang hinihintay dito ah! Iiwan na talaga kita kung hindi ka pa dumating!"



"Sorry po. Kasi Ma nase-sales talk ako ng mga sales lady don eh. Maganda daw 'tong face massager. Try natin sa'yo mamaya, Ma!" Nakangiti ako ng malaki at bigla naman nawala ang init ng ulo ni Mama.



"Talaga? Ito, Itong make up mo try din natin ah!"



"Opo!" Tumawa ako at inaya ko na si Mama paalis pero may tumawag sa'min.



"Tita Valeria! Valerie! Teka!" Napalingon kami kay Cyrus pero wala syang kasamang babae ngayon.



"Bakit?" Walang emosyon kong tanong at nay inabot sya sa'kin.



"Oh, Nagbayad ka gamit card mo tapos hindi mo naman kinuha 'yung card. Ano 'yon keep the change? sakanila na bank card mo?" Sarkastikong sabi niya.

_______________________________•°•

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 293 31
-Plagiarism is a crime. -August 6,2023 ---------- A boy who wanted to except the world full of lie and hurt, A boy who wanted to live a life. To love...
1M 91.4K 39
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
16.3K 222 18
(On-going) Cassandra Gail -a lovely martyr wife -a loving person but a martyr when it comes to Alexander Alexander Ice -a heartless husband -a cold o...
4.9K 278 60
Two faces hiding in one mask. The killer and the life saver. Impressive Rank Achieved: * No. 1 in Medicine * No. 2 in Scalpel * No. 11 in Billionaire...