π—§π—›π—˜ π—¨π—‘π—˜π—«π—£π—˜π—–π—§π—˜π—— οΏ½...

By aprilannaaaa

14K 541 3

NOTE: EDITED VERSION 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐒𝐯𝐒π₯π₯𝐚 π’πžπ«π’πžπ¬ #1 Meet Yazmine Montivilla a woman whose only goal is... More

FRONT MATTER
THE UNEXPECTED LOVE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
THIRTY-THREE
THIRTY-FOUR
THIRTY-FIVE
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

FIFTEEN

204 11 0
By aprilannaaaa

"Hindi ka man lang nagsabi na darating ka anak," iyon ang bungad na sabi ni Mama pagkapasok ko sa bahay.

"Sorry naman, trabaho talaga ang pinunta ko eh." Sabi ko pagkaupo sa sofa.

"Nasaan po sila?" Tanong ko kung nasaan yung tatlo kung magagaling na kapatid.

"Si Yla may practice raw ng cheer dance, Si Elle nagpunta sa Mall tapos si Ven ay baka nasa kuwarto at nag ba-vlog siguro o baka natutulog." Sabi ni Mama.

Halatang kakauwi lang ni Mama dahil nakasuot pa siya ng uniform.

"Anak?" Tawag ni Mama kaya napatingin ako sa kaniya.

"Po?" Kinakabahan kung sabi.

Yung tono ng pagtawag sa akin ni Mama parang nakakakaba, parang may something na hindi ko ma explain.

Aba, sana paranoid lang ako.

"Nung nakaraan araw kasi umuwi si Elle rito na kinikilig, hindi ko alam kung bakit at laging hawak ang phone niya. Nagtataka lang ako kung yung bata ba na yun ay may nobyo. Samantalang si Yla ay wala naman. Baka nag kuwento sa inyo at nahihiya lang siya sa amin magsabi." Sabi ni Mama kaya napaayos ako ng pagkakaupo.

"Hindi naman po yun katulad namin na pala kuwento, malihim po yun pero once nagsalita asahan niyo ng feeling may jowa. Kakabasa niya po yun ng stories kaya malalim hugot. Baka na-notice lang po kaya kinikilig." Sabi ko rito.

Alam naman ni Mama na certified na wattpad reader ang isang yun hindi niya lang alam na may crush yun na writer. Ang labo naman masyado ng crush niya, lugi siya. Tapos recently ko lang napag alaman na she use RP to support the writer, ibang klase natuto na siya. Samantalang ako tumanda na lahat lahat ngayon lang nalaman yung RP na yun.

"Ikaw na lang kumausap sa kaniya anak," sabi ni Mama kaya tumango ako.

"Sige lang po, atsaka Mama hindi rin po ako magtatagal. Bumisita lang talaga ako kasi nag baka sakali ako na nandito yung tatlo, kukutusan ko lang sana." Sabi ko habang inaayos ang buhok ko na nagulo dahil sa pagkakahiga.

"See you again Ma," sabi ko rito saka siya niyakap.

Sana man lang araw arawin ni Klyde pagbisita rito para makita ko man lang pamilya ko. Nanghihinayang kasi ako sa pamasahe kaya nagtitiis ako sa video call, mapapalitan naman lahat ng paghihirap ko next time, kaya sa ngayon sipag at tiyaga muna. Laban lang.

"Sino ba kasama mo na nag punta rito?" Tanong ni Mama palabas na ako ng bahay.

"Si Klyde po, project ko po yung bahay nila malapit lang din dito. Kabilang kanto lang po yung dati rin nila na tinitirhan." Sabi ko saka tumigil sa gate.

"Okay na pala kayo?"

"Siguro po, hindi naman kami nag away sadyang mayroon lang sama ng loob, pero sa tingin ko naman napatawad na niya ako." Confidence kung sabi kasi alam ko naman totoo yung sinasabi ko.

"Kung gano'n pala ay dapat namin siya makita, namimiss na naman ang batang yun. Walang nagbago sa kaniya sa ugali niya, naging matured lang siya tapos sa pisikal lang pero ang ugali ay alam na alam mo na siya talaga. Seryoso mukha o kaya nakakunot o kaya naman ay naka poker face parang hindi nausuhan ng pag ngiti. Buti na lang at natagalan mo siya anak. Layo ng ugali niyo, magkaibang magkaiba talaga." Sabi ni Mama na halatang nagtataka kaya natawa ako.

"Gano'n daw yun," natatawa kung sabi kaya napasandal ako sa poste.

Sinabi ko naman kay Klyde na hintayin ako kasi alam ko naman matatagalan ako since pala kuwento 'to si Mama, once nag open siya ng topic ay hahaba na yung pag uusap niyo. Katulad na lang ngayon.

"Buti na lang kumare ko ang Nanay kaya naging magkaibigan kayo. Iyong bata ba na yun ay nagkaroon na ng nobya?" Tanong ni Mama na nasa pinto kaya tumango ako.

"Siguro naman Ma, mukha naman seryoso yun makipag relasyon. Sabi nga nila don't judge the book by it's cover." Nasabi ko na lang.

Ayoko naman sabihin kay Mama na na-in love nga sa akin kaya malamang may alam yun sa love.

"Sa bagay, sige na nga anak umalis ka na nga. Humahaba ang usapan natin. Mag iingat kayo, pakisabi kay Klyde na susunod na pumunta kayo rito sana hindi trabaho kung hindi dalaw ha? Namimiss ko na siya. Namimiss na namin kaya sana makipagkita siya sa amin." Sabi nito kaya tumango lang ako.

"Hindi po ako sure pero gagawin ko makakaya ko para pumayag siya, pakisabi roon sa tatlo na nagpunta ako rito. Miss ko na sila asarin. Humanda sila sa pagbabalik ko." Sabi ko saka nag flying kiss kaya nag flying kiss din si Mama sabay tawa namin.

Napahinga na lang ako ng malalim saka kumaway kay Mama at naglakad ng tuluyan palabas.

Mamimiss ko sila, araw araw ko sila namimiss. Kahit isang linggo pa lang ako nawalay sa kanila ay putik na yan namimiss ko na agad sila, gano'n talaga kapag family oriented ka tapos wala ka jowa kaya yung oras at pagmamahal mo nasa parents mo lang talaga wala sila kaagaw sa puso ko.

"Mayroon pa ba kayong ibang lote near sa office niyo or kahit sa coffer shop?" Tanong ko agad pagkasakay ko.

Nakasakay na siya at halatang matagal naghintay kasi nakakunot ng noo kaya naman nakonsensiya ako.

"Wala, kaniya kaniya kami condo." Sabi nito kaya naman nalungkot ako.

"Ang mahal naman kasi ng lote," sabi ko pa saka pinagkrus ang braso ko sa dibdib.

"Mas mahal kita," sagot nito kaya hinampas ko siya.

"Alam mo nakakadagdag ka lang sa stress Klyde, kainis!" Sabi ko pa kaya naman natawa siya.

"Noon naman hindi ka vocal masyado what happen? Bigla ka na lang bumabanat. Naks, improvement." Sabi ko saka siya tinatapik sa balikat.

"Okay yan," dugtong ko pa pero deadma lang siya.

"Atsaka sabi ni Mama--"

"Ah... Si mama," pagputol nito sa sinasabi ko kaya napasapo ako sa noo ko.

"Gago ka! Pinagsasabi mo?"

"Sinasabi ko lang yung future,"

"Sabi nito bumisita ka raw, namiss ka raw nila." Mabilis kung sabi para hindi niya putulin ang sinasabi ko.

"Namiss ko na rin sila, siguro pupunta ako roon para hingin kamay mo sa kanila. Malay mo pumayag sila." Sabi nito saka ako tiningnan sabay kindat.

"Adik ka talaga eh, alam mo umuwi na tayo kasi for sure pagod ka lang kaya kung ano anong pinagsasabi mo." Sabi ko rito saka siya sinabunutan.

"Dalian mo," sabi ko saka binitawan ang buhok nito.

"Tinaggap ko na yung friend zone kahit labag sa loob ko tapos sasaktan mo pa ako pisikal, aba! grabe naman yung pagka ayaw mo sa akin." Sabi nito kaya naman inirapan ko siya.

"Wala naman akong sinabi na ayaw ko sa'yo ha? Kailan ko sinabi yun? Masyado ka imbento."

"Simula nung ayawan mo ako, pasalamat ka mahal pa rin kita kaya kahit ang sakit na ma-friend zone hindi pa rin ako sumusuko, naniniwala naman ako na may panahon para sa lahat kaya sige maghihintay ako." Sabi nito kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

Ayoko na lang magsalita kasi hindi ko rin naman alam anong sasabihin ko kaya shut up na lang ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising ako ng maramdaman ko ang paghaplos sa pisnge ko.

"Ginagawa mo?" Bungad na sabi ko pagkagising ko.

"Ginigising ka,"

"Ahh okay," sabi ko pa kaya inayos ko ang sarili ko.

"Nasaan na ba tayo?" Sabi ko saka tiningnan ang oras sa phone ko.

"Gagi, 7pm na pala." Sabi ko kaya tumango siya.

"Bago kita ihatid sa apartment mo samahan muna kami kumain," sabi nito saka siya bumaba.

"Kaninong bahay 'to?" Tanong ko pagkabukas niya sa pinto kaya naman bumaba ako.

Naks, gentleman.

"Kay Lolo, Papa ni Papa." Sabi nito.

"Mansion ba siya?"

"Gusto mo ba ng mansion?"

Iba ata tinutukoy nito.

"Nope, gusto ko yung simple lang. Yung kasya family ko. Si Mama, Papa at yung mga kapatid ko tapps yung soon to be family ko. Hindi malaki tapos hindi rin gano'n kaliit, katamtaman lang." Sagot ko.

"Iyon din ang gusto ko,"

"Ewan ko sa'yo, nakakasura ka." Sabi ko pa saka nauna sa paglalakad pero na realize ko na hindi ko pala alam saan siya nakatira.

"Mali ka ng pinupuntahan, hayaan mo i-guide kita papunta sa tamang tao." Sabi nito kaya inirapan ko siya.

Hinawakan niya ang kamay ko saka kami naglakad pakabila dahil mali yung pinuntahan kung way.

"Sinong nandoon sa bahay?"

"My Dad and also my Mom, fiance ni Ate tapos si Ate atsaka Daddy ni Dad tapos tayong dalawa. Family dinner pero ayos lang if magsasama ng partner." Sabi nito.

"Family dinner tapos nandoon ako?"

"Magiging parte ka rin ng family soon,"

"Ang ganda ng joke mo," sabi ko saka nagkunwaring natatawa.

"Sobrang funny, next joke please." Sabi ko pero ginulo niya lang ang buhok ko.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami kaya naman bigla akong kinabahan.

"Bakit hindi ka rito nag park? Lawak naman ng space." Sabi ko ng mapansin ang garage nila.

"Ayoko, hassle pa. Atsaka malapit lang din kaya oks na yun doon." Sabi nito kaya tumango na lang ako.

Nauna siya pumasok habang nakasunod ako.

"Akala ko ba nasa batangas ka," boses ni Ate Klarissa.

"Pumunta nga ako,"

"Sinong kasama mo?"

"Si Yazmine, I mean Architect Yazmine. We were together." Sabi nito kaya naman kumaway ako.

Nakatago kasi ako sa likod niya kaya hindi niya agad ako napansin.

"Oww! Architect Montivilla you're here. Don't tell me magkasama kayo the whole time. Nice, bro nilulubos masyado. Spending time." Sabi nito kay Klyde saka siya tinapik.

"Quality time hon," sabi ni Kuya Roman na kakasulpot lang.

"Welcome Architect Montivilla, wag ka mahiya magiging parte ka rin ng pamilya na 'to." Sabi ni Kuya Roman saka ginulo ang buhok ko.

Hindi na lang umimik si Klyde kaya hindi na lang din ako nagsalita pa. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila papasok sa loob.

"Son, sakto ang pagdating mo." Sabi ni Tito Kris kaya nginitian ko sila.

"Good evening, Mr. and Mrs. Samonte and also to you Sir." Sabi ko rito kaya naman nginitian nila ako.

"Nice meeting you hija," sabi ng lolo kaya napangiti ako.

"Same po,"

"Sit-down hija, and please don't call us Mr. and Mrs. wala naman tayo sa work kaya tito and tita na lang." Sabi ni Tita Krystal kaya tumango ako.

"Girlfriend mo hijo?" Tanong ng Lolo pagkaupo namin.

"Ye-"

"Friend po kami Sir," sabi ko rito saka siya kinurot sa tagiliran.

Hayop ka Klyde! Humanda ka talaga sa akin after nito.

"I taught that you are about in dating, bagay kayo." Sabi ni Tito Kris kaya pilit akong napangiti.

"Business-"

"Date sa Batangas Dad," sabi nito kaya hinampas ko sa hita sabay sipa ng paa.

Kairita.

"Magtigil ka nga riyan Klyde! Hindi nakakatuwa. Pinapaasa mo sila." Sabi ko pa.

Nakakahiya tuloy, baka isipin nila jowa talaga ako kahit hindi naman talaga.

"We are in a business po Sir, I'm her Architect po. Atsaka we're good friends po simula noon pa lang." Sabi ko pa kaya naman natawa si Kuya Roman.

"Hina mo boi," sabi nito kaya natawa si Ate.

"Friend zone ka bro," dugtong pa ni Ate Klarissa.

"Ngayon oo pero sa susunod sisiguraduhin ko ng ma-i-in love siya," sabi nito kaya naman napairap ako.

"Don't worry hindi naman minamadali ang lahat eh," dugtong pa nito.

Alam mo Klyde, tangina mo ka. Wala na akong masabi kasi bida bida ka masyado.

"Atsaka isa pa kahit na friend zone ako ay nanliligaw pa rin ako," sabi nito kaya kinurot ko ang kamay niya.

Tigilan mo na yan, halo halo na emosyon ko.

"Sisiguraduhin ko na next time na ma-in love siya ay sa akin na siya ma-i-in love. Kaya chill guys, she will be part of our Family."

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
10.8M 353K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]