Love In The Clouds | ✔

By Lady_Mrg

4.6K 297 20

[ TFL SERIES #5 ] •°• A story of two people loving at no age limit. For them, love is love even their age was... More

DISCLAIMER | 18+
PROLOUGE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
EPILOUGE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 4

113 10 0
By Lady_Mrg

"Hindi ko naman talaga boyfriend 'yon eh."



[Alam ko. Subukan lang ni Cyrus na patulan ka ililibing ko sya ng buhay.]



"Ang sama-sama mo naman sa kaibigan mo, Kuya!"



[Hindi ako masama, Valerie. Ang bata bata mo pa kaya! Tsaka ka na maggaganyan kapag may trabaho ka na.] Napanguso ulit ako.



"Ikaw rin naman bata pa ah, bumagsak ka nga sa sem nyo pero hindi mo sinasabi kay Ate Liechelle. Lagot ka kapag nalaman nya, magkakatotoo na pang-aasar namin sa'yo na maghihiwalay na kayo. Ewan ko lang kung hindi ka mag-iiyak dyan. Bleh." Pang-aasar ko. Totoo naman eh. Halata naman na maghihiwalay na sila ayaw lang nyang tanggapin.



[Sige. Low bat na'ko.] Magsasalita pa sana ako kaso pinatayan nya agad ako ng phone at mukhang napikon. Nakokonsensya tuloy ako na pinaalala ko sa kanya na medyo nagkakalabuan sila ni Ate Liechelle. Malapit na daw birthday ni Ate Liechelle, mukha namang maaayos pa nila 'yung relasyon nila dahil may balak pa si Kuya na isurprise si Ate.



"Nagkausap na ba kayo ng Kuya mo?" Tumango na lang ako kay Mama at dinampot ko na ang twalya ko na nakalagay sa kama.



"Opo. Binabaan nga ako." Mahina akong tumawa at pumasok na banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo wala na si Mama sa kwarto at naagaw naman ang pansin ko sa kahon na hinahanap ni Kuya Liam na hanggang ngayon hindi pa rin nya kinukuha. Nakalimutan na nya siguro.



Nagbihis ako at nagpatuyo ng buhok bago naupo sa gilid ng kama at binuksan 'yung kahon.



Pagkabukas ko nakita ko agad ang isang maliit na papel, mukhang nabasa pa ng tubig 'yung kalahati. May nakasulat na 'Caught in a...' Hindi buo kaya napakunot ang noo ko.



Nagkalkal na lang ulit ako at nakita ko naman ang mga picture ng isang babae na nasa dagat. Nakaupo sa buhanginan habang hinahangin ang mahabang buhok. Ang isang picture ay 'yung babae ulit na nakasuot naman ng bulaklak na crown habang nakikipagtawanan sa mga bata at nakapalibot sila sa bonfire. May isa pang picture na nasa dagat ulit 'yung babae at naglalakad palusong sa tubig. Puro sa nasa malayo ang kuha ng picture. Mukhang stalker ang nagpipicture nito, eh.



"Valerie?" Narinig ko ang boses ni Kuya Liam habang may kumakatok sa may pintuan. Agad agad kong binalik sa kahon 'yung mga picture na tinitingnan ko at nilapag ko sa sahig 'yung kahon bago ko binuksan ang pintuan.



"Kuya. May kailangan ka po?" Tanong ko. Siya naman ay pinapalibot ang tingin sa paligid ng kwarto nya na ako ang gumagamit ngayon.



"Meron eh, itatanong ko lang kung nasaan 'yung kahon na sinabi mo kahapon?" Tumango tango ako at bumalik sa pinaglapagan ko ng kahon at inabot ko sa kanya. "Oo nga pala. Pasensya ka na sa sinabi ko sa Kuya mo. Nabuwisit lang ako ng Cyrus na 'yon." Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao nya.



"Okay lang. Hindi naman ako pinagalitan ng bongga, slight lang." Tumawa ako at ganoon din ang ginawa ni Kuya bago ako iniwan.



Wala akong ibang gagawin kaya tinawagan ko na lang si Cyrus. Bakit ba. Gusto kong maging close ulit kami! Kung ayaw nya sa'kin hindi pwede 'yon! Para saan pa ang salitang 'Pilitin' kung hindi ko gagawin. Sa ayaw at sa gusto nya magugustuhan nya 'ko. Period.



"Hi?" Agad ma sabi ko nang sinagot nya ang video call ko.



[Bakit?] Maikling sagot nya. Ouch naman. Nakakahurt naman. Nilamig ako dun ah.



"Wala lang. Gusto ko lang tumawag. Gala tayo tulad ng dati? Pwede? Hindi ko kasi kabisado 'tong canada eh. Pwede ba? Kung pwede lang naman. Hehe."



Ang awkward non Valerie!


[Masama pakiramdam ni Marga. Nilalagnat eh. Tsaka na lang kita ipapasyal kapag magaling na si Marga. Pasensya ka na ah.] Napasimangot ako.



"Ah ganon ba? sige. Tsaka na lang. Alagaan mo syang mabuti. Bye." Napasandal ako sa headboard ng kama at napabuntong hininga.



Puro na lang Marga! Hindi ba pwedeng Valerie naman?!



"Dapat ako na lang 'yung inaalagaan nya eh." Dinampot ko ulit ang phone ko at isa isa ko na lang inistalk ang mga kaibigan ng Kuya Vince ko at nila Cyrus.



Inuna ko 'yung may pangalang 'AceVibar'. Halos picture ng mga bata ang mga ina-upload nya. Madalang pa sa kidlat ang pagpopost nya ng sarili nyang picture.



Sinunod ko ang may pangalang 'KenJi', Si Kuya Kenji na ang daming followers. Ang sikat naman nito. Wala syang kahit isang post, puro nakatag lang sya pero ang daming followers. Ang finallow lang nya sampu. VINCEnte, JustH, AceVibar, Cyx, Itsmarga, Erica, Camille, Althea, Crystal at 'yung isa, si Kuya Liam? close sila? o baka dahil lang nakisingit si Kuya Liam sa comment section kaya sya finallow?



Sinunod ko si Kuya Justin. Close kami ni Kuya dahil madalas nya akong turuan sa school lalo na med sya. Walang ibang post si Kuya Justin, pero may isang picture na nakatag sakanya. Ultrasound picture kung hindi ako nagkakamali. Tinag sya ng babae na pangalan eh CrystalShirlie. Nilike ni Kuya Justin at nagcomment pa ng 'Can't wait to see you baby Crystaline' ayun lang.



Hindi ko na inistalk si Kuya Vince dahil alam ko naman ang makikita ko doon, puro picture ng mga naipinta nya. Si Cyrus din hindi ko na inistalk dahil araw-araw gabi-gabi ko naman ginagawa 'yon. Kabisado ko na nga kung ilan followers nya, alam ko din kapag may pinafallow sya dahil kabisado ko kapag nadagdagan o nabasan. Alam ko din kung ilan post nya. Kung ano 'yung mga nililike nya. 'Yung mga nakatag sa kanya. Pati 'yung story update nya updated ako lagi. Minsan seconds pa lang naview ko na agad.



Alam ko snapchat account nya. Alam ko google account nya. Pangalan nya sa youtube. Pati sa imo app alam ko account nya. Sabihin na lang natin salamat Kuya Kenji, kahit hindi kami close binigay nya sa'kin lahat ng information tungkol kay Cyrus.



Isang lingoo din ako natengga sa bahay dahil wala akong ibang magawa at nagsisimula na akong mabored dito sa canada, parang gusto ko na tuloy ngayon umuwi sa pilipinas.



Bumaba na lang ako papunta sa kusina at naghanap ng pwedeng kainin. Nakakita ako ng pizza sa ref at ininit ko na lang sa microwave oven, dalawang piraso lang ang pizza, malaki naman pero bitin dahil hindi ako nakapagbreakfast kanina dahil tanghali na akong nagising, napuyat ako kakalibang sa sarili ko sa pamamagitan ng panonood ng kung ano anong makikita ko sa youtube na maraming views.



Sa sobrang bored ko hindi ko na iniskip ang mga ads lalo na kapag samsung 'yung ads tapos bts pa, tsaka kapag tumugtog na 'yung 'Di mag e-expire!!' ng sb19 hindi ko talaga iniiskip. Napakaswerte ng mga youtuber na 'yon at kumikita sila sa'kin. Biruin mo hindi ako nagiiskip kahit isang ad.



Kinuha ko ang pinggan mula sa oven at may suot akong gloves. Pagkasarado ko ng oven may humawak sa balikat ko.



"Kakagising mo lang?"



"Juice mother ka Kuya Liam!" Inis na sabi ko dahil sa sobrang gulat at nabagsak pa ang pinggan na hawak ko. Parang gusto kong umiyak habang nakatingin ako sa pizza na niyayakap ang sahig ng kusina.



"Lian not Liam." Seryoso niyang sabi kaya napaangat ako ng tingin. Pinakatitigan ko sya at hindi ako naniniwala na hindi sya si Kuya Liam, scammer si Kuya Liam eh! Madalas nya akong mauto dahil ginagaya nya ang paggalaw at pagsasalita ni Kuya Lian kaya kapag may inutos sya agad kong sinusunod dahil takot nga ako kay Kuya Lian!



"Weh? Mamatay ka man ngayon na? Hindi ikaw si Kuya Liam? Pakurot nga? Isa lang para sure ako kung hindi ka si Kuya Liam." Pangungulit ko.



"What's wrong with you, Valerie?" Nagsalubong ang kilay nya. Ini-english english mo pa ako ha! akala mo naman maniniwala akong si Kuya Lian ka!



"Lolo mo what's wrong with you. Don't me nga Kuya Liam. Chupe! Nasayang pizza ko dahil sa'yo! Buset!" Bahagya ko syang tinulak palayo at kinuha ang mop para punasan ang sauce na dumikit sa sahig.



"Hoy Valerie! 'Yung manliligaw mo nasa labas! Isusumbong kita kay Vicente ah!" Sigaw ng isang lalaki na kakapasok lang at may hawak pang isang kahon ng donut at starbucks coffee. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong si Kuya Liam 'yon. Ibig sabihin si Kuya Lian talaga 'yung kausap ko sa kusina kanina!



Dahan dahan akong napalingon sa kusina at napaiwas agad ako ng tingin dahil nakatitig sa'kin si Kuya Lian habang walang kahit anong emosyon ang mukha.



"I told you. I'm not Liam." Malamig pa sa yelo ang boses nya at nilampasan ako. Napatitig ako sa likod nyang papalayo paakyat sa hagdanan.



Nakakahiya.



"Hinihintay ka nung Cyrus, labasin mo na 'yon bago ko basagin mukha ng gunggong na 'yon." Nilampasan lang din ako ni Kuya Liam at napatingin ako sa kahon ng starbucks at nabasa ko ang note na nakadikit sa labas non.



'Val, ipapasyal na kita'



Nagsalubong ang kilay ko dahil mukhang walang balak si Kuya Liam na iabot sa'kin ang donuts na binigay ni Cyrus sa'kin kaya sinita ko sya.



"Teka Kuya! Akin 'yung donuts ah, akin na, hindi pa ako kumakain." Sabi ko at nakatingala ako dahil paakyat na rin sya sa taas. Nakita kong binuksan nya 'yun box at kumuha ng isang piraso. Well, okay lang naman kung gusto nya, hindi naman ako madamot.



Akala ko ibibigay na nya sa'kin 'yung kahon pero ang binigay nya sa'kin 'ying isang pirasong kinuha nya mula sa kahon!



"Oh, chocolate 'yan, eat well." At tinalikuran na nya ako at umakyat ulit pero sumigaw ako.



"Akin 'yan eh!" Sigaw ko at sandali nya akong nilingon bago ngumisi.



"Gusto mo? sige, oh, kunin mo, isusumbong kita kay Vicente." Nainis ako dahil sa nakakabwisit nyang ngisi.



"Ayoko pala! busog ako! Sa'yo na! 'Wag kang sumbungero!" Umirap ako at nang tumingin ako sa kanya nakanguso na sya na parang bata.



"Galit ka? Sinisigawan mo na si Kuya Liam mo? Oh, Kunin mo na 'to mukha namang labag sa kalooban mong ibigay sa'kin 'to, magtitiis na lang ako sa gutom. Sige na, kunin mo na." Nagkunwari pa syang umiiyak at may pahikbi hikbi pang nalalaman.



Napabuntong hininga ako at umirap ng patago.



"Sa'yo na PO 'yan KUYA, busog na po ako makita lang kitang kinakain ang DONUT KO, lumayas ka na sa paningin ko KUYA. Nanggigigil PO ako sa'yo, HEHE." Puno ng sarkasmo kong sabi. Ngumiti naman sya ng malaki at nagtatakbo na paakyat sa kwarto ni Tito Harry dahil doon sya natutulog.



Nakakairita! Ako pa nawalan ng donut ngayon!



Inis kong kinagat ang donut at naglakad na palabas dahil baka nilapa na ng aso si Cyrus kakahintay sa'kin.



Paglabas ko naabutan ko syang bihis na bihis habang nakasandal sa pader at nakatingin sa phone nya. Sumulyap pa sya sa wrist watch nya bago nya napansin na nakatayo na ako malapit sa kanya.



"Val." Ngumiti sya at napaiwas naman ako ng tingin. "Tara, ipapasyal kita, wala akong ibang kasama tayo lang dalawa!" Mukhang mas excited pa sya kaysa sa'kin.



Walang ibang tumatakbo sa isip kundi ang 'Tayo lang dalawa'.



"M-magbibihis lang ako sandali, pasok ka muna." Tumalikod na ako para itago ang pamumula ng pisngi ko. Narinig ko naman ang yabag nya kaya alam kong kasunod ko sya.



Nang makaayat ako sa kwarto nagsuot lang ako ng high waisted mom jeans at pinaresan ko ng plain white v-neck t-shirt at white sneakers. Ang bag na gamit ko ay ang Prada small bag na regalo ni Kuya Justin sa'kin noong debut ko. Ingat na ingat ako dito dahil feeling ko magasgasan ko lang ng isang guhit 'yung bag parang pinutol ko na ang isa kong braso kaya hanggang sa maaari hindi ko masyadong ginagamit. Ito ang pangalawang beses na gagamitin ko 'to mula noong niregalo ni Kuya Justin sa'kin. Unang beses ko 'tong ginamit noong nagfield-trip kami kasama si Nicca. Hindi na naulit na ginamit ko 'to mula noong natalsikan ng ice cream ng kaklase kong pabebe na harot ng harot sa mga kaklase kong lalaki.



"Saan?" Rinig ko mula sa labas ng pintuan habang naglalagay ako ng earrings.



"There. Baka nakalock, I told her to lock the door everytime she's alone inside her room." Alam kong si Kuya Lian 'yon dahil inglisero. Nababadtrip akong kausap 'yon, nauubusan ako ng baon, parang umuurong dila ko kapag kausap ko sya.



"Salamat pre, pwede ba 'ko pumasok? Oh 'wag na lang? baka sapakin mo 'ko." Hindi ko pinansin ang usapan nila at dahil busy ako sa pagpapantay ng eye liner ko.



"You can come in whenever you want but don't you dare touch even just a tip of her finger or else you'll leave this house without your head."



"S-sabi ko nga hihintayin ko na lang sa baba, eh! Bilis magbago ng mood mo ah, kanina lang sa baba sabi mo umakyat ako dito, nakangiti ka pa kanina tapos ngayon sungit mo na, ini-english mo pa ako. Pre naman, dinaig mo pa babaeng may buwanang dalawa, napaka moody mo. Hays, makababa na nga."



Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako at nakita kong nakaupo sa L-shape sofa si Cyrus habang nakadikwatro pa. Dumaan si Kuya Liam at mukhang palabas ng bahay, nadaanan nya si Cyrus.



"Oh, bakit nandito ka? akala ko aakyat ka sa kwarto ni Valerie?" Nagtatakang tanong ni Kuya.



"Huh? Pucha, sumasakit brain cells ko sa'yo. Kanina sa taas ini-english mo 'ko tapos ngayon eh.... Hays, ewan ko sa'yo. Ano bang kasalanan ko sa'yo ha? Bakit mo 'ko ginaganito!"



"H-Huh? Gago, hindi naman kita nakita sa taas." Inosenteng sagot ni Kuya.



"Liam. Tell Dad I'm staying to Aubrey's house tonight." Biglang dumating si Kuya Lian at inaayos ang wrist watch niya habang bumababa ng hagdan.



Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Cyrus habang nagbabalik-balik ng tingin kay Kuya Lian at Kuya Liam.



"D-dalawa ka...yo?" Pahina ng pahina ang boses ni Cyrus at nagulat ako nang bigla syang himatayin.



"Cyrus!"

______________________________•°•

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 200 29
"ONCE YOU ENTER IN MY LIFE, DON'T YOU DARE TO RUIN IT"-MAYSII Date started: July 29, 2020 Date finish:
129K 2.6K 23
This Story is A fiction not related to a true story A/N: KINDLY READ PO😢
90.4K 1.6K 40
Si Samantha Icey Maridoque ang dating asawa ng sikat na babaero noon sa campus nila siya si Brayden Ivan Meller. Nag hiwalay sila dahil labis na nasa...
16.3K 222 18
(On-going) Cassandra Gail -a lovely martyr wife -a loving person but a martyr when it comes to Alexander Alexander Ice -a heartless husband -a cold o...