š—§š—›š—˜ š—Øš—”š—˜š—«š—£š—˜š—–š—§š—˜š—— ļæ½...

By aprilannaaaa

14K 541 3

NOTE: EDITED VERSION šŒšØš§š­š¢šÆš¢š„š„šš š’šžš«š¢šžš¬ #1 Meet Yazmine Montivilla a woman whose only goal is... More

FRONT MATTER
THE UNEXPECTED LOVE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
THIRTY-THREE
THIRTY-FOUR
THIRTY-FIVE
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

TEN

301 17 0
By aprilannaaaa

"Saan lakad mo?" Bungad na tanong ni Diane sa akin pagkalabas ko ng kuwarto.

"Sa Mall," tipid kung sagot.

"Aano ka roon? Sama ka na lang sa amin ni Jerome. Gagala at manonood lang din kami ng sine." Sabi nito.

Ayaw lang nito na nag iisa ako kaya sinasabit ako sa date eh.

"Okay lang ako, kaya ko na 'to ng mag isa. Sige na enjoy your gala. Stay in love." Sabi ko saka mabilis siya hinalikan sa noo at mabilis na lumabas.

Alam ko naman na pipigilan niya ako kaya inunahan ko na siya. Masyado sila nag aalala sa akin akala siguro hindi ko kaya na mag isa, hello malaki na ako at kaya ko mag solo flight.

Nag-chat sa gc si Aliah na bukas na siya luluwas dito sa Maynila at sinabi nito na okay na ang lolo niya kaya masaya kami for her. We pray for her grand father past recovery at sa tingin ko malakas ako kay Lord, I mean malakas kami kay Lord.

Mabilis din ako nakarating sa Mall dahil nga 9am pa lang naman at kakatapos ko lang din kumain ng agahan which is kanin naman ang kinain ko naisipan ko na lang muna pumunta sa boutique para sa mga damit. Wala akong plano bumili, window shopping lang. Isa pa napakamahal masyado at mabigat sa bulsa nakakahinayang.

Busy ako sa pagtingin ng magulat ako ng bigla na lang may nakabunggo ng kamay ko dahilan para mabitawan ko yung hawak kung damit.

"Sorry po," magalang na sabi nito kaya naman napatango ako.

"Arra..." Sambit ko kaya napatingin siya sa akin.

Anak ng tipaklong talaga! Jusme, napaka wrong timing ng pagkakataon.

"Are you with him?" Tanong ko rito.

"Nope, he's busy on his work kaya solo ako nagpunta. Gusto ko lang talaga bumili ng dress na gagamitin ko sa engagement party." Sabi nito.

"Sinong ikakasal? Kayong dalawa?" Tanong ko.

Nasa tamang edad naman sila at alam ko naman na sure na sila sa isa't isa kaya why not coconut tinaggap ko naman sa sarili ko na wala na kami kaya sige malaya ka na, piliin mo na yung taong gusto mo makasama at alam mo sasaya ka.

Pasensiya ka na ha? Hindi ako naging enough kaya mo ako iniwan.

"Can we talk for a while? Busy ka ba?" Tanong ko rito.

Simula kasi noon maging sila pakiramdam ko may galit kami sa isa't isa at siguro panahon na para magpatawad at tanggapin ang pagkatalo. Wala naman ako magagawa, masaya na sila kaya dapat maging masaya na lang ako for them.

"Sure," sabi nito sa akin habang nakangiti kaya naman nauna ako maglakad palabas sa boutique.

Napadpad kami sa labas ng Mall kung saan may tambayan kaya umupo ako at sumunod siya.

"Kumusta kayo? Sana ikaw na yung huli, hindi man ikaw yung nauna pero sigurado naman ako na ikaw ang huli." Sabi ko rito.

"Pinaplano ko na future ko sa kaniya kaso parang hindi talaga kami ang meant to be, baka kayo talaga. Tingin mo?" Sabi ko rito saka tumingin sa kaniya at umiwas din.

"Hindi pa ako sigurado," sabi nito kaya natahimik ako.

Bakit?

"Masasabi ko naman na loyal siya pero natatakot ako na baka gawin niya rin sa akin yung ginawa niya sa iyo eh. Hindi naman ako natatakot maiwan kasi alam ko naman anytime puwede niya ako iwan, natatakot ako na baka wala ng dumating." Sabi nito kaya tiningnan ko siya.

"Maganda ka kaya marami ang darating," sabi ko rito.

"Maganda nga kaiwan iwan naman wala rin sense. Minsan naisip ko na lang na sana hindi na lang ako maganda kasi kahit maganda ka at choice nila na iwan ka iiwan ka talaga nila. Ang hirap naman maging babae, tayo na yung talo minsan tayo pa yung nagmumukhang mali. Hays..." Sabi nito saka napabuntong hininga.

"Natural nagmamahal tayo," sabi ko rito.

"Bakit kaya kapag love kaya natin ibigay lahat? Saan kaya tayo natatakot?" Sabi nito.

Hindi naman talaga tayo natatakot maiwan, natatakot tayo na baka hindi tayo maka usad ulit.

"Mahirap kasi mag move on," sabi ko rito.

"Kaya hanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka move on?" Sabi nito kaya napatingin ako sa kaniya.

"Let's say okay na ako pero yung word talaga na move on hindi pa. Pero feeling ko matagal ko na tinaggap medyo hindi ko lang matanggap noong una kasi siya yung first boyfriend ko, medyo nahirapan ako umahon pero okay lang. Life goes on." Sabi ko rito.

"I wish for long lasting to the both of you, a-attend ako sa kasal niyo if ever mauna kayo ikasal." Sabi ko rito para wag lang siya mag isip na iiwan siya.

"I wish..."

"Atsaka pinagpalit niya ako sa'yo kaya feeling ko ikaw na talaga ang final destination niya." Sabi ko rito.

"I hope so..."

"Napaka negative mo naman masyado Arra, hindi naman dahil sinaktan ako at iniwan ay gano'n ka rin. Baka kaya nangyari yun kasi kayo naman talaga ng tinadhana ni Universe. Nakakaloka ka! Na-i-stress ako dai." Sabi ko rito kaya naman natawa siya.

"Ibig ba sabihin friend na tayo?"

"I think about it," sabi ko pero biro lang.

"Charot, malamang." Sabi ko rito.

"Napatawad na natin ang isa't isa kaya wag mo na isisi sa sarili mo yun. I admit na niloko niyo ako at nasaktan ako pero past na yun at tanggap ko na part na yun ng life natin. Masasaktan tayo pero darating din yung panahon na makakaahon tayo. Just go with the flow kasi nga life goes on, patuloy lang ang buhay." Sabi ko rito.

Nandito kami sa coffe shop nila Klyde hindi namin namalayan na nandito na pala kami at hindi ko maalala na naka order na kami like what the fuck!

"Wag mo ako kalimutan sa kasal ha? Ako dapat maid of honor mo roon?" Sabi ko rito.

"Oo tapos iabot ko na lang din yung bulaklak sa'yo para ikaw na talaga sunod na ikakasal,"

"Depende, baka tumanda akong dalaga." Sabi ko rito kaya naman inirapan niya ako.

Wala naman sa plano ko ang tumanda akong dalaga pero wala rin sa priority ko ang mag jowa, alam ko naman na may right time para sa mga bagay just learn to wait and syempre matuto ka magtiyaga kasi sabi nila kapag may tiyaga may aanihin ay mali pala este may nilaga.

"Live in ba kayo ni Ralph?" Tanong ko rito.

Sa tagal namin ni Ralph hindi ko pa na-e-experience matulog sa kanila, I mean kaming dalawa magkasama sa kuwarto kasi feeling ko iba iisipin nila kaya hangga't kaya ko iwasan yung sasabihin nila ginagawa ko na rin. Ako na mag-a-adjust sa mga crab mentality na mayroon sila. Pumupunta ako for visitation tapos family sila ayaw ko kasi na dalawa lang kami sa bahay baka mamaya pagsisihan namin yung action na gagawin namin.

"Yep, pero minsan umuuwi rin ako sa amin para bisitihan si Mommy siya rin naman gano'n. Minsan lang kami kung mag stay since we're both busy on our own work. Siya sa company ako sa boutique ni Mommy. Ikaw wala ka na ba plano? 3 years, fucking 3 years pero still ganyan pa rin." Sabi nito kaya napangiti ako.

"Gaga on process pa lang matuto ka maghintay," sabi ko rito sabay irap pero iling lang ang ginanti niya.

Pinagkrus ko ang kamay ko sa braso ko saka nilibot ang tingin sa kabuuan ng coffe shop nagbabakasali na makita ko siya.

"Are you looking for someone?" Tanong ni Arra na halatang nang aasar.

"I'm looking for the son of the owner," sabi ko rito na hindi nakatingin sa kaniya.

"Klyde Samonte di ba?"

"Yep, how do you know?"

"We are in the field of business kaya kilala ko sila. Isa sila sa mga successful entrepreneur that I really admire. Dedicated kasi sila sa ginagawa at feeling ko mahal nila ginagawa nila kaya naging gano'n ka successful. Hope all. Sana ako rin soon." Sabi pa nito.

I know, alam ko na dahil sa hard work at hindi nila pagsuko ganito sila kayaman. I really admire them for not giving up and I salute them for being dedicated on doing their business. Sobrang laking achievements kasi para sa kanila yun kaya gusto ko sabihin na I'm proud for their achievements.

"May something ba sa inyo?" Sabi nito habang nakataas ang kilay.

"Wala, where just friends." Sabi ko rito which is totoo naman talaga.

"Ows!? Talaga ba? Baka ikaw friends mo lang siya pero siya hindi, hala! Bakit iba ang tingin niyo sa isa't isa." Sabi nito kaya hinila ko ng mahina ang buhok nito.

"Baliw, sinasabi ko lang yung nakikita ko. This is my own observation." Sabi nito sabay irap kaya naman napayuko ako.

"Isa pa nabanggit niya rin sa media na kaya siya nandito kasi sinusundan niya yung taong matagal na niya mahal. Hadlang man daw ang Universe sa kanila siya na lang daw gagawa ng way para magtagpo sila. Ang romatic lang ano? Nakakatuwa na mahal na mahal niya talaga kaya niya sinundan. Aba edi sana all kay ate girl." Sabi nito na halatang naiingit.

Gago wag mo na ipaalala nakokonsensiya lang ako sa ginawa ko.

"Ikaw rin naman pinaglaban ha? Iniwan nga ako para sa'yo. Edi sana all." Sabi ko rito kaya inirapan niya ako kaya nagkatinginan kami at sabay na natawa sa hindi malaman na dahilan.

Inubos na namin ang order at balak na sana umalis ng coffe shop when someone hold my hand kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Babe..." Sabi ni Arra kaya napabuntong hininga ako.

"Ralph please... Wag mo na gawin yung bagay na ginawa mo sa akin. Maawa ka." Pagpapakiusap ko kaya naman binitawan niya ako.

Hinila ko sila palabas ni Arra para kapag gagawa siya ng eksena ay hindi nakakahiya sa mga tao. Makakaabala pa kami sa mga customer lalo na sa Coffe Shop.

"Hindi ko na kaya, I'm still in love with you." Sabi ni Ralph kaya napahawak ako sa kamay ni Arra.

Arra please... Maging matatag ka.

"Sinasabi mo yan kasi na realize mo yung halaga ko pero Ralph look Arra she's worth it. Gusto ko manatili ka sa kaniya kasi mahal na mahal mo siya at hindi ko na kailangan magtanong kung bakit mo ako pinagpalit alam ko naman kasi na may pagkukulang ako sa relasyon natin pero hindi lang naman ako pati rin naman ikaw. Hindi ka nakarinig ng panunumbat sa akin, noong panahon na pinakilala mo officially si Arra wala ka sa akin narinig na paninira at kahit tanungin mo si Diane hindi nila alam yun kasi ayoko siraan ka sa kanila kasi mahal na mahal kita at kaya kita binitawan kasi alam ko naman na hawak ka na ng iba at alam ko katulad ko mamahalin ka rin niya. Ralph... Hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Kung sa tingin mo ay pakikipagbalikan ang way para maitama mo ang pagkakamali ay mali yun. Iiwan mo yung taong mahal na mahal ka." Sabi ko kaya pag iyak na lang ang nagawa niya.

"Piliin mo si Arra,"

"Ayaw mo na ba sa akin?" Naiiyak nitong sabi.

Umiling ako.

"Mahal na mahal kita pero hindi lang ng taong mahal natin ay mananatili sa atin, marahil mahal natin ang isa't isa pero hindi puwede."

"Hindi puwede kasi masasaktan ako," naiiyak na sabi ni Arra.

"Baka pinagtagpo lang talaga tayo para turuan ang isa't isa at para matuto tayo and I think this is our lesson." Sabi ko sa kaniya.

Napabuntong hininga na lang si Arra habang si Ralph napasabunot sa sarili.

"Lesson kung saan palayain ang isa't isa," mahina nitong sambit sapat para marinig namin ni Arra.

"Hindi," sabi ko saka umiling.

"Lesson kung saan tanggapin na kahit mahal niyo ang isa't isa kailangan niyo bumitaw kasi may mas better pa na darating sa atin." Sabi ko rito.

Nginitian ko 'to ng mapait habang tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sa mata nito.

"Better person naman tayo pero hindi para sa isa't isa,"

Nginitian niya ako saka siya lumapit kay Arra at inakbayan 'to.

"Pinapalaya na kita," huling sinabi niya bago nila ako iwan.

Continue Reading

You'll Also Like

10.8M 353K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
684K 15K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
3.5M 98K 61
"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his ca...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...