Love In The Clouds | ✔

De Lady_Mrg

4.6K 297 20

[ TFL SERIES #5 ] •°• A story of two people loving at no age limit. For them, love is love even their age was... Mais

DISCLAIMER | 18+
PROLOUGE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
EPILOUGE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 3

118 14 0
De Lady_Mrg

"Ma, nakauwi na po ako!" Sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.



"Bakit natagalan ka ata? Kaunti lang naman 'yang pinamili mo ah." Tanong ni Mama sabay baba ng tingin sa plastic bag na hawak ko.



"Maraming po kasing tao sa grocery, pumili pa po ako sa cashier." Tumango na lang si Mama habang nagluluto sakto namang pumasok si Tito Harry mula sa pintuan palabas papunta sa likod bahay. May pool doon at garden, may maliit din silang cottage na may isang kwarto.



"Hindi mo ba napansin doon ang Kuya Liam mo? Hindi na bumalik mula kanina." Tanong ni Tito. Napailing lang ako kahit ang totoo ay nakita ko sya kanina nang lumabas ako sa grocery store.



Nakita ko sya sa isang gilid na naninigarilyo at nakita ko pa syang tinapon agad 'yung sigarilyo nung lumapit sa kanya 'yung matangkad na babaeng kasama ni Cyrus bukod doon sa buntis. Mukha ngang magkakilala sila dahil takot ang itsura ni Kuya Liam noong lapitan sya ng babae na mukhang mataray.



"Akyat na po ako, Ma, Tito." Tumango lang sila kaya umakyat na'ko sa kwarto ko pero bago ako umakyat nagtanong muna ako kay Tito Harry.



"Ah Tito?" Lumingon sya sa'kin. "May alam po ba kayong nililigawan ni Kuya Liam? Curious lang ako, hehe." Pilit akong tumawa.



"Nililigawan? Wala eh. Iniisip ko na nang bading ang anak kong 'yon." Mahinang natawa si Tito. Nakitawa na lang ako at paakyat na sana kaso nagsalita ulit si Tito.



"Pero ang alam ko noong nagbakasyon sya sa lola nya, doon sa pilipinas, sa tagaytay? Ayaw nang umuwi dito dahil may babae daw syang nakilala don kaso daw matapang." Tumawa ulit si Tito at nagkwento pa. "Minsang tumawag sa'kin 'yang si Liam at sinabing magtatagal sya sa pilipinas hanggang hindi bumabalik sa tagaytay ang babaeng nakilala nya na nag-aaral naman sa maynila. Pero wala rin, umuwi rin sya dito sa canada dahil hindi na bumalik 'yung babae." Napatahimik si Tito.



"Bakit naman po hindi na bumalik?" Bigla ko na lang naitanong 'yon dahil nakakabitin naman kwento ni Tito.



"Hindi ko rin alam. Ayaw sabihin ng Kuya Liam mo. Mula noon hindi 'yan nagkainteres sa ibang babae, tumigil na nga 'yan sa alak at sigarilyo pero bumalik ulit sa bisyo. Kahit akong ama nya hindi ko mapigilan."



"Tama na 'yan, baka dumating pa si Liam at marinig na pinaguusapan nyo sya." Biglang sumingit si Mama sa usapan at pinaakyat na ako sa kwarto na pinahiram sa'kin ni Kuya Liam.



Binuksan ko agad ang vanilla ice cream at agad na tinawagan si Nicca dahil nangako ako na tatawag ako sa kanya. Nakailang ring bago nya sinagot.



"Gawa mo?" Tanong ko.



[Kumakain ng ice cream, miss na kita.] Natawa ako dahil kumakain din ako ng ice cream. What a coincidence.



"Tama na 'yang miss miss na 'yan. Oo nga pala, may update ko sa love life ko!" Excited kong pagkakasabi.



[Sige nga ano?] Excited akong nagkwento at parang hindi pa sya naniniwala na nasa'kin ang bank card ni Cyrus.



"Loka-loka! nasa'kin nga, ayaw mo pa maniwala, Oh!" Hinarap ko sa cam 'yung card ni Cyrus pati 'yung phone number na tinakpan ko ang kalahati. Mahirap na. Alam kong mabilis kamay ni Nicca, baka ma-screenshot nya agad kapag buo kong pinakita 'yung number.



[Share naman!] Angal nya dahil ayaw kong tanggalin ang daliri ko sa nakatakip na number.



"Ayaw ko nga, agawin mo pa." Binalik ko na sa wallet ko 'yung card at sinave ko naman sa contacts ko 'yung number ni Cyrus.



[Oh sige na, bukas na lang may gagawin pa kasi ako. You know, may pasok ako, late na'ko sa part time job ko. Bye! love yah!] In-end nya ang call kaya kumain na lang ako dahil wala naman akong ibang gagawin.



Ang sipag din ni Nicca. Biruin mo nagpapart time job pa sya para kumita ng pera, sya na lang kasi mag-isa. Wala syang kapatid, wala na rin ang mga magulang nya tapos hindi pa nya kilala ng mga kamag-anak nya dahil sa ampunan sya lumaki. Lahat ng pera nya wala syang ibang paggagastusan kung hindi ang sarili lang nya.



Kinabukasan habang nag-iikot ikot ako sa bahay, napadaan ako sa isang hallway na may railings na parang sa terrace at sa di kalayuan may nakita akong lalaki. Hindi ako sigurado kung si Kuya Lian ba 'yon o si Kuya Liam, magkamukhang magkamukha kasi sila. Baka kasi kambal Valerie kaya magkamukha, slow mo rin, eh.



Tatawagin ko sana sya para malaman ko kung si Kuya Lian o Liam pero narinig kong may kausap sya sa phone kaya lumiko na lang ako papunta sa garden pero hindi ko sinasadya na marinig ang sinasabi nya sa kausap nya. Doon ko napagtanto na si Kuya Liam ang nakatayong lalaki na 'yon dahil sa boses nya.



"Nez naman, hindi ko naman alam na pupunta ka dito. Kung alam ko lang ako na sumundo sa sa'yo! Anong may iba? Wala! Wala akong ibang babae! Jusko naman Nezzie! Hinintay nga kitang bumalik sa tagaytay eh! kaso hindi mo na ako binalikan! 'Yung Cyrus! 'Diba 'yung Cyrus 'yung pinalit mo sa'kin? Isaiah Cyrus Hudson! Paano ko nalaman? Well, may pera ako, malamang bumayad ako ng private investigator para malaman ko kung sino 'yang Cyrus na 'yan. Tagapagmana ni Coleman Hudson, may-ari ng sikat na five star hotel sa pilipinas na may second version sa toronto canada, malapit lang dito kaya gusto mo pasabugin ko pa 'yon. Ikaw ang may ibang lalaki hindi ako. Anong hindi? Hindi ako bulag! Sinusundan kita, Nez. Palagi na lang kayong dalawa nakikita ko! At---"



"Ay pusang gala!" Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko.



"Nandito ka lang pala." Si Kuya Lian iyon, ang humawak sa balikat ko. Parang may humahabol sa puso ko dahil sa gulat, muntik umakyat ang dugo ko sa ulo ko.



"K-Kuya, hehe, Hi?"



"Si Liam?" Tanong nito.



"Hindi ko po nakita. Alis na'ko." Nagtatakbo ako papasok sa loob ng bahay na parang may humahabol sa'king chismis na gusto ko pang pakinggan kaso lang dumating si Kuya Lian. Hindi naman kami masyadong close ni Kuya Lian dahil ang sungit nya, tipid pa magsalita, sobrang layo kay Kuya Liam.



Dumiretso ako sa two door refrigerator at kumuha ng tubig dahil baka himatayin na ako sa kaba plus nagulat pa ako kanina. Baka magcollapse na lang bila ang puso ko sa sobrang bilis tumibok.



Grabe naman si Kuya Liam. Nagbayad pa ng private investigator para sa Nez na 'yon. At balak pa nyang pasabugin ang hotel nila Cyrus dito! nakakaloka si Kuya!



Galit ng boses ni Kuya kanina kaya kinakabahan tuloy ako. Mayaman sila, hindi malabong gawin nya lahat ng sinabi nyang pagbabanta kaya kumaripas ako ng takbo paakyat sa kwarto at tinawagan si Cyrus.



"Nek! 'Yung pinsan ko, si Kuya Liam papasabugin daw hotel nyo dyan sa tabi-tabi!" Bungad ko pero..



"Cy, may boses bata na humahanap sa'yo. Baka pinsan mo." Rinig kong boses ng babae. "Oh sino 'to? wala akong pinagbigyan ng number sa mga pinsan ko, kung scammer ka papatayin ko na 'to. Mayaman ako hindi ko kailangan ng---"



"Hayop ka." Sabi ko lang tsaka ko sya pinatayan ng tawag dahil sa inis na hindi manlang ako pinagsalita, pinagbintangan pa'kong scammer!



Binato ko sa kama 'yung phone pero nung nag-ring at nasilip ko ang pangalang 'Neknek' nagtatakbo agad ako at lumundag sa kama masagot ko lang 'yung tawag. Hindi muna ako nagsalita para isipin nyang galit ako.



"Hoy bata, sorry, ikaw pala akala ko kasi scammer---" Binabaan ko ulit sya.



Palagi na lang nya 'ko tinatawag na bata!



Nag-ring ulit at sinagot ko ulit! bwiset!



"Isa pang babaan mo 'ko ng phone susugurin kita dyan sa bahay nyo. Akala mo hindi ko alam bahay nyo? alam ko! pupunta ko dyan kukunin ko bank card ko! wala akong pera dito!" Napangisi ako.



"Akala ko ba mayaman ka? ang yabang yabang mo pa kanina tapos ngayon wala kang pera." Sumbat ko.



"Magulang ko 'yung mayaman hindi ako kaya ibalik mo na bank card ko, wala akong gagastusin dito." Bakas sa boses niya ang pagmamakaawa.



"Sige, kunin bukas sa bahay." Hindi na sya sumagot at binabaan na lang ako! bastos!



Napaka walang modo, babaan ba naman ako?



Tinext nya sa'kin kung anong oras sya pupunta bukas para daw bumaba na ako at salubingin sya sa labas. Asa naman sya na sasalubungin ko sya, ano sya sinuswerte? hindi pa ako hibang para sundin sya.



"Nasaan ka na ba?!" Pumadyak padyak pa ako habang nakatayo sa labas ng gate ng kapitbahay dahil ayaw kong sa harap ng bahay nila Tito baka makita pa sya nila Mama, pag-isipan pa kami ng masama.



May humintong taxi sa harap ko at niluwa nun si Cyrus na ayos na ayos. Napanganga ako dahil ang gwapo nga tingnan, hindi mukhang dugyot.



"Oh akala ko ba hindi mo 'ko sasalubungin?" Puno ng sarkasmo niyang sabi pero umirap lang ako at kinapa ang bag ko.



"Letseng buhay 'to oh, naiwan sa kwarto 'yung bag ko, nandun 'yung wallet." Napasabunot ako sa sarili ko at nagmamartsang naglakad palayo. Sinipa ko pa 'yung gate bago ako pumasok at padabog na naglakad sa hagdan paakyat sa kwarto. Nasira pa zipper ng bag ko dahil sa pahila kong pagbubukas.



Nang makababa ako nagulat na lang ako na nakaupo na sa L-shape sofa si Cyrus. Kapal ng mukha nito ah.



"Uminom ka muna anak." Binaba ni Mama ang juice sa harap ni Cyrus. "Hindi sumama si Vicente, alam mo naman ang kaibigan mo na 'yon baliw na baliw sa girlfriend nya na malapit na syang iwan." Nagtawanan sila ni Mama.



"Ma." Napatingin sila sa'kin. "Bakit nyo binigyan ng juice 'yan? teka. Cookies ko 'yan ah! Ano ba 'yan, Sa pilipinas inuubusan nila ako ng pagkain pati ba naman dito sa canada?" Nabuntong hininga ako.



"Damot mo, bumili ka na lang." Sabat ni Cyrus sabay nguya ng cookies.



"Pasensya ka na anak, wala kasing stock na chips sa cabinet kaya hiniram ko muna ang cookies mo. Maggogrocery naman ako mamaya, papalitan ko na lang anak." Ngumiti si Mama at hinawi ang buhok ko habang nakanguso lang ako. "Sige na, maiwan ko muna kayo at may gagawin pa ako."



"Salamat po sa miryenda, Ma!" Sigaw ni Cyrus at in-enjoy ang cookies ko.



"Oh, bayaran mo ako ngayon din kapalit nitong card mo." Nag-abot sya ng cash sabay kuha ng card nya sa'kin.



Naupo lang ako sa kabilang sofa at hinintay syang matapos kumain at papalayasin ko na sya maya-maya lang.



"Saan ka ba galing? bihis na bihis ka." Pagbasag ko sa katahimikan at biglang malaking ngiti ang gumuhit sa labi nya.



"Sinamahan ko magpa-ultrasound si---"



"Kuya Liam! Nakita ko na 'yung box na hinahanap mo sa kwarto kanina!" Sigaw ko nang makita kong pababa ng hagdan si Kuya. Napatingin sya sa gawi namin at nilapitan kami habang nakatingin kay Cyrus.



"Ikaw si Cyrus Hudson? Anak ni Coleman Hudson?" Biglang tanong ni Kuya sa bugnot sa tono at tinapunan niya ng masamang tingin si Cyrus.



"Ah, oo. Bakit mo 'ko kilala?" Tumayo si Cyrus at makikipagkamay sana kaso tiningnan lang ni Kuya ang kamay nya.



"Wala. Una ka lang naman sa listahan ko." Seryosong sabi ni Kuya habang nagsalubong naman ang kilay ni Cyrus.



"Listahan? May utang ba 'ko sa'yo? Anong klaseng listahan?"



"Listahan ng ililibing ko ng buhay."



"K-Kuya." Humarang ako sa gitna nila dahil sa kung tingnan ni Kuya si Cyrus parang pinapatay na nya sa isip. Kung nakakamatay ang tingin kanina pa ako nagluluksa sa pagkamatay ni Cyrus.



"Ikaw ba boyfriend ni Valerie?" Biglang tanong niya.



"Kuya---"



"Isusumbong kita sa Kuya Vince mo." Walang emosyon syang tinalikuran kami at naglakad palayo.



Bakit parang si Kuya Lian ang kausap ko kanina at hindi si Kuya Liam? Nagkapalit na ba sila ng kaluluwa?



"Ayos. Nadagdagan na naman ang may galit sa'kin." Tumawa si Cyrus at umupo ulit para ubusin ang pagkain sa harapan nya.



Dahil ang bagal kumain ng bwiset na 'to nag open muna ako sa IG ko at unang una si Cyrus sa newsfeed ko. Nagpost sya ng picture at may kasama, 'yung matangkad na babae pero hindi nila kasama sa picture 'yung buntis.



Dahil medyo may pagkachismosa ako, pinindot ko ang comment section at nagbasa doon.



AceVibar: Ship.



VINCEnte: Supot!



VINCEnte: *Support. Sorry typo ako ^.^



JustH: Something is weird with this image. Dunno what and why.



KenJi: Have good time taking care of her! You know what I mean.



AceVibar: @Cyx Tell her I'm the godfather!



JustH: Oh. @Nezz @Cyx congrats. But you should finish college first before having a baby. Good advise from the one who can't apply it to himself.



KenJi: @JustH, wtf? That's a very good advise! Basta ako. Marriage first before the baby!



Cyx: Kakalat nyo. Mga epal ampota.



Nezz: Gago hindi ako buntis! tangina kung si Cyrus lang 'wag na! ayaw ko sa canadian!



Liiaam: @Nezz Really? ayaw mo sa canadian? hmm...



VINCEnte: Oyy @Liiaam tol! bat naligaw ka dito? ayos ah, kamusta si Valerie dyan?



Nezz: Manloloko lahat ng canadian. Sa matandang amerikano na lang 'yung mayaman at malapit ng mamatay.



Liiaam: Wtf?



Liiaam: Ahm @VINCEnte She's with her boyfriend earlier. Nandito pa nga sa bahay hanggang ngayon.



VINCEnte: Sinong boyfriend?



"You're dead" Pagkasabi ko non ay pinatay ko ang phone ko.



"Oo nga. Papatayin ako ng Kuya mo." Wala din sa sarili sabi ni Cyrus habang hawak ang phone nya.



"Si Kuya Liam kasi eh! Hindi naman kita boyfriend pero ang sumbong kay Kuya Vince iba!" Inis akong tumayo at hinila si Cyrus palabas ng bahay at nang may dumaan na taxi pinatulakan ko sya papasok para makaalis na sya.



"Bwiset! lagot ako nito eh, sesermunan na naman ako ni Kuya!"



Pagkapasok ko sa loob binalikan ko 'yung comment section sa post ni Cyrus sa IG kung saan nakatag 'yung babae na pangalan ay Nezzie.



Liiaam: Yeah. Kasama nya ngayon, nasa sala sila nagtatawanan. Yumakayap pa 'yung lalaki sa kanya.



Pagkatapos kong mabasa 'yon nag post ako sa tweeter ko ng.



#HelpforValerieDeLuna

_______________________________•°•

Continue lendo

Você também vai gostar

kilian [21+] De Angelangel

Ficção Adolescente

168K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
239K 4K 53
My first story. I hope you like it. Thank you 😊
3.1K 200 29
"ONCE YOU ENTER IN MY LIFE, DON'T YOU DARE TO RUIN IT"-MAYSII Date started: July 29, 2020 Date finish:
The Wife Suffer De Moon🌹

Ficção Adolescente

16.3K 222 18
(On-going) Cassandra Gail -a lovely martyr wife -a loving person but a martyr when it comes to Alexander Alexander Ice -a heartless husband -a cold o...