Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 8: His Side

13.9K 319 30
By HippityHoppityAzure

Chapter 8: His Side

“PRINSESA KO!” TAWAG ni Marky sa anak habang nag-aayos ng buhok sa tapat ng rear-view mirror ng kanyang sasakyan. “Ano na? Guwapo na ba si Daddy?”

            Nang tignan niya sa katabing upuan ang anak ay nakatingala ito sa kanya at naka-ngiting-ngiti.

            “Hindi pa po.”

            “Ehh?” Nadismaya naman siya sa sagot nito. Naka-ilang beses na kasi niyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang mga kamay, pero hindi pa rin siya guwapo sa paningin ng sariling anak?

            Tinaas ni Alannah ang dalawang kamay na para bang inaabot ang ulo niya. Yumuko naman siya at hinayaan ang anak na ayusin ang kanyang buhok.

            “Ayan!” Napabungisngis ito pagkatapos. “Guwapo ka na po, Daddy!”

            Natawa si Marky. “Talaga?”

            Tumango ang kanyang anak.

            Nang muli siyang tumingin sa salamin, aba. Bakit parang gumwapo nga siya?

            Natawa na lang siya sa sariling pagtataka.

            “Tara na nga,” nauna siyang bumaba ng sasakyan at saka pinagbuksan ng pinto ang kanyang anak. Nanatili naman ito sa tabi niya, hawak-hawak ang kanyang kamay, mula nang kunin niya ang pink backpack nito sa backseat hanggang sa pumasok na sila sa gate ng nursery school nito.

            Marami-rami ang tao sa loob ng maliit na paaralan na iyon. Karamihan ay mga batang malilikot, at ang iba ay mga magulang na kung hindi nagsusundo ay naghahatid ng anak kagaya na lamang niya.

            Asan na kaya si Nix?

            Nilibot niya ang paningin sa paligid upang mahanap ang babaeng pinakaninanais niyang makita sa mga oras na iyon. Nag-effort siyang magpa-guwapo, kaya dapat lang na makita siya ito.

            Kasi siya pa rin... Siya lang...

            Biglang kumirot ang kanyang puso. Naalala niya ang nakaraan nila ni Monic. Ang masaya nilang pagsasama, na nauwi lang sa masakit na hiwalayan—nang dahil lang sa katangahan niya.

            Nagsisisi siya sa nagawa niya. Pero alam din niya na huli na ang lahat. Hindi na niya mababago pa ang nakaraan. Ang tanging magagawa na lang niya ay kaharapin ang mga naging bunga ng naging kapabayaan niya. Una na roon ang pagdating ni Alannah sa buhay niya—at ang pag-alis naman ng babaeng minamahal niya.

            Pero ngayon, ilang taon matapos ang lahat nang iyon, muli silang nagkita ni Monic. Naniniwala siya na sinadya iyon ng tadhana para bigyan sila ng isa pang pagkakataon—pangalawang pagkakataon para sa pagmamahalan nilang dalawa.

            O ganun nga ba iyon?

            Pinagdududahan din ni Marky ang takbo ng sariling utak.

            Ganun nga ba o masyado lang akong umaasa na maaari pa kaming magkabalikan?

            Tumindi ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang puso.

            Ang kapal ko namang umasa... Hindi porket apat na taon na ang lumipas mula nang masaktan ko siya, may karapatan na akong makipagbalikan sa kanya... Monic still deserves someone else better than me...

            So tumigil ka na, Marky. Puwede?

            “Alannaaah!”

            Nakawala sa malalim na pag-iisip si Marky nang makarinig ng malakas na boses ng isang batang lalaki na tinatawag ang kanyang anak.

            “Andyyy!” Lumingon at kumaway ang anak niya sa gate na pinasukan nila kanina-nina lang. “Hellooo!”

            Lumingon din siya roon at nakita ang batang lalaki na kumakaway rin habang akay-akay ng tatay malamang nito. Kamukha, eh. Pero mukhang bata pa ang ama nito. Mas bata sa kanya ng ilang taon. Mga limang taon siguro?

            “Uy, Alannah pangalan mo ‘di ba?” Tanong nung tatay ng batang lalaki. “‘Yung real—uhhh,” napatingin ito sa kanya at alanganing napangiti. “‘Yung kaklase nitong anak ko. He-he.”

            “Opo! Alannah po name ko!” Magiliw namang sagot ng anak niya. “Andy, Andy! Daddy ko, oh!”

            Natawa silang dalawang tatay sa pagpapakilala sa kanya ni Alannah, habang ‘yung Andy ay inosente at namimilog ang mga matang tumingala sa kanya.

            “Daddy, Daddy!” Hinatak-hatak siya sa kamay ng anak. “Bakit wala po akong Papa? Si Andy po may Papa at saka may Daddy!”

            “Oh?” Medyo nagulat at naguluhan siya sa tinanong at sinabi ng anak.

            Natawa naman ulit ‘yung tatay nung Andy. “Ah, Papa kasi tawag sa akin nitong anak ko. Eh may kinalakihan din siyang tinatawag na Daddy so... ayun. He-he.”

            “Ahhh,” napatango-tango si Marky. Nagtataka pa rin siya kung bakit may kinalakihan pang Daddy ang anak nito, pero hindi na siya nagtanong pa. Masyado nang pribado ang bagay na iyon sa katulad nilang hindi pa naman magkakilala. “Ay, Marky nga pala, p’re.” Pakilala niya sabay alok ng handshake dun sa lalaki.

            “Adrian.” Sagot nito at nakipagkamay sa kanya.

            “Kids, pila na!” Sigaw bigla ni Teacher Riz.

            Ipinasuot na ni Marky kay Alannah ang bag nito. Ganun din ang ginawa nung Adrian kay Andy, at parehas din silang nagpaalam sa kanya-kanya nilang anak.

            “Mwaah! I love you, Papa!”

            Natawa si Marky sa napakalakas na halik at pag-I love you ni Andy sa tatay nito. Ang kulit lang.

            “Bye-bye po, Daddy.” Malambing namang paalam ng anak niya pagkahalik sa kanya.

            Pinanood ni Marky na maglakad si Alannah kasabay nung Andy palapit sa pila ng klase ng mga ito.

            “Aba?” Nagulat naman siya nang makitang naghawak kamay ang dalawang bata habang naglalakad. Nakanganga pa niyang tinuro ang mga ito bago nilingunan ang tatay ni Andy na nasa tabi niya.

            Hoy! ‘Yung anak mo! Gusto niya sana itong sitahin sa paniniwala niyang tsansing na ginagawa ng anak nito sa anak niya.

            Kaso nakanganga rin ang lalaki na lumingon sa kanya. Halatang nagulat din gaya niya sa paghahawak-kamay ng mga anak nila. Awkward pa itong natawa, marahil dahil alam nito ang nararamdaman niya at ayun ay sobrang pangangamba dahil ‘yung babae ang anak niya. Kumbaga, siya ang dehado.

            “Mga bata talaga ngayon!” Awkward pa rin itong tumatawa, sabay tingin sa suot na relo. “Nako. Male-late na pala ako! Sige p’re, ah. May pasok din ako eh.”

            Bahagya itong nagtaas ng kaliwang kamay para magpaalam. Pilit namang ngumiti at tumango ng isang beses si Marky bago ito tuluyang umalis.

            Binalikan niya ng tingin ang anak. Aba, magkahawak kamay pa rin sila nung Andy sa pila!

            Alam naman niya na bata pa ang mga ito, wala pang kamuwang-muwang sa pag-ibig at pakikipagrelasyon para pangambahan niya ang paghahawak kamay ng mga ito. Pero ayaw mawala ng pangangamba si Marky. Parang ayaw na tuloy niyang dumating ang panahon na magpapakilala ng kasintahan ang anak niya. Hindi niya yata ito kakayaning pakawalan kahit nasa tamang edad na.

            Nagpapasok na sa classroom si Teacher Riz. Nagpamewang na lang siya habang pinapanood pumasok ang anak—na sa wakas ay bumitaw na dun sa batang lalaki.

            Napabuntung hininga at napakamot ng batok si Marky nang mawala na sa paningin niya ang kanyang anak.

            “Pila na kayo,” malambing naman na sigaw ng isang babae na biglang ikinahumirintado ng puso niya. Boses pa lang, kilalang kilala na niya agad kung sino ito.

            Nix.

            Nilingunan niya ito. Nakatayo ito sa katapat lang na pintuan ng classroom ni Teacher Riz. Napangiti siya nang masilayan ang ngiti nito.

            Pero teka...

            Nawala ang ngiti sa mga labi ni Marky nang mapansin niyang may kakaiba sa ngiti ni Monic.

            May problema siya...

            Marky could tell it so easily. Matagal na nga mula nung maghiwalay sila pero kaya pa rin niyang basahin ang iniisip ng dating nobya—sa mga mata nito, sa paggalaw nito, sa pagngiti nito. Nagbago nga si Monic, but not completely. Ito pa rin ang Monic na minahal niya—at minamahal hanggang ngayon.

            Pinanood niya si Monic na mag-asikaso ng mga batang pumapasok sa classroom, maging ng mga ina na lumalapit para magtanong o magpaalala. Hanggang sa makapasok na ang lahat ng estudyante nito. Isasara na dapat nito ang pinto, nang mapatingin naman ito sa kanya.

            Yes. Medyo nagbunyi pa ang kalooban ni Marky dahil sa wakas, napansin siya ng dating nobya.

            Ngumiti pa sa kanya si Monic na ginantihan naman niya. Kaya lang, ganun pa rin ang ngiti nito eh. May bakas ng kalungkutan.

            Nang isara na ni Monic ang pinto, nawala na ang ngiti sa mga labi ni Marky. Nag-aalala siya sa dalaga, at gusto sana niya itong matulungan.

            Pero paano?

            Paano kung wala naman siyang ideya kung anong pinagdadaanan nito? Paano, kung hindi pa niya alam kung nasa lugar na ba siya para tulungan ito?

            Tumalikod na si Marky at muling napakamot ng batok—nang may ideyang pumasok sa isip niya.

            “Puwede...” Bulong niya sa sarili sabay ngiti nang malapad. Natawa pa siya, bago madaling umalis ng paaralan.

                                                                        ***

UWIAN NA NG mga bata nang bumalik si Marky sa Little Ones Nursery School para sunduin ang kanyang anak. Pero hindi lang iyon.

            “Daddyyy!” Tuwang-tuwa siyang sinalubong ni Alannah pagkapasok na pagkapasok niya ng gate. Tamang nakaupo lang kasi ito roon sa waiting area gaya ng lagi nilang bilin kaya agad siya nitong nakita. “Ano po ‘yan, Daddy?!”

            Namimilog ang mga mata ni Alannah habang nakaturo sa paper bag na bitbit niya.

            “Secret, prinsesa ko.” Nakangiti niya itong hinawakan sa ulo. “Para ‘to sa teachers mo.”

            But more for Nix. Nakangising dagdag ng isip niya.

            “Asan na pala si Teacher Riz mo?” Tanong niya sa anak.

            “Sa room po!” Tinuro nito ang classroom na pinapasukan.

            “Tara,” akbay-akbay ang anak, lumapit sila sa classroom ni Teacher Riz. Pagkalapit nila ay sumilip muna sila sa pintuan. “Pft...”

            Halos matawa naman si Marky sa nakita. Nakapuwesto kasi ang guro sa table nito, todo nakasandal sa upuan, nakatingala sa kisame, at tulalang nakanganga habang nakabagsak ang parehong braso. Para lang itong iniwanan ng sariling kaluluwa.

            “Uhh, Teacher Riz?” Kumatok sa pinto si Marky at dahan-dahan siya nitong nilingunan.

            “M-Mr. Añonuevo?!” Dali-dali itong napatayo at nag-ayos ng sarili. “Hi po! P-pasok kayo!”

            Natatawa itong tumayo at lumapit sa kanila at pinapasok ng kuwarto.

            “Nako pasensya na sa ayos ko kanina,” dagdag nito. “Stress na stress kasi ako sa dalawang kaklase ng anak mo. Diyos ko. Dalawang araw na nga lang ang pasok nila eh nagawa paring mag-away at magsi-iyakan! Ay grabe! Grabe talaga!”

            Napangiti lang si Marky.

            “Ay, may problema po ba kayo sa anak niyo?” Napangiti rin ito sa kanya.

            “Ah, wala naman. Ano, ito lang.” Inabot niya rito ang paper bag. “Meryenda para sa inyo ni Nix—Teacher Nix pala.”

            “Woah!” Halos kumikinang ang mga mata ni Teacher Riz nang tanggapin iyon. Medyo namula pa ang mga pisngi nito.

            Patay. Medyo nangamba si Marky na baka hindi nito hatian si Monic. Para kay Monic pa naman talaga iyon—baked macaroni na paborito nito na siya pa mismo ang nagluto.

            “Uy salamat ah!” Niyakap pa ni Teacher Riz ang paper bag.

            “De, ako dapat ang magpasalamat sa inyo para sa pagiging maalagang teacher dito sa anak ko.” Ginulo niya pa ang buhok ni Alannah na nakayakap sa binti niya. “Uhm, dalawang tupperware nga pala ‘yan ng baked mac. Pakibigay na lang kay Teacher Nix ‘yung isa.”

            Ngiting-ngiting tumango si Teacher Riz.

            Ito na ang pagkakataon ko. Paalala ni Marky sa sarili.

            “Ay, okay nga lang ba ‘yung si Teacher Nix?” Tanong niya. “Uhm, nakita ko kasi siya kanina. Ang tamlay.”

            “Ahhh, oo. May problema kasi ‘yon ngayon.” Napangiwi si Teacher Riz. “Pinalayas siya sa kanila.”

            Nanlaki ang mga mata ni Marky. “P-pinalayas?”

            Nagkibit balikat si Teacher Riz bago bumalik ng upo sa tapat ng table. Para lang itong pagod na pagod. “Nag-away raw kasi sila ng parents niya dahil sa ex niya.”

            Napanganga si Marky sa narinig. Ex? Ako ba ‘yon?

            “Akala raw ng parents niya, nakipagbalikan siya dun. Eh hindi pa naman pala boto ang mga iyon dun sa lalaki. Ay nako. Problema nga naman ng mga mayayaman! Ay! Huwag ka pala maingay tungkol dun ah?!” Mula sa pagod na pagod na itsura ay parang nabuhusan bigla ng malamig na tubig si Teacher Riz. “Tsk! Nai-stress din kasi ako sa sitwasyon niya. Nai-tsismis ko tuloy! Pasensya na.”

            “Okay lang,” pilit na ngumiti si Marky sa kabila ng pag-aalala, pagkalito at pagka-guilty na nararamdaman. “So, saan na siya tumutuloy ngayon?”

            “Sa amin—u-uy Teacher Nix!” Dali-daling napatayo si Teacher Riz sabay kaway sa bandang likuran niya.

            Lumingon naman doon si Marky maging ang anak niya, at nagulat na lang siya na makita si Monic na nakasilip sa pintuan. Medyo gulat din ang reaksyon nito na makita sila.

            “T-Teacher Nix oh! B-bigay ni Mr. Añonuevo!” Tensyonadong natatawa si Teacher Riz nang itaas ang paper bag na bigay ni Marky. “Meryenda raw bilang pasasalamat sa pagiging maalagang teacher natin kay Alannah!”

            Ngumiti na si Monic na ikinakalma naman na ng puso ni Marky. “Ganun? Salamat ah.”

            “Mm...” Ayun na lang naitugon ni Marky habang nakatitig sa mga mata ng dating nobya—mga matang nagpapakita ng pagka-ilang sa kanya.

            “Teacher Riz, doon lang ako sa faculty ah?” Baling nito sa ka-trabaho.

            “S-sige, sige! Haha!” Sagot ni Teacher Riz. Pagkaalis ni Monic ay nanlalata itong napaupo. “Ay grabe! Muntik na ako dun ah!”

            Mahinang natawa si Marky. Pero naroon ang sakit sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag. Dahil ba sa hindi man lang nagpaalam ang dating nobya sa kanila ni Alannah? O dahil ba sa siya pala ang dahilan ng pagka-problemado nito?

            Parehas. Marky thought with a sigh, bago nagpaalam kay Teacher Riz at umalis na kasama ang anak.

—TBC

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 273 39
" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that...
6.3K 246 35
[EXO SERIES #4 Sehun] |Completed| Lalilah Celine Taviejo is a secret skilled hacker, but it is not the only thing she could be describe. She is the...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.8M 36.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.