Something New

By cia_stories

73.4K 2.6K 234

Aurora Samantha King can get everything that she wants, her life is a constant cycle, formal gatherings, scho... More

Something New
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Epilogue
Author's Drama
Special Chapter
Special Chapter 3

Special Chapter 2

1.8K 72 12
By cia_stories

"Hindi ka magrereklamo?" Nagtatakang tanong ko at tingin ko kahit sya nagtaka sa naging tanong ko.

"May kailangan ba akong ireklamo?" Tanong nya na hindi ko na lang sinagot.

"Ibang klase."

Napapailing na lang ako.

Nagulat ako na hindi sya nagreklamo nang sya ang maghuhugas ng pinggan, madalas sa mga alam ko't nakasalamuha kong anak mayaman, maaarte, mapili, ni hindi mo mautusan.

Pero sya, ngayon lang ako nakakita ng babaeng tuwang-tuwa sa bulang lumalabas sa panlinis ng pinggan at ingat na ingat pa sya sa hawak nyang pinggan.

Na parang bago sa kanya ang lahat pero pursigido syang matuto, purisigido syang matutunan lahat.

"Bakit ka nakangiti George?" Nagtatakang tanong sa akin ni Tita May na ikinatikhim ko bago nag-iwas ng tingin.

Kaagad ko na lang kinuha ang basyo ng tubig na dadalhin ko sa shop ni tatay.

"Wala po 'ta." Sagot ko na lang pero ang totoo, natatawa pa rin ako sa babaeng nasa kusina ngayon nina Tita.

Halatang anak mayaman nga, ni hindi maalam magbasa ng ticket ng bus, ni hindi din nya alam na nakakaiyak ang sibuyas kapag matagal mong nalanghap ang amoy non.

Nagulat ako nang makita ko syang kahawak-kamay si Mikko nang magpunta sila sa shop para magdala nf tanghalian.

Kilala ko si Mikko, mahiyaing bata at limitado lang ang kalaro nito pero sa lahat nang taong makapagpapaamo dito, si Aurora pa.

Kita ko kung paano nya intindihin ang kapatid ko at sa unang pagkakataon, hindi ko maintindihan sa sarili ko ba't ako naiinggit kay Mikko.

Napapailing na lang ako noon dahil sa naiisip ko.

Hindi maganda sa sistema ko ang babaeng ito.

Pero hindi ko din ikakaila na mabuti syang tao at hindi lang sya nagpapakitang tao.

Sa paraan pa lang ng pagtrato nya kay Mikko, halata kong mahilig sya sa mga bata. Pero aaminin kong hindi ko nagustuhan nang makita ko syang binilhan ng mga gamit ang kapatid ko.

Hindi iyon kailangan ni Mikko mula sa ibang taong kakikilala pa lang namin. Kaya kong ibigay ang ano mang hilingin ng kapatid ko, hindi man agad, pero ginagawan ko ng paraan sa abo't ng makakaya ko.

Alam kong napagsalitaan ko sya ng hindi maganda dahil doon, pero sa ginawa nya kasi, hindi ko mapigilang maalala ang ginawa ng tatay namin.

Na tila pambayad lang kay Nanay ang lupa't bahay na ito dahil sa naanakan nya si Nanay at ako ang naging bunga noon.

Na parang napakadali lang ng buhay sa kanila, na bigyan lang ng kung anong materyal na bagay ayos na.

Pero alam kong malaking pagkakamali iyon sa parte ko, hindi katulad ni Aurora ang tatay ko.

Malayo sila, napakalayo nila sa isa't-isa.

Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kanya noon dahil alam kong mali na pagbintangan ko sya sa isang bagay at itulad sya sa tatay namin gayong hindi ko pa naman sya lubusang kilala.

Pero sya na ang kusang nag-iwas ng tingin, at ewan ko ba kung bakit pag-dating kay Aurora, nanghihina ako.

"May humahabol ba sayo?" Natatawang tanong sa akin ni Tay Eman nang makita nya akong gabing-gabi na pero nasa shop pa rin ako at nagpupukpok ng mga pako at kahoy.

"Bakit tay?" Tanong ko nang tumigil ako saglit para mas marinig ko sya ng mabuti.

"Nagmamadali ka sa pagtapos ng mga orders sa atin eh sa susunod na buwan pa naman ang deliver nyan." Natatawa nyang sabi sa akin na parang may alam sya na hindi ko naman maipaliwanag kung ano.

"Para lang matapos na po agad, tay." Sabi ko na lang bago nagpatuloy sa ginagawa ko.

Hindi ko alam kung bakit sa nakalipas na mga linggo, si Aurora ang iniisip ko.

Dahil ba sa nakokonsensya ako?

Dahil ba sa hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin?

Pero bakit ko pa iyon iisipin?
Iyon na ang huli naming pagkikita, hindi ko na sya makikita.

Napahinto ako ulit nang maisip na hindi ko na nga sya makikita. Basta ko na lang naibagsak ang hawak kong martilyo na ikinagulat ni Tay Eman.

"Aba George, ano? Pagod ka na?" Naaaliw na tanong nya sa akin bago tumawa pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak nya ang sketchbook na gamit ko dati.

"Tay--" tangkang kong pagpapaliwanag nang makitang binubuklat nya iyon at puro mga disenyo ko ng mga salla set at mga bed frame ang nandoon.

"Magaling ka talagang gumuhit George. Hindi mo ba gustong---" nahinto sya at nagulat nang ibang drawing na ang makita nya sa susunod na pahina.

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil huli na para mapigilan ko sya.

"Aba'y bakit nandito si Aurora?" Naaliw nyang tanong sa akin saka ako binigyan ng mapanuksong ngiti na ikinailing ko na lang bago nanghihinang napaupo sa tabi ni Tay Eman.

"Ewan ko Tay, naguguluhan din ako. Baka dahil nakokonsensya ako gawa ng huli naming paguusap." Pagsasabi ko ng totoo dahil wala na din naman akong mapagsasabihang iba kundi si Tay Eman.

Sina Kaloy at Poy, paniguradong aasarin lang ako kapag nagtanong ako sa kanila tungkol dito sa kinalilito ko.

Naramdaman kong ginulo nya ang buhok ko bago tumawa at patuloy na tinignan ang mga sumunod na pahina sa sketchbook na iyon.

"Alam ko na kung sinong inspirasyon mo sa pag-guhit ulit. Bawat matapos ang drawing mo ng mga upuan, mukha naman ni Aurora ang sumunod." Naiiling habang nakangiting sabi nya na ikinahilamos ko na lang sa mukha ko.

"Gusto ko yata sya, Tay." Sabi ko kahit pa sa totoo lang ay hindi pa din ako sigurado.

Bakit ko sya magugustuhan? Hindi ko naman sya ganoon kakilala. Halata ding mula sya sa may kayang pamilya sa uri pa lang ng pagtindig nya at mabilis na pakikitungo sa mga nakakasalamuha nya na parang sanay na sanay sya sa maraming tao.

Kung totoo man tong nararamdaman ko, hindi kami pwede.

Ayokong matulad kay nanay na nagmahal ng isang taong magkalayo sa estado ng buhay.

Hindi ko pa man ganoon kakilala si Aurora, pero sa pinapakita pa lang nyang kumpyansa sa sarili, pakiramdam ko napakahirap na nyang abutin.

"Mukhang sa dami nitong ginuhit mo, hindi na yata ang pagkagustong iyan, George Archival." Tukso nya sa akin na ikinailing ko na lang.

"Hindi tay, mawawala din to." Sabi ko bago tumayo at binalikan ang ginagawa ko pero nagsalita sya ulit.

"Ang pusong pinipigilan ay lalong nagmamahal, George. Walang masama kung magustuhan mo si Aurora, tao ka, may pakiramdam. Bakit hindi mo yakapin ang nararamdaman mo?" Komento nya na ikinabuntong-hininga ko na lang.

Mukhang tama nga si Tay Eman, kahit anong pigil ko, dumadami lang ng dumadami ang mga protrait ni Aurora na ginuhit ko, pati ang bilang ng araw na magkalayo kami, alam ko.

Nababaliw na ba ako?

Pero siguro sa kagustuhang makita ulit sya, maaga kong natapos ang mga orders at kaagad ko na ding dinala sa kabilang probinsya.

Para akong tanga na lihim na humihiling na sana makita ko sya, kahit sandali, kahit silip lang. Hindi ko sya lalapitan dahil alam kong may iba syang plano sa buhay.

May iba syang plano bago ko pa man sya makilala.

Sabi ko noon, kapag nakita ko sya, para sa akin sya. Natatawa at napapailing na lang ako sa mga naiisip ko dahil sino ba ako?

Sino ba ako para maghangad ng isang bagay na napakaimpossibleng mangyari?

Bakit ibibigay sa akin ng nasa taas ang isang babaeng halata at alam kong kayang hawakan ang mundo sa mga palad nya?

Pero hindi ko ikakailang nalungkot ako noon dahil ni hindi ko man lang sya nakita papunta, napakaimpossible non, ni hindi ko din sigurado kung nasa probinsyang iyon nga ba sya o nasa ibang lupalop na sya ng Pilipinas.

Handa na akong tanggapin na wala na, tapos na at iyon na talaga ang huling pagkikita naming dalawa. Na sa mga ginuhit ko na lang sya maalala, na kailangan ko na din syang kalimutan dahil hindi naman na sya babalik.

Pero nang makita ko sya sa gilid ng daan, na masayang nakikipagusap sa isang matanda at kumaway sa mga ito, tila bumagal ang mundo.

Lumagpas pa ako sa sobrang taranta ko na nakita ko sya, na nandito pa rin sya sa probinsya.

Pagbalik ko sa kung saan ko sya nakita, nakasalampak na sya ng upo sa gilid ng kalsada at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa pero bakit napakaganda pa rin nya?

Halata ko ding nag-iisip sya sa kung anong dapat nyang gawin. Imbes na humingi ng tawad, o sumilip lang katulad ng nauna kong sinabi sa sarili.

Mas nanaig sa akin ang pag-aalala dahil gabi na at wala na ding masyadong tao sa paligid.

"Apat na linggo pa lang, naging pulubi ka na?"

Gusto kong masapak ang sarili ko dahil sa naging tanong ko. Baka mahalata nyang bilang ko ang mga araw na wala sya!

Pero nakahinga ako ng maluwag nang hindi nya iyon mapansin at sinungitan na ako.

At kahit nagsusungit sya, hindi ko pa rin maiwasang titigan at pagmasdan ang mukha nya.

Doon ko napagtanto na hindi na yata ang pagkagusto ko sa kanya. Sa mga araw na binaliw nya ako kakaisip kung ayos lang ba sya, o kung masaya at natutuwa ba sya sa pamamasyal nya, o kung makikita ko pa ba sya balang araw.

Napagtanto kong gusto ko si Aurora. Gustong-gusto ko si Aurora at natatakot ako, natatakot akong nararamdaman ko ito para sa kanya gayong magkaiba kami ng mundo.

Akala ko kaya kong pigilan, kaya kong baliwalain kahit pa naamin ko na sa sarili kong nakuha na nya ang buong atensyon ko.

Pero sa bawat araw na lumilipas kasama sya, maging sa kung paano ko sya makitang inaalagaan si Mikko kahit pa hindi naman nya ito kaano-ano o responsibilidad. Lalo akong nahuhulog sa kanya.

Kahit anong pagkukunwari ko na wala lang ang presensya nya at na normal lang ang lahat habang nanunuluyan sya kasama naming magkapatid. Mas lalo ko naman syang napapansin, kahit maliliit na bagay, basta tungkol sa kanya, nakukuha noon ang atensyon ko.

Hindi sya pihikan sa pagkain, pero hindi nya kayang kumain ng atay ng manok o baboy nang minsang magluto si Tita May ng adobo na may kasamang atay sa sahog.

Ugali din nyang kamutin ang gilid ng leeg nya kapag nahihiya sya o di kaya ay hindi alam ang gagawin.

Hindi sya magaling kumanta, pero kaya nyang sumabay sa tono kapag nagseryoso sya. Hindi din sya magaling sumayaw, pero kaya nyang umindak kapag excited sya o masaya sa isang bagay gaano man kasimple iyon.

Hilig nya ang kulay puti, lalo tuloy syang nagmumukhang anghel kapag nakasuot sya ng ganoong kulay dahil sa mahaba nyang buhok na natural na malalaki ang kulot sa dulo.

Hindi din sya maalam magluto, pero masarap syang magtimpla ng kape.

Sya ang bukod tanging nakakita sa akin sa mga panahong mahina ako. Hangga't maaari, ayaw kong makita ako ni Mikko na mahina, na malungkot o di kaya ay umiiyak. Kasi para sa akin, ako na lang ang masasandalan nya, kailangang maramdaman ng kapatid ko na kaya kong akuin ano mang nagpapahirap sa kanya.

Pero hindi ko alam na mas napapalayo pala ang loob nya sa akin dahil doon at katulad ng tila mahikang iginawad sa akin ni Aurora, inayos nya din ang relasyon naming magkapatid.

Na okay lang pa lang magpakita din ako ng kahinaan sa kapatid ko, o na maging bukas ako sa pagpuri sa kanya o sa mga bagay na ginagawa nyang maganda maging ang pagkausap sa kanya tungkol sa mga kakulitan nya.

Madalas ko syang tinatanong kung kelan sya uuwi, kung bakit hindi pa sya umuwi. Hindi dahil sa ayaw ko syang makasama pero dahil alam ko sa sarili kong sa bawat araw na lumilipas na nakikita't nakakasama ko sya, mas lalo akong nahuhulog sa kanya at hindi ko alam kung kaya ko bang bumangon pa.

Ni ayaw ko syang makaramdam ng selos eh ni hindi ko pa nga magawang umamin. O na hindi ako sigurado kung nakakaramdam nga ba sya ng selos sa tuwing nakikita nya si Clarissa na malapit sa akin.

Abo't-langit din ang kaba ko noon nang makita nya ako sa parada bilang kapareha ni Clarissa. Pinapunta ako sa bahay nila ni Tay Eman dahil may ipinapabigay sya sa kapitan pero biglang hindi makakadalo ang nauna nyang kapareha.

Nakiusap ang nanay ni Clarissa na hindi ko na magawang makatanggi dahil likas na mabait ito, sila ang nagbigay sa akin ng barong tagalog pati ng sapatos na susuotin, pati pag-istilo sa buhok ko ay hindi nila pinalampas.

Nang matapos ang parada at nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Aurora. Pakiramdam ko kailangan kong bumawi, pakiramdam ko kailangan kong magpaliwanag kahit wala namang namamagitan sa amin.

Matapos nang parada, kaagad ko nang iniwan si Clarissa, isinaoli ko din agad ang mga pinahiram nila sa akin at umuwi sa bahay para maligo dahil sa dami ng hairspray na inilagay ng nag-ayos ng buhok ko para sa parada.

Dali-dali din akong umalis nang masiguro kong ayos at abala si Mikko kina Buboy. Muntik pa akong matalisod dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko dahil hinahanap ng mga mata ko si Aurora.

Ni hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit nang mapahinto ako sa tapat ng mga nagtitinda ng bulaklak, bumili ako ng isang sun flower. Totoong nag-iisa na lang iyon pero may nakaagaw pa ako makuha lang ang bulaklak.

Maraming bulaklak na tinda ang matanda pero bukod tanging ang sun flower lang ang nakakuha ng atensyon ko nang maalala ko si Aurora.

Makikipagtalo pa sana yung kasabay kong kumuha ng bulaklak pero nagulat din si Jose nang makitang ako ang may hawak.

"Uy brad!" Sabi nya na ikinatango ko.

"Ako na lang ang bibili nito." sabi ko at mukhang hindi nya inaasahan ang matindi kong kagustuhan na makuha yon kaya tumango na lang sya.

"Kasama mo ba si Aurora?" Tanong ko at tumango sya.

"Ibibili ko dapat si Mildred nito kasi nagpaalam akong ibibili sila ng barbecue---"

"Hoy Jose napakabagal mo--George!" Gulat na bati ni Mildred sa akin na ikinatango ko lang.

"Si Aurora?" Tanong ko habang hawak pa rin ang bulaklak na nabili ko na.

Napatingin sya doon at mapanukso akong tinignan.

"Nandon malapit sa may stage. Ite-text ko na lang din na hindi na kami makakabalik." Sabi nya na nakangiti na mukhang alam na nya ang balak ko kahit wala pa man.

Tumango lang ako at nagpasalamat hanggang sa makipagpatintero ako sa mga taong gusto ding makapunta sa may malaking stage kung saan gaganapin ang mga patimpalak.

Natakot pa ako nang matanaw ko nga sya pero bigla din syang nawala sa paningin ko hanggang sa makasalubong ko sya.

Sumunod lang ako ng sumunod sa kanya at laking pasalamat ko na hinayaan nya ako.

Hindi man nya alam, at kahit ako na lang, pero para sa akin. Ito ang unang date naming dalawa.

Gusto ko mang matawa sa iniisip ko, sa kapangahasang isipin iyon gayong hindi naman kami. Pero hindi ko maitatangging sobrang saya ko ng gabing iyon.

Habang nakikita ko syang nakangiti at masayang pinapanuod ang mga fireworks sa langit, mas lalo kong nakumpirma ang nararamdaman ko.

"Wow! It feels different to watch it  here huh? Ang ganda!" Tuwang-tuwa na sabi nya habang nakatingin sa langit.

Nang magbaba ako ng tingin sa kanya mula sa pagkakatingala ko din sa langit. Napangiti ako.

"Ang ganda nga......ang ganda mo."

"Hmm!" Sagot nya na halatang hindi narinig ang binulong ko dahil sa tunog ng fireworks na sinisindihan sa malapit.

"May sinasabi ka kanina, diba?" Napili ko na lang na itanong at nakita ko syang tumango habang nakangiti.

"Wala lang, ang saya-saya ko lang."

Ako din.

Sa buong buhay ko, ni hindi ko na maalala kung kelan ako huling ngumiti ng totoo. Gumigising ako dahil alam ko sa sarili kong kailangan kong magtrabaho para kay Mikko, dahil kailangan ako ng kapatid ko at dahil sa pangako ko kay nanay.

Pero simula noong makilala ko si Aurora, kasama na sa pag-asam kong gumising araw-araw ang makita sya at masilayan ang mga ngiti nya.

Kung paano na naman sya maaliw sa mga madidiskubre nya gaano man kaordinaryo o normal yon para sa iba.

At habang nakikita ko syang nakangiti at masayang nanunuod ng makukulay na palamuti sa langit.

Doon ko napagtanto na mahal ko sya.

Ni hindi ko alam kung paano pa ako nakakahinga nang halikan nya ako sa harapan ni Clarissa. Maging nang sorpresahin nya ako sa kaarawan ko na sya pa lang dahilan ng mga sugat nya sa kamay dahil pinilit nyang matutong magluto.

Habang kinakantahan nya ako at hawak-hawak nya ang cake na sya din mismo ang gumawa ayon ba din kay Mildred.

Pakiramdam ko ako ang cake na hawak nya, na hawak na nya ang mundo ko. Na wala ng makakapigil pa sa nararamdaman ko.

Na hindi ko na kayang magtago, na nagsusumigaw ang puso't isip ko maamin ko lang sa kanyang mahal ko sya.

At nang madama ko ulit ang malambot nyang labi, ramdam kong lalo lang akong nahuhulog sa patibong na ni isa sa amin ay hindi inaasahan.

"Man, if I were you. I'd stop Aurora from meeting you. Pagod na pagod na sya sa opisina at sa project na ginagawa naming dalawa. Malaki ang expectation ni Uncle Stephen kay Aurora since she's the next in line."

"What would his father think if he'll meet you? A man who has nothing other than an old pick-up truck that is not even his in the first place have the guts to like Aurora?"

Lumapit sya sa akin para tapikin ang balikat ko ng dalawang beses bago bumulong.

"Aurora is a heiress, she deserves nothing but the best and you my friend.  Just look at this building and you." Sabi ng kaibigan ni Aurora nang makita nya akong naghihintay sa labas ng gusali ng kompanyang pagmamay-ari ng pamilya nila.

Nang hindi ako makasagot, nakita ko syang ngumiti at tinapik akong muli sa balikat.

"I think you know the answer now." Sabi nya bago tumalikod para maglakad muli papasok sa loob ng gusali.

Nanghihinang napaupo ako sa isang tabi nang makita ko si Aurora na may bitbit na mga kape, nakita ko pa kung paano sila magusap mula sa salaming naghihiwalay sa amin pero napapailing na lang at bagsak ang balikat na bumalik ako sa sasakyan ni Tay Eman.

Na kahit pala mahal na mahal ko si Aurora, hindi iyon magiging sapat.

Bumalik na naman ang mga agan-agam ko, naduwag na naman akong sumugal sa isang bagay na kahit gustong-gusto ko, anong laban ko kanila? Sa mga taong nagsasabing hindi kami pwede at na hindi kami bagay?

Na tama ang kaibigan ni Aurora, sino ba ako? Ano lang ba ako kumpara sa mga makikilala pa nyang kapantay nya ng estado sa buhay?

Gayunpaman, sinubukan kong bumalik, gusto ko lang syang makausap.

Kahit sa huling pagkakataon, titignan ko lang kung may pag-asa nga ba ako. Kung pwede bang humiling ng pagkakataon na mapatunayan ko ang sarili ko.

Kaya naghintay ako hanggang hapon, umaasang sa oras ng uwian nila ay makikita ko si Aurora, na tulad ng sinabi ko dati, humingi ako ng senyales. Kapag nakita ko sya, kukunin ko na ang pagkakataon na yon.

Pero ganoon na naman, parang tadhana na ang sumasampal sa akin ng realidad nang makasalubong ko ang asawa ni Papa.

Kasama nya ang panganay nilang anak na lalaki na halos kaedaran lang ni Aurora. Hindi ako nito kilala at hindi na ako umaasa pang ituturing ako nitong kapatid.

Mukhang papasok sila sa kompanya nina Aurora sa hindi ko alam na dahilan pero hindi ko alam kung matutuwa ako nang bigyan nya ako ng oras.

Lumapit sya sa akin at kaagad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa hagdanan. Nakakapangliit na tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, na tila nakakadisgusto na makita ang isang tulad ko dito sa harapan ng matayog na gusali sa likod namin.

Ang suot kong kupas na pantalon at itim na t-shirt ay napakalayo sa suot nilang amerikana at magandang bestida. Maging ang tsinelas na suot ko kumpara sa mamahaling sapatos nila.

"Anong ginagawa ng isang basurang katulad mo dito?" Punong-puno ng disgustong tanong nya sa akin na ikinayuko ko na lang mula sa pagkakatingin ko sa kanya.

Tanggap ko ang galit nya dahil ang tingin nya sa amin ay sinira namin ang pamilya nila.

Pero bakit kailangan kong magdusa? Namin ni Mikko sa isang kasalanan na hindi namin ginusto?

Kahit si nanay, hindi kasalanan ni nanay at hindi nya alam na may ibang pamilya pala ang tatay ko.

Pero nanahimik kami, tinanggap namin ni nanay ang bawat insultong ibinato nya sa amin noon, at akala ko kaya ko ng lumaban, pero hanggang ngayon pa pala, duwag pa rin ako.

Lahat ng tiwala sa sariling nakuha ko dahil si Aurora ang inspirasyon ko, unti-unting nawawala sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng asawa ni Papa.

"Huwag mong sabihing may balak kang pumasok ng trabaho dito? Sa kumpanyang ito?" Mapanghamak na tanong nya habang may nawiwiling ngiti at nakaturo pa ang kanyang palad sa gusali sa likod namin.

"Ikaw? Na sa isang pipitsugin at hindi kilalang eskwelahan lang nagtapos? Ang taas naman yata ng pangarap mo hijo." Nakataas ang kilay ng mataray nyang mukha na tila hindi sya makapaniwalang nandito ako sa tapat ng matayog na gusali, na ang lakas ng loob ko na kahit pagtuntong sa makintab na sahig ay hindi karapat-dapat.

Na kahit simpleng pag-silip hindi pwede.

Na kahit simpleng pagtanaw, hindi pwede dahil ang isang tulad ko ay hindi nababagay sa mundong katulad ng kanila.

"Mom, do you know him?" Takang tanong ng anak nya habang papalit-palit ang tingin nito sa akin at sa ina nya.

"Oh no darling, I do not associate myself to some lowlife creatures and home-wreckers!" Puno ng disgustong saad nito na ikinahinga ko lang ng malalim.

"What are you talking about?" Nalilitong tanong ng anak nya na iginiya na lang nya papasok sa gusaling iyon.

Hindi ko na naman napagtanggol ang sarili ko, naduwag na naman ako, hindi ko man lang nasabi ang saloobin ko.

Pero mahalaga pa ba yon?

May mababago pa ba?

Huminga na lang ako ng malalim bago napatingala mula sa pagkakatingin ko sa mataas na gusaling nasa likod ko.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa gilid ng mata ko na kaagad kong tinuyo bago malungkot ang ngiting pinagmasdan ko sa huling pagkakataon ang gusaling tila nagpapakita sa akin kung ano ang agwat namin ni Aurora.

Na kahit kailan, hinding-hindi pwedeng magtagpo ang langit at lupa.

Dahil ang katulad kong nasa lupa, hanggang pagtanaw na lang ang kayang gawin sa langit.

~~


Umuwi ako noon na sawi, itinaboy ko si Aurora at gusto kong saktan ang sarili ko nang makita ko ang sakit na dumaan sa mga mata nya sa mga katagang sinabi ko, sa pagluha nya sa likod ng pintuan, kasabay din non ang pagsuko ng pagkukunwari ko.

Ang pagkukunwari kong ayaw ko na syang makita, ang pagkukunwari kong itigil na ang namamagitan sa aming dalawa. Ang pagkukunwari kong kaya ko na ang wala sya.

Ni wala akong kinausap sa isang linggong lumipas, inaasikaso ko lang si Mikko sa mga kailangan nya pero tila ramdam din ng kapatid ko na wala ako sa wisyo para tumawa. Paano ako ngingiti? Itinaboy ko ang taong bumuhay sa matagal ko ng hindi nakakaramdam na puso?

Kahit si Tay Eman nagtataka na sa akin, nang tanungin nya ako kung ano ba talagang nangyari nang magpunta ako sa Maynila, hindi ko na kinaya at ikinwento ko sa kanya ang lahat.

Sa unang pagkakataon, pinagbuhatan nya ako ng kamay.


"Bakit ka nakikinig sa mga yon? Si Aurora ba mismo ang nagsabi na wala kang pag-asa sa kanya? Alam kong parehas kayo ng nararamdaman George! Si Aurora ba ang nagsabing hindi kayo pwede? O na hindi kayo karapat-dapat?" sigaw sa akin ni Tay Eman na parang itinatatak nya sa isipan ko ang mga salitang iyon.

Binitawan nya ang kwelyo ng suot kong kamiseta at naiiling na lang sa akin, sa unang pagkakataon, nakita ko ang pagkabigo para sa akin ni Tay Eman, na tila hindi nya nagustuhan ang ginawa ko, ang mga naging desisyon ko.


"Hindi mo kasalanan ang kasalanan ng mga magulang mo, George. Hindi ang agwat nyo sa estado ng buhay o kung ano ka ang nagdedepina sayo. Mayaman ka man o hindi, may halaga ka at iyon ang nakita sayo ni Aurora. Pero kung hahayaan mo lang na maging tama ang mga nanghahamak sayo, mabuti pang kalimutan mo na nga si Aurora kung hindi mo naman kayang ipaglaban yang nararamdaman mo." 

Iyon ang mga huling sinabi nya sa akin bago nya ako iwang mag-isa sa shop. Pinagmasdan ko ang paligid ko, tahimik, madilim, malamig, malungkot.

Kaya ko ba? Kaya ko bang kalimutan na lang si Aurora gayong mahal na mahal ko na sya?

Hindi....

Kahit kailan, hindi ang magiging sagot.

Pero sa sunod naming pagkikita, iyon pa rin ang mga katagang nasabi ko sa kanya, na itigil na namin, na hindi kami bagay, na ang hirap nyang abutin, dahil naduwag na naman ako. Naalala ko na naman ang mga katagang binitawan sa akin ng mga taong kaparehas nya ng estado.


"I love you."

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ko iyon mula sa kanya, nagulat ako, dahil hindi lang pala simpleng pagkagusto ang nararamdaman nya. Na hindi lang pag-asa ang meron ako kundi mahal nya din ako.

Pero hindi ako lumingon nang sabihin nya, hindi pa pwede. Napakuyom ang mga kamay ko habang pinipigilan ang sariling lumingon, pero katulad nang pagkahulog ko kay Aurora, hindi ko din napigilan pero nakatalikod na sya sa akin at imbes na mga tingin ni Aurora ang makita ko, nagtama ang tingin namin ng bodyguard nya.

Iginiya nya si Aurora papasok muli sa gusaling pagmamay-ari nila pero kasabay ng pagsunod ng mga tingin ko sa bawat paghakbang nya palayo, doon ko pinangako sa sarili ko na papatunayan kong mali ang mga taong nanghamak sa akin.

Na hindi na sila mahalaga, si Aurora, si Aurora na lang ang iisipin ko at babangon ako.

Gagawin ko ang lahat maging karapat-dapat lang para sa kanya.


Sa bawat araw na magkalayo kami, nagtataka si Tay Eman kung bakit ang sipag ko sa trabaho, si Aurora ang ginawa kong inspirasyon maging sa lahat ng mga iginuguhit kong disenyo gabi-gabi. Nang malaman namin ang tungkol sa expo, kahit hindi pa ako itulak ni Tay Eman na sumali, iyon na talaga ang balak ko.

Kahit anong pagkakataon, kukunin ko makaahon lang, makapagsimula lang hangga't maging karapat-dapat na ako para kay Aurora. Si Aurora ang uri ng babaeng kayang tumayo sa kanyang sariling mga paa, kaya nyang gawin basta gustuhin nya dahil ganoon sya kadeterminado, ganoon sya kagaling.

Nararapat lang na magkaroon sya ng kapareha sa buhay na kaya ding lumaban, at ngayon ay iyon na ang kailangan kong gawin kung gusto kong makasama sya. At gustung-gusto ko syang makasama dahil hindi ko na nakikita ang sarili kong nagmamahal ng iba na hindi sya.


"Your designs...it's very stirring." sabi ng isang lalaki na nakasuot ng magandang amerikana na ikinatingin ko sa kanya.


"Salamat po." sabi ko na mukhang hindi nya naintindihan kaya napakamot ako sa ulo ko.


"Uhm.."


Nahinto ako nang tumawa sya bago ako tinapik nang dalawang beses sa balikat.

Pansin ko din na ang ibang mga kasali din sa expo ay tumitingin sa direksyon namin, ang iba ay makikitaan ko pa ng inggit.


"Don't worry, I can understand Filipino, my wife's a Filipina." sabi nya na ikinatango ko na lang.


"What's your inspiration in making this furniture set? It's very interesting, the details, the comfiness." sabi nya ng pisilin nya makailang beses ang hawakan ng upuan na may foam kung saan sya nakaupo.


"Iyong babaeng minamahal ko po. Lahat po'to para sa kanya at sa pamilya kong tumulong sa akin sa pag-gawa ng mga ito." sagot ko ng nakangiti dahil naalala ko na naman si Aurora. Sa kanya ko ipinangalan ang mga gawa kong ito.

Gusto ko na kapag makita ito ng mga tao, maramdaman nila ang ginhawa, ang saya at ang tuwa sa mga kulay ng mga upuan at lamesa na nakikita pa rin ang talento ng grupo namin nina Tay Eman mula sa ilang taon na pag-gawa ng mga kasangkapan sa bahay.

Si Aurora ang nagparamdam sa akin kung ano ang saya at nagbigay ng kulay sa mundo ko at natutuwa akong mukhang iyon ang nakita ng matanda.


"You love her very much don't you?" sabi nya habang magkasiklop ang mga kamay nya at nakadekwatro pa rin ang upo sa isa sa mga gawa ko.


"Walang katumbas." nakangiti kong sagot dahil alam ko na iyon ngayon. Na hindi ang yaman o estado ni Aurora ang makakapigil sa akin ngayon.

Mahal ko sya, iyon na ang rason.


"You know young man, you're very honest. I like that, most of the people I knew, all of them are telling me fancy lies about how they made their product, about how they used this quality material of these and that which I can obviously see and read from the pamphlets." sabi nya bago tumayo at lumapit sa akin, tumayo sa tabi ko at tinignan ang kabuuan ng display namin sa expo.


"But when I look at their output, it's not the same as how I saw it from their pictures. The details, how it's made, furnitures have this capacity to make you feel something, not just the comfort it can give but also how it can match one's taste and how it can pique someone's interest."


"Yours, young man. It shows not just in the sample pictures you put in here," sabi nya sabay turo sa hawak nyang pamphlet kung saan nakalagay ang pangalan ko at ilang litrato ng mga gawa ko bago ako binigyan ng natutuwang ngiti.

"but also as I look at it closely right now, I can tell how excellent you are in this field. Not just because you have the skills, but I felt the hard work and soul you put into this. We really can do everything for love, huh?" tukso nya sa akin sa kanyang huling sinabi na ikinangiti ko na lang.


"Salamat po." sabi ko sa kanya na ikinatango nya bago ako tapikin sa balikat ng dalawang beses.


"I'll buy all of it." sabi nya na ikinagulat ko.


"Sigurado po kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko na ikinatango nya.


"Without a doubt." sabi nya habang nakangiti sa akin na tila naiintindihan nya ang gulat na nararamdaman ko.


Doon ko nalaman na isa pala syang sikat na French designer, patuloy pa ring nakadisplay ang mga gawa ko sa expo na iyon pero pagkatapos ng araw ding iyon, lahat ay iniuwi na ni Mr. Levien.

Lahat ng nakuha naming interesadong bumili ng gawa ko sa expo ay kinuha ang contact number namin dahil sila pa mismo ang nagsabi na gusto nilang magdisenyo ako ng mga furniture para sa kanila.

Habang nagtatrabaho, si Aurora lang ang nasa isip ko hanggang sa hindi ko na kaya, kailangan ko ang inspirasyon ko, at ang nakikita kong pinakatamang paraan para masuyo ko sya ay ang harapin ang isa sa mga kinatatakutan ko. Ang pamilya nya.

Sa paglalakas ng loob kong pumunta sa kanila, abot-langit ang kaba ko.

Pero hindi ko inaasahan ang maayos nilang pagtanggap sa akin, walang halong pagpapanggap, wala akong nakikitang pangmamaliit sa akin o sa mga dinala kong pagkain.

Doon ko napagtanto kung bakit ganoon si Aurora, sa yaman nila, lumaki pa rin sya sa isang mapagkumbabang pamilya.


"I had you investigated young man, just so you know. But not to check your family background or how much your income is, or how grand you live but to know who made my Aurora shed a tear." sabi ng ama ni Aurora nang umakyat ito para kuhanin ang bag.

Kinabahan ako sa narinig na ikinayuko ko dahil aminado akong nasaktan ko si Aurora at ipinapangako kong iyon na ang huli.


"But without a doubt, you're the one who can make her happy too. Gusto ko lang sabihin sayo na nakabantay ako sa bawat galaw mo sa oras na saktan mo ang anak ko, pero hindi din ibig sabihin noon na hindi ko sya pinagkakatiwala sayo. I can tell that you're a nice man and I hope you can stay true to your words of making my only daughter happy." sabi nya na ikinaangat ko ng tingin.


"Makakaasa po kayo, Sir." sabi ko na puno ng pangako dahil iyon naman talaga ang balak ko ngayon, mas lalo ko lang naramdaman ang saya dahil sa tiwalang ibinigay nya sa akin na alagaan si Aurora.


"Pwede ko pong makuha ang number nyo?" nahihiya kong tanong pero nagulat ako ng tumawa sya ng mahina at tinapik ang balikat ko ng dalawang beses.


"You really know the drill huh?" hindi ko sya naintindihan doon kung ano ang ibig nyang sabihin, pero nagpasalamat ako na ibinigay nya pa rin.


"I can approve of you courting my daughter but you should keep your hands to yourself until you're married. Understood?" seryosong tanong nya at tumango ako ng dalawang beses.


"Good." tumango sya ng may ngiti sa mga labi bago nahinto ang usapan namin dahil dumating na si Aurora.


Doon ko napagtanto na mali ako ng akala sa kanila, na hindi na dapat ako magpadala sa takot o sa mga agam-agam ko dahil iba sila.

Basta alam kong nasa tama ako at mahal ko si Aurora, sya lang at ang binubuo kong pangarap kasama ang pamilya ko ang dapat kong isipin.

Sila na lang ang mahalaga.

Na walang langit at lupa sa pagmamahal, dahil hindi ko kailangang tumingala kay Aurora at hindi din kailangang ibaba ni Aurora ang sarili nya para sa akin, dahil sa gitna, doon kami magtatagpo.


_____________________

YEY! THIS IS 5K PLUS WORDS WOOHOO! 

Hope you like George's POV! Meheheheeh. Nosebleed ako sa Tagalog besh. HAHAHAHA. 


Continue Reading

You'll Also Like

362K 10.6K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
37K 1.8K 33
Define the Petrov family--- one of the most influencial family that owns the most distinguished business empire in the country. Now how they attaine...
133K 3.6K 63
"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love m...
15.6K 301 52
I am the most famous and highest paid model of Victoria Secret. A woman of class, beauty and intelligence. I own several businesses and buildings tha...