Class 1-A

By classicbluepink

304K 14.1K 1.4K

At Royal International High School, where luxury and extravagance reign supreme, section 1-A is the envy of a... More

Sulat ng May-akda
Synopsis
1
❤️chapter 2❤️
❤️chapter 3❤️
❤️ chapter 4❤️
❤️chapter 5❤️
❤️chapter 6❤️
❤️chapter 7❤️
❤️ chapter 8❤️
❤️chapter 9❤️
❤️chapter 10❤️
❤️chapter 11❤️
❤️ chapter 12❤️
❤️chapter 13❤️
❤️chapter 14❤️
❤️chapter 15❤️
❤️ chapter 16❤️
❤️ chapter 17❤️
❤️chapter 18❤️
❤️ chapter 19❤️
❤️chapter 20❤️
❤️chapter 21❤️
❤️ chapter 22❤️
❤️chapter 23❤️
❤️chapter 24❤️
❤️chapter 25❤️
❤️chapter 26❤️
❤️chapter 27❤️
❤️chapter 28❤️
❤️chapter 29❤️
❤️chapter 30❤️
❤️chapter 31❤️
❤️ chapter 32❤️
❤️ chapter 33❤️
❤️chapter 34❤️
❤️ chapter 36❤️
❤️chapter 37❤️
❤️chapter 38❤️
❤️chapter 39❤️
40
❤️Epilogue❤️
❤️Book 2!❤️

❤️ chapter 35❤️

5.1K 254 11
By classicbluepink

Exchange student

Fia pov,

Una akong pumatay noong eleven years old palang ako. May gustong pumatay sa'kin kaya hindi ako nag-dalawang isip na kitilin ang buhay niya. Gabi-gabi ako hindi makatulog noon dahil nagi-guilty ako sa taong pinatay ko. Masakit sa kalooban kapag nabahiran na ang kamay mo ng dugo hanggang sa nasanay na ako.

Andito ako ngayon sa isang private island. Maraming tao dito pero isa lang ang pakay ko. Patayin ang taong bumaril kay kuya Markier. Sinabi sa'kin lahat ni kuya Mar ang hitsura at info ng target ko kahapon. Suspended ang kalse namin, one week dahil sa nangyaring pagsabog sa tapat ng RIHS.

Pumunta ako sa dining hall kung saan kami magkikita ng mag-asawang next target ng bumaril kay kuya. Ako ang agent na pinadala ni kuya Mar dahil ako naman ang gustong pumatay sa taong iyon. Andito rin ako para protektahan ang mag-asawang next target at hindi ko hahayaang may madamay na inosenteng tao dito.

Hindi ako mag-isa dahil pinasama ni Lolo si Yuwence. Yeah, yung gagong iyon ang kasama ko dito. And guess what? Isang suit lang ang binook ng gago dahil mahal daw ang bayad. Barya lang yun sa kaniya tapos sasabihin niyang mahal. Iniwan ko siya doon sa suit dahil ayaw kong makita ang pagmumukha ng gago.

Hinanap ko sa dinning hall si Mr. and Mrs. Asuncion. Ayon kay Kuya Mar, sila daw ang next target dahil si Mr. Asuncion ay isang senador at balak ito nilang patumbahin para walang hadlang sa triangle praternity.

Ng makita ko ang mag-asawa, pumunta agad ako. "Magandang umaga po, Mr. and Mrs. Asuncion." Ngumiti ako.

"Good morning young lady. May I know your name?" Tanong ni Mrs. Asuncion.

"I'm Marco Naomi Sofia Karizou. Agent class A. Ako po ang pinadala dito para sa kaligtasan niyo."

Kumunot ang noo ng lalaki. "We hired an skilled agent pero bakit ikaw ang pinadala? You're too skinny at kunting suntok lang sayo tumba kana."

Ang salbahi ng senador na 'to ah! Humanda ka kapag mag-18 na ako! Hinding-hindi kita bobotohan! Sama ng ugali!

"Honey!" Saway sa kaniya ng ginang at tumingin sa'kin. "Sit-down ihja. What do you want to order?"

Umupo ako sa tapat na upuan. "It's okay, I'm already full."

Akala niyo kayo lang ang marunong mag-ingles ah?

"No offense, ihja pero bakit ikaw ang pinadala dito? I mean I feel masyado kang weak."

Pag-untugin ko kaya ang ulo ng dalawang ito?!

"Because my kuya trusted me a lot. Isa akong class A agent and looks can decieve. I maybe weak in your sight but I already killed and save thousands of lives." I said. Witwiw. Ingles yun ah!

"Sinong kuya mo?" Tanong ni Mr. Asuncion.

"It's Mar Yuhan Karizou, Mark Yuri and Markier Yuriko Karizou. The owner of Karizou building." Sabi ko.

Bahagyang nalaglag ang panga nilang dalawa.

"Mean, ikaw ang heiress ng mga Karizou?" Tanong ng ginong sa'kin.

Tumango ako. "Ako nga po. The one and only girl of the Karizou and the heiress."

"Wow." Mangha ng ginang. "Sa tv lang kita nakikita, and we expense three million for your service. Nice to meet you, Ms. Karizou." Nakipag shake hand siya sakin.

Nahiya ako ha! Sinabi niyo talagang three million ang binayad niyo para sa service ko! Ano gusto niyo? Maguilty ako? Neknek!

"Karangalan kong makita ang tulad mo." Nakipag kamay din sa'kin ang senador.

*BOOOOM

Nagulat kami sa biglang may sumabog sa labas. Nataranta ang mga tao at nagtutulakan sa paglabas ng building. Ni-hugot ko ang baril ko at nilapitan ang mag-asawa.

"Stay. Huwag kayong a-alis sa tabi ko. Kayo ang pakay ng nag-pasabog. Stay." Sabi ko. Kabadong tumango ang dalawa. Tumawag ako kay Yuwence para sabihing kailangan ko ng tulong niya dito sa dinning hall.

Maya-maya pa may narinig na kaming barilan sa labas. It's the agent na kasama namin laban sa mga taong gustong pumatay sa mag-asawa. May back-uo na dala din ang loko.

Lumapit samin si Yuwence at ang ibang agent.

"Protect the senador and his wife." Utos ko at sinunod nila iyon. Pinabilugan nila ang mag-asawa at naging alerto ang baril nila. Lumabas kami ng building at sa may puno banda nag-stay.

Si Yuwence ay sumugod na malapit sa kalaban samantalang binabaril ko naman ang mga gustong pumuntirya sa senador. Bawat tunog ng baril ay sumisigaw naman ang ginang at umiiyak.

"Ahhh." Sigaw ng ginang ng may natamaan na isang agent. Hinanap ko ang bumaril sa kasmahan ko at binaril iyon sa ulo.

Tinulugan ng ibang agent ang nabaril na pigilan ang pagdaloy ng dugo sa braso nito.

May nakita akong papalapit kaya binaril ko iyon. "Protektahan niyo sila. Maliwanag?"

Tumango ang mga agent. "Maliwanag!" Sabay-sabay silang sabi.

Tumakbo ako palapit kay Yuwence ng makitang nakikipag suntukan nasiya at hindi na baril ang gamit niya. Bawat humaharang sa daanan ko na kalaban ay binabaril ko, kung hindi sa ulo, sa puso.

Kinuha ko ang baril ni Yuwence sa buhanginan at nilagyan iyon ng bala. "Yuwence! Catch!" Hinagis ko papunta sa kaniya ang baril. Tumalon siya at sinalo iyon, he pull the trigger sa ulo mismo ng kalaban niya.

Patuloy kami sa pagbabaril ng mga kalaban ng bigla nalang ako hinigit ni Yuwence at kasabay nun ang putok ng baril sa likod niya.

"Yuwence!"

Tumulo ang luha ko. Ganito din ang nangyari kay Kuya Markier. Napatingin ako sa bumaril sa kaniya. Nasa chopper iyon at paalis na. Siya rin ang bumaril kay kuya!

Ramdam kong nag-init ang mata ko. Tinutok ko ang baril sa lalaki na nasa chopper and then, I pull the trigger. Next thing I knew, nahulog ito sa dagat at sumabog ang chopper na sinasakyan niya.

Humingi ako ng tulong para madala si Yuwence sa hospital. Binuhat ng mga agent si Yuwence at pinasakay sa chopper na sinakyan namin papunta dito.

♥♥♥

Pinasalamatan ako ni Mr. and Mrs. Asuncion dahil sa pagligtas ko sa kanila kanina. Andito kami sa labas ng operating room kasama ang mga ugok. Si Jack lang ang tinawagan ko pero andito lahat ng ugok. Akala daw nila ako ang nabaril.

Kuya Markier is in already in the house. Ligtas na siya per si Yuwence naman ang pumalit. I hate my life.

Sinabi ko rin kay Jack na i-sama niya ang ate niya. Napatingin ako sa babaeng namumugto ang mata at pinanlisikan ako ng mata.

"How's my boyfriend?" Tanong ni Jasmine kay Khanz.

Lumabas na ang doktor kaya ito ang sumagot sa tanong niya. "He's okay. Natanggal na ang bala sa katawan niya. Anyway who's Naomi? Gusto daw siya makita ng pasyente." Tanong ng doktor.

Tiningnan ako ng mga ugok pero hindi ako sumagot.

"Ako po si Naomi. Maari ko na ba siyang bisitahin?" Tanong ni Jasmine.

Edi ikaw si Naomi! Bahala ka sa buhay mo! Kailan pa naging Jasmine ang Naomi?!

Lumapit sa'kin si Jack. "Pasensya ka na sa ate ko."

Ngumiti ako. "Okay lang. Wala rin naman akong balak na bisitahin si Yuwence, ayoko ng gulo. Aalis na ako, narinig ko na sa doktor na ayos na siya kaya kailangan ko ng bumalik sa bahay."

"I'll drive you home." Sabi ni Spade.

Tumango ako at unang lumabas ng hospital at sumunod naman siya. Pumasok agad ako sa kotse niya at pinaharurot na niya iyon.

Pakiramdam ko isa akong malas. Pinapahamak ko lang ang mga tao sa paligid ko. Una si Mommy, Daddy tapos ngayon si kuya Markier at Yuwence naman.

"Are you okay?" Tanong niya sa'kin.

Umiling ako. "I'm not." Napatingin ako sa bahid ng dugo sa damit ko. Dugo ito ni Yuwence. Naramdaman ko nalang na umiiyak na ako. Huminto ang sasakyan at ginilid iyon ni Spade.

Niyakap niya ako. "Fia, it's not your fault."

I shook my head. "Hindi... kasalanan ko ito. I'm the beginning and probably the end sa lahat na nangyayari." Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.

"No, this is not your fault. Please be strong for your family, friends, and me... Don't end anything because your not the start of the war. Hush now my baby..."

♥♥♥

Balik na sa pasukan ang RIHS pagkatapos ng one week na bakasyon. Okay na si kuya Markier at Yuwence. Hindi ko nga lang ang ilang balita kay Yuwence dahil hindi ako bumisita sa hospital dahil ayoko ng madamay pa ulit ang buhay niya.

Ilang beses rin nagyaya ang mga ugok na gumala nitong bakasyon pero tinanggihan ko, kailangan ko din sila iwasan para sa ikabubuti nila.

Pumasok ako sa classroom, binati ako ng mga ugok. Nginitian ko lang sila. Napatingin ako kay Spade ng maalala ang huli naming pag-u-usap. Tinawag niya akong baby! Iwinaksi ko iton sa utak ko at nilagay sa silya ang bag.

"Bakit hindi ka sumama samin nung wednesday? Naligo kami sa beach nun. Hindi ka rin nagre-reply sa mga chat namin. Nakakatampo ka na Fia ah!" Parang nanay na sabi ni Daniel.

Mabuti nalang at dumating ang lect namin ngayon. Inayos niya ang dalang xerox papers sa lamesa at tiningnan kaming lahat pagkatapos namin mag-'good morning', sa kaniya.

"I'll give all of you a advanced exam sa lahat ng subject dahil iyon ang utos ng principal. Now, ready or not, let's start our examination."

Pinasa niya isa-isa sa'min ang test paper. Ako lang ang kabado sa advanced exam namin dahil lahat sila ay nakapoker face lang. Nahawa ata kay Spade?

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas pero pinasa na agad nila ang test paper nila samantalang ako, kulang nalang pigain ko ang utak ko sa isasagot pero sila tapos na.

"Daniel." Pasekreto at pabulong kong tawag sa katabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Turuan mo ako sa sagot."

Tumango ang ugok at nginisihan ako. Parang may balak ata siyang masama kaya pinagbantaan ko pero nakangisi parin habang sinasagutan ang test paper ko.

Potaaa! Sasakalin ko talaga ang ugok na ito kapag ma-zero ako!

Buti nalang hindi nakita ni ma'am ang pag-chi-cheat ko, pagkatapos sagutan ni Daniel ang test paper ko, pinasa ko agad iyon.

♥♥♥

"To my surprise, si Ms. Karizou lang ang naka perfect at lahat kayo zero." Sabi ng first lect namin ngayon. Tukoy niya sa exam namin kahapon.

Laglag ang panga kong tumingin sa lect. Pano nangyari iyon eh si Daniel naman ang sumagot sa paper ko at hindi ako pero zero siya?!

"That mean, Fia is our exchange student. Be ready for two weeks clothes dahil sa White academy ka bukas mag-a-aral for two weeks."

Kumurap ulit ako. "Po?!"

Tumingin sa'kin si ma'am. "Actually, hindi iyon exam for your academic. It was a entrance exam para sa exchange student. Fortunately, ikaw lang ang naka pass sa score kaya ikaw lang ang exchange student, this exam is for your section lang because kayo ang top 1." Aniya ni ma'am.

Nakatulala lang ako hanggang sa mag-lunch. "Pano kayo naging zero sa entrance exam?" Tanong ko sa mga ugok na nagliligpit ng gamit para makakain na.

"Hay naku, alam na namin ang style ng mga teacher dahil kada taon iyon nila ginagawa sa'min kaya nakasanayan na namin."

"It's true, Fia. Ang pangit kaya maging exchange student dahil mga bully ang studyante ng White Academy. Mas malala pa sa mga bully dito sa RIHS."

"I remembered the time na ako ang exchange student kasama si Francis. Binuhusan ako ng pintura at pinagbabato ng bato!"

"Naalala ko rin, pati teacher doon. They tolerate bullying dahil nung PE class namin,  kahit magpatayan okay lang basta manalo ka."

"Nakaka-stress din doon."

Napalunok ako sa mga kuwento nila. Umatras ata ang tapang ko. Ganun sila kalala? Baka bangkay na ako pagkatapos ng two weeks?!

"Kaya mo yan, Fia. Mas malakas ka pa magmura samin eh." Sumilay na naman ang nakakalokong ngisi sa labi ni Daniel.

Tiim-bagang ko siyang tiningnan. Ikaw ang puno't-dulo nito! Gago kang ugok ka! Kaya pala sinagutan mo ang test paper ko ng walang pag-a-alinlangan dahil balak mong ako ang maging exchange student! At gusto niyang maranasan ko ang bullying na ginagawa ng mga estudyante sa White Academy!

"HAYOP KA DANIEL!!!"

♥♥♥

"Take care Fia!" Pahabol ng mga ugok bago ako makasakay sa van ng RIHS, ngayon na ang punta ko sa White Academy. Natulog ako, ginising lang ako ng driver ng nasa parking lot na kami ng White Academy. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Okay lang'to. Two weeks lang naman diba? Binati ako ng secretary ng principal at hinatid sa dorm ko. Hindi na ako naka-uniform ng RIHS pero pinagtitinginan parin ako ng mga estudyante dito, mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa masasamang tingin nila.

"Ahm, meron ba ako ka-room mate?" Tanong ko sa sexytary -err secretary ng mapansing ako lang mga-isa dito sa room.

Umiling ang secretary. "The principal of RIHS wants your own room, ayaw nila na may ka-room-mate ka. Anyway, lima ang uniforms mo dito, kung may kulang pa, pakin sabi nalang sa principal para mabilhan kita."

Tumango lang ako at nag-paalam na siya. Pagkatapos kong maligo, sinuot ko agad ang uniform nila. Pumunta ako sa principal office at kinuha ang schedule ko ngayon. Hinanap ko agad ang classroom ko.

"Siya yung exchange student ng RIHS diba?"

"Yes, akala ko pa naman isa sa mga section 1-A ang exchange student. I miss my Spade!"

Literal na nag-dilim ang paningin ko. Kailan pa ng higad naging pag-ma-may-ari ang hari ng mga ugok?! Pati ba naman dito may nagkaka-gusto sa ugok na iyon?!

Nang makita ko na ang classroom ko, huminto ako sa tapat ng pinto, tiningnan agad ako ng lect ng pumasok ako.

"Your the exchange student, right?"

Tumango ako.

"Introduce yourself." Aniya ng lect.

Nginitian ko ang makakasama ko sa loob ng two weeks. "Hi everyone, my name is Marco from the Royal International High School." Naghintay pa sila sa idu-dugtong ko pero pina-upo agad ako ng wala na akong sinabi. Naghanap ako ng upuan at sa likod nalang ang bakante kaya doon nalang ako umupo.

"Hi, I'm Marco." Bati ko sa lalaking katabi ko at naglahad ng kamay. Tinaasan niya lang ako ng kilay at hindi pinansin ang kamay ko.

Tch! Gwapong suplado!

Mukhang mahihirapan akong makahanap ng kaibigan dito. Bumuntong hininga ako at tinuon nalang ang pansin sa guro. Pumunta muna ako sa comfort room ng wala pa ang next lect namin. Hinugasan ko ang kamay ko at dumeretso na sa classroom pero sirado na ang pinto kaya pinihit ko ang door knob pero wrong move ang puta! Dahil patibong pala! May umagos na tubig galing sa taas papunta sa'kin.

Gusto kong maiyak dahil pinagtatawanan nila ako pero buti nalang tinamad ang luha kong magpakita ngayon. Ito ba ang sinasabi ni Thor na bully ang mga estudyante dito?

"Pasalamat ka, tubig lang yan." Tinawanan na naman ako nila.

"Wow, salamat ah." Sarcastic kong sabi. Naalala ko ang sinabi ni Ram sa'kin, binuhusan daw siya ng puting pintura buti ako tubig lang. Nag-walk-out ako at dumiretso sa dorm room ko. Nagbihis ako ng bagong uniform at bumalik agad sa classroom.

Nalaglag ang panga ko ng makitang hawak na nila ang mga gamit ko at bukas na ang bag ko.

"Akin nalang itong ballpen mo, ang ganda at mukhang mahal."

"Ang ganda ng notebook mo, akin nalang tutal mayaman ka naman."

"Woah. Ang ganda ng shades na to, Luis Vuitton. Akin nalang. Salamat."

"Thanks for this sign pen, bag sana ang hihingin ko sayo Marco pero hindi nalang, kawawa ka naman kasi."

Tiningnan ko silang lahat, hawak na nila ang mga gamit ko at ang bag ko naka-bukas na ang zipper! Yung katabi kong lalaki hindi man lang binantayan ang bag ko!

Kumuyom ang kamao ko sa galit pero pinigilan ko ang sarili kong maka-suntok. Kinuha ko ang bag ko at napag-isipan na mag-di-ditch nalang!

"Ito oh." Nilahad sa'kin ng isang babae ang ballpen ko.

Umiling ako. "No thanks, sayo nalang. Marami akong ganiyan." Argh! Nagsinungaling na naman ako!

"Salamat, ako nga pala si Cindy." Nakipag shake hand siya at napagpasyhan namin na mag-usap at lumayas muna ng classroom.

"Pasensya ka na pala sa mga classmate natin, Marco. Ganun lang talaga ang mga iyon." Aniya niya habang naglalakad kami sa hallway.

"Okay lang."

Napansin ko na masama ang tingin nila kay Cindy at bahagyang nakangiwi ang mga ito.

"Duh, the loser is here again. Mga scholar lang naman ng school na ito at mga poor." Aniya ng isang babae.

Scholar lang talaga sila dito? Kaya ganiyan ang trato sa kanila dahil mahirap lang ang mga ito?

"Umh, Cindy. Bakit ganiyan ang tinigin sayo ng mga estudyante dito?" Tanong ko sa kaniya kahit alam ko ang sagot.

Bumuntong hininga muna siya. "Mahirap lang ang estudyante sa room natin, mga scholar kaming lahat. Nandidiri ang mga ito sa amin kahit wala naman kaming virus. Parati din sila nag-hahamon ng away tapos parati ang section namin ang nagko-community service kahit wala kaming kasalanan. Issue din parati ang mga exchange student dahil sa section namin ito na pupunta. Bakit nga pala ikaw ang exchange student? I mean dati kasi puro lalaki ang exchange student ngayon lang ata ang babae."

Ngumisi ako. "Ewan. Sino pala yung lalaki na katabi ko? Hindi ko kasi kilala at saka masungit eh."

"Uyy, may gusto siya kay Zy. Hindi kita masisisi, gwapo talaga si Zy at maraming nagkaka-gusto sa lalaking iyon, pero isa lang ang gusto niya kaso mangagamit Yung babae." Tinukso pa ako ng gaga.

"Wala ah! Nagtaong lang ako ng pangalan, may gusto agad? Atsaka, kanino siya baliw?" Ano ba, chismosa ako eh!

"Uyy, Wala daw siyang gusto."

Barilin ko kaya sa ulo itong babaeng ito? Sabing curious lang!

"Sabing wala, hindi ko gusto si Zy."

"Kay, Katrina. Baliw yun kay Katrina kaso nag break din sila kaya nagkaganiyan si Zy. Famewhore at manggagamit si Katrina pero gusto niya parin. Usap-usapan dito na nagbreak sila dahil kay Spade Falcon."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. "Si Spade?"

Tumango si Cindy. "Oo si Spade, nung siya kasi ang exchange student, naging magkaibigan sila ni Zy tapos kinapitan agad ni Katrina. Nahuli silang naghahalikan ni Zy kaya simula nung araw na yun, may galit si Zy sa mga taga RIHS dahil kay Spade. Wait, kilala mo ba si Spade?"

Kumuyom ang kamao ko sa narinig. "Hindi, wala akong kilala na nang-ahas ng girlfriend."

Dati ko pa naman alam na gagi talaga si Spade pero mas lalo ko siyang kinaiinisan ngayon dahil sa nalaman ko. Bakit parang sumikip ang paghinga ko?! Nagsinungaling sa'kin si Spade, sabi niya ako Ang first kiss niya. Gago siya! First kiss niya ang mukha niya! Paasa!

Nag-paalam siya na babalik na sa classroom, tumango lang ako at sinabing pupunta muna sa dorm. Tinawagan ko ang Butler ni Kuya Mar at nagpabili ng bagong gamit sa school, tulad ng notebook dahil wala ng laman ang bag ko.

Naghintay ako sa parking lot, natanaw ko agad ang kotse ng Butler ni kuya, pinapasok niya ako sa kotse.

"Kuya Tim, may nabili po ba kayo?" Tukoy ko sa pinapabili ko.

"Yes ma'am Karizou." Binigay niya sa'kin ang isang bag. Ni-check ko ang laman nun at kompleto nga.

"Hindi ba nagtanong sila kuya kung saan ka pupunta kanina?"

Umiling siya. "Don't worry Ma'am. Hindi ko sinabi sa kanila gaya ng gusto mo. Do you already eat breakfast? Gusto mo bang pumunta muna tayo sa café?"

Napangiti ako. "Hindi na kuya Tim."

Pinanliitan niya ako ng mata. "Ditch ka'no?"

Umiling ako. "Hindi. Aalis na ako may klase pa ako." Tumango siya. Umalis agad ako sa kotse niya at hinintay bago ito umalis.

"Sino ka ba talaga?"

♥♥♥

Classicbluepink ❣️

Continue Reading

You'll Also Like

199K 6.1K 81
BGTIAP♥ What if kung 'yung isang basagulera at boyish na babae eh maging princess ng campus At What if kung mainlove siya sa isang campus heartthrob...
638K 16.8K 84
A school that is full of mysteries. What will happen if four brave girls transfered to their school. Will the mysteries may reveal? Or it will stay a...
8.8K 1.6K 48
#GA19A Lower and Last section is about Happiness and HIghschool life that can bring you back in past AWARDS: -Wattpad Pen Awards (Winner) *Teenfictio...
660K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...