Something New

cia_stories tarafından

73.5K 2.6K 234

Aurora Samantha King can get everything that she wants, her life is a constant cycle, formal gatherings, scho... Daha Fazla

Something New
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Epilogue
Author's Drama
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3

Thirty Nine

1.3K 48 4
cia_stories tarafından

Everything was so new to me, I mean, having a suitor is not new, but the efforts George makes was refreshing for me. Maybe because he's also the first one that I actually genuinely fell for and that someone I approved of courting me.

"Saan ka tumutuloy?" tanong ko pagkakita ko sa kanyang umayos ng tayo mula sa pagkakasandal nya sa old pick ni Tay Eman.

"Dyan sa tabi tabi." sabi nya na ikinataas ng kilay ko, obviously ay hindi naniniwala.

"Doon sa shop, pero uuwi na ako mamaya." sabi nya na napapakamot sa ulo.

"Sa shop? Yung pinuntahan natin kahapon? Wala ka namang kama doon." kunot-noong tanong ko but also low key worried because where would he sleep there?

Hindi sya komportable, sa sahig? Eh concrete finished yung sahig ng shop nya, mas malamig yon kapag gabi.

"Huwag ka ng mag-alala, ayos lang ako." sabi nya bago ako pagbuksan ng pinto ng sasakyan at pumasok naman ako.

"How would I not be worried? Eh kung magkakasakit ka naman sa panliligaw sa akin then---"

"Uuwi na ako mamaya, wag mo na akong awayin please?" sabi nya bago ini-start ang sasakyan. I rolled my eyes at him then stopped when I realized something.

"Wait, dapat sa kotse namin ako sasakay to work!" I said and look outside the window and I can't see Zeke anywhere.

Narinig ko syang tumawa ng mahina kaya tinignan ko sya ng naghihinala.

"You sneaky man!" I said and he just laughed while driving.

"Hindi ko alam pano mo napapayag ang tatay ko na manligaw ka at ihatid ako ng ganito." sabi ko habang nakatingin sa kanya at nakakurus ang mga braso.

"Nagpaalam ako, pumayag naman sya." sabi nya sabay kibit-balikat na ikinataka ko.

"Textmate kayo?" naguguluhang tanong ko na ikinatango nya.

"Oo, kinuha ko number nya noong unang punta ko dito para makapagpaalam ako sa kanya ng deretsyo. Akala ko din hindi nya ibibigay, pero binigay nya."

"Then how did you knew that I usually go to work at this time?" I asked, obviously shocked and bewildered on how for the first time, my father gave his number personally to someone he just met. It's only 7:00 in the morning, I usually make time for the traffic and such.

"Tinanong ko si Tita." sagot nya sabay pihit ng steering wheel to turn left.

"As in my mom?" gulat kong tanong at tinignan nya ako saglit bago tumango.

"Oo." sagot nya na parang nalilito sya sa akin kung bakit gulat na gulat ako.

"Baka pati numbers ng mga kapatid ko meron ka na din?" comment ko, it was supposed to be a joke but I was shocked when he thought for a moment before nodding his head.

"Si Augustus, ibinigay nya ang number nya, si Austin, hindi kasi wala pa daw syang sim." sagot nya sa akin na ikinanganga ko.

I guess he's also the first man my family approved of courting me too.

"Wow." I said, not believing what I heard, how can he get my family's phone number that easily?

Eh mga sikat na businessmen nga and some socialites can't even get my family's personal number and all of them need to go through my father's secretary or Joe. Or if you're an acquiantance, sa business phone ang deretsyo nila.

"At teka nga, why does my family have your phone number when I don't even knew you have a phone?" nakasimangot na tanong ko na ikinatawa nya, pansin ko na nasa loob na kami ng parking lot ng PKE, may balak siguro syang tumambay sa kotse since medyo napaaga kaming dalawa.

"Si Tay Eman ang nagregalo sa akin ng cellphone, binigay nya noong birthday ko pero hindi ko masyadong napagtuunan na ng pansin, nito-nito ko lang din nagamit at magagamit." sabi nya and he showed me his phone.

It was a midrange phone good for everyday use, knowing George, hindi sya techy because he'd rather work than to use his phone all day. Ni wala akong makitang gasgas kasi mukhang hindi nya gamitin, mukhang kakalabas pa nga lang sa kahon eh.

"Pwede ko bang makuha ang number mo?" tanong nya na ikinaikot ng mga mata ko at hindi nagsalita.

"Aurora?" he called my name again but I just pouted my lips and looked away.

"Nagtatampo ka ba dahil huli kong kinukuha ang number mo?" tanong nya na ikinalukot ng mukha ko.

"No! Meron naman akong number dun sa phone na binigay ko kay Em-em, tapos may cellphone ka pala, ni hindi mo man lang ako tinext while we were away from each other! Pabebe ka po!" I said using the term Uncle Cyrus would usually use before and he laugh.

He just laughed! The audacity of this man!

Naramdaman kong inalis nya ang seatbelt nya at seatbelt ko para mayakap ako, sya lang ang nakayakap kasi nakakurus pa rin ang mga braso ko sa harapan ng dibdib.

"Nawala nga sa isip ko sa dami ng nangyari, hindi ko pa maaalala na meron akong cellphone na bigay ni Tay Eman kung hindi ko kinailangan ng number na maibibigay sa sekretarya ni Mr. Levien."

"At bago ka pa magtanong, lalaki ang sekretarya ni Mr. Levien, kinuha nya ang number ko dahil gusto nila akong magpasa ng designs na pwede nilang bilhin. Iyon lang ang naging usapan namin simula noong binili nila yung mga pinakita namin sa expo." dagdag pa nya bago lumayo sa akin ng pagkakayakap.

"Oh, lagay mo dyan number mo." sabi ko sabay abot na lang sa kanya ng phone ko.

"Bati na tayo?" tanong nya na sinisilip ang mukha ko pero inirapan ko lang sya, imbes na mainis, tumawa na naman sya ng mahina.

Mukhang ako ang talo dito ah? Ni sa lahat ng pagsusungit at pagiinarte ko, hindi nya sineseryoso. Parang alam nyang defense mechanism ko lang yon kapag wala na akong magawa. Psh.

He put his number on my phone before giving it back to me, lumingon sya sa likod ng sasakyan at may iniabot saka ibinigay sa akin.

"Pinagluto kita ng lunch mo, saka eto, para sayo." sabi nya at nang tignan ko kung ano, isang tangkay na naman ng sun flower. I smiled at the sight of the flower in my hand, kapag kasi nakakakita ako ng sunflower, ang naaalala ko ay yung unang date namin.

I mean, hindi yata yon date para sa kanya, pero para sa akin iyon ang una naming date, iyong masaya lang at wala masyadong iniisip.

"Uuwi na ako mamaya sa probinsya ulit at magiging abala ako sa paggawa ng mga furnitures at pag-aayos ng mga kakailanganin namin, pero hindi ibig sabihin non na mawawalan na ako ng oras sayo Aurora. Babawi ako." sabi nya pero umiling ako.

"It's okay, you're still starting your business, of course you'll be busy with it." I said pero umiling sya.

"Hindi, tutupad ako sa mga pangako ko. Gagawin ko ang lahat, maalala mo lang ako araw-araw." sabi nya na ikinatawa ko.

"How sure are you that I'll always think of you?" I asked, testing him if he'll feel sad or insecure about it pero ngumiti sya at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Hindi nga ako sigurado kaya dapat galingan ko sa panliligaw. Ganoon ang ginagawa mo sa akin, palagi ka ng nasa isip ko simula ng makilala kita kaya wala ka ng magagawa kundi panindigan yon." sabi nya na ikinangiti ko na lang bago naiiling sa kanya.

"I'll be busy in the office, you'll be busy with your new business. Unahin mo muna ang mas importante." sabi ko at tumango sya bago hinaplos ang pisngi ko gamit ang isang kamay.

"Hindi ba pwedeng pagsabayin? Parehas kayong importante sa akin."

"But look at what you did, sa shop ka pa natulog, saan ka nahiga doon? Don't tell me sa cold floor ka natulog? and how were you even able to cook me lunch? Baka naman sa pagpipilit mo, ikaw naman ang magkasakit." nag-aalala kong sabi pero pinisil nya lang ng mahina ang pisngi ko.

"Wag kang ganyan, kinikilig ako sa pagaalala mo."

"Aba, bumabanat ka na now?" hindi makapaniwalang tanong ko na ikinatawa nya.

Tawa sya ng tawa pansin ko, si George ba'to? Mukha syang nakawala sa hawla at malaya na syang nakakalipad.

He looked so free, so alive.

"Namiss ko yang halu-halo mong salita. Buti na lang naiintindihan kita." sabi nya na nakangiti na ikinaikot lang ng mga mata ko.

"May dala akong maliit na panluto pagpunta ko dito tapos dito ko na lang binili yung ibang sahog. May dala din akong banig at ilang kumot kaya huwag ka ng mag-alala." he said as he fixed my hair.

"How's Em-em by the way? Sinong kasama nya kung hindi ka umuwi kagabi?"

"Hinabilin ko muna sya kay Tita May, at alam ni Em-em ang plano ko, sya pa mismo nagtulak sa akin papaalis para makapunta ako agad sayo." natatawa nyang pagkwento na ikinangiti ko na. I looked at my watch and I saw that it's almost time to go to work.

Mukhang naintindihan nya iyon nang magkatinginan kaming dalawa.

"Pwede ba kitang mayakap ulit?" he asked and I looked at him closely, from his forehead and perfectly shaped eyebrows, his eyes that I really like, his nose and down to his lips.

He let me traced it with my fingers softly.

"This is not like the last time, right?" I asked, suddenly feeling sad and anxious because this might be a dream again.

But he smiled, softly grab my hand to stop me so he can kiss the tips of my fingers. Ibinaba nya iyon at inilagay nya ang isang kamay nya sa likod ng ulo ko para mapalapit ako sa kanya at mahalikan naman nya ang noo ko.

"Hindi na. Pangmatagalan na'to." sabi nya na ikinapikit ko. I suddenly felt breathless with what he said.

Like I am falling more and more to his conviction, on how he's so sure of his words.

"How sure are you?" I whispered, the silence inside the car was surrounding us.

"Walang sigurado, pero susugal ako." sagot nya nang alisin nya ang labi nya sa noo ko para matignan din ako sa mga mata.

"Mahal na mahal kita Aurora, at ilalaban ko'tong nararamdaman ko para sayo." he said before opening the door behind me.

Hindi na ako umimik, hindi pa oras para sabihin ko sa kanya pabalik ang mga katagang iyon, gusto ko pa rin namang makasigurado this time and I think he knew that.

I just smiled and went out of his car, hindi na din ako lumingon pa habang naglalakad ako palayo sa kanya pero ramdam kong pinapanood nya pa rin ako.

Nang makasakay ako sa elevator ng parking lot, bago magsara ang mga pinto, hindi ko na lang maiwasang mapangiti.

~~~~~~~

"Huy, para kang baliw." sabi sa akin ni Michelle sabay siko sa akin kaya napaangat ang tingin ko sa kanya mula sa phone ko ng nakangiti.


"Huh? What?" I asked, obviously not aware of what's happening.


"Halatang in love ka loka!" sabi nya na naiiling, si Lianne naman ay natatawa lang.


"Oh, hindi ah. May nabasa lang akong nakakatawa." palusot ko, I even cleared my throat before hiding my phone to my blazer again and continue my lunch.


"Maniwala, been there done that." sabi ni Michelle na ikinatawa ko lang ng mahina.


George texted me to say that he's already in the province, natawa lang ako kasi gumamit sya ng emoji, he keeps telling me that it was Em-em who did it pero inasar-asar ko syang hindi ako naniniwala and that he's just using Em-em's name.

Mas natawa ako ng sumuko na lang sya sa pagpapaliwanag pero napangiti din nang mabasa ang huling sinend nya. 

Miss na kita ❤️

Napailing na lang ako, hindi daw maalam gumamit ng emoji pero may pa-heart pa syang nalalaman! Psh.


Hanggang matapos ang lunch, sya lang ata ang nasa isip ko. I feel lightweight, like I am in the mood for everything because I am that happy. Masaya pa lang mang-inis ng manliligaw pero sa huli ako din ang talo sa asaran kapag bumabanat na sya.

Akala ko matino si George, ba't parang mas jolly sya ngayon? I was even shocked when he sent me a joke during working hours.

Talagang hinintay nya akong magtanong ng 'bakit' bago nya sabihin yung main joke. Napatakip pa ako sa bibig ko nang mapalakas ng kaunti ang tawa ko.


Stop sending me jokes now. It's not even funny. 

Hindi ba nakakatawa? Tsk, mag-uusap kami ng masinsinan nong si Poy.

I chuckled at that. Hay nako George Archival, kung alam mo lang.

Nagmeryenda ka na ba?

Busog pa ako.

Alas-tres na, ayaw mong magmeryenda?

Nah~I'm fine. I'm working.

Ok. Hindi na kita aabalahin.


Napakagat ako sa labi ko sa naging sagot nya, is he mad? But I am indeed working and I'm not hungry. Parang naisip nya kung anong iniisip ko ngayon kasi biglang umilaw ulit yung phone ko sa desk. I opened his message and just laughed a little before I finally get to focus in my work.


Hindi ako galit. Mamaya na lang talaga kita ulit kukulitin. 😉

Oh George Archival, hindi ko alam na may tinatago kang kakulitan sa katawan. Psh.






Two days have passed since George and I saw each other, but I am surprised every time someone would knock in our office door and ask for me just to deliver a single sunflower made of paper crafts but it can actually pass as a real sunflower dahil sa ganda ng pagkakagawa. Two consecutive days yon, and what warmed my heart the most, is the letter it comes with it, handwritten, by George. 

"Aurora, may padala na naman ata yung manliligaw mo." sabi ni Michelle while smiling and when I looked up, nakita ko sa may labas ng office yung same delivery guy na naghahatid sa akin ng bulaklak dito.

Tumayo ako para makalabas sa office saglit pero dahil salamin ang naghihiwalay sa amin, ramdam ko ang mga mata ng mga katrabaho ko.

"Good morning po ma'am. Delivery po ulit." sabi ng bata na tingin ko ay nasa 15 years old pa lang.


"Pwedeng magtanong?" sabi ko nang tanggapin ko ang pamilyar na tangkay ng sunflower paper at ang maliit na sobrang kasama nito. 


To Aurora Samantha 


Iyon palagi ang nakalagay sa likod ng sobre, in a very nice handwriting na hindi ko na ikinataka dahil magaling gumuhit si George, his handwriting is exceptional too. It's one of his skills.

"Ano po yon ma'am?" mabait na tanong ng binata na ikinangiti ko.


"Paanong may delivery ako araw-araw? Tumatawag ba sayo si George?" curious kong tanong.


"Ay hinabilin na po yan ni Ser nung nakaraang araw pa po. Pati kung anong sulat na dapat kong isama. Madali lang naman po ang bilin nya, may nakalagay na date oh." sabi nya sabay turo sa sobrang hawak ko, indeed there is a date.

Like a flower and letter a day while we're apart.

"Bayad na din po yan, ang bait nga ni ser eh. Sya unang customer namin ni Ate!" tuwang-tuwa na pagkwento ng bata na ikinangiti ko na lang. 


"Saan ba ang pwesto nyo ng Ate mo?" tanong ko.


"Wala po kaming pwesto talaga, doon lang din po kami sa may Steel Ave naglalako at nakita kami ni Kuya George. Tuwang-tuwa nga po ako kasi pinagkatiwalaan nya kami dahil nagbebenta po kami para may mapambaon, sagutin nyo na ate, ang bait nong si kuya." sabi nya na ikinatawa ko ng mahina.

Nang magpaalam sya at umalis naiwan ako doon na nakatingin sa mga hawak ko, Steel Ave, yun yung street kung saan nakapwesto yung shop na inuupahan nila. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa bulaklak na hawak ko.

We've been in constant communication every night and day for the two consecutive days that we're apart. Na tinotoo nya talaga yung balak nyang isipin ko sya palagi, at eto na naman, hindi na naman nya nga nakaligtaan na pangitiin ako.

Pero sa mga sulat nya, hindi ang makulit na George ang nakakausap ko, kundi yung George na puno ng kalituhan sa mundo at parang doon nya ikinukwento sa akin kung paano nya ako napansin. 

Kung paano sya nahulog sa akin, like I am reading a story everyday, about the story of how he fell for me. Kaya hindi ko din maiwasang mag-abang sa bawat araw na dumadating kasi ito yung George na hindi ko inakalang ito pala ang iniisip nya noong mga panahong magkasama kami sa probinsya.


"Ang cheap naman ng manliligaw mo, magbibigay na lang ng bulaklak, hindi pa yung totoo." Napatigil ako sa paglalakad papunta sa desk ko dahil bumanat na naman tong si Charice nang saktong mapadaan ako sa desk nya.


"At least sa akin may nagpapadala ng bulaklak kahit na gawa sa papel, ikaw nga kahit totoong bulaklak, walang nagpapadala sayo." sagot ko na lang sa kanya saka ko nginitian ng plastic at nagdire-diretsyo pabalik sa desk ko.

Parang bata, minsan lang ako pumapatol, kapag inis ako o na-trigger mo yung mga taong importante sa akin. At least sa akin may nage-effort, sa kanya nga wala eh.

Aanhin ko ang totoong bulaklak kung peke din naman ang intention.

Saka alam kong nagsisimula pa lang si George, naiintindihan ko kung bakit hindi nya pa kayang magbigay ng kung anong mamahalin na bagay o yung may presyo na katulad ng totoong bulaklak na nabibili sa mga flower shop.

Pero binabawi naman nya sa effort, sa pagiging totoo nya, and that's okay, it's more than okay. Kaya kong ibili ang sarili ko ng totoong bulaklak, bouquet pa kung gugustuhin ko, pero yung effort at pagiging genuine ni George sa intensyon nya sa akin, iyon ang mahirap hanapin.


Alam ko namang nage-effort sya hindi lang para makuha ako, o ang oo ko, kundi dahil gusto nyang iparamdam din sa akin na pinapahalagahan nya ako. Yung oras na binibigay nya kahit pa sa messages lang iyon, na masiguro nyang kumakain ako sa oras, o na hindi ako nakakalimot sa mga kailangan ko. O na makinig lang sya sa rants ko na out of nowhere ko na lang nasasabi, it's more than enough.

We're not teenagers anymore, we're also both busy with our careers and the fact that he can still give time to communicate with me even though we're miles apart, that's what makes me prove that he's sure with this, that he badly wanted this thing between us too. To grow into something more.

Hindi ko inintindi si Charice pati ang sinabi nya, I read George letter for awhile before continuing my work in a good mood. In love ako, inggit lang sya. Hmp!

Nang matapos kami sa work, sabay-sabay na ulit kami nina Michelle at Lianne na bumaba. Akala ko si Zeke ang maghahatid sa akin ngayon pauwi pero nang hindi ko makita ang service ko sa may harap ng building ng PKE at ang natanaw ko ay ang old pick-up ni Tay Eman. Alam ko nang magiging maganda ang gabi ko lalo na ng makita ko si George na umayos ng tayo pagkakita nya din sa akin.

Inalis nya ang mga kamay sa bulsa at idinipa ang mga braso ng bahagya na parang sinasabi nyang, he's here. Again.

I smiled and went to him for a hug.

_____________________

#unedited.




Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

97.3K 2.3K 30
Legend says that we are born with a red string of fate that connects us to our soulmate. Anong mangyayari kung ang university beauty na si wendy mont...
7.6K 495 42
Tyronia Reina is a girl who's like a puppet to her father's words. She doesn't want to disappoint her Father by not following or obeying what he sai...
10.9K 250 52
Zanea fell in love with Paul, which later on known to be her cousin. She tried her best to move on. They moved place and met this dark knight man bun...
1.8K 137 35
Heaven Andrada, a woman who's been known as a dead. Akala ng lahat ay nawala na ito pero hindi nila alam na nagtatago lang ito sa isang malayong luga...