REYALONA (COMPLETED)

Od KUMPARENGMILBEN

3.8K 606 241

Fantasie Serere #1 Sa pagtuklas ng makabagong mundo laban sa iba't ibang kritisismo o opinyon ng ibang tao ma... VĂ­ce

REYALONA
MGA DAPAT KUMPIRMAHIN
MUNDO NG RELUHEMI
APAT NA KABISERA
REYALONA: SIMULA
01_REYALONA ACADEMY
02_PROPESIYA
03_REYA'S ALLIANCE
04_INTERNAL QUESTION
05_REQUEST GRANTED
06_ ROYAL ORIENTATION
07_BRUTALITY TRAINING
08_LINE UP
09_BURNING REVELATION
10_COSMOS MARK
11_IMPACT OF RESPONSIBILITIES
12_PRESTIGIOUS FAM
13_FRUSTRATION/PRESSURE
14_ANVIL GUTS
15_RESET
16_QUESTION. QUESTION. QUESTION.
17_HIDDEN ANSWER FT. JERK
18_DEATH MONTHSARRY WITH DEATH THREAT
19_FADED LIFE
20_CONFESSION
21_CHAOS VS SPATIAL
22_THE LAST VISIT WITH CURIOSITY FEEDING
23_NOTHING BUT A TRUTH
24_FINAL READY
25_GRAND MEETING
26_QUEST BEGGIN
27_ABYSSUS ISLAND
28_CONTINUATION WITH FEAR
29_SOLAR ORB RISSSEN
31_ATTRIBUTIVE FACTICITY
32_GAME OF LIFE
33_REYA'S SOUL
34_EVERY CHOICES IS DEPTHS
35_END QUEST
REYALONA : EPILOGUE
Feedback
PASASALAMAT

30_CONSPIRACY THEORY

29 9 3
Od KUMPARENGMILBEN

CHAPTER 30:
CONSPIRACY THEORY


[Someone's P.O.V]

(FlashBack)

"Mundo, mga makapangyarihang basbas na mula sa banal na tubig, tubig na nag sisilbing kadena upang panatilihin ang pagiging pribado ng mundong nilikha, isang kontenenteng itinuturing na mundo sa pamamagitan ng mga taliwas na mga paniniwala. Apat na tinatawag na mga bathala, siyang mga nangalaga, dahil sa mithiing gumawa nang sariling adhikain at mga maaayos na mga adbokasiya. Mga saklaw ng bawat kaharian, pilit minumulat ang mga nasasakupan sa maling pamamaraan dahil sa kagustuhan na mailayo ang lahat sa kapangahasan kahit na may mga katotohanan na natatakpan. Tanging hangarin ng mga namumuno sa bawat kapital ay kapayapaan kahit na may natatapakan na ka alaman. Lahat handang gawin para lang na mailayo sa realidad at sa iba pang kaalaman. Per-."

Napahinto ako sa pagbabasa ng isang libro na may akda ng reporma ng pag ka prosa na punong puno ng mga metaporika at talinghaga nang may bigla akong narinig na bumukas ng aming pinto.

"Pasensiya na po Madam, masyadong malakas ang tagapangalaga lalo na't may mga tumulong sa kanya mula sa hilagang kabisera na kilala bilang mga Reya's Alliance sa Reyalona Academy, hindi po talaga namin sila na kaya. Pero kahit na gano'n po, na patay naman po namin ang ina-inahan ng tagapangalaga na siya ring isa sa mga opisyal na miyembro noon ng grupo, maniwala po kayo, nadaig namin ang ina-inahan niya ngunit nahirapan talaga kami doon sa tinatawag na tagapangalaga." Isang boses na mula sa mga Hera ng mga Abyssus Beast ang narinig kong humihingi ng tawad kay mama.

"Wala akong pakialam! Mga napakahihina niyo. Kung hindi pa pala sana ako dumating doon edi wala pa pala akong mapapakinabangan sa inyo! Mga wala kayong kuwenta!" sigaw ng napakalakas ni mama.

"Ano pong gagawin dito sa bata?" tanong ng Hera.

Bata?

"Patayin mo!" mabilis na sigaw ni mama.

Sa sobrang gulat ko, agad akong napatayo at binitawan ko agad ang librong hawak ko at dali-dali akong tumakbo papalapit sa kinaroroonan nila.

"Saglit." mabilis kong pag intrata.

Napatingin naman ako sa itsura nila pareho. Si mama grabe ang angat ng kilay nang makita ako at yung Hera naman ay nagulat rin sa bigla kong pag sulpot.

"Ba't nandito ka?" tanong ni mama pero hindi ko siya pinansin.

"Sino 'yang bata na 'yan?" tanong ko sa Hera na bitbit-bitbit ang batang walang malay habang naka-kadena ang mga kamay.

Walang malay ang bata, sa tansya ko sa itsura ng bata, napaka-musmos niya pa para mamatay kaya naman nakaramdam ako ng awa.

"At bakit?" tanong ni mama.

"Sino 'yang bata!" sigaw ko rin pero hindi ako naka-punto kay mama dahil sa halip sa Hera ako naka-punto.

"B-Bihag po namin Prinsesa -"

"Bakit ka ba ngingialam!? Pumasok ka sa kuwarto mo!" sigaw ni mama pero tinitigan ko lang siya at saka ako muling humarap sa Hera.

"Kukunin ko ang bata." Agad kong hinablot sa kamay ng Hera ang susi sa kadena.

Walang nagawa ang Hera dahil sa takot din sa akin. Si mama naman ay panay ang salita pero hindi ko pinansin.

Nang mahawakan ko ang balat ng bata, nakaramdam ako ng matinding lamig kaya naman agad kong tiningnan ang pulso nito sa leeg kong humihinga pa ba ito at nang naramdam ko, naghahabol na lang pala ito ng hininga kaya naman mabilis ko siyang binuhat inilayo kala mama.

Panay ang sigaw ni mama na kunin sa akin ang bata pero sa tuwing inuutusan niya ang mga alagad niya, hindi magawa ng mga 'to na lumapit sa akin dahil natatakot sila.

"MGA DUWAG!" bulyaw ni Mama.

Mabilis kong ibinigay sa magagaling na mga babaylan at dark faith healer dito sa amin ang batang walang malay. Nanginginig ang kamay ko sa awa. Ininteroga pa ako ng mga manggagamot tungkol sa walang malay na bata kaya naman sa galit ko ay napagbantaan ko sila kaya naman labis ang pagkatakot nila kaya ginawa na lang nila ang lahat ng makakaya nila ng mabilis para magamot agad ang bata.

Sa ilang oras ng tinaggal sa panggagamot sa batang walang malay. Habang pinagmamasdan ko ang nakakayamot na itsura ng kabisera namin, bigla akong nanlumo. Sa sobra ngang tahimik at halos walang ka tao-tao sa lugar na 'to. Napa isip ako kung bakit pa ako namamalagi dito sa lugar na 'to. Puro mga patay na puno, mga kalbong halamanin, mga mababangis na hayop at ilang mga 'di normal na itsura ng mga tao ang naririto. Sa sobrang tuliro ko sa pagmamasid sa lugar, naisipan ko na lang pumasok sa loob ng pagamutan kung nasaan ang batang walang malay.

Habang naglalakad ako papasok sa loob. Mga sira-sirang gamit at hindi nalinasan na lugar ang sumalubong sa akin. Dugyot ang lahat ng mga nakapaligid sa loob ng lugar. Animo'y kung gaano ka dumi ang mga nakita ko sa labas, ganoon din dito sa loob ng pagamutan na 'to. Nakakasuya, animo'y parang sinumpang lugar ang kinabibilangan ko. Ni kahit malaking sinag ng araw hindi binibiyayaan ang lugar na 'to.

Sa gitna ng paglalakad ko sa loob ng pagamutan, nakasalubong ko ang manggagamot na pinagbigyan ko sa batang walang malay.

"Wala bang mas matino at malinis na pagamutan ang lugar na 'to?" tanong ko.

"Malinis ba kamo? Matino rin ang hanap mo? Hindi ba't hawak niyo ang kalakaran ng takbo ng mga salapi sa lugar na 'to, ni hindi nga umiikot sa bayan na 'to ang salapi o kahit na ano kaya nga walang buhay itong kabisera na 'to." Nakaka-asar na tawa ng manggagamot habang sinasabi sa akin ang mga bagay na 'yon.

Hindi ko pinahalatang na gulat ako sa mga sinabi ng mangagamot pero sa utak ko, halos atakihin na ako sa mga nalaman ko. Unang beses ko pa lang kasi lumabas ng palasyo namin dahil mahigpit ang bantay sa akin, sadyang dala lang ng paninindak kaya ako nakalabas, pero kahit na unang beses ko lumabas. Ang bukas sa paniniwalang kinagisnan ko ay sadyang nakakayamot lang talaga ang lugar na 'to. Pero grabe pala ang talaga ang dinaranas ng mga tao dito sa kamay ni mama, hindi ko akalain na ganito ang kalakaran niya at ito ang kinalabasan ng sistema ng kalakaran niya. Kaya pala halos hindi kami mawalan ng salapi at halos lahat ng luho ng aking ina ay nakukuha niya ng hindi naglalabas ng kahit na anong pambayad na salapi, kung maglabas man ay parang bumabalik lang din sa kanya agad-agad dahil ganito pala ang pamamaraan niya.

"Pagalingin mo ang bata at malalaking tipak ng mga salapi at mamahaling mga bato ang ibibigay kong kabayaran sa 'yo, ma-sigurado mo lang na ligtas ang bata," sambit ko.

Malakas ang naging pagtawa ng mangagamot kaya naman nagulat ako at napa-angat ang kilay ko. "Para saan pa? Para bumalik ulit sa inyo ang kita at halos ilang araw na naman kaming walang makain?" nagulat ako sa sinabi niya, "Hahaha biro lang po. Sapat na sa isang buwan ang isang kaban ng mga mababang-uri ng salapi na ibinibigay niyo sa amin, sa laki ng bilihin at interes ng reyna sa mga negosyante dito saglit lang ang mga malalaking tipak ng salapi dito. Nasanay na kami sa pamamalakad niyo, sa sarili niyong mga prensipyo niyo kami minulat kaya wala nang mahalaga sa amin 'yang mga ganyang klase ng usapin. Kayo ang nakakataas at kayo ang naka upo sa upuan, nakaluluklok kayo, tungkulin namin kayong pagsilbihan sa abot nang aming makakaya bilang katapatan sa mga naitulong ninyo sa amin, ayoko magkaroon ang pamilya ko ng utang na loob na ikapapahamak nila ng dahil sa akin," anito saka ako nilagpasan sa paglalakad.

"Naitulong? Hindi ba't nagagalit ka dahil sa hindi pantay na kalakaran natin dito at sa walang kaayusan na sistema? Ano naitulong sa inyo nito? Isa pa kagustuhan ko 'to, hindi ito utang na loob!" giit ko.

"Ano ka ba? Ganitong kalakaran ang kinamulatan nating lahat hindi ba? Kung sino ang nakaluluklok, siya dapat ang pagsilbihan at ipaglaban. Walang kaso sa amin ang antas ng kinatatayuan namin ngayon dahil sobrang sapat na nito at nararapat na sa amin. May utang pa kami sa inyo kung tutuusin dahil ang isang kaban ng salapi kahit na mababa ang halaga ay malaki na para lang sa mga gaya namin... Yan ang sistema natin dito na dapat natin paka-ingatan hindi ba? "

Hindi ko alam kung nagpapatawa siya o sadyang tinanggap niya na ang mga sinasapit niya ngayon dito, pero isa lang ang nakikita ko, tila tunay na nga atang na bulag na sila sa maling kalakaran at prensipyo ng aking ina kaya't nasasabi niyang nasanay na sila.

* * *

Makalipas pa ang ilan pang mga oras, nagising na nga ang batang walang malay.

Mula sa salamin ng pinto, habang inaasikaso siya ng mga manggagamot niya ay kanina ko pa siya talaga pinagmamasdan. Bakas sa mukha ng batang 'to ang takot at pagiging balisa.

Nang lumabas ang manggagamot mula sa loob ng silid, nag-usap kami nito ng saglit, maayos na raw ang lagay ng bata ngunit dala nga raw ng matinding pagkabalisa, may hinahanap daw ito.

Nang muli kong silipin ang bata sa loob ng silid. Marahan kong binuksan ang pinto at saka ako naglakad papalapit sa kanya. Nakatalikod siya at tila panay ang titig sa lugar, nang magawi ang tingin niya sa akin, laking gulat ko sa mga sinabi niya.

"Ate Rona!" Mangiyak-ngiyak nitong sigaw.

Tinanggal nito suwero sa kamay niya at ang at mabilis na bumaba sa higaan at saka ako niyakap.

Gumaan ang pakiramdam ko sa bata ng yakapin niya ako habang umiiyak siya. Hindi ko na nga rin agad na namalayan na yakap-yakap ko na rin pala siya. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng mga ganitong uri ng pakiramdamin gaya ng awa, lungkot at higit sa lahat ay saya. Sa sobrang labis kong pagka-dala sa emosyon sa bata, napangiti na lang ako.

Nang masiguro kong ayos na talaga ang nararamdaman niya, inilabas ko na siya sa pagamutan. Nang ilabas ko siya sa pagamutan ay nagulat ako nang bigla nitong yakapin ang bewang ko. Ramdam ko ang matinding takot na nararamdaman niya ng pagmasdan ko siya.

"A-Ate Rona... A-Ang s-sama ng pakiramdam ko sa lugar n-na 'to, a-asaan ba t-tayo a-ate..."

Bigla akong napa-isip sa mga sinabi nitong bata, hindi ako napa-isip dahil hindi ko alam ang tungkol sa nararamdaman niya, alam kong puno ng mga dalikadong nilalang ang lugar na 'to pero ang ipinagtataka ko lang, papaano niya nalaman? Napaka-bata niya pa para sa antas ng synergy na 'yon tungkol sa pakikiramdam nang isang dalikadong sitwasyon.

"Ate Rona umalis na po tayo dito..." aniya na halos ma-iyak na.

Sino ba kasi ang Rona na binabanggit nitong batang 'to. Sino siya?

Sa gitna ng paglalakad at pag-uusap namin nang batang ito, Ella pala ang pangalan niya. Ngunit hindi ko na iyon nagawang bigyan ng pansin nang biglang maging tuliro ang bata nang dahil sa takot na nararamdaman niya. Makalipas ang ilang beses kong pagpapakalma ko sa kanya mas lalong tumindi ang takot niya nang biglang may maramdaman din akong kakaibang presensiya.

Napahinto kami sa paglalakad at pag-uusap nang biglang may humarang sa dinaraanan namin. Sa takot ni Ella ay pumunta siya sa likod ko at mahigpit na nakahawak sa damit ko.

"A-Ate... N-Nandidito n-na naman sila..."

Isang hukbo ng Abyssus Beast at si Mama ang biglang humarang sa dinaraanan namin. Galit na galit ang itsura ni mama habang nakatitig sa akin. Animo'y nang gagalaiti rin ito sa galit nang makita ang bata.

"Ibalik mo sa akin 'yang bata na 'yan!" sigaw ni mama.

"Ayoko." mariin kong sagot sa kanya na mas lalong ikinagalit niya.

"Kunin ang bata sa kanya!" galit na galit na utos ni mama.

"Ate..." ramdam ko ang labis na takot ni Ella kaya naman na awa ako.

Akmang lalapit pa lang sa akin ang mga hukbo ng mga Abyssus Beast ni mama ng biglang pakawalan ko ang kinatatakutan nilang aura ko kaya naman na pahinto sila.

Naglalabas na nang kapangyarihan ang kamay ko at handa na ako sa anong mang laban. Ngunit, nang makita ko ang itsura ni Ella na parang nagtataka habang nakatitig sa akin, bigla akong nawala sa focus kaya naman nagulat na lang ako nang biglang isang malalaking tipak ng kristal ang bumalot sa mga kamay at paa ko dahilan upang hindi ako makagalaw at hindi ko magamit ang kapangyarihan ko.

"Mga wala kayong silbi! Kailangan talaga ako pa lagi ang kikilos! Mga takot!" Rinig kong sigaw ni mama.

"Ate!" Umiiyak na sigaw ni Ella. "Tulungan mo ako ate!!"

Agad binitbit ng isang Abyssus Beast si Ella. Walang nagawa ang bata kundi umiyak, sa sobrang awa ko at galit pilit din akong nagwala ngunit nagulat ako nang biglang may dumamping kamay sa mukha ko.

"Wala lang karapatan na hindi ako sundin! Wala ka ring karapatan para mangilam sa lahat ng ipinapagawa ko!" Mariin at galit na galit na sambit ni mama sa akin.

"Anong kailangan mo sa bata!? Hindi ka ba naawa? Bakit kailangan mo siyang patayin ha!?" sigaw ko.

"Gusto mo mailigtas ang bata?" diretsong tanong nito sa akin.

"Ibigay mo sa akin ang bata Ma kung hindi mo siya kailangan!" muli kong sigaw.

"Ang tanong ko ang sagutin mo." sarkastiko nitong sabi.

"Oo dahil alam kung sasaktan mo siya at hindi-" Hindi na ako nito pinatapos at saka hinawakan ang baba ko.

"Kung gano'n sumunod ka sa i-uutos ko sayo." mabilis nitong sabi

"Ano? Sige gagawin ko, alang-alang sa buhay ng bata," sambit ko.

Bahagya siyang tumawa, "Napaka bait na bata, saan mo natutunan ang pag-uugaling 'yan?" tanong nito.

"Ewan ko, pero mukhang hindi sa inyo 'to ng ama ko pareho galing." sarkastiko ko ring sabi.

Sarkastiko niya akong tinawanan na may sinabi pa ngunit hindi narinig, "... Ano, tutupad ka ba?" muli nitong tanong.

"Oo, sino ba 'yan nang mapatay ko na agad." mariin kong sabi.

Muli siyang humalakhak sa pagkakatawa, "Kalmahan mo lang anak, hindi mo siya ganoon lang mapapatay nang mabilis gaya ng gusto mo," aniya ni mama.

"Bakit, sino ba siya?" tanong ko.

"Gaya mo," marahan siyang ngumiti. "Gaya mong tagapangalaga."

Bigla akong napa-isip sa mga sinabi ni mama. Gaya kong tagapangalaga... Sino siya...

* * *

Third person P.O.V

Dumaan ang ilang mga oras na labis na pag-aantay nina Athena, Iryll, Mae, Janelle, Yumi, Billy at Ralph. At dahil nga sa pakikipaglaban nila sa mga Abyssus Beast, labis na kapaguran na ang nararamdaman nila ngunit pinanatili pa rin nila ang pagiging kalmado at maayos dahil sa mga na-iisip na nilang dapat pang tapusin.

"Nakakainis, hindi sila maubos-ubos, halos lahat na ata ng spell sa pahina ng libro na 'to nagamit ko na!" Pagod na pagod na reklamo ni Janelle.

"Oo nga, na iinis na rin ako!" galit na sigaw ni Mae bago niya hatakin ang ulo ng Abyssus Beast na kaharap niya.

"Iryll!" tawag ni Athena kay Iryll at napatingin naman sa kanya ito, "Kaya pa ba ng katawan mo gamitin ang ability mo na mag-manipulate ng mga Abyssus Beast?" tanong ni Athena.

"S-Sige..." aniya ni Iryll bago tanggalan ng dalawang kamay ang Abyssus Beast na kaharap niya. "Kakayanin ko crush para sa 'yo," aniya ni Iryll bago ilabas ang Pen Mark niya.

Nang biglang magpakita na naman ang sandamakmak na hukbo ng mga Abyssus Beast labis ang inis ang naramdaman ng mga magkakaibigan kaya naman wala na silang sinayang na oras.

"Mae!" tawag ni Athena kay Mae habang tumatakbo sila papalapit sa mga Abyssus Beast. "Patulugin natin sila."

"Yung pang habang buhay na tulog ba o yung panandalian lang?" tanong ni Mae.

"Yung panandalian lang," aniya ni Athena.

"Susubukan ko," aniya ni Mae saka binali ang leeg ng hawak niyang Abyssus Beast.

Matapos sabihin ni Athena ang lahat ng 'yon kay Mae, gayon din ang mga sinabi niya sa kambal na sina Ralph at Billy. Samantala, iba naman ang utos niya kila Janelle at Yumi.

Inutos nitong si Althena na ikulong ang mga napakaraming Abyssus Beast gamit ang mga kapangyarihan nila Janelle at Yumi para malagyan ni Iryll ng mark at makuntrol niya ang mga ito.

Sa planong nabuo nila, medyo nahirapan sila lalo na sina Mae, Athena Billy at Ralph. Nahirapan kasi talaga sila na patulugin lang ang kalaban.

"Siya nga pala! Bigyan niyo ng paalala ang grupo nila Rona, sabihin niyo kung nasaan tayo para hindi nila tayo hanapin." Utos muli ni Athena bago niya suntukin sa sintido ang Abyssus Beast nasa gilid niya.

"Ako na ang magsasabi!" aniya ni Janelle saka niya ibinalibag ang Abyssus Beast na akmang tatakas sana sa prison spell niya.

"Hoy kung nasaan man kayo, nandito kami sa may gilid ng sentro ng isla, puntahan niyo kami kung tapos na kayo dyan. Kapag hindi kayo o ni isa sa inyo ang sumagot makalipas ang ilang minuto, ikukunsidera namin na tigok na kayo at dadaretso na kami sa kinaroroonan ng Solar Orb!"

Natawa naman ang ilan sa mga sinabi ni Janelle gamit ang communication stone kaya naman

"Naks! Good threat strategy 'yon a," ani ni Iryll.

"Duhh... Ako lang 'to oh, punyeta kasi 'tong mga Abyssus Beast na 'to e." Irap ni Janelle sa kawalan.

Makalipas ang ilan pang mga minuto, tila pa sasapit na ang hapon mula sa labas ng isla ngunit ni isa sa mga kasamahan ng grupo nila Noah ay wala pa ring nakukuhang mga balita. Nakailang pagbabakasakali na ang dalawang grupo na mag-antay sa mga sakaling sasagot ang grupo nila Noah ngunit lumipas na ang mahabang oras ay wala pa rin.

Sa tagal nga nang pag-aantay nila, muli na namang na pa sabak ang grupo sa mga labanan at buti na nga lang ay hindi sila ganoon napagod dahil sa tulong ng abilidad ni Iryll, kusang lumaban rin ang mga Abyssus Beast na na lagyan niya ng kanyang Pen Mark.

Samantala ang grupo naman nila Noah ay hinahabol ng sandamakmak na mga Abyssus Beast at dalawang mapanganib na kakaibang uri ng Abyssus Beast. Sa pagbabakasakaling maabot nila ang antas ng oras upang makuha agad ang solar orb, mas pinili ng grupo na puntahan na ang ibang kasamahan nila upang sa gayo'y hindi sila labis na mahirapan kaya naman kahit na labag sa kinagawian lalong lalo na sa magkapatid na Pollux at Noah na nakasanayan na ang pumatay at hindi tumakbo sa ano mang mga laban, ay ngayon ay ginawa nila, alang-alang sa misyon na dapat maisagawa ng maayos at hindi nagdudulot nang ano mang kapahamakan sa kahit na sinong kasamahan, tinanggap nila ang batikos nang dalawang kakaibang Abyssus Beast na tinatawag silang takot at hindi lumalaban.

Tila ramdam ng dalawang magkapatid ang kahihiyan dahil tanging pagtakbo na lang ang nagagawa nila. Ngunit sa lahat, higit na pala-isipan sa buong grupo kung ano ang susunod na magiging takbo ng kapalaran nila lalo na't napakaraming banta ang umiikot sa kanila ngayon.

Pare-parehong hagulgol sa oras, parehong iisa ang nararamdamang pagod, 'yan ang kasalukuyang kinatutugmaan nilang mga magkakaibigan sa isla.
_____

-KUMPARENGMILBEN

PokraÄŤovat ve ÄŤtenĂ­

Mohlo by se ti lĂ­bit

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...