🔥THE FIVE YEARS GAP (PART ON...

Galing kay AranixxVida

204K 34.3K 11.6K

AUSTIN CRUZ (THOR) "Nagkamali ka ng ginawa Ms. At hindi ko iyon palalagpasin." Muling napasinghap ang guro... Higit pa

DISCLAIMER
Prologue
kabanata 1
kabanata 2
kabanata 3
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 6
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
kabanata 14
kabanata 15
kabanata 16
kabanata 17
kabanata 18
kabanata 19
kabanata 20
kabanata 21
kabanata 22
kabanata 23
kabanata 24
kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
kabanata 29
kabanata 30
kabanata 31
kabanata 32
kabanata 33
kabanata 34
kabanata 35
kabanata 36
kabanata 37
kabanata 38
kabanata 39
kabanata 40
kabanata 41
kabanata 42
kabanata 43
kabanata 44
kabanata 45
kabanata 46
kabanata 47
kabanata 48
kabanata 49
kabanata 50
kabanata 51
kabanata 52
kabanata 53
kabanata 55
Authors Note
....

kabanata 54

3.1K 239 91
Galing kay AranixxVida


———————————————

Jane's POV

Nagsisimula nang gumabi nang tumigil ang sasakyan ni Austin sa harap ng bus terminal. Hindi ko alam kung paano bibitawan ang kamay niyang hawak-hawak ko. In a way, I am missing him now. Now that it sinks in, parang sobrang tagal ng isang buwan para mawalay sa kanya. Kita ko narin ang pagsakay ng mga pasahero sa nakatigil na naunang bus. Nakita ko ang number sa gilid non. That's my bus too.

Napahinga ako ng malalim. Well, this is it. Ngumiti ako at nag-angat ng tingin kay Austin na hangang ngayon ay diretso parin ang tingin sa harap. Natigilan ako dahil sa kanyang malayong tingin. Pakiramdam ko ang lalim ng kanyang iniisip. Hindi ko na kinuha ang kanyang atensyon. Parang gusto ko muna siyang titigan ng matagal nang hindi niya napapansin.

Ten minutes before the bus leaves, tsaka lamang siya natauhan at bumaling sa akin. I was smiling when our eyes met. Iyon lang unti-unti ring napawi nang wala akong makitang kalambotan sa kanyang mga mata. For a moment I feel like I was looking in the eyes of a different person. It's my first time feeling this kaya medyo nagtaka ako sa kabang umatake sa dibdib ko.

"Austin," tawag ko sa kanya at umangat ang kamay upang hawakan siya sa mukha.

Hindi nagbago ang nakikita kong lamig sa kanyang mga mata. Kalakip non ang isang tingin na tila kay sakit at malalim. It may sound crazy but I think he's trying to mask that feeling with his cold façade. At hindi ko lang maintindihan kung bakit.

"Mahal mo ako diba?"

Napalunok ako sa kakaibang kislap sa kanyang mga mata. He never has to second guess that because I am ready to give him everything. Every corner of my heart he has already taken. Madali lang sa akin ang sagotin siya sa tanong niya, sobrang dali pero bakit bigla akong kinakabahan sa kanya ngayon.

Isang busina mula sa bus ang nagpabalik sa tingin ko doon. Hindi nalipat sa iba ang mga mata ni Austin. Isinantabi ko ang anumang kakaibang nararamdaman at niyakap siya. Para akong nakahinga ng maluwag nang maramdaman ang pamilyar na init ng kanyang mga bisig. The warmth and security of his embrace is overwhelming to me.

"Anong klaseng tanong iyan syempre mahal kita. Mahal na mahal kita Austin..." mahina kong bulong sa kanya habang ninanamnam ang unti-unting paghigpit ng kanyang yakap.

Muling narinig ang busina mula sa bus para sa mga pasaherong hindi pa nakakasakay. Napapikit ako at ibinaon ang mukha sa didib niya. "Kailangan ko nang sumakay."

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya pero nang tuloyan na akong kumalas upang matignan siya madali lang niya akong napakawalan tila wala nang lakas. Kita ko ang paghawak ng isa niyang kamay sa manibela ng kotse niya at ang paghigpit ng kapit niya doon. Nagsilabasan ang ugat sa kanyang braso at kamay tila kulang na lang masira niya iyon dahil sa matinding pagpipigil. Napaawang ang bibig ko dahil sa pagkalito pero sa kabilang banda I know he probably feels frustrated now that I need to take that bus. This is the first time we will be apart from each other without personally seeing each other's face when we want to.

"Austin..." Hindi ko mapigilan ang malungkot dahil sa kanya. At ngayon parang naiiyak naman ako. I've been trying to make it feel okay. I mean, it's not like we won't see each other again. Is this really how it feels to be away from someone you're in love with? It's just a month and I know we won't miss each other that much if we keep ourselves busy. I'll be busy for my family and he will... he will be, busy talking to... me? Sinubukan kong seryosohin ang boses at umaktong normal. "Kakausapin kita ng madalas, itetext at tatawagan. At saka sigurado akong mamimiss din kita kaya huwag na huwag mong kakaligtaan ang mga tawag ko ah."

Ilang sandali niya akong tinitigan pero wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. Umiwas siya ng tingin at muling itinuon sa harap. Napabuga siya ng hangin at ilang beses na pinadaanan ng daliri ang kanyang buhok. Bumuntong-hininga narin ako at hinawakan ang kamay niya.

"Austin, alam mong pareho tayong mahihirapan dito kapag, ganyan ka." Ayaw kong ipakitang apektado rin ako. I have to act okay kasi wala pa man halos miss na miss ko narin siya. Masyadong malalim ang feelings namin para sa isa't-isa at naiintindihan ko iyon. It totally reminds me why I hated long distance relationships before. It was one of the reasons I moved here in the first place, because my first love was LDR. Kaya lang mas matindi ngayon kahit alam ko namang babalik din ako matapos ang apat na linggo.

"Hirap na 'ko," bulong niya. Napasinghap ako ng hangin habang pinagmamasadan ang unti-unting paglambot ng kanyang mukha. I was right, he was trying to mask it all...

Namasa ang mga mata ko ngunit pinilit kong ngumiti para hindi niya iyon mahalata. I was acting tough but deep inside I felt lonely. Napalunok ako nang mag-angat ng tingin sa kaniya.

"Alam ko..." hirap na hirap kong sabi at hinaplos siya sa mukha. Maniwala ka sa akin Austin, pareho lamang tayo. Pinigilan ko parin ang ipakitang malungkot dahil ayaw kong malaman niyang ganoon din ang aking nararamdaman.

Ilang sandali pa kaming nagkatitigan tila pinapawi ang anomang lungkot na namayani sa aming dalawa. Isang businang nagmula muli sa bus at pumikit na siya ng mariin. Siya na mismo ang humila sa akin palapit sa kanya at konti na lang maipit ako sa mahigpit niyang yakap. Aminin kong inasahan kong maninibago kami pareho pero hindi ko inasahang ganito pala ang pakiramdam. Ngayon lang sa oras na ito kung saan nakikita ko nang may parte sa kanya na ayaw din akong malayo sa kanya.

"Babe mag-iingat ka do'n. Aantayin ko'ng tawag mo. Palagi," aniya at hinalikan ako ng malalim sa labi. He cut it before I could I kiss him back. Awang pa ang mga labi ko nang maramdaman ko ang madiing halik niya sa aking noo bago binuksan ang sasakyan at mabilis na lumabas. Pinanood ko siyang inilabas ang maleta ko at siya na mismo ang lumapit sa konduktor ng bus upang tulongang mailagay iyon ng maayos sa lagayan ng mga bagahe.

Kinausap pa niya ang konduktor na tumango-tango sa kanya bago bumalik sa sasakyan. Binuksan niya ang pinto sa banda ko at agad na nagtama ang mga mata namin. Binasa niya ang kanyang labi at medyo dumungaw palapit sa akin. Tahimik akong suminghap at di agad nakagalaw ngunit binuksan lamang niya ang kanyang dashboard at may inilabas na maliit na puting paper bag doon.

"Paalis na 'yung bus. Gusto mo pa ba munang magbanyo babe?" Medyo napasimangot ako nang mapansin ang kaonting ngisi sa kanyang labi. There's a little shade in the way he asked it. Alam niyang matagal ako kapag nagpupunta sa comfort rooms at paalis na itong bus. Hindi naman ako naiihi kaya hindi na kailangan. Kinuha niya ang shoulder bag sa aking hita at hinawakan ang kamay ko upang alalayan akong bumaba.

"May sundo ka ba pagdating mo don? Ala-una na pagdating mo don babe. Ayaw kong nagtataxi ka lalo pa't mag-isa ka lang."

Ngumiti ako para panatagin siya. "Tinawagan ko na ang pamilya ko kahapon pa. Maghihintay ang kapatid ko at susunduin ako kapag nakarating na ako. Huwag kang mag-alala."

Tumango siya at inakbayan na ako bago naglakad papunta sa bus.

Pagkatapos kong maging kumportable sa aking upuan sa loob ng bus ay agad na itong umandar kasabay ng pagsasabi ng konduktor na aalis na kami. I feel like my heart is so heavy the moment we started to leave. Umangat ang aking kamay upang mahinang kumaway kay Austin na nanatiling nakapamulsa at nakasandal sa kotse niya habang nakatingin sa akin sa loob ng papaalis na pampasaherong bus.

_____________________________________________

Austin's POV

Titig na titig ako sa bus kahit matagal nang nawala 'yun sa paningin ko. Di ko magawang kumilos para 'kong nanghihina kahit pa gusto ko naring may mapagbuntonan ng bigat sa dibdib. Napangisi ako at pumasok sa sasakyan ko. Napasulyap ako sa kanina pa tumutunog na cellphone. Galing sa ermat ko na naman 'yun.

Kinuha ko na para sagotin.

"Masyado kayong nag-aalala. Papunta na 'ko."

Habang tumatagal nagiging emosyonal siya sa'kin. Medyo nag-aala narin ako kasi nakakasama sa kalusugan niya 'yun. Pero anong magagawa ko, 'di ko siya masisisi lalo na't mukhang may bago na naman siyang balitang nasagap at hindi niya iyon nagustohan. Ayaw ko din munang umuwi sa unit ngayon. Para 'kong di makahinga tsaka lahat ng sulok wala 'kong nakikita kundi si Jane. Ayaw ko munang mapag-isa.

"Uminom na muna kayo ng gamot. Pupuntahan kita ngayon."

Nadatnan ko ang doktor sa loob mismo ng silid nang makarating ako sa bahay. Pansamantala ko munag pinagmasdan ang nanay kong nakahiga. Medyo namumutla siya ngayon. Agad niya 'kong nakita sa gilid ng kanyang tingin. Tahimik akong naglakad palapit kasabay ng pagtayo ng doktor at tinanggal ang BP aparatu sa braso. Kita ko ring nakatayo sa gilid at mahinang nag-uusap si kuya Anton at ang asawa ng nanay ko.

"Noel. I need to talk to my sons alone please."

Kita ko ang pagdapo ng matalim na tingin sa akin ng kanyang asawa tila may bahid ng pagbabanta. Kumibot ang mga labi nito bago lumapit upang mahalikan sa noo si ermat. Tinaponan niya 'ko ng isa pang mariing tingin bago tuloyang lumabas ng silid kasabay ng doktor na nagsimula namang magpaliwanag sa kanya. Nang magsara ang pinto, humalukipkip ang kapatid ko nang maharap sa 'kin. Kunot-noo akong lumapit at hinalikan sa pisngi ang nanay namin bago pagod na naupo sa kalapit na upuan.

"I should have known. Sana lagi nalang akong nagkakaganito para madali kayong napapapunta rito. Kailangan ko lang palang magkasakit."

"Tsk, Ma." Ang marahan ngunit may di pagsang-ayong tugon ni kuya Anton.

Umikot ang mata ng nanay namin bago nagsimulang umangat. Mabilis akong umalalay sa kanya pero pinalo naman niya 'ko sa batok. "Lalo ka na."

T'ngina may sakit na't lahat-lahat may lakas pang manapok. Sumandal siya sa kama ng maayos bago kami sinenyasang maupo at makinig. Sumunod na lang din ako. Gusto ko lang naman siyang pagpahingahin. Kaya ako di nagpupunta kahit ilang beses siyang nangungulit kasi madalas mag-aaway lang kami. Hindi ako mapakali kapag nandito lang ako sa bahay at di nakakabuti sa kanya ang resulta ng mga pag-uusap namin na paulit-ulit lang din naman.

"Parang awa mo na Austin..." hinawakan niya ako sa kamay tapos tumingala siya sa 'kin.

"Ito na ba talaga ang gusto mo? Kaya kong tiisin ang lahat huwag ka lang malayo sa akin. I can't protect you in a place like that. I will worry about you so much. Wala akong ibang magagaw kundi ang mag-alala para sayo..."

Tumitig ako pababa at umiling sa kanya. Sa pagkakataong to parang gumaan ang pakiramdam ko nang unti-unti na siyang tumango. Hinaplos niya ang kamay ko sa kanyang pisngi at umiyak na naman. Hinila niya ako pababa at niyakap. Umiyak siya sa dibdib ko wala 'kong nagawa kundi yakapin siya pabalik.

"Mahal na mahal kita anak. Lagi kong ipagdarasal ang kaligtasan mo."

Sobrang liwanag ng buwan ngayon. Dumagdag pa ang ilaw na nangagaling sa malaking bahay kaya kahit nasa gilid kami ng swimming pool kitang-kita ko ang ilalim ng tubig. Nakaupo ako sa isang bangko habang nakayuko at parehong nakahawak sa ulo.

"Mas mabuting dito ka na magpalipas ng gabi. Makakatulong kay mama 'yun. Kailangan ko nang umalis." Tumayo si kuya Anton at tinapik ako sa braso bago naglakad palabas ng bakuran.

Napabuntong-hininga 'ko. Sa ilang araw na hindi ako mapakali at nakikipagtalo sa loob ko, hindi ko alam kung tama ang aking naging desisyon.

Isang oras mula nong biyahe ni babe nakailang tawag narin siya sa cellphone ko na diko muna sinasagot. Muli na namang tumunog ang telepono ko.

"Babe."

"Austin. Sabi mo aantayin mo akong tumawag..." medyo may tunog naiiyak. Tila batang nagtatampo na sabi niya sa kabilang linya.

Bumunotong-hininga 'ko. "Pasensya na. Gusto kong siguradohing nakaalis na talaga 'yung bus. Baka naibalik lang kita sa Maynila pag narinig ko ang boses mo. Ba't parang naiiyak ka?"

"Namimis na kita agad. Parang ayaw ko nang umuwi kung ganito namang naiiyak ako kapag naiisip kita. H-hindi ko mapigil-lan."

Tangina. Sa isang gabi, napaiyak ko ang dalawang importanteng babae sa buhay ko.

"Tahan na. Sorry, sa susunod sasagotin ko na ang mga tawag mo. Ako pa mismo tatawag sayo babe. Sasagotin ko anumang oras wag ka nang umiyak." Pag-aalo ko sa kanya.

"S-sigurado ka?"

Natawa ako. "Oo naman. Malakas ka yata sa'kin."

"S-sige tatawag ulit ako mamaya. Miss na miss na kita."

Kusang umangat ang gilid ng labi ko at nangingiti na naman ako mag-isa. "I love you."

"I love you. I love you. I love you." Sagot niya sa kabilang linya at may narinig pa akong kaonting tawa mula sa kanya. Napailing ako sabay halik sa telepono ko.

Umabot na naman ng ilang minutong nakamasid lang ako sa ilalim ng tubig. Habang nag-iisip mas lalong bumigat sa pakiramdam. Nakakapagod umaktong malakas pero tama si Anton. kailangan ko 'yun. kakailanganin ko 'yun. Sa linya ng propesyon na nais kong marating, hindi hinihikayat ang anomang nakakapagpalambot sa damdamin. Pinili ko 'to kaya kelangan kong panindigan.

"Kuya."

Napalingon ako sa likod. Kunot noo 'ko nang mamataan si Art na nakatayo don hawak ang malaking robot niya.

"Ba't gising ka pa?"

"Sabi kuya Anton dika daw aalis."

"Tsk malamig dito sa labas pasok ka na loob."

Naglakad siya at naupo pa sa tabi ko. Naiiling na lang akong muling itinuon ang atensyon sa tubig.

"Pinaiyak mo ang mama kuya."

"'Lam ko."

Bumuntonghininga 'ko bago sumandal sa likod ng bangko. Medyo sumulyap ako keh Art. Diko rin mapigilang mapangiti. Sobrang liit pero mahilig sa mga malalaking laruan. Ginulo ko na'ng buhok niya at inakbayan siya.

"Tsk lika nga rito. Art, pag umalis na ang kuya, alagaan mo si mama ha. Wag mo siyang papaiyakin gaya ng nagawa ko."

Tumango siya.

"Tsaka... pati narin ang ate Jane."

Tumingala siya sa'kin. Diko maikakailang pogi din 'tong kapatid ko. Maputi tsaka pretty boy ang dating kaya sigurado 'kong habolin to talaga ng chiks paglaki. Kaso nga lang pagka seryoso na gaya ngayon, parang nakikita ko ang sarili ko.

"Iyak ba'ng ate Jane?"

Napangisi 'ko. Himala yata mukhang nasa mood 'tong magseryoso. Ni hindi ko alam kung naiintindihan niya ang sitwasyon. Hahanap-hanapin ko'ng kakulitan nito.

"Patahanin mo siya para sa'kin. Kaya mo ba 'yun?"

Ngumuso siya sa'kin at niyakap ang laruan niya. "Oo kuya. Yoko umiiyak ang mama. Yoko din iiyak ang ate Jane."










🍁-Arane🍁

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

638K 11K 44
I wake up one morning with a man in front of me naked. Then I realized I gave myself to a stranger. Date started: January 2019 Date ended: October 20...
13.7K 1.4K 42
UNDER REVISION Sa isang malaking kompanya,pumasok si Azrianne bilang isa sa mga backup dancers sa kilalang groupo kung saan makikilala ni Azrianne s...
6.1K 300 45
#1; Chris Caleb Monteridge A man that good at handling things and a man that good at pretending... ----------------------------------------- ...
13.1K 280 22
HIRAM NA SANDALI (MY OFW BRIDE SERIES 2) Written by M.R.Galing TEASER EDLYN 'ELLYN' LACSE, isa sa limang magkakaibigang ofw. Umuwi siya ng Pilipinas...