Lascivious Series #4: Fumble...

By sachtych

473K 9.8K 499

Eos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglal... More

Hedone
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Hedone's Note
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 8

11.9K 279 36
By sachtych

Malayo pa lang ay tanong ko na agad na nagkakagulo sa labas ng inuupahan naming bahay. Nakita ko pa na umiiyak ang mga kapatid ko habang nagmamakaawa sa mga lalaking iyon.

Dali-dali akong lumapit sa mga kapatid ko at niyakap sila ng mahigpit.

"A-ate yung pinagkaka-utangan natin bigla na lang po sumugod sa bahay. B-bayaran na daw po natin yung utang natin sa kanila. A-ate natatakot po ako." umiiyak na sabi ni Nichola.

Napatingin naman ako kay Jaxon at nakita ko ang bahid ng lungkot sa mukha nito at pinipigilan maluha. Nangilid ang luha ko sa kinahihinatnan namin ngayon.

"Oh nandito ka na pala! Aba't lagpas na ang palugit ko sayo, Ineng! Bayaran mo na iyong natitira niyong balanse sa akin! 20,000 pa ang hindi niyo nababayaran!"

Nangunot naman ang noo ko sa matandang lalaki.

"Teka lang ho, Mang Pedro. Bakit naman po ata parang walang nabawas sa utang ko. Nakaka-limang libo na po ako sa hulog ko sa inyo at hindi naman po ako pumapalya sa paghulog. Nitong nakaraan lang ho na dalawang buwan."

"Hoy! May interest ang utang! Anong akala mo hiram lang to pero walang interest? Aba sineswerte ka naman ata! Punyeta ka, bayaran mo iyong utang mo bago matapos ang linggong to kung hindi sa kangkungan kayo pupulitin!"

"Pwede din naman kung kayo ng kapatid mong babae ang ipambabayad mo sa akin." malaswa itong tumingin sa amin kay Nichola at halos masuka ako sa tabas ng dila nito.

Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Nichola at pigil ang paghikbi. Akma naman na lalaban si Jaxon pero pinigilan ko siya. Paniguradong pagtutulungan ang kapatid ko ng mga alepores ng matandang to kapag nagkagulo.

Ayokong masaktan ang mga kapatid ko. Takot at galit na galit man ako ay pinigil ko ang sarili ko para hindi pa madamay ang mga kapatid ko.

"Babayaran ko po kayo ngayong linggo. Huwag ho kayong mag-alala. Basta patahimikin niyo lang po ang buhay namin at huwag niyo pong gagalawin ang mga kapatid ko. Hahanap po ako ng paraan para makabayad sa inyo." matigas na wika ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari sa inyo." tumawa pa siya ng malademonyo na lalong nagpadagdag ng galit ko.

Umalis na sila na tangay ang ilang kagamitan namin. Tanging mga damit, kutson at lamesa na lang ang itinira nila sa amin pero hindi man lang nabawasan ang utang ko sa kanila. Napakaganid ng mga hangal.

"Sorry." mahinang usal ko sa mga kapatid ko habang tulalang nakayuko sa sala.

"Hindi niyo sana to mararanasan kung nakapagtapos sana ako ng pag-aaral. Kung may matino sana akong trabaho. Kung hindi sana ako nangutang sa bastos na matandang iyon." nagsimula ng tumulo ang mga luha ko at napahikbi.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Malayo pa ang sahod at kung tutuusin kulang pa ang sasahurin ko para lang maipambayad sa utang.

Naramdaman ko naman ang mahigpit na yakap ng mga kapatid ko sa akin.

"Ate wala ka naman pong kasalanan. Hindi naman po natin ginusto na mangyari po 'to. Kaya natin to, tiwala lang po sa Diyos." wika ni Nichola na panay pa din ang paghikbi.

Nakatulala naman si Jaxon na wari ba na malalim ang iniisip. Kapag ganito ang kapatid ko, alam kong iniisip nito na gagawa siya ng paraan para sa amin at ayaw kong mangyari iyon. Ayokong maipit siya sa isang bagay na hindi dapat niya pinoproblema.

Napabuntong hininga ako at niyakap ang mga kapatid ko.

"Huwag kayong mag-alala may naisip na solusyon si Ate niyo. Makakabayad tayo ng utang kaya huwag na kayong mamroblema pa. Huwag niyo na maisipan pa na magtrabaho o humanap ng pambayad. Kakausapin ko sila Ate Habi niyo."

"Walang-wala din naman po sila, paano po tayo makakahiram sa kanila?" tanong ni Jaxon at nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Ano ka ba, may inooffer sila na tulong para sa pambayad ng utang natin. Kakausapin ko na lang sila. Kaya huwag na kayo mag-alala. Okay?" paninigurado ko sa kanila para hindi na sila mag-isip pa.

"Sigurado po ba kayo diyan, Ate? Pwede naman po ako humingi ng tulong muna sa mga kaibigan ko din." nag-aalalang tanong ni Jaxon.

"Oo, ano ka ba magiging ayos din ang lahat. Tiwala lang kaya huwag ka na manghiram pa sa mga kaibigan mo. Mahirap na at mga estudyante pa kayo, kailangan niyo ng pera para sa pag-aaral niyo."

"Opo, Ate."

Nginitian ko lang silang dalawa kahit kulang na lang ay tumalon ang puso ko sa pangamba na baka hindi ako makahanap ng paraan para mabayarang si Mang Pedro.

BAGSAK ang mga balikad ko habang papasok ng building. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip kung paano ba ang gagawin ko sa utang na 'di ko mabayaran.

Napakaganid kasi ng matanda na iyon. Natatakot pa ako para sa mga kapatid ko dahil sa mga banta ni Mang Pedro kahapon.

Sinabihan ko na lang ang kapatid kong si Jaxon na huwag silang maghihiwalay ni Nichola at susubukan kong makauwi agad. Ayoko pa sanang pumasok pero kinakailangan ko makahanap ng pambayad.

Naisip ko nga kung paano kaya kung sumayaw kaya ulit ako sa bahay aliwan. Doon panigurado ay makakahanap ako agad ng pera para sa utang pero naisip ko din na ayokong maging ganoon ang hanap buhay ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Lalim naman niyan, friend. Balon ba yan?" napalingon naman ako sa tabi ko at nakita ang ngumunguya pa ng bubble gum na si Habi.

"May problema ka na naman ano?" sumulpot naman ang lulugo-lugong si Adel.

"Si Mang Pedro kasi sumugod sa bahay kahapon at nilimas halos lahat ng gamit namin. Gusto niya na mabayaran ko na yung 20k na utang. Ni hindi nga nabawasan dahil sa laki ng interest. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bumalik kaya ako sa aliwan?"

Nanlaki ang mga mata nila at tinampal ang bibig ko.

"Sinasabi ko sayo, Eos! Huwag na huwag mong gagawin iyan naku talaga sinasabi ko sa iyo." gigil na wika ni Adel at kinurot pa ako sa tagiliran.

Napa-aray naman ako at nakangusong hinihimas ang bewang ko. Napaka-mapanakit talaga kahit kailan.

"Pahihiramin na muna kita. May 5k pa ako sa ipon ko. Pwede mo muna hiramin 'yun kahit paunti-unti mo na lang akong bayaran. Huwag ka lang bumalik sa impyerno na iyon jusko!" saad muli ni Adel at aamba pa na kurutin ako pero nagawa kong umiwas.

"Ako din! May 3k pa ako papautang ko din sayo. Hahanap din ako ng trusted na mauutangan natin ng 12k para makawala kayo sa gagong pedro bulok na 'yon." ngumunguya pa din na saad ni Habi.

"Nakakahiya man pero sige hihiramin ko muna. Kayo lang ang mapagkakatiwalaan ko e. Ayoko naman mangutang sa iba baka mamaya mas malala pa iyon. Napakalaki talaga ng utang na loob ko sa inyong dalawa."

"Naku! Wala iyon ano. Para saan pa ang ganda natin kung 'di tayo magtutulungan."

Pagkatapos namin magbihis ng uniporme ay dumiretso na agad kami sa mga nakaatas sa aming mga floor na lilinisin. Naiirita man dahil sa floor ulit ng lalaking iyon ang pwesto ko eh wala naman akong magagawa dahil trabaho ko ito.

Tahimik lang akong nagmo-mop nang may bigla na lang humawak sa balikat ko.

"Hayjusko! Mariang Ina!" napalingon ako at nakitang nakatayo doon si Zel at kunot ang noo.

"Who the fuck is Mariang Ina? Are you swearing at me?"

"Bakit naman kasi nanggugulat ka. Ni hindi ko nga narinig yung yabag ng paa mo e. Huwag naman po kayong lalapit na lang bigla ng ganon. Atsaka ano po bang kailangan niyo sa akin, Sir?"

Tumikhim naman ito na para bang hindi alam kung ano ang sasabihin niya.

"Follow me." 'yun lang at bigla na itong tumalikod at pumasok sa opisina niya.

Naguguluhan man at kinakabahan, binitawan ko muna ang mop na hawak ko sa gilid. Bahala na kung magalit ang head namin, iyong saltikin na may-ari naman ang nanggugulo sa pagtatrabaho ko.

Pagkapasok ko sa loob ng opisina niya ay prente lang siyang nakasandal sa table niya habang pinaglalaruan ang labi niya.

"I'll get straight to the point. I'll lend you some money if you need."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Pinasusundan mo pa din ba ako?"

Hindi ito sumagot at nanatili lang nakatayo sa harap ko. Unti-unti naman bumugso ang inis sa puso ko sa kaalamang hindi niya ko tinatantanan. Ilang beses ko ba ipapasok sa kokote ng lalaking ito na hindi ko kailangan ng pera niya.

"Mawalang galang na ho, Mr. Lambourne pero hindi na ho ata makatao iyang ginagawa niyo. Invasion of privacy na po iyan! Ilang beses ko po ba kailangan itatak sa isipan mo na hindi kita ka-" naputol ang sasabihin ko ng bigla itong humakbang ng mabilis papunta sa harapan ko at hinapit ako palapit sa kanya.

"I can't take it anymore."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang niya akong hinalikan at lalo pang humigpit ang pagkakakayapos niya sa akin.

Hindi ako tumutugon sa kanya at pilit siyang pinalalayo nang bigla niyang pigain ang pang-upo ko dahilan para mapasinghap ako.

Lalo niyang pinalalim ang paghalik niya sa akin at ipinasok sa bibig ko ang dila niya.

Inangat niya ako at pinakapit ang mga braso ko sa leeg niya. Hindi ko alam kung anong mahika ba ang meron ang mga halik niya at unti-unti na din akong nadala sa mga halik niya.

Hindi pinuputol ang paghahalikan namin ay ipinakapit niya ang mga binti ko sa beywang niya at narinig ko ang pag-click ng pinto sa likuran ko.

Napaungol ako ng pinisil niya ang pang-upo ko at lalo pang isinentro ang kaselanan ko sa kanya. Ramdam ko tuloy ang pagtigas ng alaga niya na lalong nagpaliyo sa akin.

Inihiga niya ako sa sofa at handa na sana siya buksan ang blusa ko nang may kumatok sa pintuan.

Para naman akong nagising sa mga pangyayari at dali-dali siyang itinulak paalis sa ibabaw ko.

"I'll fucking fire who ever he/she is!" galit na saad nito na halata ang pagkabitin.

Inayos ko ang sarili ko at mabilis na lumayo sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Sinenyasan niya akong pumunta sa gild.

Nagtataka man ay ginawa ko na lamang ang gusto niya. Binuksan niya ang pintuan kaya mas pinili kong sumiksik sa isang gilid.

"S-Sir pinapadala po pala to ni Boss-"

"You're fired." malamig na sagot nito at ibinalibag ang pinto at ni-lock ulit iyon.

Nanlaki ang mga mata ko at nanggagalaiting lumapit sa kanya.

"Bakit mo ginawa iyon?!"

"Because I own this company and I will fire anyone whoever interrupt and question me. Gusto mo bang sumunod sa kanya?"

Napalunok naman ako at naiinis na tinignan siya. Kailangan ko ng trabaho. Bakit ko naman siya kailangan kwestunin kung siya ang may-ari ng kompanyang to.

Hinaklit niya ang braso ko palapit sa kanya at nginisian ako.

"So, where did we stopped my little temptress?" kinagat pa nito ang labi niya bago kagatin ang labi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 31.2K 43
Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magula...
140K 4K 53
Warning SPG IF YOU'RE UNDER 18, DON'T READ THIS. THIS MIGHT CONTAIN SCENES NOT SUITABLE FOR YOUR AGE.
69.3K 1.8K 18
Unang pagkikita palang nina Cristina at Miguel ay nagmahalan kaagad sila, kahit pa mala-prinsesa ang dalaga at trabahador lang sa Hacienda nila ang b...
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...