How Many Heartbreaks?

By jiny0vng

13.6K 640 104

LOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
💖👋

Kabanata 26

306 12 1
By jiny0vng

Blake's POV

Maaga akong pumunta sa school para makapag- warm up. Papunta ako sa classroom nang makasalubong ko si Marie.

Nginitian ko siya pero dinedma lang ako. Kailan pa 'to naging snob?

''Teka.. Teka..'' Sabi ko sabay takbo ko sa may pinto na papasukan niya sabay harang.

''What?'' Mataray niyang tanong.

''Kailan ka pa naging sinungaling?'' Tanong ko dahil nakita ko siya kahapon na naglalakad sa kabila ng pag- alok namin sa kanya ni Drea na sumabay na lang. Tss.

''Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?'' Mataray niyang tanong.

''Sabi mo may sundo ka kahapon, pero nakita kita na naglalakad pauwi. Paki- explain nga.'' Sabi ko.

''Wow ha. Last time I checked kaibigan lang kita.. Kailan ka pa naging tatay ko para pagalitan ako ng ganyan?'' Tanong niya.

''Hindi yan ang tinatanong ko sa'yo. The point is bakit ka nagsinungaling? Or teka baka naman may problema ka sa akin?''

''What the? Kailan ka pa naging feeler? Malay ko bang hindi na pala ako masusundo. Duuuh? At saka ako? May problema sa'yo? Okay ka lang?'' Hindi ko alam kung binabaliktad ng babaeng 'to ang usapan eh.

''Para kasing ako yung pinapatamaan mo sa religion. Para lang naman. Seriously, Mars. Kung may problema ka sa akin sabihin mo huwag yung dinadaan mo sa mga mind games na yan. Damn girls.''

''Natamaan ka naman? Not my fault. Yan kasi ang mali sa'yo eh. Napaka- insensitive mo.'' Sabi niya sabay pasok sa room. Pero bago siya makapasok hinawakan ko siya sa braso niya..

''Paki- explain nga kung saang banda ako naging insensitive? Sa pagkakaalam ko, I'm still trying to reach out to you simula ng naging kami ni Drea pero hindi ko alam kung anong problema mo at nilalayuan mo ako.''

Tiningnan niya lang ako sa mata. Natigilan siya sa mga sinabi ko. May nasabi ba akong mali? Gusto ko lang naman bumalik na yung dating siya. Yung masiyahin. Yung palaban. Yung mataray na siya. Ay teka, mataray pa naman pala siya. Haha. Pero seryoso, naguguluhan ako sa mga inaakto niya.

''Wala ka kasing alam. Stop being so insensitive. And please, just.. Stay away from me. Okay?'' Tumulo yung luha niya. Oh shit. Ngayon kasalanan ko pa kung bakit siya umiyak.

''Mars, ano ba. Bakit naman kita lalayuan. Hindi ko yan magagawa.''

''Leave.'' Yan lang ang sinabi niya. Wow. May mararating talaga 'tong pag- uusap na 'to.

''Teka, sabihin mo nga.. Nagseselos ka ba?'' Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Siguro Oo.

''Okay. I'll take that as a yes. Sorry Mars. Sorry. I'm sorry for taking Drea away from you...'' Sabi ko.

Siguro nagseselos siya sa akin kasi palagi kong kasama si Drea. Sabagay kahit sinong bestfriend naman siguro magtatampo kapag walang nang oras sa kanila kaibigan nila.

Argh. Edi ako na insensitive.

''Sorry..''

Yan na lang ang nasabi ko bago ako lumabas sa room. Hay. Parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Dati close na close kami ng babae na yan. Anong nangyari ngayon? Siguro talaga naging sobrang possesive ako kay Drea kaya hindi na masyado nakakausap ni Marie bestfriend niya. Tanginang katangahan ko 'to.

xxx

''Yo!'' Tawag ko kay Jones. Saang lupalop kaya 'to galing?

''Sup?'' Sabay bounce.

''Saang lupalop ka galing? Di ko nakita kaluluwa mo ng ilang araw ah.'' Tanong ko.

''Sa tabi tabi lang. Haha. Biro lang. Nag- aaral ako. Marami na akong lessons na na- missed dahil sa mga practice natin.''

''Naks. Kailan ka pa naging grade conscious? Hahaha. Inspired? Psh.'' Natatawa kong tanong.

''Lul mo. Ikaw lang ba pwede maging inspired. Tss. Kumusta na kayo? Balita ko pwede ka na magdala ng kotse. Nice. Tara gala tayo ng tropa?''

''Huwag na. Mag- aral ka na lang. Hahaha. Gulo mo din eh. Pero oo, pinayagan ako ni Daddy. Himala nga eh.'' Sabi ko.

''Ayaw mo nun? Si Dad kasi ayaw akong payagan magdala. Tss. Baka daw kasi gimik lang ako ng gimik. Gawain niya siguro dati.''

''Mag- girlfriend ka na daw kasi!! Hahaha. Yun ang rason ni erpat kung bakit ako pinayagan magdala. Para daw mahatid ko na si Drea. Psh. Natatawa akong ewan eh.''

''Sus. Gusto mo naman? Ihatid sa bahay ah huwag sa kung saan saan dyan. Ehem. Hahaha. Pero uy, how's Marie?'' Sabi na nga ba eh. Hinihintay ko lang 'to magtanong.

''Gago. Ano kala mo sa akin virginity habol? Haha. Lul mo. Si Marie? Okay naman? Ewan. Bakit?''

''Okay naman? Bakit parang hindi ka sigurado? Haha.''

''Kasi naman parang may tinatagong galit sa akin. Ewan ko ba. Siguro masyado ko nang inaangkin si Drea. Alam mo na girl's things. Hindi niya na ata ma- solo si Drea. Hahaha. Hay.'' Sabi ko.

Girls. Tss.

''Possesive shit ka kasi. Siguro kapag naging kami ni Marie which is hindi ko alam kung mangyayari. Haha. Taena. Basta. Siguro magagalit din sa akin si Drea.''

''Sa tingin ko, Oo. Possesive ng mga babae sa mga bestfriend nila. Tss. Nung naging kami ba ni Drea, nagalit ka sa kanya?'' Tanong ko. Curious lang.

''Hindi naman. Kahit palagi kayong magkasama, okay lang. Syempre bestfriend kita, masaya ako para sa'yo.'' Sabi ni Jones.

''Teka.. Nasusuka ako sa ka- cheesyhan mong unggoy ka. Matauhan ka nga. Hahaha.'' Sabi ko. Seryosong seryoso kasi siyang magsabi na masaya siya para sa akin.

''Gago 'to. Totoo yun. Minsan kasi kailangan ko maging cheesy kasi nag- iisa ka na nga lang na bestfriend ko hindi ko pa ipapakita ko gaano kita ka- mahal.'' Sabi ng gago sabay kiss sa akin sa cheeks.

''Bwiset ka!! Huwag mo nga akong halikan. Kadiri eh. Bromance ampucha. Basta mahal kita. Alam mo yan kahit ta- tanga tanga ka. Labyu!'' Sabi ko sabay yapos sa kanya. Malamang yung panglalaki na yapos hindi yung pang- chix.

''Ehem. Ehem.''

''Ay anak ng.. Hi Drea! Hahaha. Magpapaliwanag kami.'' Sabi ni Jones.

''Babe, it's not what you think. Clingy shit kasi 'tong si Jones eh.'' Sabi ko.

''Bakla ka ba? Sabihin mo na ng maaga para hindi ako masaktan ng sobra. Hahaha. Biro lang. Okay lang yun no.'' Sabi niya. Yan naman gusto ko sa kanya eh. Marunong sumakay sa trip.

''Halika nga dito!'' Lumapit naman siya then I kissed her on her forehead.

''PDA. Tss.'' Bulong naman ng isa.

''Bitter naman 'to. Inggit ka? Gaya ka.'' Sabay pa naming sabi ni Drea. Natatawa na lang ako. Hahaha.

''Ako bitter? Asa. Tara nga pare. Practice muna tayo bago kayo maglandian. Hahaha. Biro lang. Pero seryoso, warm- up na tayo.'' Alok ni Jones.

Tiningnan ko si Drea. Tinanguan niya na lang ako. Go signal yun na okay lang siya. Edi tumakbo na ako sa field para mag- practice.

xxx

"BREAK MUNA GUYS!!!" Sigaw ko habang hinihingal.

Naupo muna ako sa bench at kinuha yung mineral water ko. First time ko makaramdam ng sobrang pagod.

''Tol, Okay ka lang?'' Tanong ni Lary.

''Ayos lang ako. Pahinga muna tayo.''

''Uy Blake! Ayos ka lang ba talaga? Namumutla ka ah!''

''Okay lang nga ako. Parang mga timang 'to. Napagod lang ako. CR muna ako.'' Sabi ko.

Teka. Ano 'to bakit biglang dumilim paningin ko?

xxx

''Yan kasi. Tatanga tanga eh.''

''Hay Nako. Blake Mariano. Tss.''

''Alam mo nakakainis ka. Sobra.''

''Ugh.''

Sino ba yang nagsasalita na yan? Kitang natutulog ang tao eh.

Humili ako sa kabilang dako ng kama para hindi marinig yang bulong nang bulong na yan.

Ang sarap matulog. Malamig. Ang lambot na kama.

Teka.. May kama.

Shit.

Nasaan ako?! Pagmulat ko nandito ako sa isang kwarto na puro puti.

Teka.. Ano bang nangyari kanina?

''Gising ka na pala.'' Isang pamilyar na boses ang narinig ko pagpihit ko.

''Oh. Bakit nandito ka? Bakit nandito ako?'' Tanong ko kay Marie.

''Hinimatay ka habang nagpa- practice.''

''Ha? Talaga?!'' Tanong ko. The f. Bakit ako hinimatay? Di ko namalayan yun ah.

''Ay hindi. Kakasabi ko lang. Paulit- ulit eh.''

''Chill. Nasaan si Drea?'' Tanong ko.

''Lumabas saglit. Bumili ng gamot mo. Huwag kang maraming tanong. Magpahinga ka nga. Kaya ka nawawalan ng malay eh.''

''Ahh. Ganon ba? Naabala ko pa kayo. Ilang oras na ba ako dito? At saka.. Bati na tayo? Kinakausap mo na ako eh! Yes!''

''Ssshhhhhh ..'' Sabi ng Head Nurse.

''Sorry po. Hehehehe.''

''Uy Mars!! Bati na tayo. Wahaha. Sorry na. Sorry kung nagseselos ka.''

Tiningnan niya lang ako. Parang nagulat siya sa sinabi ko.

''Sshh. Bago ka mag- react, patapusin mo muna ako. okay alam ko nagseselos ka sa akin. Masyado kong sinosolo bestfriend mo. Sorry na..'' Sabi ko.

Tiningnan ko siya. Isang shocked expression nanaman ang binigay niya sa akin. Napailing- iling na lang siya.

''Alam mo.. Ay nako. Huwag na. Mas mabuti nang yan ang paniwalaan mo.'' Yan na lang sinabi niya.

''Bakit ba kasi? Bakit ka ba kasi galit sa akin? Hindi ko alam kung galit ka talaga o pakiramdam ko lang yun. Uso ipaintindi.'' Sabi ko.

Ano ba kasing ipinuputok ng butsi nitong babae na 'to?

''Kahit naman sabihin ko walang mangyayari. Kalimutan mo na yun. Tapos na yun. Ang importante, okay ka na..''

''Sus. Concern na siya. Yeeeeeee. Bati na kami!!! Hahahaha.. Tatawa na yan.'' Pang- aasar ko.

''Ewan ko sa ----''

''Omg. Babe!! Gising ka na!'' Sigaw ni Drea nung nakita niya akong nakikipagtawanan na kay Marie.

''Makayakap naman 'to. Hindi ako na- coma. Relax lang Babe. Hahaha.'' Natatawa kong sabi kay Drea.

''Anong relax? Paano ako magre- relax eh nahimatay ka? Hindi ka kumain ano? Binilhan kita ng pagkain. Kumain ka ng madami!''

''Teka.. Teka.. Bakit ka umiiyak?'' Sabi ko sabay punas ng luha niya.

''Ikaw kasi. Langya. Natuwa lang ako kasi okay ka na. Akala ko kasi may malubhang sakit ka tapos tinatago mo lang sa akin..'' Sabi niya habang humihikbi.

Hay nako Andrea. Ganito ba talaga 'tong babae na 'to? Haha.

''Ano 'to wattpad? Angst masyado. Haha. I'm okay now. Huwag ka na umiyak dyan. Iba kasi naaalala ko kapag umiiyak ka eh.''

''Stop right there.. Eto na nga oh.. Tumatawa na ako.''

''Uh....... Um... Awkward na ako dito eh. Alis na muna ako?'' Paalam ni Marie.

''Mars, huwag muna. May foods akong binili.'' Alok ni Drea sa kanya.

''Oo nga, Marie. Dito ka muna. Matagal na tayong hindi nagkakasamang tatlo.'' Sabi ko.

''Huwag na. Baka maisturbo ko pa kayo. Haha. Ge. Alis na ako.''

- - -

''Alam mo hindi ko maintindihan yang kaibigan mo. Napaka- bipolar.'' Bulalas ko pagkalabas ni Marie sa clinic.

''Ha? Hindi naman. Okay naman siya ah?'' Sagot ni Drea habang kinakain yung soup na binili niya.

''Hind eh. Parang nag- iba siya. Naging cold siya. Ewan ko. Hindi ko ma- explain. Basta may iba.'' Sabi ko.

''Wala naman ah. Mataray siya. Yun pa rin. Hahaha.''

Napakibit balikat na lang ako. May iba talaga eh. O baka pakiramdam ko lang yun? Siguro nga kasi kanina, okay naman kami. Mood swings ampucha.

Tiningnan ko na lang si Drea. Kain ng kain. Pandigma ata bituka ng babae na 'to eh. Pero ang cute pa rin.

''What? Stop staring.'' Sabi niya nung nahuli niya akong nakatingin. Natawa na lang ako.

''Then stop being so beautiful.'' Sabi ko sabay tawa.

Nginitian niya lang ako. Nagpipigil pa ng kilig eh. Mga babae nga naman.

''Sabay na tayo uwi mamaya?'' Alok ko.

''Kailan ba tayo hindi nagsabay? Haha. May dala kang kotse?'' Tanong niya.

''Meron. Bakit?''

''Eh baka hindi ka makapag- drive ng maayos. Masama pakiramdam mo eh.'' Nag- aalala niyang sabi.

''Hindi ako sanay sa cheesy crap na mga letseng ewan na yan. Pero alam mo Babe, I'm so lucky to have you..''

''Ako din. Alam mo total opposite kayo ni Zico. Kasi siya hindi siya more on words...''

''More on actions? Psh.'' Sabi ko bigla. Haha. Hindi na nga siya man of words.. Man of actions pa kaya? Asa.

''Selos agad? Patapusin mo ako. Ang ibig kong sabihin.. Masyado kayong malayo sa isa't- isa. I mean magkaiba kayong dalawa magpakita ng affection.'' Sabi niya.

''Mas magaling ako? Alam ko. Saka mas gwapo ako dun uy.'' Sabi ko.

Nagseselos ba ako? Hindi.

Oo kaya.

Hindi nga eh. Bwiset.

''Selos. Tss. Hahahahahaha. Oo na! Tara na nga. May pasok pa tayo. Magwa- 1pm na.'' Alok niya sa akin.

Kinuha ko na mga gamit ko at nagpaalam na kami sa Head Nurse. Pero bago kami umalis may sinabi yung Head Nurse..

''Ang swerte mo sa girlfriend mo.''

''Told ya..'' Nagmamayabang na sabi ni Drea sa akin.

''Sigurado po ba kayo sa sinasabi niyo? Eh siya po ang swerte sa akin. Hahaha.'' Pabiro kong sabi.

''Ha ha ha. Kapal mo. Tara na nga. Ay! Thank you po pala, Mrs. Cervantes.'' Paalam ni Drea sabay higit sa akin. Nginitian ko na lang yung head nurse.

Pakiramdam ko may interes sa akin yung Nurse. Kinilabutan ako bigla eh. Hahaha.

xxx

1 message received

From : Coach

Mariano, balita ko nawala ka ng malay kanina? Nandito mga team mates mo sa office.

Nakakahiya kay Coach. Pakiramdam ko ang lampa ko para maging captain. Tsk. At anong ginagawa ng mga ugok na yun sa ganitong oras? Wala bang mga teachers yun?

Tinaas ko kamay ko para magpaalam kay Ma'am.

''Yes Mr. Mariano?''

''CR lang po Ma'am.'' Pagsisinungaling ko. Boring kasi eh. Mabuti pa magliwaliw sa labas.

''Okay. Be back as soon as possible.''

Kulang na lang mag- happy dance ako kaso naniwala siya eh. Woo. Certified sinungaling. Ako yan pagdating sa klase maliban na lang sa pag- ibig.

Tengene. Sagwa. Hahaha.

---

''Oh tol! Anong ginagawa mo dito?''

''Nice. Nakalabas ka na pala sa clinic.''

''Nandito na ang Chix.''

Sabay sabay na bulalas ng mga unggoy pagpasok ko sa office.

''Anong chix kayo dyan? Ako chix? Lul niyo.'' Sabi ko sabay higa sa sofa.

''Chix ka kaya. Alam mo ba kung paano ka dinala sa clinic nung nawalan ka ng malay?'' Tanong ni Gelo.

''Paano nga ba?'' Tanong ko. Napaisip ako dun ah.

''Bridal Style. Gago. Bigat mo eh.'' Biglang sigaw ni Jones.

''HAHAHAHAHAHA CHIX.'' Sabay sabay na tawa ng mga ugok.

''Punyeta. Weh? Nakaya mo ako?'' Tanong ko.

Ang bigat ko kaya. Hindi naman pwedeng si Jones lang nagbuhat sa akin.

Parang sagwa tingnan. Bwiset.

''Biro lang! Syempre, kumuha kami ng wheel chair sa clinic.'' Sabat ni Lary.

''Letse. Medyo naniwala ako dun. Ang sagwa tingnan kung totoo yun. Teka, bakit kayo nandito? May pasok ba kayo?'' Tanong ko.

''Ikaw dapat ang tanungin namin nyan. Bakit ka nandito?'' Tanong ni Noel.

''Satsat ng satsat si Ma'am. Wala akong maintindihan. Tapos nagtext si Coach na nandito kayo kaya pumunta ako dito.'' Sabi ko.

''Bad Ass. Magbago ka na nga. May girlfriend ka na ah.'' Sabi ni Gelo.

''Oo nga pare. Magbago ka na. Sus.'' Sabay na sabi ni Lary at Noel.

''Mga siraulo rin kayo eh. Ako lang ba ang bad ass? Anong tawag niyo sa sarili niyo? Saka ako lang ba ang may girlfriend? Kayo rin kaya!'' Sigaw ko. Nagtawanan na lang kami.

"Edi kayo na may love life!!!!! Letse." Biglang sabi ni Jones.

Nagkatinginan kaming apat. Halos bakas sa mga mukha namin na nagpipigil kami ng tawa. Hahaha.

"EDI MAGHANAP KA!!!!" Sigaw ni Noel.

Sumenyas sa amin si Jones na lumapit kami sa kanya. Edi kami naman syempre bilang masunurin at mabait na kaibigan lumapit.

Pagkatapos ng ilang segundong titigan nagsalita ang gago.

"Alam niyo kasi mga pare. ang pag- ibig hindi yan hinahanap. Kusa yang dumadating,''

 Medyo natahimik kami ng ilang minuto dun. May point naman si Jones kaso biglang umepal tong si Lary. Sumenyas na lumapit din kami sa kanya. Edi kami lumapit din.

"Edi wow." Pabulong na sabi ni Lary kay Jones habang nagpipigil ng tawa. Hahaha.

"Gago to. Panira ka ng moment." Sabay batok ni Jones kay Lary.

Nagtawanan na lang kami. Ang saya magkaroon ng mga kaibigan na maaasahan mo sa kabila ng kalokohan na dala nila.

"Ewan ko sainyo. Tsk tsk. Uwian na. Lagot ako kay Ma'am. Alis na ako mga pare. Bye labyu." Sabi ko at nagtungo na sa classroom.

Pagdating ko sa classroom halos kokonti na lang ang tao. Nasaan si Drea?

"Mars! Uy! Si Drea?" Tanong ko kay Marie na nagbubura ng mga sulat sa blackboard.

"Lumabas malamang. Wala nga dito diba?" Sagot niya sa akin na hindi man lang tumitingin.

Rude. Problema nanaman nito? Ako talaga nauubos na pasensya ko.

Pumunta ako sa harapan niya. "Problema mo?" Tanong ko. Siguro halata na ang inis sa boses ko.

"Gusto mo ba talaga malaman? Anong problema ko? Ikaw," Mataray niyang sagot sabay harap sa akin.

Ha? Ako? Paano naging ako?

"Anong ako? Bakit ako?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Yan. Yan ang problema sa'yo. Masyado kang walang alam. Gusto ki -----"

Naputol yung sasabihin ni Marie kasi biglang sumigaw si Drea.

"Hoy Mariano!!!! Kung saan saan kita hinanap nandito ka lang pala! Uwi na tayo? Ay wait. Nag- uusap pa kayo?" Tanong ni Drea habang papalit palit ng tingin sa amin ni Marie.

"Nagtanong lang siya kung anong ginawa nung umalis siya. Hehe." Sabi ni Marie.

"Ahh.. Oo. Tara na babe?" Alok ko kay Drea.

"Okay. Sabay ka na Mars?" Tanong ni Drea kay Marie.

Magdadahilan nanaman yang babae na yan. Pustahan.

"Nako. Huwag na. Ang dami pang linisin dito sa room. Una na kayo. Ingat." Pagtanggi ni Marie.

Nagkibit balikat na lang si Drea at naglakad na papunta sa labas ng pinto.

"Babe. hintayin mo ako sa parking lot. May hahanapin lang ako dito sa room. I'll be there in a heartbeat!" Sigaw ko kay Drea at tumango naman siya. Nung tuluyan na siyang nakaalis. humarap ako kay Marie.

"Patuloy mo sasabihin mo. Anong gusto ang sinasabi mo?" Nakataas na kilay kong sagot.

"Gu- gusto kitang patayin. Arrgggghhh. Ewan ko sa'yo. Kalimutan mo na nga 'tong shitty issues mo sa buhay." Sabi niya.

AKO PA TALAGA MAY ISSUE EH SIYA NGA HINDI NAMAMANSIN.

"Okay. If that's what you want. Fine. Kung ang ikaliligaya mo ay ang pag- snob sa akin? Okay. Challenge accepted." Sabi ko sabay kuha ng bag sa upuan ko at lumabas na sa classroom.

Edi huwag. Psh. F*** girls and their mood swings.

xxx

A/N : Matatagalan po ang next update. Haha. Salamat sa mga new readers!! I love you all <3

READ MY ONE SHOTS TOO. HIHI.

VOTE. COMMENT. SHARE.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...