Something New

由 cia_stories

73.5K 2.6K 234

Aurora Samantha King can get everything that she wants, her life is a constant cycle, formal gatherings, scho... 更多

Something New
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Epilogue
Author's Drama
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3

Twenty Five

1.2K 57 5
由 cia_stories

Nagising ako na tumitilaok na ang mga manok at sobrang sikat na ng araw, napakunot na lang ang noo ko at binitawan ang mahigpit kong pagkakakapit sa unan ko bago inilibot ang paningin.

I'm at Em-em's room, still wearing the same clothes I am wearing last night.

Last night, fork!

Napasapo na lang ako sa ulo as the pain started kicking in, I was indeed drunk huh?

But who put me to bed---

"Binabaliw mo ako Aurora."

"Gustong-gusto din kita at hindi ko na kayang pigilan pa."

"You mean it?"

"Oo, ikaw ang puno't dulo."

I gasped when everything about last night was starting to come back in my memory. Was it a dream or did it really happened?

Napasapo ako sa magkabilang pisngi ko dahil sa kilig na nararamdaman, does George Archival really like me????? For real??!!!

Napapalo na lang ako sa pisngi ko bago tumayo sa kama at inayos ang pinaghigaan, I grab my toiletries and my towel before going out, walang tao sa salla, baka nasa bakuran sila kaya hinayaan ko na lang muna. I took a bath because I smell like alcohol and I feel sticky because of sweat. Nevermind the headache, kinikilig pa rin ako. I'm just kidding! Iinom akong gamot mamaya.

Nang makabalik ako sa kwarto, nagpatuyo lang ako ng buhok and then I went out to find them because Em-em has no school today, all of us will stay in the house since it's weekend, ewan ko lang kay George at baka may trabaho.

Pigil akong napangiti dahil lang sa nabanggit ko ang pangalan nya, hindi ko na maalala yung ibang pinaggagagawa ko kagabi pero mas tumatak naman kasi sa akin yung sinabi nyang gusto nya din ako.

I really did ate my words about how I wouldn't like someone like George, because look where I am now, feeling giddy just because he said that he likes me too.


Nang makalabas ako, nakita ko silang dalawa ni Em-em na nagdidilig ng halaman, I put my hands behind my back and slowly walked near them both. Mga eight pa lang naman kasi, so I think it is safe to say na na-late din sila ng gising considering na ngayon pa lang sila nagdidilig ng halaman.


"Hi!" I said and both of them looked at me, nakita kong ngumiti lang ng bahagya si George bago pasimpleng bumalik sa ginagawa nito habang si Em-em naman ay lumapit sa akin at kinuha ang kamay ko.

Shy type talaga ang bibi ko. Joke! I will ask him later though, kasi hindi naman ako yung tipo ng babae na magpapahalik lang ng basta-basta sa isang taong hindi ko naman gusto. He was even my first kiss.

Minsan napapaisip ako, sana medyo may kaunting aggressiveness din si George ano? Parang ako pa ang mas lalaki sa aming dalawa eh. 

I am very vocal about my feelings ever since, kung hindi lang ako naturuan ng maaga, maybe I would even be the type to just blurt everything out. Napapailing na lang ako sa mga naiisip ko. 


"Ate, hindi ko po pala nabigay yung regalo ko kay Kuya kagabi." bulong sa akin ni Em-em na kaagad ko namang naintindihan.


"Ay oo nga no? Come on, let's get it." I said and we both went inside the house, kahit pa napakunot ang noo ni George sa pagtataka.

Pumasok ako sa kwarto para kuhanin yung birthday card na ginawa ni Em-em sa kuya nya, napatingin ako sa backpack ko kung saan ko itinago yung birthday gift ko din sa kanya sana na hindi ko din naibigay kahapon. 

Inilabas at pinatong ko yun sa kama at saka lumabas ng kwarto, magkausap na pala silang magkapatid sa may kusina kaya naghain na lang ako sa lamesa bago pasimpleng inabot kay Em-em yung card na ginawa nya. 

George then placed the late breakfast he cooked, eggs and tuyo saka fried rice. I made coffee for the both of us and water for Em-em before I sat on my usual seat. 

"Inumin mo'to pagkakain." sabi nya bago iniusod ang isang tablet for headaches.


"Thanks..." I said as I gave him a smile, he just cleared his throat before we started eating.

Pagtingin ko kay Em-em, hindi pa nya naibibigay yung card, mukhang nahihiya pa. So after we ate, I signalled Em-em to give it to his brother using my eyes, para yata kaming ewan ng bata na nag-uusap gamit ang mga mata na syang ikinakunot ng noo ni George.


"Ano yon? Gamitin ang bibig, wag mata." sabi nya sa amin na ikinatawa namin ng mahina ni Em-em, pero napatahimik din ako nang maalala ko yung sinabi ko kahapon kay Clarissa.

Oo nga naman, use the mouth kasi to speak! I laugh at that thought.


"Sige na Em, go on." I said and he nodded. Saka nya inilabas yung short bond paper sized na card na pinagtulungan naming gawin. 


"Para sayo po Kuya, happy birthday!" sabi ni Em-em na nakataas pa ang dalawang kamay, I chuckled at that.

Nakita kong napangiti si George nang kuhanin ang card na ginawa ni Em-em. It was a drawing of them both, tapos may kung anu-anong designs, may maikli syang letter para sa kuya nya na hindi ko na masyadong binasa because I think I will be invading too much kung pati yon ay babasahin ko pa.

"Salamat Mikko, at kailan mo naman 'to ginawa?" 

Ginulo nya ang buhok ng kapatid habang nakangiti at hinayaan ko na muna silang magkwentuhan at ako na ang nag-urong ng pinagkainan. Ako na din ang nagsimulang maghugas ng pinggan habang nakikinig lang ako sa kwentuhan nilang magkapatid.


"Nung isang isang isang araw po kuya! Tinulungan ako ni Ate Aurora!" natawa na lang ako ng mahina habang naiiling, ang daming isang araw ni Em-em.


"Ang dami mo namang isang araw." biro ni George sa kapatid at nang silipin ko sila, ngumuso si Em-em bago lumuhod sa kinauupuan nya para masilip nya din yung ginawa nyang card.


"Basta kuya, dinrawing kita dito. Nakangiti ka na oh, tapos, tapos dito ako, tapos si nanay yung nasa maliit na heart." nagtama ang mga tingin namin ni George pero ngumiti lang ako bago bumalik sa ginagawa ko.


"Tapos nandito din si Ate Aurora..." dagdag ni Em-em, my heart melted with that.

Kaya magana kong tinapos ang paglilinis at nang matapos ako, nagulat ako nang si George na lang ang nandoon sa may dining table. Nakapangalumbaba sya habang nakatingin sa akin na ikinapula yata ng mga pisngi ko.

Ba't kailangan may pagtitig? Huwag syang ganyan at kinikilig ako nakuu!

I just pretended that everything's normal though.


"Si Em-em? Biglang nawala?" takang tanong ko.


"Nagpaalam na maglalaro kasama si Buboy." sabi nya at tumango naman ako. Akmang tatayo sya pero pinigilan ko.


"Wait, dyan ka lang, I need to get something." sabi ko at hindi ko na sya pinasagot, pumasok na ulit ako sa kwarto at kinuha yung regalo ko sa kanya.

Pagbalik ko nasa may kahoy na salla set na sya nakaupo, sa mahabang silya na pang-tatluhan. I went there instead and sat beside him.

"Kagabi ko dapat yan ibibigay sayo but I guess, I was too crazy yesterday, so yeah." sabi ko bago inilapag sa harapan nya yung pa-square na binalot ko sa paper wrapper.


"Ano 'to? Hindi mo naman kailang---"


"Buksan mo muna kaya." pagputol ko sa kanya na ikinabuntong hininga nya bago ako binigyan ng maliit na ngiti.

I waited for his reaction as he opened the gift, napatingin sya agad sa akin nang makita nya yung laman na parang hindi nya inaasahan yung laman.


"Nabasag mo kasi yan before, saka alam ko namang ayaw mo ng kung anu-ano. Ayan na lang naisip ko, I fixed it for you, pinalitan ko yung frame." I said and smiled kasi baka hindi nya pala gusto yung ginawa ko, tapos, ay basta, when it comes to George Archival, I am always nervous, I am always scared to fail because I might disappoint him and end up losing him.

Ganito na ba talaga kalala ang pagkagusto ko sa kanya?


"....Itong sulat?" tanong nya sabay taas ng bahagya sa maliit na envelope na kasama ng picture frame.


"Uhhm...I was...I was planning to confess to you using that letter that I....that I like you." may hiya pa pala talaga ako, kasi sa sobrang hiyang nararamdaman ko, napatakip ako sa mukha gamit ang dalawang kamay.


Iba pala ang impact kapag on the height of emotions, or kapag lasing ka, at etong perfectly aware ako sa lahat.

"Ano bang laman nitong sulat na'to, teka babasahin---"


"Hey! No need! I mean later na lang kapag wala na ako sa tabi mo." sabi ko sabay pigil sa kanya at nagulat ako nang tumatawa nyang inilayo ang kamay nya na kahit magkalapit lang kami at parehas nakaupo, hindi ko pa rin maabot.


"Bakit? Bigay mo sa akin to ah? Dapat lang basahin ko."  sabi pa nya and I even held his shoulder so I can grab the letter on his other hand. Nahihiya na ako!


"No! Later na nga lang! Or better yet, wag na, akin na yan. Joke lang pala na kasama yan sa regalo ko!" angal ko na nakasimangot na kasi hindi ko talaga maabot.


"Hindi, wala ng bawian. Akin na to--"


"George Archival!" I squealed when I landed on top of him.

Parehas kaming napatigil, he was just staring at my eyes that made me stared back at him too. I really like his eyes, but I like his lips more that I can still describe how it felt like when I kissed him last night and how he invaded mine with his.

That even though we're both drunk, his kiss was like telling me that what I felt was reciprocated by him. That he feels the same way.

Nagulat ako nang ibaba nya ang kamay nyang may hawak ng sulat ko, but instead of giving it to me, he wrapped his arms around my shoulders, hugging me while all I could do was to lay both of my hands on his chest, his cheek leaning on my head.


"Salamat Aurora..." bulong nya nang tumingin sa akin saglit. I smiled and my heart was just beating erratically, the same beat as his heart. I know, because I can feel it in my palms.

Mas lalo pa yatang lumakas ang tibok ng puso ko kasabay ng pamumula ng pisngi nang halikan nya ang noo ko, tumagal doon ang mga labi nya hanggang sa tuluyan syang humiga, dala-dala ako dahil yakap nya ako ng mahigpit. 

Now my nose was close to the side of his neck and he was like hiding his face through my hair but I didn't mind, I wanted to be this close to him, just feeling his warmth against mine.


"Akala ko tuluyan ko ng nasira, salamat. Hinahanap ko 'to ilang araw na, akala ko nawala ko na talaga." nag-angat ako ng tingin nang magsalita sya, now he was looking dearly to the picture of them three na syang pinalitan ko ng frame.


"Nag-iisa na lang tong kopya kaya hindi ko alam ang gagawin kung mawawala nga to. Ito na lang ang meron kami ni Mikko, ito na lang yung palatandaan na meron kaming nanay, lalo na sa kapatid ko." sabi nya habang may malungkot na ngiti.

I smiled at him and kiss his cheek before hugging his waist.

"Kakatapos lang ng birthday mo, cheer up na. Saka nandito din ako, sina Tay Eman, maraming nagmamahal sa inyong magkapatid." sabi ko pero matipid lang syang ngumiti.


"Kung pwede lang na dito ka na lang panghabang-buhay, pero alam kong aalis ka din Aurora." sabi nya na ikinatigil ko. 


"Hindi naman porke't uuwi na ako sa amin, hindi na ako babalik dito. Bibisita ako palagi, saka nandito ka, o kahit nasaan ka pa, pupuntahan at pupuntahan kita, kayo." sabi ko pero ngumiti lang sya ng tipid na tila napakahirap paniwalaan ng sinabi ko.


I can't actually blame him, because I have a hint to why it was so hard for him to trust my words.


"Are you afraid that I'll be just like your father?" I asked after awhile and I heard him sigh.


"Simula pa lang, pawala-wala na yung tatay ko, palaging sinasabi ni nanay na dahil iyon sa trabaho ni papa. Pero tinitingala ko sya noon, kasi naiintindihan ko naman na para sa kinabukasan namin kaya nya ginagawa yon.."


"Noong ten years old ako, sinabi nya sa akin na aalis lang sya saglit, babalik din sya sa susunod na buwan, na alagaan ko daw si nanay ng mabuti at pati na din itong bahay na ipinatayo nya para sa amin. Umasa ako na babalik sya, pero lumipas ang ilang buwan hanggang sa naging taon, hindi sya bumalik."

I can feel the hatred and hurt in his voice as he tells his story kahit pa parang normal lang syang nagsasalita. But I like him enough to be sensitive and aware of everything about him. Sa maikling panahon na nakasama ko silang magkapatid, nakilala ko din sila, George's eyes are screaming in pain, like a lost little boy that is starting to get angry.

I can't imagine a little George waiting by the door every day for his father to come home. Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako, malaman pa kayang totoong nangyari iyon sa kanya?


"Si nanay ang nagpaaral sa akin hanggang sa naisipan nya akong dalhin sa kabilang bayan kung saan maraming eskwelahan sa kolehiyo. Galit na galit ako kay papa dahil basta na lang nya kami iniwan ng walang pasabi, ang nanay ko ang nagpakahirap na itaguyod ako dahil gusto nyang makapagtapos ako sa maayos na eskwelahan.."


"Hanggang sa umuwi ako minsan, nagulat na lang ako na bumalik pala si papa, tatlong buwan syang namalagi sa bahay namin ng hindi ko alam. Saktong uwi ko noon ay ang pag-alis nya ulit pero hindi ko sya pinansin. Bakit pa sya babalik? Marami nang taon syang pinalipas? Hindi na namin sya kailangan pero parati syang tinatanggap ni nanay..."


"Kasi mahal nya..." komento ko.


"Kasi mahal nya..." tumango sya doon kahit nahihirapan naman ang loob nya, "...pero may isip na ako noon, hindi din nakakaligtas sa pandinig ko ang tsismis na baka daw kabit si nanay. Pagkabalik ko sa eskwelahan, imbes na pumasok, nanghiram ako ng pera sa kaklase ko para makaluwas ng Maynila, hinanap ko sya sa abot ng makakaya ko at sana pala hindi ko na lang ginawa. Totoo ngang may iba syang pamilya, ginawa nya lang kabit ang nanay ko at ano ako? Isang bastardo." tiim-bagang na sabi nya at wala akong nagawa kundi hawakan ang kumuyom nyang kamao na kanina lang ay nakayakap sa braso ko.


I felt him calmed down as he held my hand tightly too.


"Nakaka-g*go lang, hindi ko alam kung kanino mas magagalit sa kanilang dalawa na magulang ko, pagkauwi ko noon ulit sa bahay para sana ibalita kay nanay ang nalaman ko, at tanungin sya kung alam ba nya ang totoong pagkatao ng tatay ko. Saka ko pa nalamang buntis sya kay Mikko." 


"Hindi sya isang simpleng nagtatrabaho lang sa opisina katulad ng sinasabi ni nanay, iba ang nakita ng mga mata ko ng puntahan ko sya. May anak at pamilya sya sa lungsod at ginawa nyang kabit ang nanay ko ng hindi nito alam."  


"How about your father's family? Alam ba nila ang existance nyo sa buhay ng tatay nyo?" I asked and I think that question made him more angry. 


"Alam na nila dati pa man, kabwanan na ni nanay noong puntahan nila kami ng totoong asawa at anak ng tatay ko. Pinagsalitaan nila ng kung anu-ano si nanay, hinagisan ng pera para daw ipalaglag na lang ang bata kundi ay magiging panibagong bastardo lang ng asawa nya ang bata. Doon nalaman ni nanay ang lahat, dinamdam nya yon hanggang sa napaanak sya ng hindi oras."


"Walang-wala kami noon, may edad na din noon si nanay kaya nahirapan sya sa panganganak kay Mikko na kinailangan syang operahan, ayaw kong gamitin ang perang basta na lang nila pinakawalan, galit na galit ako noon sa nangyayari sa amin, kay nanay. Pero pinakiusapan nya akong iligtas si Mikko kahit na anong mangyari kaya wala akong nagawa kundi gamitin ang perang ibinigay nila."


"They both survived right? Because you are all here." I said as I look at the picture we're both holding.

Mapait na napangiti si George bago tumango, may umalpas na luha sa isa nyang mata na kaagad kong tinuyo gamit ang isang kamay. Now I don't know if it was a good idea that I asked about his father, ayokong nakikita syang ganito kalungkot, ganitong nasasaktan.

He smiled at me and kissed my head before answering.


"Dala-dala ni nanay yung konsensya, tingin nya ay nakasira sya ng pamilya kahit na wala talaga syang alam sa mga kasinungalingan ng tatay ko. Akala ko okay na ang lahat dahil ngumingiti na sya, inaalagaan nya si Mikko dito habang pinilit nya akong magpatuloy sa pag-aaral ko. Pero hinihintay lang pala nya ang graduation ko."


"Iyan ang huling kuha saming tatlo, kasi matapos ang ilang araw, nakita ko na lang syang hindi na humihinga sa kama habang umiiyak si Mikko sa tabi nya." I hugged him tighter because of what I heard, pati ako nasasaktan para sa kanilang magkapatid.


"Sinugod namin sya ni Tay Eman sa ospital, pero wala na, huli na kami. Ang sabi heart attack daw, stress, hindi ko na masyadong maintindihan ang mga sinasabi ng doktor dahil para akong nabingi ng mga oras na yon. Kaming dalawa na lang ni Mikko, wala na si nanay at kami na lang dalawa ni Mikko. Paulit-ulit yon sa isip ko noong mga panahong iyon. Kaya pala todo-habilin sya noon, na alagaan ko si Mikko, huwag kong pababayaan si Mikko, na mahal na mahal nya kaming dalawa ni Mikko." 


I just acted upon my intuition, nakahiga na kaming dalawa patagilid at magkaharap sa isa't-isa, umangat ako ng kaunti so I can hug him tight and he buried his face on my neck, ramdam ko ang tahimik nyang paghinga habang mahigpit din ang yakap nya sa akin. Hinaplos ko ang likod nya ng paulit-ulit habang nakahawak ang isa kong kamay sa batok at buhok nya ng pabalik-balik.


"I am sure wherever your mother is right now, she loves you dearly and she's very proud of you George. You are raising Em-em so well, on your own. Mahal na mahal ka ni Em-em, nandito din ako, sina Tay Eman. Hindi na lang kayong dalawa okay?" I whispered in his ear and I let him go when his arms loosen up.

Tinignan nya ako ng mariin, na tila kinakabisado nya ang buong mukha ko.


"Gustung-gusto kita Aurora..." He said while his eyes are closed, ako na ang yumuko para pagdikitin ang noo naming dalawa na ikinamulat nya ng mga mata kaya nagtama ang tingin naming dalawa.


"The feeling is mutual." I said as I gave him a smile. Binigyan nya din ako ng maliit na ngiti at tila naintindihan ko na kung anong iniisip nya.


"Your father and I are different George, ano man ang mangyari, hangga't magkahawak ang mga kamay nating dalawa. Hangga't gusto mo ako sa tabi mo, hindi ako bibitaw." I said as I held his right cheek.


"Napapaisip tuloy ako kung karapat-dapat ba ako para sayo." he whispered and I can feel his anxiousness about this, about us. But I just smiled and kiss the tip of his nose.


"I'm sure you are." I giggled that made him smile.


________________________________

#unedited.

繼續閱讀

You'll Also Like

1.9M 87.5K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
1.3M 26.6K 47
[ Stanford Series #1] [FIN] She tends to forget a lot of things. She often forgets locking her unit. She forgets doing her grocery. She forgets her f...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
2M 71.6K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...