Class 1-A

classicbluepink

304K 14.1K 1.4K

At Royal International High School, where luxury and extravagance reign supreme, section 1-A is the envy of a... Еще

Sulat ng May-akda
Synopsis
1
❤️chapter 2❤️
❤️chapter 3❤️
❤️ chapter 4❤️
❤️chapter 5❤️
❤️chapter 6❤️
❤️chapter 7❤️
❤️ chapter 8❤️
❤️chapter 9❤️
❤️chapter 10❤️
❤️chapter 11❤️
❤️ chapter 12❤️
❤️chapter 13❤️
❤️chapter 14❤️
❤️chapter 15❤️
❤️ chapter 16❤️
❤️ chapter 17❤️
❤️chapter 18❤️
❤️ chapter 19❤️
❤️chapter 20❤️
❤️chapter 21❤️
❤️ chapter 22❤️
❤️chapter 23❤️
❤️chapter 24❤️
❤️chapter 25❤️
❤️chapter 26❤️
❤️chapter 27❤️
❤️chapter 28❤️
❤️chapter 29❤️
❤️chapter 30❤️
❤️chapter 31❤️
❤️ chapter 33❤️
❤️chapter 34❤️
❤️ chapter 35❤️
❤️ chapter 36❤️
❤️chapter 37❤️
❤️chapter 38❤️
❤️chapter 39❤️
40
❤️Epilogue❤️
❤️Book 2!❤️

❤️ chapter 32❤️

5.2K 300 19
classicbluepink

Spade vs. Yuwence

Fia pov,

"Practice muna tayo!"

Sigaw ni Khanz ng niluluto pa ng iba ang mango pie. May nag-titimpla narin ng juice. Strawberry, pineapple, at orange juice.

Nasa bahay na kami nila Francis ngayon, buti nalang wala dito ang magulang niya.

Luminya agad ako sa harap at sumunod naman si Ace. Rumampa kami, ngumiti at kumaway, may introduction rin. Kingina lang! Gusto ng gagong Khanz na Ito perfect kaya kanina pa kami nag paulit ulit sa pag rampa. Kapagod!

"Perfect na! Job well done guys!" Sigaw ni Khanz.

Umupo agad ako sa sofa. Lechugas, kapagod yung ginawa namin.

"Tikman niyo kung okay na'to." Nilahad sa'kin ni Adones ang isang strawberry juice samantalang pineapple juice kay Ace at orange juice kay Khanz.

Sumimsim ako. "Hmmm. Sarap, sino nag timpla nito?"

Ngumiti naman si Adones. "Si Micco, Jack, Carl, at Thor."

Lumingon ako kay Khanz ng ibuga niya ang orange juice, "Damn! It's taste sour!"

Ngumiwi naman si Kev na galing kusina, naka black apron pa Ito at may pawis sa noo. Siya ang nagluluto ng pie sila nila Ace, at Lawrence.

"Maasim?" Tanong ni Kev.

"Sino nag-timpla?" Kumunot ang noo ni Khanz.

"Sila Micco rin." Sumulpot rin si Lawrence.

Naglakad si Khanz papunta sa kusina at sumunod naman sa kaniya si Kev, Lawrence at Adones. Kami ni Ace nalang ang andito.

"Masarap ba ang juice?" Tanong ko.

"Oo, kayo na ba ni Yuwence?" Tanong niya habang nag-pupunas ng pawis.

Namilog ang mata ko sa tanong niya. "Hindi!"

"Kalma,"

"Kalmado naman ako ah!"

"Sumigaw ka kaya,"

Bumukas ang pinto at pumasok sila Spade, Alex at ang iba pang ugok. Galing sila sa school gumawa ng dalawang booth.

"Tapos na ang booth?" Tanong ni Khanz.

"Oo," sagot ni Xharles.

"Luto na ba ang pie?" Tanong ni Jin.

"Hindi pa," umiling ako.

"How about the juice?" Nag iwas ako ng tingin ng tanggalin ni Spade ang t-shirt niya.

Tumaas ang kabila kong kilay, "Hindi niluluto ang juice, tinitimpla yun, tanga-tanga." Umirap pa'ko.

Hindi pa tayo bati che! Kahit binigyan mo pa'ko ng cupcakes.

"Tss,"

Humagalpak ng tawa si Glenn, "Kaya pala medyo pangit yung booth an ginawa namin kasi may LQ kayo ni Spade. Ayun walang inspirasyon ang gago."

"Kami ni Althea pag may Quarrel, nag uusap kami ng matino."

"Gago!" Sigaw ko sa kanilang lahat.

Umirap ako ng nakitang nakangising aso ang Hari ng mga ugok.

"Punta kayo sa kusina, luto na ang pie!" Sigaw ni Kev.

Agad naman nag-sitakbuhan ang mga ugok. Kami nalang ni Spade ang andito.

"Are you mad?" Tanong niya.

"Ano sa tingin mo?"

"You eat all the cupcakes I brought."

"Hindi mo niluto yun? Sabagay, talent mong sunugin ang kusina."

"I don't know how to cook but it doesn't mean I can't learn how."

"Eh, bakit hindi ka nag-aral mag-luto?"

"Maybe next time if I've already have a girlfriend."

Napa-isip tuloy ako. Ipag luluto ni Spade si Fidget ta's kakain sila ng sunog na niluto ni Spade ta's mag-aaway sila dahil doon---

"Bwahahahahaha..."

Kumunot ang noo niya, "Why are you laughing?"

"Naisip ko lang, na kapag naging kayo ni Fidget---"

"Tss, she's not my type,"

"Kunwari ka pa eh!"

"Tsss. Purket may gusto ka pa sa ex mo..."

"Eh ano naman ngayon kung may gusto pa'ko kay Yuwence---" napatakip ako ng bibig ko. Slight lang naman.

"What the fuck?! May gusto ka parin sa ex mo???"

"O-oo nga...ku-kulit. Unti l-lang na-naman."

"I can't believe this, hinayaan mo'kong halikan---"

"Ano bang pinag-sasabi mo? Hindi ako nagpahalik sayo. Leche! At Isa pa, wala kang gusto sa'kin kaya quits lang!"

"You don't like me? Even a bit?"

"Kingina! Paulit-ulit?!"

"I kiss you 'coz I thought you like me."

"Ay potaa! Wala akong sinabi na may gusto ako sayo! Masyado kang mayabang! Akala mo lahat ng babae may gusto sayo---"

"Bakit, hindi ba?"

"Hindi!"

"You will fall in my arms. Not now but soon."

♥♥♥

Nag-spray ako ng kunting pabango at inipit ng buo ang buhok ko. Naglagay din ako ng dalawang hairpin.

Tiningnan ko sa salamin ang suot ko. Black high waisted jean, yellow t-shirt at white shoes.

Ngayon na ang first day ng festival namin, mag titinda kami ngayong 9:00 am ng juice at pie sa booth namin. Nauna na si Ace, khanz at Spade sa school para ayusin ang pagkalagay ng pagkain sa booth namin.

Kinuha ko ang bagpack at ni-lock ang pinto ng kwarto ko.

"Saan ka pupunta?"

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Yuwence. Naka t-shirt at sweatshorts siya at pinupunasan ng tuwalya ang buhok niya.

"First day ng festival namin ngayon,"

"Hmmm," tiningnan niya ang wrist watch niya. "May photoshoot ako ngayong umaga, maybe sa hapon ako makakapunta sa school niyo."

Inikutan ko siya ng mata, "hindi ko naman sinabi na pumunta ka sa school ah!"

Ngumiti siya, "Yeah, I know. Mamasyal ako sa school niyo, puwede naman doon ang mga outsider since it was a school festival."

"Potaaa! Basta 'wag ka lang sa'kin lalapit."

"Why?"

"Leche! Makinig ka nalang."

"Okay,"

Tinalikuran ko siya at naglakad na pababa ng baitang.

*Beep beep beep

Narinig ko ang busina ng bus ng mga ugok kaya dali-dali akong lumabas ng pinto at pumasok sa bus.

"Good morning everyone!" Bati ko sa kanilang lahat.

"Morning fia!"

"Morning Mimi!"

"Good mood ka ngayon ah!"

"Blooming si fia ngayon,"

"Blooming kasi sa bahay niya natutulog ang ex niya,"

Inikutan ko bg mata si Thor. Ang aga-aga walangya! Naninira ng mood.

"'wag niyo kasing galitin."

Umupo ako sa tabi ni Alex, sa tabing upuan niya nalang kasi ang bakante. Ang awkward tuloy, naalala ko yung umamin siya sa'kin na may gusto siya sa'kin---

Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ka dapat nag iisip ng ganun fia! Lasing lang siya nung gabung iyon kaya ano-ano ang sinasabi niya.

"Morning," nginitian ako ni Alex. Naka contact lens na talaga siya.

"Morning." Bati ko pabalik.

Ngumisi siya, "You smell sweet."

"Uuhh.... hehehe..." Kingina sa awkward.

Habang nag-babyahe kami patungong RIHS, ni discuss ni Lawrence ang gagawin namin sa buong festival day. Kailangan dalawang gabi kaming matutulog sa bahay ng Royal Kings kuno.

Dinala ko na kahapon ang mga damit, toothbrush at kung ano-ano pa sa bahay nila ganun din ang mga ugok. 'di halatang excited.

Ito'ng bus rin ang gagamitin namin. Sinadyang bilhin Ito ni Spade para sa aming  section 1-A. Tangina sa yaman ang hari ng mga ugok!

"... maliwanag ba?" Tanong ni Lawrence tungkol sa sinatsat niya kanina.

"Maliwanag pa sa sikat ng araw."

"Maliwanag, boss!"

Tumango lang ako. Huminto ang bus at ako ang unang lumabas. Ayokong maki-sabay sa kanila sa paglalakad. Baka dumugin lang ako ng fans nila. Kingina lang!

Dumeretso ako sa open field. Alas-otso palang pero marami ng palaro at kung ano-ano pa. Marami naring outsider, ang iba may dalang bata ang iba naman galing sa ivang school base sa kanilang uniform. Maingay rin ang buong field.

Pumunta ako sa row kung nasaan ang mga Booth's. Hinanap ko ang dalawang magkatabi na Booth's namin. Lumapit agad ako kila Spade ng matanaw iyon.

"Morning fia! Three minutes nalang magbubukas na ang Booth's natin. Pumwesto kana dito." Tinuro ni Xharles ang ang spot kung saan ako magtitinda ng mga fruit juice.

"Ace! Come here!" Tinawag ni Khanz si Ace na kadadating palang may akbay na, na outsider na babae. Babaero!

Sumimangot naman si Ace, may binulong pa siya sa babae bago nag lakad patungo samin. "Ano? Panira kayo! May nabingwit na'ko---"

"Tss, then go flirt with that girl." Walang ganang sabi ni hari ng mga ugok.

"Dito ka! Ikaw ang magtitinda ng pie!" Naiiritang sigaw sa kaniya ni Lawrence.

"Bakit ako?" Tanong ni Lawrence.

Inikutan ko siya ng mata, "tanga ka ba? Malamang dahil ikaw ang scort, kaya kailangan ikaw ang magtinda niyan. Pero kung ayaw mo, lumayas ka nalang sa section 1-A at doon ka sa babaeng higad na nakilala mo kanina!"

Kairita niya kasi. Parang tanga!

Madramang hinawakan ni ace ang dibdib niya, "grabe ka naman sa'kin fia, ang sama-sama mo. Kaya wala ka pang jowa kasi para kang amazona! Ang sungit mo!" Tumawa naman ang mga ugok.

"Putangina niyo!" Sigaw ko.

"Tss, you sound jealous."

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Spade. "Selos mo mukha mo!"

Inirapan niya ako, napatawa naman ako. Nag mukha siyang bakla sa ginawa niya.

"Spade, kaya pala wala ka pang girlfriend kasi bakla ka! Hahahaha!"

Napalingon sa'kin ang mga ugok.

"Spade, pakita mo nga kung totoo kang bakla."

"Hahaha, lagot ka fia. Ayaw pa naman niyang tinatawag siyang bakla!"

"Spade, halikan mo nga! Bakla ka raw eh!"

"Ipakita mong lalaki ka! Ikama mo si Fia. Hahahaha."

Kumunot ang noo ni Spade ng binalingan ako, "If you want me to kiss you, you should ask not say something that can hurt my ego just to kiss you---"

"Hep hep hep! Gago ka ba Spade? Sinong nagsabing gusto ko mag-pahalik sayo? Depotaa! Sinabi ko lang na bakla kasi totoo yun! Hindi ko kailangan ng halik mo!"

"Oh really?" Panunuya niyang saad.

Inirapan ko lang siya.

"Hey guys, maaga palang. Tama na muna ang quarrel."

"Oo nga, magtinda na tayo para kumita agad."

♥♥♥

Andito kami sa canteen nag lunch si Kev at Ram muna ang nagbabantay sa booth. Si Spade at Khanz naman bumalik sa bahay nila Francis para kunin ang pie at juice na ititinda namin ngayong hapon. Matinda kasi sa mga customer ang pie at juice namin kaya ganun.

Pagkatapos kong kumain bumalik agad ako sa booth. Ala una na ng hapon. Naabutan kong inaayos ni Spade at Khanz ang paninda namin sa Booth's.

"Kami naman ang kakain. Ikaw na fia ang magbantay sa booth!"

Tumango ako kay Kev at Ram na papuntang canteen na.

"Kumain na kayo?" Tanong ko kay Spade at Khanz.

"Oo, sa bahay nila Francis. Pinakain kami ng mama niya." Sagot ni Khanz.

Kilalang-kilala na talaga sila ng mga kamag-anak ng bawat ugok. Masyado na kasi silang matagal na magkaka-klase kaya ganun.

"Hey!" Sigaw ni Ace at kumawala sa babaeng kasama niya, naglakad siya papunta sa pie booth para magtinda na.

Ngumisi si Spade, "New one?" Tukoy niya sa babae. Bago kasi iyon kumpara sa dala niya kaninang umaga.

"Oo," simpleng sagot ni Lawrence.

"Babaero ka talaga!" Sigaw ni Khanz sa kaniya.

Ngumiwi si Ace, "si Xharles rin naman ah!"

Nandamay pa ang gago.

"Bakit narinig ko ang pangalan ko?"

Lumingon ako sa kadadating palang na si
Xharles pero mas malala ang gago! Dalawang babae ang kasama. Nag paalam muna siya dito at pumunta sa gawi namin.

"Speaking of Xharles," Sabi ni Spade.

Napangiwi nalang ako sa mga babaero na'to. Jusko, makulam sana kayong dalawa!

"Pinag-uusapan niyo ba ako?" Tanong ng walang kamalay-malay na babaero na si Xharles. Hindi niya alam pinag kakaisahan na siya ng mga ugok.

"Oo bakit angal ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Mainit ulo mo ngayon ah! Gusto mo palamigin natin?" Nakangising tanong ni Xharles.

"Gago!"

"Ipakilala mo'ko sa babaeng kasama mo!" Sigaw ni Ace kay Xharles.

Umiling si Xharles. "Ang dami mo ng babae, ibibigay ko iyong Isa kay Spade, malay mo---"

"Tss, sa inyo nalang, I'm not interested." Aniya ni Spade.

Humalakhak si Xharles, "sabagay may fia ka na!"

"Walangya kayo! Umalis kayo dito, walang bumibili ng paninda natin dahil nakaharang kayo! Alis!," Pang-tataboy ko sa mga ugok.

Tumawa lang sila. Maya-maya pa dumating na ang ibang ugok sa tapat ng booth namin.

"Wala pa bang bumili?" Tanong ni jack.

"Wala pa eh," Sabi ko.

"Hintay lang kayo." Sabi ni Carl.

Naghintay pa kami ng ilang minuto pero ni-isa walang bumili ng pie at juice namin. Laos na kasi ang pagmumukha ng mga ugok. Akala ko malakas ang apel nila sa mga babae pero bakit wala paring bumibili?

"Doon tayo!" Sigaw ni Xharles at dinagit ang ibang ugok papunta sa booth na may free kiss. Basta babae talaga.

Ako, si Mykel Ace, Khanz at Spade nalang ang naiwan. Nasa gilid sila ng booth. Ako at si Ace naman na nagtitinda, nasa unahan ng Booth's.

Pinitik ni Mykel ang daliri ko. "Alam ko na kung pano bumenta ang mga paninda natin!" Masigla niyang sigaw.

"How?" Tanong ni Spade na halatang nagka-interisado sa sinabi ni Mykel.

Kumuha si Mykel ng Pentel pen at dalawang craft paper. May sinulat siya doon at dinikit iyon sa gilid ng Booth's.

Namilog nag mata ko ng makita ang sulat, "kingina mo Mykel!!! May free hug ka pang nalalaman!! Leche!"

Sumimangot si Mykel, "Free hug lang naman ah! Hindi naman free kiss."

"Hindi ako payag!" Sabay naming sigaw ni Spade at Khanz.

"Ako, payag ako!" Sigaw ni Ace.

Kung alam niyo lang, gusto niya lang maramdaman ang malaking dede ng mga babaeng yayakap sa kaniya. Bakla sana ang maging customer mong gago ka!

"Tingnan niyo ang ibang booth! Mabenta ang paninda nila dahil may free kiss at free hug galing sa muse at scort ng bawat section. Tayo nalang ang walang benta ngayong hapon!" Paliwanag ni Mykel.

Ngumiwi naman ako, "baka walang bumili dahil ako ang yayakap."

"Baka nga dumugin ka pa ng yakap eh!" Sabi ni Mykel.

Aangal pa sana ako ng may bumili na sa juice na tinitinda ko.

"Strawberry juice ang akin Miss. Huwag mo kakalimutan ang free hug ko." Paburong sabi ng bibili.

Lumunok muna ako bago siya binigyan ng juice. Niyakap niya ako at bumulong,

"Ang bango mo naman, sulit ang pagbili ko dito." At umalis na siya.

"Shit!" Sigaw ni Khanz at Mykel na hinahawakan sa braso si Spade.

"Bitawan niyo ko, sabing walang puwede yumakap kay fia!" Sigaw ni Spade.

Napalingon tuloy sa kaniya ang ibang customer ni Ace na kababaihan. Yumuko ako sa kahihiyan.

"Spade, para kang isip bata! Kailangan natin makabenta bago mag gabi!" Sigaw ni Khanz kay Spade.

Nagpumiglas parin si Spade, tumigil lang siya nang magsalita si Mykel.

"Akala ko ba wala kang gusto kay fia? Ba't parang nag se-selos ka?" Nakangising tanong ni Mykel.

Kumalma si Spade kaya binitawan siya ni Khanz at Mykel.

"Tss, fine!" Sabi ni spade.

Lumingon ako kay Ace na pila na ang kababaihan sa Booth's niya. Siya naman, mukhan enjoy na enjoy kapag may nakakayakap na malaki ang dede.

Namilog ang mata ko ng makitang pila na sa harapan ko. Potaaa! Puro lalaki.

"Pineapple juice," naglahad sa'kin ang isang lalaki na outsider ng pera.

Binigyan ko siya ng juice at niyakap niya ako.

"Kalma lang Spade," dinig kong bulong ni Khanz kay spade habang may bumibili sa'kin at yumakap.

"Tss, kalmado ako." Bulong ni Spade pabalik.

"Orange juice," nakangising sabi ng isang senior high.

Binigyan ko siya ng juice at yumakap siya sa'kin at yumakap ako pabalik. Tiningnan ko ang pila sa juice na binibenta ko. Kingina sa dami! Ganun rin ang kay Ace ang pinag kaiba lang, enjoy na enjoy niya ang pagyakap.

"Ang bango mo." Puna sa'kin ng isang lalaki na nakayakap.

Tumawa lang ako.

"Strawberry juice,"

Binigay ko sa isang grade 10 ang juice at niyakap niya ako at tinapik ang likod ko. Yumakap rin ako pabalik.

Ganun parati ang eksena, maraming lumilipat na customer papunta sa linya ng booth namin.

Ang iba bumibili ng dalawang salin ng juice para makayakap ako ng matagal-tagal. Ang iba naman tinatakip lang ang likod ko. Ang iba naman hindi na sa'kin yumayakap dahil sa sama ng tingin ni Spade sa kanila.

Hanggang sa alas singko na ng hapon. Ganun parin. May bumibili sa'kin ng juice at yayakapin ako. Ang iba bumalik pa ng tatlong beses dahil masarap daw ang juice at halatang totoong prutas Ito.

May mga babae rin na bumibili ng juice at niyayakap ako pero kadalasan lalaki.

"Ang lambot mo fia."

Binatukan ko si Jin na kayakap ko dahil bumili Ito ng juice. Alam ko kung anong malambot iyon kaya kumalas na'ko sa yakap at sinamaan siya ng tingin.

"Oh my! Si yuwence yun diba?"

"Oo nga sis, pumila siya sa booth nila fia."

Napatingin naman ako sa dulo ng pila. Shit! Andun si Yuwence nakapila at nakakunot ang noo. Kasama niya si Nick, Keiko, Bethan, Dave at Paul na nakapila rin.

"Andiyan yung ex mo," tumawa pa sa'kin ang lalaking kayakap ko dahil bumili Ito ng juice.

Paliit ng paliit ang pila, palaki ng palaki naman ang kabog ng puso ko.

"Ang sama ng tingin ni Yuwence, parang papatay ng tao," tinapik pa ako sa likod ng isang outsider at umalis.

Hanggang sa, si Paul na ang kayakap ko.

"Nagkita ulit tayo." Sabi niya at kumalas sa yakap ko.

"Ang ganda ng school niyo, kasing ganda mo." Tumawa pa si Dave at sumimsim ng juice at umalis sa pila pagkatapos akong yakapin.

"Hindi sana ako pupunta dito. Kaso nalaman kong ikaw pala ang pinunta ni Yuwence kaya sumama na'ko." Binigyan ko ng juice si Bethan at niyakap ako.

Umalis na siya sa pila, si Keiko, Nick, at Yuwence nalang ang nasa pila kaya sobrang kinakabahan ako.

"Ang sama ng tingin sa'kin nung lalaking nasa likod ah." Bulong ni Keiko habang kayakap ako.

"Pabayaan mo yun," Sabi ko ng kumawala siya sa yakap.

"You smell sweet." Inamoy pa ni Nick ang damit ko habang kayakap ako.

Napalunok ako ng makitang masama ang tingin ni Yuwence. Nakawala na sana ako sa yakap pero nagsalita ang chinito na'to.

"10 second pa please!" Sabi ni Nick at niyakap pa'ko ng mahigpit.

"Back off dude." Mariing sabi ni Yuwence sa likod niya.

Tumawa si Nick at kumalas sa yakap. Mas dumoble ang kaba ko ng tumingin ang lahat na estudyante dito sa field sa gawi namin ni Yuwence. Ang iba nagbubulong bulongan at ang iba ngumingit pa. Meron ring kinikilig at masama ang tingin sa'kin.

"Strawberry juice," ngumisi si Yuwence. 

Nagsalin ako ng juice at binigay iyon sa kaniya.

"Bibilhin ko na itong lahat na juice basta huwag ka lang magpayakap kay Yuwence."

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Spade na nakaigting ang panga.

"Oh my, may love triangle atang magaganap." Sabi ng isang babae.

Hinawakan siya sa braso ni Khanz at Mykel. "Umayos ka nga Spade," lumingon si khanz kay Yuwence. "Sige na yakapin mo na ang ex mo bro," tumawa pa Ito.

"I will buy all of this juice, basta isang araw kung kayakap si Naomi." Si Yuwence.

"No," madiing sabi ni Spade.

"Tumigil ka Spade, kung hindi susuntukin kita." Banta ni Khanz kay spade na hindi man lang natinag sa banta niya.

"Yakapin mo na!" Dinig kong sigaw ni Keiko kay Yuwence.

Napalunok ako ng humakbang palapit si Yuwence sa gawi ko hanggang sa magdikit ang katawan namin.

"Halikan mo nalang kaya!"

Sinamaan ko ng tingin si Bethan sa gilid.

Akala ko yayakapin ako ni Yuwence pero hinawakan niya ang magkabilang gilid ng beywang ko at hinigpitan ang kapit sa'kin.

Nakatingala lang ako sa kaniya, tumambol ng malakas ang puso ko ng ilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong,

"I love you Naomi, and I'll court you kahit ayaw mo. I want to win your heart again. Liligawan kita."

"Tapos na kayo?"

Napalingon ako kay Alex na naka taas ang kilay at nakapila sa likod. Kumalas ako sa yakap ni Yuwence. Buti nalang dumating siya, ayaw ko kasing sagutin ang sinabi ni Yuwence.

"Orange juice akin," walang ganang sabi ni Alex.

Binigay ko sa kaniya ng juice at niyakap niya ako. "Grabe yung ex mo, sarap sapakin sa mukha."

Tumawa ako, "edi sampalin mo."

"Haiyst, kung girlfriend kita, matagal ko na iyon ginawa,"

"Hey, Alex. Ako naman, baka maubos mo ang pabango ni fia."

Nakita kong naka pila si Khanz sa likod. Kumalas na sa yakap ko si Alex at binigyan ko ng pineapple juice si Khanz yun kasi ang sabi niya.

Niyakap niya ako at nagsalita, "kainis ng ex mo, sa beywang ka pa hinawakan."

Tumawa ako sa biro niya, "edi sapakin mo."

"Tss."

Namilog ang mata ko ng makita si Spade na nakahalukipkip at tamad na nakapila sa likod. Shit!

"Andiyan na pala si Spade, selos na selos ang puta kanina." Tinapik pa ni Khanz ang likod ko at umalis na sa pila.

Lumunok ako ng makita ang dilim ng mata ni Spade. "Orange juice." Walang gana niyang sabi habang nakatingin parin sa'kin.

Putcha! Bakit nanginginig ang kamay ko? Kingina! Ang lakas rin ng tahol ng pesteng puso ko. Anong ginawa mo sa'kin spade?

Nanginginig ang kamay kong inilahad sa kaniya ang juice. Putik naman oh!

Sumimsim siya sa juice at nilagay iyon sa booth at tumingin sa'kin. Lumunok ako sa kaba.

Nakatingala ako sa kaniya, madilim parin ang mukha niya ng lumapit sa'kin at yumuko siya ng kunti. Hinawakan niya ang batok ko at siniil ng halik. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at hindi nagalaw.

Gusto ko siyang itulak pero parang ayaw ko rin. Kinagat niya ng marahan ang pang ibabang labi ko. Napasinghap ako sa ginawa niya kaya nagkaroon ng access ang dila niya sa bibig ko.

"Wwwwwwaahaaaaaah!"

Napatakip ako sa bibig sa sobrang bilis ng pangyayari. Hinawakan nila Nick, Keiko, Bethan, Dave at Paul si Yuwence na nakaigting ang panga samantalang nakangisi si Spade na pinupunasan ang dugo sa kaniyang labi.

What the lechugas?!

♥♥♥

Classicbluepink ❣️

Продолжить чтение

Вам также понравится

176K 4.8K 61
COMPLETED. UNEDITED. You might encounter A LOT of errors. She, Christine Gemini, the fearless gangster princess, chose to disguise herself as a n...
ONLY GIRL IN THE CAMPUS fatima sabariaga

Подростковая литература

253K 8.5K 52
Ililipat ka raw sa isang all-boys school kasi nga deliquent ka raw. Tapos biglang marami nang gustong pumatay sa'yo. Shet. Ang saya 'di ba?
Living Hell Aena

Детектив / Триллер

9.3K 548 69
"Hellarious City", Isang lugar kung saan hindi tumitigil ang pagdanak ng dugo. Isang lugar kung saan laging may nagpapatayan. Kahit sa paaralan may...
Royal Academy: Perfect School For Gangsters Ela

Детектив / Триллер

638K 16.8K 84
A school that is full of mysteries. What will happen if four brave girls transfered to their school. Will the mysteries may reveal? Or it will stay a...